"Sha... Ano ba tumigil ka ng kakalakad pwede ba?" Sigaw ni Berting.
"Ano?bakit ako titigil?pag tumigil ba ako mahal mo na ako? Pag hininto ko ba ang paglayo magugustuhan mo na ako? Kapag sinunod ba kita pakakasalan mo na ba ako ? Ha ? Sagot...!! Sigaw din ni Akesha.
"Ano ba? seryosong usapan nga.Tumigil ka sabi ng kakalakad magkakaloslos na ako kakahabol sayo eh. Pwede ba itigil mo na yong kalokohan mo. Hindi ka na nakakatuwa eh kahit saan na lang puro ka biro" Sabi ni Berting.
"Sino bang nagbibiro ha?" Luminga linga Akesha.
"Wala naman dito si Dolphy o si Babalo ah. Saka mabuti ngang magka loslos ka ng hindi ka na maghabol pa ng iba. Habol ka ng Habol sa taong di naman tumatakbo yun nga lang di sayo patungo ang lakad"
"Ano? May tililing ka na naman ba?sinusumpong ka ba ng pagkalukaret mo? Sabi kase sayo wag kang kakakain ng hilaw na bayabas eh" Sabi ni Berting.
"Tse! dyan ka magaling mang inis at mang asar. Kaya ka hindi nagustuhan ni Teng eh puro ka ganyan" sabi ni Akesha.
"Hoy Sha..foul na yan ha, di mo na teritoryo yan.Umayos ka. Hindi porke magkaibigan tayo may karapatan ka ng pasukin ang mundong yun. Stop right there! o english yan alam ko maiintindihan ng mga konyong tulad mo yan"
Nasaktan na naman si Akesha sa sinabi ni Berting. Limang buwan na, limang buwan na niyang sinusubukan pasukin ang mundo ng binata pero sarado ito nakandado at na kay Athena ang susi. Muling lumakad si Akesha palayo sa binata .
"Kita mo tong babaeng ito saksakan ng tigas ng ulo. Ano ba Sha? Huminto ka nga magusap nga tayo?"
"Usap..Usap na naman? Bakit ka ba pigil ng pigil? hindi mo naman masagot ang tanong ko. Ano ba? may bayag ka ba o bubot na okra lang yan ha?" sigaw ni Akesha.
"Hoy! Sha... Teka bakit nauwi sa okra?"
"Huling tanong na lang Roberto Dela Cruz. Kapag huminto ba akong maglakad mamahalin mo na ba ako?" Muling tanong ni Akesha.
"Sha naman eh, ano bang biro ito? Hindi mo alam ang sinasabi mo eh.Pakaisipin mo nga. Milyonarya ka. Ako ay hamak na mangingisda lang Sha, nabibilang ka sa pedestal ako sa buhanginan, isa kang talang dapat ay tinitingala lang samantalang ako ay isang pirasong sea shell lamang na naliligaw sa dalampasigan" Sabi ni Berting.
"Putcha naman Ting, sasagot ka lang kung gusto mo ako o hindi tapos na ang usapan eh kung saan saang kalangitan at bituin mo pa ako hinalintulad. Anak ng pating naman"
"Kase Sha, kase ang hirap paniwalaan eh Mahirap maging biktima ng kapritso mo lang" naliitong sabi ni Berting.
"Milyonarya? saan sa salaping hindi ko alam kung sa malinis nagmula. At kelan ko ipinangmalaki yan. Nabibilang sa kalangitan ay sa pedestal, saan? sa mga lugar na magisa lang ako at malungkot. Maigi ng nasa lupa o buhanginan Berting marami kang kasama minsan nga may etchas pa diba" Sabi ni Akesha.
Pagkatapos ay biglang sumeryoso ang dalaga. Ito na ata ang ikasampong rejection niya kay Berting at ito na din ang huli sabi ng dalaga sa sarili. Naubos na ang tapang niya, nalagas na ang determinasyun niya.
"Pang sampo na ito Ting, at ang sakit sakit na. Mayaman man ako, maluho at palagay mo ay hindi bagay sayo.Pakatandan mo lang sana ting..
"Im also just a girl, standing in front of a boy asking him to love her" Sabi ni Akesha na naalala ang linya ni Julia Roberts sa pelikulang Nothing Hill. Ganun kase ang eksena nila eh hadlang ang katayuan sa buhay.
"Huling tanong na ito Berting. Paano mo ako gustong humakbang? palayo ba sayo o palapit?" Sabi ni Akesha na binigyan na rin ng ultimatom ang sariling katangahan. Ang sakit sakit na kase.
Pero hindi siya nagawang sagutin ni Berting.....
