Pagpasok naman ni Berting ay nakita niyang mahimbing ng tulog ang babaeng kasintahan niya daw.Napangiti si Berting tapos ay napailing sa nakitang tanawin sofa. Hindi ata aware ang babae na lalaki siya, na may lalaki sa loob ng bahay nila.Deretso si Berting sa silid ng dalaga at kumuha ng kumot saka kinumotan ang babae dahil nakasuot na naman ito ng malambot na maiksing short.Nakakalamang na naman ang mga lamok.Pagkatapos kumotan ay naginit ng tubig si Berting at nag kape.Umupo ulit ito sa may paanan ni Akeaha hawak ang karton at kape.Muling binantayan ni Berting si Akesha at paminsan minsan ay pinapaypayan.Tumayo lamag ang binata ng magaalas kuwatro na.Gumayak siya para magtungo sa pantalan at maghanap buhay. Ang kaso naging malulungkutin si Akesha ng mga sumunod na araw dahil nagigising siya parating wala na si Berting sa bahay dahil may trabaho na at pagkatapos ay maghapon ding wala.Minsan uuwi ito ng gabi pero nakainom naman kaya tulog agad sa sofa minsan naman ay hindi uuwi
Sabado ngayon at araw ng suwelduhan.Posibleng may mga galing sa bayan at nanggaling sa bahay aliwan o kaya baka may nanghuhuli ng mga alimasag o naglambat ng hipon at madaanan na ganito ang hitsura ng girlfriend niya."Susmaryosep...!.... Akeshaaaaaa...!!"sigaw ni Berting sa galit na tono. Kung bakit ay hindi rin niya maipaliwanang.Saktong nang tinakbo niya ang dalaga ay siya namang pagsulpot ng de motor na bangka at padaong malapit sa kinaroroonan nila. Mukhang may nanghuli ng hipon. Sa gabi kase maligaligcang mga hipon kaya doon ito madaling dakmain. Sakto namang lumingon si Akesha. Sa nebiyos ni Berting na makikita ng mga mangingisda ang kahubaran ng dalaga ay niyakap ni Berting si Akesha at itinalikodSaka inupo sa tubig para maitago ang hitang ki puti puti.Nagulat at nabigla naman si Akesha kaya napahawak sa batok ni Berting nawala ito sa balanse kaya imbis na pauupuin lamang ay natumba si Akesha at napahiga sa tubig.At dahil nakakapit siya sa batok ni Berting pati ang bin
Hindi nga sinundan agad ni Berting si Akesha. Pinalipas niya ang ilang minuto pero sumunod pa rin. Hindi para kulitin ang dalaga kundi para siguraduhin nakauwi na nga ito at maayos at nakapasok ng bahay nito. Nang makita nasa loob na ng kanyang kubo si Akesha ay saka napanatag na ang kalooban ni Berting bagamat binabagabag ang kalooban sa nakitang galit ng babae sa kanya na ipinagtataka niya kung bakit. Alam naman niyang hindi seryoso ang sinabi nitong I hate you at break na sila pero hindi malaman ni Berting kung bakit hindi siya mapakali.Napilitan nang umuwi si Berting dahil sa giniginaw na siya sa pagkabasa kanina sa dagat.Nakapagpalit na siya ng pantulog ng mapatingin si Berting sa silid ni Akesha at sa sofa.Ngayon ay baka alam na ni Akesha na maayos na ang kubo kaya malamang hindi na bumalik sa kanila ang babae. Ewan ni Berting pero parang may naging malaking puwang na dibdib niya. Parang merong nagbago parang merong kulang na.Humiga siya sa sofa.Kahit ang sofa parang iba na
"Ay teka ..sandali wala to sa plano ko iba ang naiimagin ko ay ..ayoko hindi ka pwedeng umalis noh! ang hirap umakting dito ki init init noh.." sa isip isip ni Akesha kaya bumuka ang bibig ng dalaga."Subuan mo na lang ako kase giniginaw ako sobra, ang sasakit ng mga kasu kasuan ko at napakasakit ng ulo ko" Sabi ni Aksha na hindi pa ring lumilingon pagkatapos ay narinig niyang huminto sa pagtayo sana si Berting."Yes..!!yeahhh..!" pagdiriwang ni Akesha isipan."Naku baka paparatjng ang lagnat mo.Sige Sha, susubuan na lang kita.Kaya mo bang umupo.Ah buhatin na lang kita baka sumakit lalo ang nito.Binuhat nga siya ni Berting at isinandal sa Nipa na dingding. Ingat na ingat pa itong mayakap siya at ingat na ingat maalog ang ulo niya.Napaharap tuloy siya ng wala sa oras kay Berting at napatitig ang binata sa kanya at napakunot ang noo.Napatda si Berting matapos makita ang hitsura ni Akesha ng maiupo na niya.Bagamat ilang na yakapin at iangat ang dalaga ay magaan ang pakiramdam ng bin
