Share

Chapter 3

Anim na oras na siya sa biyahe at palagay niya saktong  ala una ng gabi ay mararating niya ang lugar na nakita niya sa internet. Madaling araw naman ay kumakatok na si Berting sa kanilang barong barong. Sa wakas matapos ang nakakangawit na biyahe ay nakabalik na rin siya ng Palawan pero kung ang inaakalang pagod sa biyahe ang magdadala kay Berting para makatulog ng mahimbing ay nagkakamali ang binata.

Kanina lamang ay libang siya kakaisip kung sino ang tomboy na naka encounter. Infairness sa lahat ng tibo na nakita niya ito ang mabango at malambot ang katawan. At ang halik  nito aah mahirap kalimutan. Buong akala niya ay nalibang na siya ng magandang aalalang iyon pero ng malanghap ni Berting ang simoy ng hangin ng dagat. Ang mukha ni Athena na lumuluha ang bumalik muli sa knayng alaala.

"Teng....." Napahawak sa batok si Berting. Kaya naman ang dapat na itutulog na lang ay ipinasyal na lamang ni Berting sa tabing dagat. Miss na niya ang asin na pumapasok sa ilong niya, miss na niya ang lansa ng dagat at ang lamig ng simoy ng hangin. na nanunuot sa knayang buto at kasukasuan.

Nakikisabay sa lamig ng puso niya. Maging ang malalakas na hampas ng alon ng madaling araw na iyon ay nakikisabay sa matinding pangungulila niya kay Athena ngayon pa lang kaya sabi in Berting sa sarili.

"Paano kita makakalimutan Teng kung ultimo piraso ng buhangin sa dalampasigan , ulitimo hangin ng karagatan ang sinisimbolo ay Ikaw"

Samantala….

Inilapat naman ni Akesha ang likod sa malambot na kama na hinihigaan, sa ngayon ay nasa isang hotel siya sa bayan pero bukas ay kailangan niyang maghanap ng matutuluyan. Mas tago mas liblib mas mainam. Kung saka sakaling hahanapin kase siya at nasundan, sa ugali niya ay alam niyang sa mga ganitong lugar siya unang hahanapin.

Inalis ni Akesha ang bonnet na suot, ganun din ang malaki at makapal na jacket. natambad ang kanya ang suot na sports Sando. Naka tight legging lamang din siya at naka rubber shoes. Ang paalam kase niya ay mag wowork out lamang.

Wala siyang kahit anong dala maliban na lamang sa kanyang wallet na maiit na nakasiksik sa bra para hindi paghinalaan. Matagal na niya iyong plinano sa loob ng isang buwan nauudlot nga lamang dahil nalalaman ng ama.Kaya ganito ang huli niyang plano at nangtagumpay siyang makalayo.

 Sa Maynila pa lamang ay nag withdraw na siya para hindi ma trace ang lugar na mapupuntahan niya. Malaking halaga ang winithdraw niya sa banko. Iba pa na ang nasa ATM niya. Alam niyang malaking halaga ang kailangan para sa pagsisimulang nais niya.

Dumapa si Akesha at inilagay ang mahabang buhok saka inalala ang lalaking nakatabi sa Bus. Saglit man ang pagtatagpo niya ay tandan tanda niya ang mukha ng lalaki, saglit man ang encounter niya a hindi na niya ito makakalimutan…………eto lang naman kase ang kanyang unang halik. Unang halik na sia ang kumusa.

Ninamnam ni Akesh ang halik sinalat ang mga labi, matagal iyon  kung tutuusin yn nga lamang  nalungkot si Akesha dahil inat siya ng lalaki, nabasa niya sa mga maa nito ang pagka disgust pero mas nabasa niya ang sobrang kalungkutan sa mga mata nito.

“Sino kaya siya? Taga saan kaya siya? Wait! Alam ko ang destinasyun ng Bus niya… dito din kaya siya nagpunta?.... Sana magtagpo kami ulit”  dasal ni Akesha.

“Para Ano? para idamay mo siya sa gulo ng mundo mo ha Shasha?” sundot ng konsensya ni Akesha.

Dahil sa naisip ay bumalik kay Akesha ang mga nakaraan kaya nanikip na naman ang dibdib ng dalaga sa sobrang hinanakit sa ama at poot sa lalaking gusto nito para sa kanya. Nakatulugan na ni Akesha ang sama ng loob.

Naging parang robot naman si Berting ng mga sumunod na araw, kikilos siya sa loob ng bahay pagkatapos ay matutulog pakapananghalian n akala mo inahing nanglilimlim palagi ng itlog. Pagsapit ng hapon ay mgluluto lang ng hapunan at sa dalampasigan na magpapalipas ng oras kapiling ang alak na tinangay.

Tama, nawalan ng gana si Berting sa buhay.Ultimo paghahanap buhay ay kinatamaran na rin niya para ano pa ba? Para saan pa?

Ayaw na niyang bumalik sa pantalan, wala na aiyang kapingga, waal ng kasabay ginawin , kasabay maglakad sa madaling arawa at kasabay kumain ng pancit guisado nactinda ni Mang Berto. Wala ng mamguutos sa kabyang habulin ang nakawalang alimango at wala ngaglalambong na ibili niya ng taho o kaya palamig na may sago.

Makailang ulit pinagbabato ni Berting ang madilim na karagatan , tanging sinag ng maliwanag na buwan ang saksi sa pag agos muli ng masaganang luha ng pighati.Sabay kuha ng basong yaro sa kawayanat tumagay ng  Tanduay.

"A-thena kamusta ka na mahal,  okay ka ba? masaya ka na ba? Ako hindi pa okay Teng.. hindi pa ako okay" Bulong ni Berting  habang nakatanaw sa kalangitan.

Gustuhin man ng isipan niya na tanggapin ang kapalaran at ang desisyun ni Athena. Mabigat iyon sa puso niya at ang masaktan marahil ay normal dahil mahal niya ang kababata. Paano ba niya sisimulang  mag move on kung bawat sulok ng lugar dito ay may alaala nila ni Teng....

Napakasakit iwan at ipaubaya ang isang taong pinakaiibig mo na alam mong nasasaktan din at lumuluha.Paano niya tatanggapin na ito pa rin ang pinili nito na mas pinili nito ang tago at puro sakit na buhay kapalit ng ligaya at pagibig na kaya niyang ialay. Pag ibig na walang kapantay.

"A-thenaaaa... "Sigaw ni Berting "Mahal na mahal kita Teng..." Sigaw ni Berting sa karagatan ka duet ang mga alon ay ipinagsigawan ni Berting ang bigat ng dibdib.

"Hindi kita makakalimutan. Paano ko gagawin yun. Hindi ayoko..!! Kung hindi rin lang ikaw,wag na lang hindi na ako magmamahal ng iba. Mamahalin na lang kita dito.....dito kahit malayo ka na, kahit di ka na akin" sabi ni Berting sabay turo sa kanyang dibdib at binayo bayo pa.

"P-pinakaiibig  kita T-Teng" Pabulong na lang na sabi ni Berting bago muling tumagay ng Tanduay sabay dampot ng isang pirasong Happy Peanuts na baon pa niya sa Bus.

Naging ganun ang gabi gabing  eksena ni Berting. Kadalasan ay papasok siya ng bahay ng lango na sa alak at halos pikit na kung minsan naman ay sa dalampasigan na siya sinisikatan ng araw o kung minsan natatagpuan niya ang sariling yakap ang bangka ni Athena habang panay ang singhot dahil sinipon na sa paulit ulit na pagtulog sa labas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status