A-thena.. magpapaalam na ako"Halios hindi maihakbang ni Berting ang mga paa. Hindi niya kayang iwan si Athena. Pero kailangan. Kailangan na niyang umalis, napakasakit na kase."Sige Ting, maraming salamat sa lahat. Huwag ka ng magalala sa akin. Kaya ko to" sabi ni Athena. Paghakbang ni Berting palabas ay siya namang pagtalikod ni Athena para bumalik na sa loob. Pero sa bugso ng nasasaktang damdamin ay muling humarap si Berting at hinabol si Athena. Sa braso niya ito nahawakan.Biglang niyakap ni Berting si Athena. Hindi naman na iyong ikinagulat ni Athena dahil sanay na siya sa kilos ni Berting. Ikalawa si Berting naman iyon ang best friend niya at naiintindihan niya ang nararamdamang lungkot nito ngayon."Teng, bakit siya pa, pwede bang ako na lang. Ako na lang Teng. Anong kailangan kong gawin para makalimutan mo siya. Ano ang pwede kong gawin para ako na lang ang mahalin mo Teng" Pakiusap ni Berting at muling niyakap ng mahigpit si Athena saka pinaghahalikan sa labi. Hinayaan ito
Sa hitsura ng mga lalaki na malalaki at matipuno ang mga katawan para itong mga men in uniform pero naka civilian. Biglang natakot si Berting at napaisip sa taong yakap niya. Hindi kaya ito ang pakay nila. Paano kung masamang tao ang hawak niya ngayon .Paano na?""Anak ng kabute naman, sawi na nga siya kay Teng pati ba naman sa buhay masasawi pa. Ipinaganak ka bang may Balat sa tumbong ha Roberto Dela Cruz?" bulong ni Berting sa sarili.Palapit na sa kanila ang mga lalaki kaya niyakap ng mahipt ni beting ang tibo at sinunod ang utos nitong isubsub din ang ulo at mamgkunwaring tulog. Mabuti na lang at nasa dulo ng mga upuan sila pumuwesto kahit papaano ay naantala ang papglapit ng mga lalaki.Pasilip na ang dalawang lalaki sa kanila ng sumipol ang lalaki sa unahan saka sumenyas ng tara na. Mabilis na umalis ang mga Kalalakihang naka barong. Agad namang isinara ng driver ang pinto nag aircon na bus saka umalis na ng terminal.Si Berting naman ay nanatiling pigil ang hininga. Umalis na a
Anim na oras na siya sa biyahe at palagay niya saktong ala una ng gabi ay mararating niya ang lugar na nakita niya sa internet. Madaling araw naman ay kumakatok na si Berting sa kanilang barong barong. Sa wakas matapos ang nakakangawit na biyahe ay nakabalik na rin siya ng Palawan pero kung ang inaakalang pagod sa biyahe ang magdadala kay Berting para makatulog ng mahimbing ay nagkakamali ang binata.Kanina lamang ay libang siya kakaisip kung sino ang tomboy na naka encounter. Infairness sa lahat ng tibo na nakita niya ito ang mabango at malambot ang katawan. At ang halik nito aah mahirap kalimutan. Buong akala niya ay nalibang na siya ng magandang aalalang iyon pero ng malanghap ni Berting ang simoy ng hangin ng dagat. Ang mukha ni Athena na lumuluha ang bumalik muli sa knayng alaala."Teng....." Napahawak sa batok si Berting. Kaya naman ang dapat na itutulog na lang ay ipinasyal na lamang ni Berting sa tabing dagat. Miss na niya ang asin na pumapasok sa ilong niya, miss na niya an
Samantala.. pagod naman na si Akesha kakalibot at kakahanap ng pwedeng upahan pansamantala. Karamihan sa nairecommenda sa kanya bukod sa hindi na reasonable ang presyo may mga maliliit na detalyeng ayaw niya. Sa totoo lang dahil tourist spot ang Palawan kahit studio type na aparment ay masakit na sa bulsa."Oh eto sa tingin mo pwede na ba ito? Sabi ng agent na kausap ni Akesha" inikot ni Akesha ang buong paligid.Tago nga ang lugar pero kulob naman at dadaan ka sa gate ng may ari ng bahay. Gudlstong gusto na niyang bulyawan ang agent na kausap hindi kase ata na gets ang instruction niya. Inayawan ni Akesha ang lugar dahil hindi niya feel.Wala siyang koneksiyon na maramdaman sa lugar na iyon.Bukod pa sa inis na siya agent na hindi ang gusto niya ang ginagawa kung hindi ang sa opinion nito ay gusto niya."Ahh miss gutom na ako gusto ko ng sea food saka fresh buko" Sabi ni Akesha."Naku. Miss Akesha malayo tayo sa Coron lalo naman sa Puerto Galera" Sabi ng kausap. "Wala bang mga kain
