Share

Chapter 2

Sa hitsura ng mga lalaki na malalaki at matipuno ang mga katawan para itong mga men in uniform pero naka civilian. Biglang natakot si Berting at napaisip sa taong yakap niya. Hindi kaya ito ang pakay nila. Paano kung masamang tao ang hawak niya ngayon .Paano na?"

"Anak ng kabute naman, sawi na nga siya kay Teng pati ba naman sa buhay masasawi pa. Ipinaganak ka bang may Balat sa tumbong ha Roberto Dela Cruz?" bulong ni Berting sa sarili.

Palapit na sa kanila ang mga lalaki kaya niyakap ng mahipt ni beting ang tibo at sinunod ang utos nitong isubsub din ang ulo at mamgkunwaring tulog. Mabuti na lang at nasa dulo ng mga upuan sila pumuwesto kahit papaano ay naantala ang papglapit ng mga lalaki.

Pasilip na ang dalawang lalaki sa kanila ng sumipol ang lalaki sa unahan saka sumenyas ng tara na. Mabilis na umalis ang mga Kalalakihang naka barong. Agad namang isinara ng driver ang pinto nag aircon na bus saka umalis na ng terminal.

Si Berting naman ay nanatiling pigil ang hininga. Umalis na ang mga yun pero ang nakaamba sa buhay niya ay naroon pa rin. Yakap pa rin niya ang tibong hindi niya maisip kung hinuholdap ba siya o ano ba ang nais?

Hindi na ito nagsalita pa, tahimik na itong nakasobsob sa dibdib niya. Kaya tumahimik na lang din si Berting para hindi mapasama ang sitwasyun niya. Pinakikiramdaman niya kung dumidiin ang patalim sa tagiliran niya pero mga halos labing limang minuto na ang lumipas wala naman siyang hapding nararamdaman ibig sabihin hindi naman itinutusok ni Tibo ang kutsilyo kaya safe pa siya.

Natawa si Berting sa sitwasyun kalaunan. Ngayon lang kase siya naka encounter ng holdao na ganito. Kadalasan kase sa holdapan ay sasabihin ng Holdaper na....

"Hoy holdap ito taas ang kamay o kaya Hoy holdap to labas mo wallet mo" ganun dapat. Pero ang holdaper na katabi niya ay kakaiba ang teknik.

"Hoy holdap ito yakapin mo ako" Si Berting na din ang natawa sa mga naiisip niya.

Nanatili na lamang si Berting na nakayakap sa katabi.Hindi na niya iniyuko ang ulo pero ipinilit ang mga mata. Mahaba haba pa kasing byahe ang tatahakin niya. Pa moment na sana siya ng baliktanaw sa masasaya nilang alaala ni Athena ng magsalita si Tibo.

"Wala na ba sila, yung mga X-men wala na ba? Umalis na ba?" Pabulong na tanong ni Tibo sa sobrang hina ng boses.

Sasagot na sana si  Berting na wala na ang mga hinahanap nito ng bilang magpreno  ang bus kaya napahigpit ng yakap si Berting sa tibo para hindi sila masobsob. Nangsipagreklamo ang mga natutulog ng pasahero sa driver ng bus pati na din si Berting ay nakisilip.

Nagkaroon ng komusyun sa labas at may kumalampag ng nakasarang pinto ng Bus.Alarma ang driver at konduktor ganun din ang ilang pasaherong nasa unahan.  Natakot ang mga eto kaya naging aleto rin si Berting at mas nayakap ang taong nakasobsob ng mahigpit sa kanya.

“Buksan mo Bilis” utos ng mga tao sa labas.

“Diego umakyat ka, check mo baka nariyan siya” utos ng isang lalaking may autoritibong boses. Narinig ni Akesha na binuksan ng driver ang automatic na pintuan kaya nagpanic ang dalaga. Kilaa niya ang nangutos na iyon. Kilala niya ang boses nito at alam niyang makikilala siya ng mga tauhan nito.

