Third Person Point of View
“Bossing, patawarin n’yo po kami. Hindi po namin akalain na asawa n’yo po pala ang pangit— este si ma'am,” wika nito ngunit hindi sila pinakikinggan ni Louis. Galit ang namayani sa buong katawan niya. Ang bilin sa kaniya ng ama niya ay bantayan si Elaine dahil ito ang nais nilang makasal sa kaniya upang makuha niya ang mana niya at hindi lang 'yon ang dahilan niya kaya nais niyang pakasalan si Elaine, may mas malalim pa ro’n.
At isa pa, sira ang damit nito at tinadyakan pa ng mga ito si Elaine sa harapan niya na ikinaubos ng pasensya niya. Ang akala niya kasi ay kung sinong babae lang 'yon.
Dinala niya ang babae sa sasakyan niya habang nakatingin naman si Brennon. “Sir, hindi ba, 'yan ’yong babae na—” wika nito ngunit pinalayas niya lang ito ng sasakyan habang dahan-dahang hiniga si Elaine sa upuan. Nakita niya na ang pink na bra nito na mas lalong mas nakakagigil sa kaniya. Dapat siya lang ang makakakita nito at kung hindi siya dumating ay baka nagahasa na ng mga ito ang babaeng mapapangasawa niya.
Tinanggal niya ang jacket niya at ibinalot ito sa katawan ni Elaine. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng awa sa isang babae. “Brennon, guard her and call a skilled doctor. Stay outside the car and don't ever fucking go inside,” babala niya habang napalunok naman si Brennon. Katirikan ng araw at bawal pa siyang pumasok sa sasakyan ngunit mas mahal niya ang buhay niya kaysa sa aircon ng sasakyan kung kaya't tumango na lamang siya.
Bumalik sa loob si Louis habang ang mga ito ay yumuyuko sa kaniya. Nang makita niya ang mga lalaki na may sala ay agad niyang sinarado ang pinto.
“Did you know what you have done? All of you will pay for it,” galit na wika ni Louis na dumagundong sa buong silid. Ang tatlong lalaki na ito ay mga bastardo sa paningin niya. Gusto niya itong pahirapan.
“Patawarin n’yo po kami, boss. Hindi po namin alam na asawa n’yo po pala ang babaeng 'yon,” pagmamakaawa ng isa habang lumuluhod pa ang mga ito.
Tama nga ang hinala niya na hindi ito nagsisisi sa ginawa nila kundi natatakot lang ito sa kaniya, ang mga gago. Naupo si Louis sa upuan habang nakalabas ang Sig Sauer P226X5 na pistol niya at nilinis ito gamit ang magandang tela na nasa lamesa niya. Mukhang madudumihan na naman ang alaga niya.
“I don't give a damn, you almost raped my wife and you want me to forgive you? Fuck that shit, I will make sure that your family will suffer, too,” wika ni Louis saka binaril ang isa sa binti nito na ikinangiwi nito sa sakit.
Agad naman naglabas ang dalawa ng baril para barilin si Louis nang makita niya ito. Naputukan siya ng isa sa kaliwang kamay ngunit parehas niya itong nabaril sa tiyan.
“Fuck,” wika ni Louis. Ang mga ito ay tinuturing na traydor sa organization nila kung kaya't lumabas si Louis upang iutos ito sa iba.
“Release the hawks in the Del and cut their stomach open to be the breakfast of my hawks,” wika ni Louis habang ang iba naman ay lumapit sa kaniya upang tanungin kung ayos lamang siya ngunit hindi siya sumagot at nagpaputok lamang ng baril.
He was used to it. Sanay na siya sa mga ganitong barilan at minsan ay nakakaya niya ang limang bala na nakabaon sa katawan niya.
“Asshole, follow my order and stop asking stupid questions!” sigaw niya at tuluyan nang lumabas ng silid para makita si Elaine.
“Sir, ayos ka lang ba? Nasa mansion na raw po ang mga doctor. Sumakay na po kayo at ihahatid na rin kita,” wika ni Brennon na pinagbuksan ito ng pinto. Alam niyang ayaw ni Louis na dalhin siya sa ospital kahit gaano kalala ang natamo nito.
