"What? snake? What do you mean teka may ahas dito..Sure ka ba?bakit hindi sibabi sa akin.Ang tagal ko na dito"Sabi ni Akesha sabay kumapit sa leeg ng papaalis at papatayo na sanang si Berting."Hindi naman sure kung meron nga kaso madamo sa likod saka nagsimula ng mag tagulan kase. Last month kase summer malamang nasa ilalim sila ng lupa."Wag kang magalala bukas na bukas din papagapas ko yang damo sa likod para safe okay"Sabi ni Berting na kinampante ang kalooban ng guest. Nakita niyang namutla kase ito sa takot."Hoy teka, ano kase iiwan mo ako magisa? No way wag mo ako iiwan hanggat di pa nadadamuhan dyan Hanggang di pa safe eh huwag mo ako iiwan dito" Sabi ni Akesha.Natatawa ang dalaga dahil nakakuha siya ng dahilan para mas magtagal ang lalaki sa tabi niya.Kaya naman ng inisip ng lalaki na nang tumili siya ay baka nakakita siya ng ahas o alupihan ay hindi na niya kinorek bukod kase sa masarap sa pakiramdam ang yakap nito at buhat pa siya ay ang sarap sa puso na may nagpoprotek
"Ahh Berting marami naman itong food na inorder ko saluhan mo na lang ako.Malungkot kumain magisa" sabi ni Athena."Kaya mo na yan miss nagawa mo na ng isang buwan yan eh" sigaw ni Berting mula sa loob. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa diskarteng bulok ng babae."Ano ba trip nito? ganito ba talaga ito ka KSP.Walang takot na namuhay dito magisa pero pa feelihg mahina " sabi ni Berting matapos huminga ng malalim at isoli ang walis tambo sa likod ng pinto. Lumabas si Berting at nakita niyang matamlay na kumakain ang babae. Nakonsensya siya sa pagiging prangka kaya bumawi si Berting."Kumain ka na miss Sha busog pa kase ako, sa susunod sakto mo ang alok kapag tirik mata ko sa gutom" sabi ni Berting pero dahil nahihiya ay tumalikod agad siya.Kaya hind niya nakitang lumiwanang ang mukha ng dalaga.Matapos kumain ng babae at matapos maiayos at makalkula ang mga dapat gawin ay niyaya na ni Berting ang babae na sa kanila muna tumuloy habang kinukumpuni ang mga bagay. Nagulat man ang
"Miss Akesha anong....?" napabalikwas bigla si Berting kaya nagkauntugan sila ni Akesha. Nagulat at nasaktan naman si Akesha kaya nahawakan ang noo.Nakatukod kase sa gilid ng sofa ang kamay niya na siyang support niya para hindi tuluyang mangodngod sa mukha ng lalake. At dahil sa mga biglaang kilos at taranta ay na out balance na nga si Akesha sabay naman sa pagbangon na si Berting kaya nasobsob siya sa dibdib ng lalaki. Nabigla naman si Berting kaya nayakap niya bigla ang babae dahil akala niya mangongodngod ito sa kawayan na sofa.Katahimikan ang nangyari, parang huminto ang mundo.Yakap ni Berting si Akesha at nakayakap din si Akesha sa bewang ni Berting. Walang kumilos walang nagsalita.Tanging hininga lang nila ang maririnig ng isat isat. Tunog ng tuko ang gumambala sa moment nilang iyon.Si Berting ang unang kumalas."Pambihirang tuko kj din""Ah eh miss Akesha, pasensya na akala ko masosobsob ka eh. Ano bang ginagawa mo dito sa baba?may kailangan ka ba?"Paiwas ang tingin na tan
Ang paisa isang tilaok ng tandang ng yumaong amahin ang senyales na alas dos na ng madaling araw.Bumigat na ang mga mata ni Berting at ipinagpapasalamat niya iyon.Makakatulog na rin siya sa wakas. Titingala sana si Berting sa kusina at aalamin kung nakaalis na ang babae ng marinig niya ang boses ng ina.Nakababa na ito ng hagdan. Maaga talaga ito bumabangon at nagba banyo."Diosmiyo marimar, bakit ka dito natulog Akesha? Naku papapakin ka ng lamok baka magkadengue ka pa naku yari tayo sa tatay mo. Bakit mo ba dito naisipang matulog? Hindi ka ba komportable sa higaan mo?pasensya ka na malayo sa malambot mong kama ang banig pero tiyagain mo na.Kailangan mong maging matapang Iha" Bunganga ng kanyang ina ang tuluyang nagpabangon kay Berting."Ay siya kung hindi ka komportable sa silid na maliit na yan ay doon ka na lang sa silid namin kahit papaano ay may kasama ka pa" dagdag na sabi ng kanyang ina.Napabalikwas na ng tuluyan si Berting. Pupungas pungas na nagkunwari si Berting na kakagis