Naiinis si Berting dahil masakit na ang ulo niya sa kalasingan pero hindi pa rin siya makatulog. Nagawa na niya ang lahat ng posisyun sa bangka kaya bigla siyang napasigaw sa inis.Pagkatapos ay bumangon siya sa pagkakahiga sa bangka para bumalik na lang sana bahay. Saktong pagtayo niya ay nakita niya ang bulto ng taong tumatakbo palayo."Sino yun? may tao dito ng ganitong oras bukod sa akin? Sino namang pangahas ang dadayo dito sa lugar ko" pagtataka ni Berting."Hah! pasalamat siya pagbangon ko paalis na siya. Baka sira ulong lasing din yun ah at sa bangka ng aking Reyna uupo tapos susukahan lang si Athena ko aba aba kukulatain ko sya" bulong ni Berting.Kaya imbes na umalis at bumalik ng bahay ay muling na lang bumaloktot si Berting at pinagkasya ang sarili sa bangka ni Athena. Babantayan na lang niya ang bangka baka may sira ulong pumuwesto eh" sa isip isip ni Berting."Aray...aray naman...oh my Gee..grrrrr" inis na sabi ni Akesha ng patalisod sa nakausling bato habang halos pata
"Makakatagpo pa ba ako ng lalaking hindi sasamantalahin na mayaman ako? Makakatagpo pa ba ako ng lalaking mamahalin ako yung ako naman ang ipaglalaban? Yung kayang harangin ang bala ng aking ama para sa pagibig ko hah! Meron pa kayang ganun"Sa isip isip ni Akesha."Meron in your dreams, saka sa kuwento nung magandang author na si Madam magandang author yun kaso pangit ng pangalan"Bulong ni Akesha ng maalala ang sinusubaybayang novel ng favorite author niya. Sa novela kase nitong "I love you Mr. Gray" ay nainlove siya sa karakter ni Aljhon at doon niya nakuha ang standard ng gusto niyang lalaki. Pinagmasdan ni Akesha ang sarili saka nagisip."Hindi na ba talaga siya dapat maniwala sa forever? Paano kong nandito pala ang forever ko, hinahanap ko pa kung saan saan?" Bulong ng dalaga sabay inikot ang tingin sa paligid."Sino dito aber? bukod sa mga mangingisdang amoy daing na at taken na aber Akesha, Sa arte mo at selan mong yan?diba nga may standard ka sa lalaki na isiniksik ni Author
Pagkatapos ay sumilip si Berting sa silid kung saan naroon ang bedridden na ina ni Athena at nagpalam na rin.Bago lumabas ng bahay ay dinalaw muna ni Berting ang mga anak nila ni Athena. Natuwa siyang malulusog ang mga ito pero nalulungkot din siya dahil palaki na ito ng palaki at kailangan na ng mga ito ang maluwang na tahanan.Dahil ayaw ni Berting na umuwi ng susuray suray dahiil masesermunan na naman siya ng kanyang ina ay nagpalipas muna ng amats si Berting at nagpahangin sa dalampasigan. Umupo siya sa dulo ng bangka ni Athena at doon nagmuni muni hangang ang kaninang nakasalampak na puwesto ay halos naging pahiga na. magaan talaga ang pakiramdam niya kapag nasa bangka ng pinakamamahal niyang kaibigan .Ewan niya pero kapayapaan ng loob ang dulot sa kanya ng alaalang iyon ni Athena na naiwaan sa pangangalaga niya.Mga isang oras na doon si Berting kaka emote dahil sa bigla na namang pagkamiss kay Athena.Papabagsak na naman sana ang OA niyang luha ng makaramdam ng ginaw at medyo
“Sige na miss, maiwan na kita. Kailangan ng bumalik ng haring shokoy na ito sa kaharian niya. Magiingat ka nga pala dito, kapag umalis na ang hari ng mga shokoy naglalabasan ang mga Undin dito at mga kurimaw na umaahon sa karagatan kapag nakakakita ng patin na walang pangil.Sabi bi Berting saka mabilis ng tumalikod at malalaki ang hakbang na umalis agad para makalayo na sa may sapak na babae. May tiliting ata yun eh. Matindi pa kay Athena grabe.Pagkamalan ba naman akong mamboboso. Ako si Berting Dela Cuz pinsan ni Cardo at Juan Dela Cruz ay mamboboso? hala bait ko kaya mag papari na nga ako kapag sa susunod na buwan ay di pa umuwi si Athena” bubulong bulong na sabi in Berting.“Aray….. "sigaw ni Berting ng masapol na siya ng tsinelas ng babae sa ulo.Sumunod pala ito sa kanya para lamang batuhan talaga siya.“Yan, buti nga sayo shokoy na masungit” sigaw na lang ni Akesha na nameywang pa.“Haring shokoy na pogi kamo. Good night Miss tabla na tayo ha nakaganti ka na”sigaw ni Bert