"Elija....Elija... bumangon ka nga bilis samahan mo ako" kalampag ni Berting sa pinto ng kapatid. Pupungas pungas naman nagbukas ng pinto si Elija na nakaboxer short lang."P*tcha..sino yang katabi mo..ay Sh*t yari na natuklaw na ang bibingka ni Anica" natotop ni Berting ang bibig niya."Psst! huwag kang maingay di ko pa tinuklaw. Ayaw pa niya. Nalasing lang kaya dito ko na pinagpahinga"sabi ni Elija."Promise di mo na touch. Di mo kinapa at sinalat- salat ul*l huwag ako" sabi ni Berting."Saan ba tayo pupunta?ang aga pa?" Iwas bigla ni Elija. Maaga ang board meeting natin bukas sa Delhan Airlines. May solusyun ka na ba sa sitwayun sa Textile manufaturing?""Wala at lalong wala akong maiisip kapag wala akong nakitang mais""Ang hirap palang maglihi ng mga misis. Buti na lang kapa pa lang ang nagagawa ko" sabi ni Elija."Ul*l pustahan tayo sa susunod didilaan mo na yan pupusta ako ng limang Milyon. Hindi mo makakayanan ang halimuyak kapag tinawag ka na ng sariwang bulaklak" nakangisi
Matuling lumipas ang limang buwan. Halos bumaha ng alak na naman dahil nagpaluto si Berting sa kanyang ina ng masarap na pulutan. Simpleng nag celebrate lamang nila ang result ng ulta sound .Hindi pa man confirm ang kasarian ng kanyang anak ay confrim naman na kambal ang isisilang ni Akesha. Kaya maligayang maligaya si Donya Ysabel.Maayos ang takbo ng negosyo ng mga Del Valle at masagana ang naging pasok ng taon sa kanilang stocks. Naging sikat sa larangan ng business world ang kanyang mga apo lalo na at nakilala si Miguel Del Valle sa ibang bansa dahil sa pag venture niya sa larangan ng Airlines. Maliksi na at makulit ang panganay na Apo sa tuhod ni Donya Ysabel aty kahit paaano ay nakakapagpahinga na si Athena na ngayong ay abala sa bagong bukas nitong Sho p ng mga frozen sea foods.Tatahi tahimik naman si Elija habang abala sa kompanya habang may nakabuntot sa kanyang maganda babae at palaging nakapulupot sa kanya... si Anika.Samantalang si Phillip naman ay naging mainitin an
"Sha... Ano ba tumigil ka ng kakalakad pwede ba?" Sigaw ni Berting."Ano?bakit ako titigil?pag tumigil ba ako mahal mo na ako? Pag hininto ko ba ang paglayo magugustuhan mo na ako? Kapag sinunod ba kita pakakasalan mo na ba ako ? Ha ? Sagot...!! Sigaw din ni Akesha."Ano ba? seryosong usapan nga.Tumigil ka sabi ng kakalakad magkakaloslos na ako kakahabol sayo eh. Pwede ba itigil mo na yong kalokohan mo. Hindi ka na nakakatuwa eh kahit saan na lang puro ka biro" Sabi ni Berting."Sino bang nagbibiro ha?" Luminga linga Akesha."Wala naman dito si Dolphy o si Babalo ah. Saka mabuti ngang magka loslos ka ng hindi ka na maghabol pa ng iba. Habol ka ng Habol sa taong di naman tumatakbo yun nga lang di sayo patungo ang lakad""Ano? May tililing ka na naman ba?sinusumpong ka ba ng pagkalukaret mo? Sabi kase sayo wag kang kakakain ng hilaw na bayabas eh" Sabi ni Berting."Tse! dyan ka magaling mang inis at mang asar. Kaya ka hindi nagustuhan ni Teng eh puro ka ganyan" sabi ni Akesha."Hoy Sha.