Naupo ito sa tabi ni Elaine na mahimbing na natutulog, iniangat niya ang ulo nito at ipinatong sa hita niya. Wala ang salamin nito sa mata at mukhang nalaglag ito kanina sa silid, maganda ito kahit may mga tigyawat, pero iniwas niya ang isipin na 'yon sa kaniya dahil wala siyang balak mahalin ang babaeng ito. Hindi niya hahayaang magkaroon ng kahinaan na magagamit laban sa kaniya.
Hindi ipinabuhat ni Louis si Elaine kay Brennon kahit na nagpupumilit ito. Mas pinili niya na siya ang magbuhat kahit sugatan ang kamay niya. Sinalubong sila ni Doktora Pia na nagkakape sa mansyon. “Why are you here? I said a skilled doctor and not her,” wika ni Louis ngunit sasagot pa lang sana si Brennon nang lumapit ang babae sa kaniya.
“Wala si Doctor Qwerty kaya ako ang naatasan. At mukhang may bago ka na namang fling, Montemayor. Ganyan ba talaga kapag hindi pa rin nakaka-move on sa ex mo na nasa Florida?” tanong nito habang nakangisi. Kamukhang-kamukha nito ang babaeng iniwan siya dahil sa pangarap nito.
Ang babaeng mas pinili ang makapunta sa Florida kaysa makasama siya. Ang pinsan ng babaeng nasa harapan niya at isa pa, siya naman ang nagtulak na umalis si Mariella upang hindi ito madamay sa organisasyon na kinasasangkutan niya.
—
Elaine's Point of ViewNagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas, dahan-dahan kong iminulat ang mata ko upang tingnan kung ano 'yon at may nakita akong babae habang nag-uusap sila ni Montemayor.
"Why, do you want me to add you in my collection?" maangas na tanong ni Montemayor habang nanggagaliti naman ang babae na gumagamot sa kaniya.
"Excuse me, womanizer. Huwag mo akong igaya sa pinsan ko na nagkagusto sa 'yo. Hanggang ngayon nga, iniisip ko kung ano nagustuhan niya sa 'yo, eh," wika ng babae na ikinapagtaka ko, sino kaya ang tinutukoy nila?
Kailangan ko nang lumabas, pero nakakahiya naman kung aabalahin ko ang pag-uusap nila.
“Don't ever discuss that woman in front of me,” sambit ni Louis at agad na tumayo at kumuha ng sigarilyo sa bulsa niya.
"Bitter ka pa rin ba, Louis? Huwag mong sabihin sa akin na fling mo lang ang nerd na kasama mo. From what I heard from Tita Sherry, she will be your wife because of some reason. I pity her, makikisama siya sa isang lalaki na hindi pa nakaka-move on sa ex niya," wika nito na tumayo rin para harapin si Montemayor nang bigla itong sumagot pabalik sa kaniya.
Louis pala ang pangalan nya, bagay na bagay ito sa kagwapuhan nya. Napa-iling ako sa iniisip ko, marahil ay epekto lang ito ng pagligtas ni Louis sa akin.
"Leave and don't ever insult my wife again because if you dare, I will make sure that your brain will be seperated from your body," sambit ni Montemayor na itinutok ang pistol niya sa ulo ng babae.
Hindi mapigilan ng pisngi ko na mamula sa ginawa nyang pagtatanggol ngunit, hindi dapat ako kiligin sa sinasabi nito dahil maaring peke lamang ang lahat ng ginagawa nya para sa akin. Marahil ay sinabi nya lang ito dahil ayaw nyang mapahiya, tinanggal ko sa isipan ko 'yun at patuloy na nakinig.
Hindi naman natinag ang babae at ngumiti lang sa kaniya. "Good luck for that at sana magtagal kayo," wika nito pabalik at tuluyan nang umalis sa Mansion. Dali-dali akong bumalik sa kama upang magpanggap na natutulog dahil papasok si Montemayor sa silid.
Tanging naririnig ko lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kasabay no’n ang ingay ng kama dahil may tumabi sa akin. Napahinga ako nang malalim habang inaamoy ang perfume niya.
