Share

Chapter 17

Hindi nga sinundan agad ni Berting si Akesha. Pinalipas niya ang ilang minuto pero sumunod pa rin. Hindi para kulitin ang dalaga kundi para siguraduhin nakauwi na nga ito at maayos at nakapasok ng bahay nito.

Nang makita nasa loob na ng kanyang kubo si Akesha ay saka napanatag na ang kalooban ni Berting bagamat binabagabag ang kalooban sa nakitang galit ng babae sa kanya na ipinagtataka niya kung bakit.

Alam naman niyang hindi seryoso ang sinabi nitong I hate you at break na sila pero hindi malaman ni Berting kung bakit hindi siya mapakali.

Napilitan nang umuwi si Berting dahil sa giniginaw na siya sa pagkabasa kanina sa dagat.Nakapagpalit na siya ng pantulog ng mapatingin si Berting sa silid ni Akesha at sa sofa.

Ngayon ay baka alam na ni Akesha na maayos na ang kubo kaya malamang hindi na bumalik sa kanila ang babae. Ewan ni Berting pero parang may naging malaking puwang na dibdib niya.

Parang merong nagbago parang merong kulang na.Humiga siya sa sofa.Kahit ang sofa parang iba na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status