A-thena.. magpapaalam na ako"Halios hindi maihakbang ni Berting ang mga paa. Hindi niya kayang iwan si Athena. Pero kailangan. Kailangan na niyang umalis, napakasakit na kase."Sige Ting, maraming salamat sa lahat. Huwag ka ng magalala sa akin. Kaya ko to" sabi ni Athena. Paghakbang ni Berting palabas ay siya namang pagtalikod ni Athena para bumalik na sa loob. Pero sa bugso ng nasasaktang damdamin ay muling humarap si Berting at hinabol si Athena. Sa braso niya ito nahawakan.Biglang niyakap ni Berting si Athena. Hindi naman na iyong ikinagulat ni Athena dahil sanay na siya sa kilos ni Berting. Ikalawa si Berting naman iyon ang best friend niya at naiintindihan niya ang nararamdamang lungkot nito ngayon."Teng, bakit siya pa, pwede bang ako na lang. Ako na lang Teng. Anong kailangan kong gawin para makalimutan mo siya. Ano ang pwede kong gawin para ako na lang ang mahalin mo Teng" Pakiusap ni Berting at muling niyakap ng mahigpit si Athena saka pinaghahalikan sa labi. Hinayaan ito
Sa hitsura ng mga lalaki na malalaki at matipuno ang mga katawan para itong mga men in uniform pero naka civilian. Biglang natakot si Berting at napaisip sa taong yakap niya. Hindi kaya ito ang pakay nila. Paano kung masamang tao ang hawak niya ngayon .Paano na?""Anak ng kabute naman, sawi na nga siya kay Teng pati ba naman sa buhay masasawi pa. Ipinaganak ka bang may Balat sa tumbong ha Roberto Dela Cruz?" bulong ni Berting sa sarili.Palapit na sa kanila ang mga lalaki kaya niyakap ng mahipt ni beting ang tibo at sinunod ang utos nitong isubsub din ang ulo at mamgkunwaring tulog. Mabuti na lang at nasa dulo ng mga upuan sila pumuwesto kahit papaano ay naantala ang papglapit ng mga lalaki.Pasilip na ang dalawang lalaki sa kanila ng sumipol ang lalaki sa unahan saka sumenyas ng tara na. Mabilis na umalis ang mga Kalalakihang naka barong. Agad namang isinara ng driver ang pinto nag aircon na bus saka umalis na ng terminal.Si Berting naman ay nanatiling pigil ang hininga. Umalis na a
Anim na oras na siya sa biyahe at palagay niya saktong ala una ng gabi ay mararating niya ang lugar na nakita niya sa internet. Madaling araw naman ay kumakatok na si Berting sa kanilang barong barong. Sa wakas matapos ang nakakangawit na biyahe ay nakabalik na rin siya ng Palawan pero kung ang inaakalang pagod sa biyahe ang magdadala kay Berting para makatulog ng mahimbing ay nagkakamali ang binata.Kanina lamang ay libang siya kakaisip kung sino ang tomboy na naka encounter. Infairness sa lahat ng tibo na nakita niya ito ang mabango at malambot ang katawan. At ang halik nito aah mahirap kalimutan. Buong akala niya ay nalibang na siya ng magandang aalalang iyon pero ng malanghap ni Berting ang simoy ng hangin ng dagat. Ang mukha ni Athena na lumuluha ang bumalik muli sa knayng alaala."Teng....." Napahawak sa batok si Berting. Kaya naman ang dapat na itutulog na lang ay ipinasyal na lamang ni Berting sa tabing dagat. Miss na niya ang asin na pumapasok sa ilong niya, miss na niya an
Samantala.. pagod naman na si Akesha kakalibot at kakahanap ng pwedeng upahan pansamantala. Karamihan sa nairecommenda sa kanya bukod sa hindi na reasonable ang presyo may mga maliliit na detalyeng ayaw niya. Sa totoo lang dahil tourist spot ang Palawan kahit studio type na aparment ay masakit na sa bulsa."Oh eto sa tingin mo pwede na ba ito? Sabi ng agent na kausap ni Akesha" inikot ni Akesha ang buong paligid.Tago nga ang lugar pero kulob naman at dadaan ka sa gate ng may ari ng bahay. Gudlstong gusto na niyang bulyawan ang agent na kausap hindi kase ata na gets ang instruction niya. Inayawan ni Akesha ang lugar dahil hindi niya feel.Wala siyang koneksiyon na maramdaman sa lugar na iyon.Bukod pa sa inis na siya agent na hindi ang gusto niya ang ginagawa kung hindi ang sa opinion nito ay gusto niya."Ahh miss gutom na ako gusto ko ng sea food saka fresh buko" Sabi ni Akesha."Naku. Miss Akesha malayo tayo sa Coron lalo naman sa Puerto Galera" Sabi ng kausap. "Wala bang mga kain
Naiinis si Berting dahil masakit na ang ulo niya sa kalasingan pero hindi pa rin siya makatulog. Nagawa na niya ang lahat ng posisyun sa bangka kaya bigla siyang napasigaw sa inis.Pagkatapos ay bumangon siya sa pagkakahiga sa bangka para bumalik na lang sana bahay. Saktong pagtayo niya ay nakita niya ang bulto ng taong tumatakbo palayo."Sino yun? may tao dito ng ganitong oras bukod sa akin? Sino namang pangahas ang dadayo dito sa lugar ko" pagtataka ni Berting."Hah! pasalamat siya pagbangon ko paalis na siya. Baka sira ulong lasing din yun ah at sa bangka ng aking Reyna uupo tapos susukahan lang si Athena ko aba aba kukulatain ko sya" bulong ni Berting.Kaya imbes na umalis at bumalik ng bahay ay muling na lang bumaloktot si Berting at pinagkasya ang sarili sa bangka ni Athena. Babantayan na lang niya ang bangka baka may sira ulong pumuwesto eh" sa isip isip ni Berting."Aray...aray naman...oh my Gee..grrrrr" inis na sabi ni Akesha ng patalisod sa nakausling bato habang halos pata