Masyado itong mabango.
"I know you're awake. Let's have some dinner, wife," wika niya na hindi ko alam ang gagawin ko, kung magpapanggap ba ako na natutulog o ididilat ko ang mata ko.
However, kailangan kong umuwi na sa bahay dahil lagot ako kay Itay lalo na kapag nalaman niyang nasa bahay ako ng ibang tao at lalaki pa.
"Hindi ka ba didilat diyan o gusto mong patirikin ko ang mata mo? How about that, Mrs. Montemayor?" bulong niya habang ang hininga niya ay nagbibigay kiliti sa aking tainga.
Agad naman akong napadilat sa sinabi niya at akmang tatayo na nang bigla niya akong hilahin pabalik sa kama. "Let me eat you first," wika niya na ikinakaba ko. Ano ba ang akala niya sa akin, pagkain?
"Ano ba ang sinasabi mo? Tara na, gutom na kasi ako," pagdadahilan ko ngunit narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"Okay, I will just change my clothes. You should wait me outside, or here if you want to see my luxurious body," sambit niya na agad kong ikinatakip ng mukha nang bigla niyang hubarin ang T-shirt niya.
"Lalabas na ako," sagot ko habang dali-daling tumatakbo palabas ng kwarto nang bigla niyang harangin ang door knob ng pinto na agad kong ikinaharap.
"Don't you want to see my body?" tanong niya habang nakatitig sa akin na agad kong ikinaiwas dahil sa hiya.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Napakabilis ng tibok ng puso ko na parang nakikipagkarera sa liyebre.
"A…a-no kasi," nauutal na wika ko nang bigla niyang ilapit sa akin ang katawan niya. Sinusubukan niya ba ako?
"We will be married next month, maybe we should do our honeymoon now. What do you think?" tanong niya habang tagaktak naman ang pawis ko kahit napakalakas ng aircon dito sa loob ng silid.
Kaya lang, hindi naman ako pumayag sa kasal na sinasabi niya at ang tanging alam ko lang ay may utang si Itay sa kanila.
"Anong kasal ang sinasabi mo?" tanong ko habang dinidistansya ang katawan niya sa akin.
Kaya ako napunta rito sa kalagayan na ito dahil sa nais kong malaman ang tungkol sa kasal na ayaw sabihin sa akin ni Itay. Mukhang malalaman ko na ang katanungan ko ngayong araw.
"Why, didn't your father tell it to you? Oh, that old hag is really a headache. Maybe I should kill him," wika niya na ikinalaki ng mata ko kaya agad ko siyang tinulak at nagsimulang sumigaw.
"Don't ever try to do that. I swear, I will call a police to sue you!" sigaw ko ngunit bigla niya akong hinalikan na agad kong ikinagulat at nasampal ko siya. Ano ang akala niya sa akin, maaari niya akong halikan sa kahit anong oras niya gustuhin?
"Fuck, why did you do that?" asik niya habang hinawakan ang kamay ko na ikinadaing ko dahil sa sakit.
"I’ll tell this to you once. Never ever try to run away from me because from now on, you’re my property and if our marriage will not happen next month I will kill your father because in order for him to pay his debt, you should be my wife," wika niya na ikinahina ng katawan ko. Parang kanina lang ay ayos pa ang pakikitungo niya sa akin, ngunit ngayon, para na siyang isang nakakatakot na nilalang dahil sa ginawa niya.
Lumabas siya ng silid habang naiwan akong nakanganga. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang buong kuwento, pero malinaw na sa akin na ako ang gagawin nilang kabayaran sa lahat ng utang ni Itay.
—
"Ma'am, pinapababa na po kayo ni Sir Louis. Kumain na raw po kayo kasama siya. Huwag n’yo na raw po siyang hintayin na buhatin ka," sambit niya habang nakayuko. Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala ako nag-iisip tungkol sa kasal.Hindi ako natinag sa sinabi niya at hinayaan na umalis ito. Kailangan ko nang umuwi at mas mabuti siguro kung pipilitin ko si Itay na magsalita tungkol dito.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto at tumambad rito si Montemayor na nakakunot ang noo.