Inis na si Akesha pero nagiinarte na lamang siya sa mga huling sinabi niya. Natuwa kase siya ng sabihin ni Berting na dapat ay nililigawan ang babae. Isa lamang itong palatandaan na hindi mapagsamantala ang kanyang forever. Natawa rin siya ng sabihin niya ang tungkol sa bus. Ang lagay ay hindi pala siya nakikilala ng binata kaya pala halos lumuwa ang mga mata nito sa gulat ng yakapin niya noong nakaraang nangkita sila sa ikalawang pagkakataon ."kaya pala.. kaya pala.... Pero kailangan mag galit galitan ni Akesha, una para maitago ang pagkapahiya at ikalawa upang mapilitan pa rin itong ligawan siya."Akesha please naman wag kang ganito.Sa tingin mo ba magagawa kong umalis ng ganyan ka, kung ano ano ang pinagsasasabi mo""Oh ano ..ano ha natatakot kang bangkay ako babalikan ha.Takot ka sa bangkay eh mas mukhang takot ka sa buhay ba maganda na seksi pa" Pangiinis ni Akesha."Ano na, kapag ako natuyuan ng laway at hindi mo pa ako hinahalikan i swear ipapakain ko na lang ang alindog ko sa
Dahil dalawang araw na hindi nagpakita si Berting kay Akesha hindi iyon nagustuhan ng babae. Sa ikatlong hapon ay kumatok si Akesha sa bahay nila kasalukuyan siyang nakaidlip ng mg sandaling iyon."Oh Akesha mabuti naman at napasyal ka. Kamusta ang kubo mo ayos ba?" Tanong ng ina ni Berting."Ayos naman ho malungkot nga lang. Wala na po kasing guwapong dumadalaw sa umaga" sabi in Akesha."Hah, kelan pa naging guwapo si Caloy Aaah.... Ahahaha si ano ba ang tinutukoy mo? ikaw talagang bata ka honest ka masyado. Nagpapahinga lang ang binata ko" Sabi ng ina ni Berting na natutuwa sa pagkahonest ng bisita."Alam mo kase mula ng umalis ka sa kubo mo eh araw-araw niya iyon inasikaso kase yung manggagpas eh hindi niya makita kaya siya na lang ang gumawa. Siya rin ang nagpakahirap umakyat ng puno makabitan ka lang ng kuryente pati paghahakot ng mga suhay at bato ginawa niya para daw hindi maputik ang daanan mo" kuwento ng ina ni Berting.Nagulat si Akesha sal uwneto ng matanda.Kung ganun ay si
"Yung beyanan ko, nanay mo, may go signal na ako sa kanya sabi niya puntahan na lang kita at asikasuhin.Alam na kase niyang nagkiss na tayo kaya alam niyang girlfriend mo na ako. Diba ang bait ng beyanan ko boto pa sa akin?" Nakangiting sabi ni Akesha.Napikon si Berting, nagsanib ang hiya sa ina at sa mga kalokohan ng babae. Gusto niya itong igalang, irespeto pero ito mismo ang hindi rumerespeto sa kanya. Dapat na itong matigil dahil hindi na nakakatuwa at nadadamay na pati ang nanay niya. Baka kung ano ng iniisip ng nanay niya sa kanya ngayon."Miss Akesha, pwede bang itigil mo na ang mga kapritso mong ito.Pati nanay ko dinamay mo na sa kalokohan mo" Sabi ni Berting na may diin ang pagsaway sa babae at seryong ang tono pero pinilit ni Berting na maging mahinahon pa."What kapritso? kalokohan. Ano bang pinagsasasabi mo Berting?""Look miss Akesha, hindi tayo naghalikan, ikaw lang ang palaging humahalik at nakaw yun lahat walang permiso ko. Kung ano anong sinasabi mo sa inay Bakaa kun
"Ay Akesha, saan ang punta mo? Halika muna at kumain ka?sabi nito sa kanya. Nakayuko man at pilit itinatago ang mukha ay sumagot si Akesha."Tapos na po ako. May bibilhin lang po ako sa tindahan" Sagot ni Akesha."Naku eh bakit hindi na lang si Berting nag inutusan mo hala magolingat ka ha" Sabi nito at tumango naman si Akesha at nagpaalam na sa matanda.Hinatid naman ito ng tanaw ng ina ni Berting. Nagaalala ito dahil halos hindi palalabas ang mamanugangin niya kaya baka maligaw."Humahaba pa ang leeg mo riyan sino ba ang babaeng iyon?" usisa ng asawan ng mangingisda na kumakain ng bananque."Ah yun ba...? Kasintahan ni Berting ko hindi kase palalabas ang mamanugangin ko kaya nagaalala ako. Maganda diba saka naku pagkakinis. Mahihiya nga ang kalyo ni Berting sa bukong bukong eh. Napaka suwete ng anak ko hindi ba?" Pagmamalaki ng ina ni Berting."Nang, dalawang piraso nga ng turon" sabi ng isang babaeng lumapit aa karendirya."Oi, Carmen diba crush ng dalaga mo kamo si Berting naku na