"OMG...nandito na naman ang nakakabuwisit na shokoy na ito" Nang maaalala ang nakaraang engkwentro niya ay medyo lumapit si Akesha sabay dumampot ng bato at ibabato sana sa loob ng bangka para makaganti pero sa huling sandali ay nagbago ang isip ni Akesha kaya ang dagat na lang ang pinagbabato."Hoy mga pangit na shokoy at Undin magsilabas kayo riyan hinahamon ko kayo. Ano? lumabas kayo dyan?Sabi ng haring shokoy nyo matatakot daw ako sa inyo hah..pwes lumabas kayo dyan" Sigaw ni Akesha na sinasadyang magingay at paringgan ang ang ahokoy na nasa bangka na kumukuyakoy pa."Malamang lasing na naman ito" sa isip isip ni Akesha."Hoy! Baby Shark... ang ingay mo tulog ang hari ng mga shokoy kaya tulog din ang mga undin at kurimaw" Sigaw ni Berting na natatawa. Kilala niya ang boses na iyon.bAlam niyang si Akesha iyon""Tulog eh sumasagot ka nga. Ang sabihin mo wala talagang undin dito tinatakot mo lang ako noon.Teka bat ganyan ang boses mo para kang si Kiko Matching" Sabi ni Akesha."Pwed
Pagpasok naman ni Berting ay nakita niyang mahimbing ng tulog ang babaeng kasintahan niya daw.Napangiti si Berting tapos ay napailing sa nakitang tanawin sofa. Hindi ata aware ang babae na lalaki siya, na may lalaki sa loob ng bahay nila.Deretso si Berting sa silid ng dalaga at kumuha ng kumot saka kinumotan ang babae dahil nakasuot na naman ito ng malambot na maiksing short.Nakakalamang na naman ang mga lamok.Pagkatapos kumotan ay naginit ng tubig si Berting at nag kape.Umupo ulit ito sa may paanan ni Akeaha hawak ang karton at kape.Muling binantayan ni Berting si Akesha at paminsan minsan ay pinapaypayan.Tumayo lamag ang binata ng magaalas kuwatro na.Gumayak siya para magtungo sa pantalan at maghanap buhay. Ang kaso naging malulungkutin si Akesha ng mga sumunod na araw dahil nagigising siya parating wala na si Berting sa bahay dahil may trabaho na at pagkatapos ay maghapon ding wala.Minsan uuwi ito ng gabi pero nakainom naman kaya tulog agad sa sofa minsan naman ay hindi uuwi
Sabado ngayon at araw ng suwelduhan.Posibleng may mga galing sa bayan at nanggaling sa bahay aliwan o kaya baka may nanghuhuli ng mga alimasag o naglambat ng hipon at madaanan na ganito ang hitsura ng girlfriend niya."Susmaryosep...!.... Akeshaaaaaa...!!"sigaw ni Berting sa galit na tono. Kung bakit ay hindi rin niya maipaliwanang.Saktong nang tinakbo niya ang dalaga ay siya namang pagsulpot ng de motor na bangka at padaong malapit sa kinaroroonan nila. Mukhang may nanghuli ng hipon. Sa gabi kase maligaligcang mga hipon kaya doon ito madaling dakmain. Sakto namang lumingon si Akesha. Sa nebiyos ni Berting na makikita ng mga mangingisda ang kahubaran ng dalaga ay niyakap ni Berting si Akesha at itinalikodSaka inupo sa tubig para maitago ang hitang ki puti puti.Nagulat at nabigla naman si Akesha kaya napahawak sa batok ni Berting nawala ito sa balanse kaya imbis na pauupuin lamang ay natumba si Akesha at napahiga sa tubig.At dahil nakakapit siya sa batok ni Berting pati ang bin
Hindi nga sinundan agad ni Berting si Akesha. Pinalipas niya ang ilang minuto pero sumunod pa rin. Hindi para kulitin ang dalaga kundi para siguraduhin nakauwi na nga ito at maayos at nakapasok ng bahay nito. Nang makita nasa loob na ng kanyang kubo si Akesha ay saka napanatag na ang kalooban ni Berting bagamat binabagabag ang kalooban sa nakitang galit ng babae sa kanya na ipinagtataka niya kung bakit. Alam naman niyang hindi seryoso ang sinabi nitong I hate you at break na sila pero hindi malaman ni Berting kung bakit hindi siya mapakali.Napilitan nang umuwi si Berting dahil sa giniginaw na siya sa pagkabasa kanina sa dagat.Nakapagpalit na siya ng pantulog ng mapatingin si Berting sa silid ni Akesha at sa sofa.Ngayon ay baka alam na ni Akesha na maayos na ang kubo kaya malamang hindi na bumalik sa kanila ang babae. Ewan ni Berting pero parang may naging malaking puwang na dibdib niya. Parang merong nagbago parang merong kulang na.Humiga siya sa sofa.Kahit ang sofa parang iba na