"Let's go, you should eat now to gain your energy," wika niya habang binuhat niya naman ako na parang sako ng bigas sa kaniyang balikat. Magagalit si Itay kapag hindi pa ako umuwi ngayong gabi at siguradong magsusumbong agad ito kay Kaizer.
"Ibaba mo ako, kailangan ko nang umuwi!" sigaw ko habang naglilikot para ibaba niya ako nang biglang may magsalita sa harap ni Louis.
"Elaine. . .," wika nito at nang itaas ko ang paningin ko ay nakita ko si Kaizer na nakatayo habang ang kamay niya ay nasa bulsa.
Anong ginagawa niya rito?
Elaine's Point of ViewAgad akong nagpumilit bumaba sa pagkakabuhat ni Montemayor, ngunit sa sobrang lakas niya ay hindi ko ito magawa kaya napabuntong-hininga na lamang ako.Mukhang wala akong choice kundi kausapin si Kaizer sa harapan niya.“Kaizer, anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang lumitaw sa mansion ni Montefalco, eh hindi ko pa nga natatawagan si Itay dahil natatakot ako na baka mag-panic ito.“Wife, how did you know him?” sabat ni Montemayor habang nakataas naman ang kilay niya dahil sa pagtataka.Hindi ko gusto ang posisyon namin dahil nasa balikat niya ako habang nakahawak siya sa gawing baywang ko upang hindi ako mahulog kung kaya't nakaharap ako kay Kaizer na parang ahas.“Anong wife ka riyan? At saka, p'wede bang ibaba mo na ako? Nahihirapan na kaya ako sa posisyon na ganito,” reklamo ko habang sinusubuka
Third Person's Point of View“What do you need, asshole? You're ruining my dinner with my wife,” asik ni Louis kay Tyron, ang pinsan niya na isang may-ari ng hospital. Bukod pa rito ay isa itong private investigator.“Really, you have a wife now? As far as I remember, you hired me to find where Mariella was and now that I got the information, you're mad at me,” pasumbat na sagot ni Tyron habang nasa garden. Ayaw iparinig ni Louis kay Elaine ang sinasabi ni Tyron, lalo na at bukas ay magtutungo rito ang ama niya upang pag-usapan ang kasal.“Where is she?” tanong ni Louis. Nais niyang makita ang dalaga. Pagkatapos kasi niyang makipaghiwalay rito ay ngayon lang sya ulit nagkaroon ng impormasyon tungkol kay Mariella.“At my hospital. By the way, can I have your wife as the payment?" direktang tanong ni Tyron kay Louis, ngunit agad namang naglabas ng baril si Louis at tinutok ito kay Tyron.“What did you s
Third Person's Point of ViewNapasinghap na lang si Elaine at agad na tinulak palayo si Louis, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.“Lumabas ka na, Louis. Naliligo ako,” wika ni Elaine. Hindi naman maipinta ang mukha niya dahil sa pangalan na binanggit ni Louis. Sa totoo lang ay wala naman siyang karapatang magalit dahil wala naman siyang papel sa binata kundi ang maging kabayaran ng ama niya sa utang nito sa pamilya ng Montemayor.Alam niyang hindi rin siya gusto ng lalaki na nagpunta sa silid niya kanina dahil ito pa nga ang nagsabi sa kanya na huwag nang hintayin si Montemayor dahil may gagawin pa ito kasama si Mariella.“Wife . . . I'm sorry, I know it's you,” bulong ni Louis habang ang hininga na nanggagaling sa bibig nito ay tumatama sa leeg ni Elaine na nakapagbigay sa kanya ng kakaibang init.“Ano ba, Louis, lasing ka na, lumabas ka nga!” sigaw niya sa binata, ngunit ang totoo ay parang m
