Share

CHAPTER 65

Magsasalita palang sana si Christian ngunit hinawakan siya ni Irish sa braso.

"Hayaan mo na Christian. Para matapos na 'to ay haharapin ko siya. Iwan mo na lang muna kami." Pakiusap sa kanya ni Irish.

Nilingon ni Christian si Irish. Gusto niyang tanungin ang best friend kung bakit kailangan niyang bigyan ng pagkakataon ang pinsan niyang saktan siya ng paulit-ulit. Tumitig din siya sa pinsan niya. Ibang-iba na nga talaga ang tingin niya dito. Unti-unting tinitibag ng mga ipinapakita nito ang noon ay napakatayog niyang paghanga. Yumuko siya at naglakad palayo. Pakiramdam niya hindi na muna siya kailangan pa roon.

Nanatiling nakatingin si Irish sa dagat. Hindi niya tinitignan si Daniel ngunit naghihintay siya sa kung ano ang sasabihin nito sa kaniya. Marami siyang gustong linawin sa sinabi nito kanina ngunit gusto niyang muling marinig iyon bago siya magtatanong. Minsan na siyang umasa, minsan na siyang naniwala sa pabigla-bigla nitong mga sinasabi sa tuwing naiipit ito sa sitwasyon kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
update na po pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status