Share

Chapter 6

"Makakatagpo pa ba ako ng lalaking hindi sasamantalahin na mayaman ako? Makakatagpo pa ba ako ng lalaking mamahalin ako yung ako naman ang ipaglalaban? Yung kayang harangin ang bala ng aking ama para sa pagibig ko hah! Meron pa kayang ganun"

Sa isip isip ni Akesha.

"Meron in your dreams, saka sa kuwento nung magandang author na si Madam magandang author yun kaso pangit ng pangalan"

Bulong ni Akesha ng  maalala ang sinusubaybayang novel ng favorite author niya. Sa novela kase nitong "I love you Mr. Gray" ay nainlove siya sa karakter ni Aljhon at doon niya nakuha ang standard ng gusto niyang lalaki. Pinagmasdan ni Akesha ang sarili saka nagisip.

"Hindi na ba talaga siya dapat maniwala sa forever? Paano kong nandito pala ang forever ko, hinahanap ko pa kung saan saan?" Bulong ng dalaga sabay inikot ang tingin sa paligid.

"Sino dito aber? bukod sa mga mangingisdang amoy daing na at taken na aber Akesha, Sa arte mo at selan mong yan?diba nga may standard ka sa lalaki na isiniksik ni Author  Madam sa kokote mo na dapat ang hitsura at ugali ng lalaki ay tulad ng mga bida niya ganun...yun kase ang hinahanap mo pang telenovela  kaya mamumuti ang mata mo  dyan" pambubuska ng kontrabidang isip ni Akesha.

"Aba malay mo naman guwapo, maginoo pero medyo bastos at higit sa lahat naniniwala sa forever ang hari ng mga shokoy sa karagatan na yan. Kapag nagpakita sa akin yun naku susundan at aakitin ko sya kahit pa sa ilalim ng karagatan. Magaling kaya ako sa scuba diving  noh" Pakikipag usap ni Akesha sa sarili.

Inaamin niyang somehow para na siyang desperada. "Ano pa bang maitatawag sa kanya  pero ayos lang di bale ng tawaging desperada kesa naman ang mapasakamay ng gahaman at manyak na yun" sa isip isip ni Akesha ng maalala na naman ang dahiln kung bakti siya tumatakbo palayo at kung bakit pagod na pagod na siyang tumakas pero kaliangan niyang gawin.

Kung may ibang tao lang sa paligid ay mapagkakamalang na siyang baliw. Pagtingin ni Akesha sa buwan na nagtago sa ulap ay inalihan ng lungkot ang dalaga pero saglit lamang iyon muli kasing lumiwanag ang ng kalangitan dahil  nahawi agad ang maitim na ulap. Kasabay ng muling pagliwanag ng kalangitan ay ang pagbabalik ng alala ni Akesha sa lalaking nakatabi sa bus.

Ilang beses niya itong niyakap at hinalikan pa ng madiin pero hindi siya sinamantala nito. Kung iba yun malamig kinabig na siya at hinalikan din o kaya gumamit na ng hokage moves lalo pa at willing siya pero tuod lang ang lintek.  Hindi man lang nagsabing...

"Parang nagkita na tayo miss o kaya hindi man lang sinabing miss  kape ka ba? Nagising mo kase ang natutulg kong puso"  mga ganun ba lintek wala man lang ganun reaction. Tuod ba yun wait..wait lintek bakal ba yun? Di nga bakla yun? wow ha ayang naman masarap pa naman ang lips, malambot parang hindi maniac"

"Hoy Akesha'ng may landi sa ugat. Strangers yung tao. Isa pa guwapo at mabango, natural hindi yun easy to get di tulad ng ex mong mukhang giraffe. Saka hello isip isip sin babaknita. Ang sabi mo lalaki ka at dahil boses babae ka naman na may tililing ayun malamang tibo ang tingin sayo nun so, asa ka pa" basag trip ng sarili ring isip ng dalaga.

"Oo nga pala, nyemas, sana pala nilugay ko buhok ko bago umalis. Ang lambot talaga ng labi sayang naman kung bading. Hay sana makita ko siya ulit" Bulong ni Akesha.

"Ayan rupok rupokan na naman ang petchay nya samantalang heto nagtatago ka sa madilim na kubo" sita ng kabilang bahagi ng isip ni Akesha. Napapagod na kakaisip ang dalaga kaya ipinasyang itulog na lang ang mga iniisip. Bahala na ang bukas.

Samantala sobra naman ang excitement na naramdaman ni Berting ng malamang si Athena ang nasa kabilang linya kanina.  Halos magkanda untog untog pa siya ng gisingin  dahil may tawag daw sa kanya. Ang unang pumasok sa isip ni Berting ay umiiyak na  Athena at magpapa sundo na sa kanya.

“Berting, please kunin mo na ako dito, ayoko na dito. Dyan na lang ako sa tabi mo sa piling mo. Sana mahal mo pa ako Ting, kunin mo na kami ng anak ko dito”

Kahangalan man pero yun ang inaasahang  tawag ni  Berting. Pero parang bumaliktad ang langit at lupa, praang nagsilubog ang mga isla ng marinig niya ang malungkot ngang boses ni Athena pero hindi naman siya ang hinahanap.

Inaamin ni Berting na sa mga oras na yun ay binigyan na niya ng ulitimatom ang sarili niya na tama na. Ipauubaya na si Athna na simulat simula pa man ay  hindi na naging kanya kahit pa nga pakiramdam niya unang naging kanya si Athena.

Ang kaso matapos ang tawag na iyun ni Athena ay hindi na naman naging normal ang mundo ni Berting. Sa loob ng isang buwan ay unti unti na sanang nagiging normal ang lahat pero ng marinig niya ang malungkot na boses ni Athena  parang muling bumalik sa zero ang number 3 level sana na pagmo move on niya.

Sinunod ni Berting ang mga binilin ng  kababata, tungkol sa mga magulang at sa mga anak nitong iniwan. Pinuntahan agad niya ito kinahapunan. Kahit naman broken hearted siya ay hindi niya nakakalimutang may mga anak sila ni Athena na dapat niyang alagaan. Maraming ibinilin ang ama ni Athena at nangako naman si Berting na ipapaparating sa magasawa. Hindi man sigurado si Berting kung magagawa nga niya ay siaikapin niyang maiparating ito kay Athena sa ibang araw.

Dahil bibihira makadalaw kina Athena at dahil may perang bigay and asawa ni Athena, niyaya siya ng ama nito na  mag inom na pinagbigyn na lamang niya. Sa palagay kase ni Berting ay kailangan nga niyan ng alak para makatulog ng mabilis dahil  sa palagay ng binata mahihirapan siya at hindi na naman siya patutulugin ni Teng.

Inabot na ng dilim ang tagayan nila ng ama ni Athena kaya ng makita ni Berting na  lasing na at nakayukyok na ang ama ni Athena sa upuan ay sumenyas na siya sa kapatid ni Teng na alalayan na ito papasok ng silid nito. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yhamz Rasheena
ang gulo naman po ng wento ang hirap intindihin ano po ba ang bida bulol ba jusko po... ung pagtype ng letra bulol ............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status