Third Person’s Point of ViewNang makarating si Louis sa basement ay agad niyang sininghalan ang tumawag sa kanya na si Volstrige dahil sa panggagambala nito sa kanila ni Elaine.“You should know the consequence of what you did,” singhal ng binata habang dahan-dahang inilalabas ang isa sa paborito niyang pistol na Beretta 92 na mula pa sa Italy. Ibinigay ito ni Jacob sa kanya noong umuwi ito sa Pilipinas upang i-celebrate ang bago nitong negosyo na tungkol sa mga alak.Agad na nagtago sa likod ni Alex si Volstrige, ngunit agad naman siyang hinatak palabas ni Brennon. “Boss, pakibaril na po ang womanizer na ito. Muntik na rin po ako mapahamak dahil sa kanya no'n, e,” natatawang sumbong ni Brennon habang hindi naman maipinta ang mukha ni Volstrige.“Gago ka ba, wala naman akong ginagawa sa 'yo, ah!” asik ni Volstrige. Nagsimula lang mag-away ang dalawa na ikinainip lang ni Louis.“I will kill the both o
Third Person's Point of View“Wife, bakit ang tagal mo namang pumasok? Does Louis have another fling again?” tanong ng isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Louis, ang kaibahan lang ay mababakas mo rito ang katandaan kahit na ang hitsura nito ay parang teenager lamang.Napahinto sa pagla-lock ng sasakyan ang lalaki nang makita si Elaine. Kilala niya ito sa mukha dahil siya ang nag utos kay Louis na pakasalan ang dalaga.“Who are you, miss, and why are you in my son's mansion? Explain yourself,” masungit na wika ng babae habang nakataas ang mga kilay nito. nakatingin ito kay Elaine na hindi alam ang isasagot dahil wala namang sinabi ang binata na dadating din ang mga magulang nito.“A...a-ko po? Ah...uhm,” nauutal na sagot ni Elaine. Pinigilan lamang ng ama ni Louis ang ina nito sa paghawak sa buhok ng dalaga dahil siya ay sinabunutan na nito palabas.“Wife, she is the woman that I'm saying to Louis. For Pete
Third Person's Point of ViewHindi mapakali ang butler ni Sirius habang papunta sila sa kulungan. Sa totoo lang, sa anim na taon niyang serbisyo sa ginoo ay ngayon lang nangyari ang ganito sa kanyang amo. Magagalit ito sa kanya pagdating nila at kasama niya ang dalawang pinsan nito. Ang pinakaayaw kasi nito ay humingi ng tulong sa kahit na kanino lalo na sa mga taong kilala niya.Ayaw nitong mahusgahan. Noong one time nga ay halos patayin na siya ng binata dahil sa pagsusumbong niya sa magulang nito na pinakaayaw ng binata. Nais nitong manirahan nang walang hinihinging tulong sa iba, ngunit wala nang magagawa si Sirius dahil masyadong malala ang problema nito na ikakawala ng kompanyang iniingatan niya.“Can you tell us what really happened?” tanong ni Kaizer habang abala si Louis sa pagtingin sa cell phone niya, kanina pa kasi tawag nang tawag ang ina niya na umuwi na siya sapagka't narito na silang lahat upang pag-usapan ang kasal. Gustuhin niya man
Third Person's Point of ViewMabilis na pinaharurot ni Louis ang sasakyan. Sa totoo lang ay nag-aalala siya sa dalaga lalo na't ang ina niya ang nagsabi na may nangyaring masama rito.“Damn,” mura niya habang hinahampas ang manibela dahil sa traffic. Kung kailan naman siya nagmamadali saka pa nagkaroon ng traffic sa area na ito.“Can you calm down? As if you can stop the traffic with that, idiot,” wika sa kanya ni Kaizer, ngunit sa totoo lang ay kanina pa nanginginig ang kamay niya sa takot na may nangyari talaga kay Elaine. Matagal na siyang may gusto sa dalaga, ngunit pinipigilan niya ang sarili sa tuwing nagkikita sila dahil baka mas magulo ang isip nito sa mga nangyayari.Sa totoo lang ay mas kilala pa nga niya si Elaine kaysa mapapangasawa nito. Wala naman siyang magagawa tungkol sa bagay na 'yon lalo na't hindi siya sigurado kung gusto rin siya ng dalaga. Kung maaari lang ay itatakas niya ito at mamumuhay sila nang simple, pe
