Share

Chapter 1

A-thena.. magpapaalam na ako"

Halios hindi maihakbang ni Berting ang mga paa. Hindi niya kayang iwan si Athena. Pero kailangan. Kailangan na niyang umalis, napakasakit na kase.

"Sige Ting, maraming salamat sa lahat. Huwag ka ng magalala sa akin. Kaya ko to" sabi ni Athena. Paghakbang ni Berting palabas ay siya namang pagtalikod ni Athena para bumalik na sa loob. Pero sa bugso ng nasasaktang damdamin ay muling humarap si Berting at hinabol si Athena. Sa braso niya ito nahawakan.

Biglang niyakap ni Berting si Athena. Hindi naman na iyong ikinagulat ni Athena dahil sanay na siya sa kilos ni Berting. Ikalawa  si Berting naman iyon ang best friend niya at naiintindihan niya ang nararamdamang lungkot nito ngayon.

"Teng, bakit siya pa, pwede bang ako na lang. Ako na lang Teng. Anong kailangan kong gawin para makalimutan mo siya. Ano ang pwede kong gawin para ako na lang ang mahalin mo Teng" Pakiusap ni Berting  at muling niyakap ng mahigpit si Athena saka pinaghahalikan sa labi. Hinayaan ito ni Athena pero inawat din mismo ni Berting ang sarili makalipas ang ilang minuto.

"I'm sorry Teng... Sorry..sorry talaga huwag kang magalit please. Sorry dahil nagkakaganito ako, sorry dahil ang kulit ko. Mahal na mahal lang kita Teng at ang sakit na. Hindi ko kase kayang makita kang umiiyak para sa iba samantalang nandito ako Teng kahit bituin susungkitin ko para sayo alam mo yan. Mahal na mahal kita kaya ang sakit na" Sabi ni Berting.

Kumalas ng konti si Athena sa pagkakayakap ni Berting hindi para lumayo kundi para haplosin ang mukha ng nagiisang taong hinding hindi siya sinaktan kahit na kailan. Pumatak na rin ang luha ni Athena, ang panghihnayang sa pakakawalang wagas na pagibig ay mabigat din sa kalooban niya. Gustong gusto niyang manatili si Berting sa tabi niya pero unfair ito sa binata . Sa totoo lang parang hindi niya kaya na walang Berting na mabilis na matatawag kahit simpleng pagpatay lang ng ipis  kase ay nakaalalay ito.

"Ting, alam ko sakim ako sa sandaling ito pero  ayokong pakawalan ka. Hindi man ikaw ang tinitibok ng puso ko ikaw naman ang hangin na dumadaloy sa buong katawan ko. Parte ka ng buhay ko Berting at ng araw araw kong buhay. Pero ayokong naging unfair at nasasaktan din akong nakiktia kitang palaging nasasaktan at ako ang gumagawa noon Ting.

Mahal ka na ng puso ko, alam mo yan hindi man bilang lalaki kundi bilang higit pa siguro. Hangad ko ang kaligayahan mo Ting pero sana manatili ka pa ring kaibigan sa akin at nasa tabi ko pag kailangan kita kase ako mananatili akong mangagnailangan sayo. Ikaw lamang ang bestfriend ko Ting. Huwag mo akong kalilimutan ha please mangako ka..Berting please"

Sabi ni Athena at panay ang haplos sa mukha ng kaibigan na hindi na rin itinago ang pagluha. Si Athena na mismo ang humalik sa pisnge ni Berting bilang pamamaalam.

"Oo na, sa tingin naman nito ganun siya kadaling kalimutan" Biro na lang ni Berting kahit parang paulit ulit na sinusuntok ng sakit ang dibdib niya.

Hanggang sa bus station ay mabigat ang kalooban ni Berting. Kung paano niya kakayanin ang lahat ay hindi niya alam.Kung tutuusin ay OA na siya dahil simula pa lang naman ay alam na niyang wala na siyang pagasa.

Kasalanan din naman niya ito, halos kasama niya ng labin limang taon si Athena pero hanggang nakaw na halik lang ang nagawa niya ng tulog ito sa bangka. Ilang love letter na ba ang naisulat niya pero sa pugon lamang nauwi  at ang iba ay naging bangkang papel na pinaanod niya sa dagat.

