Share

Chapter 5

Naiinis si Berting dahil masakit na ang ulo niya sa kalasingan pero hindi pa rin siya makatulog. Nagawa na niya ang lahat ng posisyun sa bangka kaya bigla siyang napasigaw sa inis.

Pagkatapos ay bumangon siya sa pagkakahiga sa bangka para bumalik na lang sana bahay. Saktong pagtayo niya ay nakita niya ang bulto ng taong tumatakbo palayo.

"Sino yun? may tao dito ng ganitong oras bukod sa akin? Sino namang pangahas ang dadayo dito sa lugar ko" pagtataka ni Berting.

"Hah! pasalamat siya pagbangon ko paalis na siya. Baka sira ulong lasing din yun ah at sa bangka ng aking Reyna uupo tapos susukahan lang si Athena ko aba aba kukulatain ko sya" bulong ni Berting.

Kaya imbes na umalis at bumalik ng bahay ay muling na lang bumaloktot si Berting at pinagkasya ang sarili sa bangka ni Athena. Babantayan na lang niya ang bangka baka may sira ulong pumuwesto eh" sa isip isip ni Berting.

"Aray...aray naman...oh my Gee..grrrrr" inis na sabi ni Akesha ng patalisod sa nakausling bato habang halos patakbong lumayo sa bangka.

"Buwisit na lasingero yun eh. Sa sobrang katakawan sa alak kung saan saan lang nakakatulog. Lintek talaga"

Wala na sa mood magbilang ng bituin si Akesha feel pa naman sana niyang magmuni muni sa tabing dagat habang nakaupo sa bangka yung mga tipong mag Videoke ang datingan.

Wala na rin siya sa mood magpaantok sana sa dalampasigan. Sa loob ng magiisang buwan ay palagi lang siyang nasa loob ng kubo niya at nagtatago at nakikiramdam.

Pagtapat ni Akesha sa kubo niya ay naupo muna ang dalaga sa silyang yari sa kawayan sa labas ng kubo parang extention iyon parang terrace kaso walang bubong. Lupa sng sahig at kawayan na pinsgdikit dikit ang upuan na may maliit na lames na yari din sa kawayan.

Sa pagmumuni muni ni Akesha ay nanumbalik sa kanya ang nakaraan at ang kinokontrol na inis sa nobyo. Kung tutuusin ay hindi naman niya ito gan'un kamahal, parang pag tinging best friend lang, kuya kuyahan.

At dahil nga umiiwas siya sa madalas na ginagawa ng mayayaman na ipinagkakasundo ang mga anak.

Gumawa siya ng paraan para akitin ang kaibigan at kuya kuyahan. Niyaya niya ito mag out of town then isang gabi ay tinabihan niya ito matulog at siya ang humalik dito.

Nagulat ito pero hindi nagalit.Kaso kasi may nakakita kaya ng mag bonfire sila at tinanong kung may ugnayan o relasyun sila.

Umoo ang lalaki nagulat siya at the same time natuwa na hindi siya pinahiya pero pagkatapos ay kinausap siya ng masinsinan.

Sabi nito na ituloy na lang nila na may relasyun sila para hindi siya mapahiya ska okay lang naman daw dito. Natuwa talaga ang puso niya noon. Young Love sweet love ang dating niya tapos matured ang lalaki.

Pumayag naman siya noon sa pagaakalang baka meron din itong pag tingin sa kanya kahit siya ay hindi pa sigurado pero crush niya ang kuya kuyahan.

Ang kaso nahalata niyang wala itong interes sa kanya dahil mula noon ni isang beses ay hindi siya nitong tinangkang halikan o bastusin.

Lumala pa iyon dahil sa buong duration ng relasyun nila siya pala gi ang nagyaya dito at pumipilit na lumabas at siya ang madalas gumagastos. Mahirap lang kase ang lalaki at tauhan lang ng ama niya ang ama nito.

Isang araw nalaman na lang niyang ipinangkasundo na pala siya ng ama niya. Humingi siya ng tulong sa akala ay boyfriend at hiniling niyang ilayo siya pero nakipag break ito sa kanya ng araw mismong iyon.

Sa ama niya nalamang ang totoo matapos siyang iuwi ng ama dahil naglayas siya ng bahay noong araw na iyon at nanatili sa hotel ng ilang araw.

Ang ama ang nagsabi sa kanya na first day pa lang ng relasyun nila ay binayaran na niya ito para lang sakyan ang drama niya at bantayan at the same yime. At ngayon ay binayaran na naman ulit para tuluyan na siyang layuan.

Umiyak ng umiyak noon si Akesha at hindi kumain ng ilang araw. Nagpakalunod sa bathtub. Hindi dahil sa malalim ang pagmamahal niya sa lalaking kupal na iyon kundi she feels betrayed ang alone.

Pakiramdam ni Akesha pathetic ang buhay niya dahil wala siyang kakampi maging ang kanyang ama. Mula noon palagi ng nagiging trauma ni Akesha na bawat lalaking lalapit sa kanya ay may intention.

Pero mapera at maimfluwensya ang kanyang ama. Lalo na ang bagong asawa nitong diyablo kung tawagin niya at ang kapatid ng diyablong iyon ang mapapangasawa niya na tinawag naman niyang Lucifer.

Ilang beses na kase siyang binastos at tinangka pang angkinin nito lalo na pag lasing. Ang katwiran nito ay dahil kanya naman daw siya at mapapagnasawa na asa ayaw at sa gusto niya.

Ilang beses siyang nag sumbong sa ama pero siya pa ang pinagalitan at sinabing wala namang kaso dahil ikakasal na daw sila. Ganun daw talaga ang mga lalaki hindi makatitiis.

Ang ama nga daw niya nanguusapa pa lang ang mga lolo niya noon ay ginapang na ang ina niya sa silid.

Hindi na kinaya ni Akesha ang lahat lalo pa at hindi na naman siya pinakikinggan at pinaniniwalaan ng ama ng magsumbong ulit siya na pinagbuhatan siya ng kamay ng kanyang madrasta dahil lang sa tinabig niya ang kamay ng kapatid nitong umakbay sa kanya.

Halos mawala ang respeto ni Akesha sa ama ng mga sandaling iyon at doon nasabi ng dalaga na iyon na ang sukdulan at ang ultimatom

Kaya ng magkaroon ng pagkakatoan ng mag out of town ang ama. Tumakas si Akesha habang ang paalam ay mag jo jogging lang. Mabuti na lang at mamgpaka uto uto ang mga tao sa kanilang bahay.

Paglabas ni Akesha sa malaking bahay ay nilingon pa ito ng dalaga.Napaluha siya sa nagiging kapalaran at sa hinanakit na namumuo para sa ama.

Sa ngayon ay hindi muna niya nais na bumalik sa lugar na iyon marahil saka na lang kapag wala ng bruhang huthuterang nangrereyna reynahan sa loob. Saka na lang siguro kapag nalinawan na ang kanyang ama.

Kay heto siya at humantong sa ganito. Lagalag, takbo rito takbo roon. Parang dagang walang masilungan. Sa ngayon ay naririto siya tagong isla at ginagamot ang damdamin at pagkabigo habang mag isa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status