Third Person's Point of View“Montemayor, ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo,” wika ng dalaga na nakatingin sa mukha ni Louis na namumutla. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lang ang reaksyon ng binata sa picture niya kasama ang kanyang ina na kalong-kalong siya sa mga bisig nito.“Kaano-ano mo ang babae na 'yan?” tanong ni Louis. Gulong-gulo ang isipan niya dahil sa nangyayari, ngunit bigla na lamang sumakit ang ulo niya. Bumabalik na naman ang alaala ng kanyang dating yaya sa kanya.***“Lou-lou, hindi ka dapat lumalabas ng ganitong oras. Siguradong mapapagalitan ka ng 'iyong ama,” pangaral sa kanya ng paborito niyang yaya na si Serena. Mabait ito at laging inuuna ang feelings niya. Sa totoo lang, ito lang ang unang tao na nakakita sa kanya na umiiyak lalo na sa tuwing pinapagalitan siya ng kanyang ama.“But I want to go to Uncle Liam's mansion. He will probably get mad at Sirius because of w
Elaine’s Point of ViewNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng isang malakas na tunog ng ringtone na nagmumula sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” usal ko habang nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at binalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis habang kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha nya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ko ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin nang unang pagtatalik namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni
Elaine’s Point of ViewNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at narito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nila Tita Hacel,” aniya habang hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala s’yang kaalam-alam kung ano ang meron sa pagitan namin ni Louis. Hays, hindi ko s’ya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kanya ni Volstrige ang bagay na yun.“Pasensya na, mukhang na-late na naman ako. Gumamit kasi ako ng restroom saglit,” usal ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko, dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito dahil may balak akong ibigay sa’yo
Elaine's Point of ViewNang magising ako ay kaagad kong tiningnan ang paligid, ito pa 'rin ang silid kung saan ako dinala ni Ashton.Ibig sabihin ay totoo ang nangyari kanina, akala ko ay isa lamang bangungot.Napasapo naman ako sa noo ko ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Ashton tungkol sa relasyon namin ni Louis.Wala akong kaide-ideya na may gano'n pa lang kasunduan na nagaganap sa pagitan namin.Ang akala ko ay ang kasal namin ay kabayaran sa utang ng aming pamilya sa mga Montemayor, ngunit, mukhang nagkakamali ako.Hays, ano pa nga ba ang inaasahan ko?Ito ang kabayaran sa pagtitiwala ko ng sobra, kung alam ko lang ay hindi ko na sana binuksan ang puso ko sa isang tao na balak lang na gamitin ako laban sa ibang organisasyon.Hindi ko alam pero wala akong balak gumalaw mula sa kinauupuan ko parang bumigat ang buong ka
Warning: Prepare your tissue before reading this chapter.Elaine's Point of ViewDahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, kaagad naman bumungad sa akin ang isang malaking chandelier na kumikinang.Nang sinubukan kong umupo ay bigla akong napahawak sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot nito."It looks like you're awake," wika ng isang maskuladong boses na kaagad kong ikinalingon sa kaliwa ko.Kaagad akong napanganga nung makita ko si Ashton na walang suot na pang-itaas habang prenteng prente na nakaupo at nakapa-krus ang kanyang hita at braso."Bakit ka narito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ngunit, ngumiti lang s'ya sa akin at dahan-dahang tiningnan ang bandang dibdib ko."I think you should dress up before talking to me. How about that?" nakangising tanong nya at tumayo upang pumunta sa closet.