Mula noon walang nakakaalam ng malalim na pagibig na meron siya para kay Teng kundi ang mga shokoy sa ilalim ng dagat na nakakabasa ng love letter niya kapag lumubog na ang  ng bangkang  papel sa tubig. Mali rin siyang umasa siya ng magkahiwlaay ang mag asawa. Alam niyang masasaktan siya pero umasa pa rin ang tanga niyang puso.

Papasok na si Berting sa bus ng banggain siya ng babaeng nakadark brown na jacket na malaki  sa kanya at nakasuot ang hoody nito. Nakayuko ito kaya siguro hindi siya nakita. Nakasalamin ito ng black at may maliit na backpack na sukbit.

Hindi na lamang pinasin ni Berting ang nangyari kahit nasobsob siya sa pinto ng bus. Nang papaupo na si Berting ay walang ibang bakanteng upuan kondi sa tabi ng babaeng nakabangga sa kanya kanina.

Umupo na lamang si Berting at binalewala na  lang ang nangyari. Mukha naman kasing walang paki ang babae. Nanatili itong nakayuko kahit pa nag excuse na siya para maupo sa tabi nito.

"Miss sabi ko Excuse me?" Ulit ni Berting.Tila kinabahan ang kausap ni Berting dahil nilalapirot nito ang mga daliri.

"Miss..padaan ako pwede ba?" medyo naiinis ng sabi ni Berting.

"Hindi ako Miss. Mister to oi" sabi ng kausap ni Berting na walang iba kundi si Akesha Lopez  Marasigan.

Nagulat siya at biglang natuliro ng tawagin siyang miss ng isa sa pasahero. Nagpanic ang dalaga na sa kabilan g pag de- disguise niya ay napagkamalan pa rin siyang babae. Ibig sabihin ay hindi epektibo ang pagbibihis lalaki niya.

Nagpakayuko yuko si Akesha at pilit isinisiksik ang mukha sa balikat ng katabi. Baka nasundan siya baka  may sumakay ng bus. Baka nakita siya at baka iuwi siya.Pinilit ni Akesha na itago ang mukha sa balikat ng lalakign katabi. Nawiwirduhan naman si Berting ng sumiksik ang babae este lalaki daw sa balikat niya. Halata namang babae ang boses nito kahit pilit na nilalakihan. Kakasiksik nito ay nauwi ito sa likod ng kilikili niya.

"Hoy, tibo singhutin mo lang ha walang pintasan. Ano bang trip mo?" Tanong ni Berting pero hindi kumibo ang tibong katabi. Hindi na rin siya umulit ng tanong. bahala na itong ubusin ang amoy ng kilikili niya.

Paandar na ang bus matapos ang mga trenta minutong paghihintay ng sa iba pang pasahero ng may umakyat na mga lalaking naka polo barong na tila ba may hinahahap. Nagulat si Berting ng biglang yumakap sa bewang niya ang Tibo at isinubsob ang mukha sa dibdib niya.

"Yakapin mo ako ng mahigpit kong hindi bubutasin ko ang tagiliran mo" Sabi nito saka naramdaman ni Berting na may tumusok na matulis  na bagay sa bewang niya.

"Holdaper ka? Malas mo 200 lang laman ng wallet ko" Bulong ni Berting.

"Yakap o saksak" seryosong sabi ni Tibo.

"Aaah Yakap ako siyempre" sagot ni Berting na niyakap na nga lang ang tibong napakakapal ng jacket kaya akala mo malakin tao.Dalawang daan na lang ang pera niya at sasakay pa siya ng ferry.

"Idikit mo ang ulo mo sa akin bilisan mo at magkunwari kang tulog bilis" utos ni tibo. Naguguluhan man ay sumunod na lamang si Berting. Hanggang sa mapansin niya ang mga lalaking nakabarong ay hindi pasahero kundi parang may hinahanap talaga.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Epiphanywife
love this po sana next agad
goodnovel comment avatar
NovelLover
mabuti pa shokoy nabasa love letter ni berting..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status