Kaya hindi na nagisip pa si Akesha ginaya ang mga teknik sa Korea Novela at ang eksena ni Katryn at Alden sa Hello Love Goodbye. Bigla nitong kinabig ang mukha ng lalaking kayakap at saka siniil ng halik, nanigas bigla ang lalaki.

Mas siniil pa ito ni Akesha kaya halos mapahiga na sila sa upuan ng bus, pero dahil nagulat din ay pumalag si Berting at inilayo ang tibong humahalik sa kanya pero agad itong yumuko kaya di naman niya namasdang maige ang mukha. Ang nakita lamang niya ay  ang magandang labi ng  tibong kasama.

“Doon, Check mo sa dulo” utos ng isang lalaki mga hindi na ito nakabarong kundi mga naka leather jacket at ang iba ay nakamaong para silang mga kontrabida sa pelikula ni FPj.

Lalong nag panic si Akesha kaya sumiksik ito sa ilalim ng silya ng  Bus at pinagkasya ng dalaga ang sarili. Nakatulong naman ang kalong  ni Berting na itim niyang travelling bag at ang mahahabang  hita nito para makapagtago si Akesha. malabo nga namang isipin ng mga hunghang na ito na sisiksik siya sa ilalim ng bus.

Siya Si Akesha Larazabal ay sisiksik sa mainit at maruming ilalim no way....! yun ang maiisip nila, ganun kase ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya ganun kase siya. Makalipas ang ilang minuto ay  nagsi baba na ang mga kalalakihan at nilisan ang Bus, ipinagpasalamat naman ng driver at kondoktor na walang nasaktan o sinaktan sa mga pasahero nila ang mga lalaking may dalang baril. Maya maya ay narinig ni Akesha na sumara na ulit ang pinto saka muling umandar ang bus. Pero si Akesha ay hindi na muling umalis sa ilalim ng upuan.

Pag hinto ng bus sa isang bus station matapos ang halos tatlong oras  ay tinangka ni Berting na silipin ang babae at kausapin sana para tumayo na at baka hindi na makagalaw. Kung ang mga lalaki ng tinataguan nito ang inaalala ay sasabihin niyang wala na ang mga iyon pero bago pa niya masabi ay tumayo na ang  tibo saka mabilis na bumaba ng bus.

Naiwang lito at tigalgal si Berting. Napakaweird ng experience niya sa Bus na ito. Una naholdap siya ng yakap, ikalawa nadukotan naman siya ng halik at sa labi pa. Ano pa kaya ang susunod na nanakawin sa kanya. Puri na kaya?

Sinilip pa ni Berting ang tibo ng makababa na ng Bus pero dahil madilim na sa labas hindi na niya nakita kung saan ito nagpunta. Walang kaalam alam si Berting na sumampa lamang ang  tibo sa sumunod na Bus. Yung ang paraan ni Akesha para hindi ma trace ang sinasakyan niya.

Nagawa lamang umidlip ni Akesha sa ikatlong bus na nalipatan at doon lamang niya nagawang muni munihin ang mga naganap sa unang Bus na nasampahan. Ang lalaking nakayakapan  at ang  lalaking hinalikan niya ay palagi ng sumasagi sa kanyang isipan.

Nakakatawa heto siya at tumatakas upang hindi maipakasal sa lalaking  kasing edad na ng kanyang ama, at ang tangin rason lamang ay utang ng kanyang ama ang buhay sa taong iyon at siya ang  magsakripisyo sa utang na hindi naman kanya.

Ang isa pa sa dahilan ay suklam siya sa taong iyun na bukod sa hambog na at saksakan ng yabang. Ilang beses na ba niya itong nasasampal dahil madalas siyang nakawan ng halik at sabihing pagaari  siya.

“Over her dead body. Magkamatayan na hindi ako pakakasal sayo Felix” bulong ng dalaga saka ibinaba pang lalo ang hoody at sinubukang umidlip.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
NovelLover
ang ganda ng pag ka hold up sayo berting..si Akesha lang ang may kakayahan na gawin yan..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status