Elaine's Point of View“Excuse me,” usal ko sa mga guest na nakaharang sa dinadaanan ko.“Watch out, miss,” singhap ng waiter nung aksidente ko itong matunggo.“Fuck. The clumsiness of yours ruined the dress of my fiancée. Look what you've done,” asik ng isang lalaki na nakasuot ng tuxedo. Sa tindig pa lang niya ay masasabi kong isa ito sa mga business partner ng kompanya nina Louis at um-attend sa kasal namin upang magpalakas sa ibang mga negosyante na narito.“I'm sorry about that, but I really need to go,” sagot ko. Akmang maglalakad na sana ako nang biglang hilahin ng babaeng kasama niya ang kanang braso ko.“How rude of you! Nakaperwisyo ka na ngang babae ka, ikaw pa ang may ganang talikuran kami? Hindi mo ba alam kung sino kami, ha?” singhal ng babae. Naagaw niya ang atensyon ng ibang mga guest na mal
Elaine's Point of View “Ayos ka lang ba, baks?” tanong ni Baklang Elena nung idilat ko ang mga mata ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha kung kaya't binigyan ko s'ya ng isang pekeng ngiti. “Oo. Medyo nainitan lang siguro ako sa suot kong gown,” sambit ko. May halong katotohanan naman ang sinagot ko dahil medyo mainit nga sa katawan ang aking suot na gown dahil kanina pa lang sa simbahan ay pinagpapawisan na ang kilikili ko. “Jusmiyo ka, baks! Kinabahan naman ako sa'yo. Kapag may nangyaring masama, ako ang mate-tegi sa asawa mo,” wika ni Baklang Elena habang inaalalayan ako patayo. “Ano ba 'yang nasa likuran mo? Bakit tinatago mo?” dugtong na tanong niya na ikinalunok ko dahil sa kaba. Akmang kukuhanin niya na sana ang regalo ng bigla akong makaisip ng dahilan. “R-regalo ni Sandra para sa honeymoon namin ni Louis,” sigaw ko na ikinatigil niya. Sumilay ang ngisi sa labi ni Baklang Elena dahil sa iwinika
Elaine's Point of View Nang mayari ang naganap na kasalan ay sari-saring pagbati ang natanggap namin ni Louis. “Congratulations sa inyo,” usal ni Sandra at iniabot niya sa aming dalawa ang isang nakabalot na regalo. “Ikaw talaga, hindi ka makapaghintay na makapunta tayo sa venue bago mo iabot ang regalo,” singit ni Lexy. “I know that my gift would be useful in their honeymoon. So I'm very excited to give it and besides, baka makalimutan pa nilang dalhin kung mamaya ko pa ibibigay,” sagot ni Sandra na agad kong ikinanganga. “Look at Elaine's face, mukhang nagulat siya sa sinabi mo,” wika ni Lexy at umirap pa kay Sandra upang lapitan ako.
Elaine's Point of ViewTaimtim kong tiningnan ang sarili ko sa isang malaking bilog na salamin na nasa loob ng silid.Masasabi kong napakaganda talaga ng pagkakalikha sa puting mermaid gown na suot ko ngayon.“Oh, ’di ba. Bagay na bagay sa 'yo ang gown na napili mo,” usal ni Mrs. Rea habang dahan-dahang lumapit sa akin upang ayusin ang buhok ko.“Sadyang napaka-perfect lang po ng pagkakagawa mo,” sambit ko at ngumiti nang kaunti. Medyo kinakabahan kasi ako sa mangyayari mamaya.Magugustuhan kaya ni Louis ang gown na suot ko?Napailing na lang ako sa naisip ko.Masyado na naman akong umaasa porket nagbago ang pakikitungo niya sa akin nitong nagdaang araw.“Naku, iha, maganda kasi ang magsusuot kaya bumagay ang gown at isa pa, ilaylay mo na lang ang buhok mo rito sa kanang balikat para ma-emphasize ang earrings mo,” dugtong ni Mrs. Rea na ikinatango ko.“Maupo ka na rito, Mrs
Elaine's Point of ViewMaaga akong nagising dahil ngayong araw gaganapin ang competition na ihe-held sa St. Montesseri Gym.Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan na niluto ni Blaire habang kasabay ko si Louis na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Wala ni isa sa aming dalawa ang nais basagin ang katahimikan. Sabagay, ginagawa lang naman namin ang pagpapanggap na ito dahil malapit na ang kasal namin kung kaya't kailangang makumbinsi namin ang mga tao na masaya kami sa isa't isa.Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na ikinabaling ng tingin sa akin ni Louis.Noah is calling…Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag dahil alam ko namang magagalit siya sa oras na marinig niyang kausap ko si Noah, pero baka importante ito kaya wala akong nagawa kundi pindutin na lamang ang accept.“Hello, Noah?” panimulang tanong ko habang kinakain ang meatball na nasa plato ko. Napakasarap talagang magluto