Share

CHAPTER 70

"Salamat dahil sa huling pagkakataon nagiging totoo ka rin sa akin. Tungkol sa ating kasal, ikaw ang nagkasala, ikaw ang nagkaroon ng iba, kaya ibinibigay ko sa'yo ang responsibilidad na kausapin ang ating mga naimbita. Sa kanila ka na lang babawi. Huwag mong hayaang umasa pa sila sa wala. Kahit sa ganoong paraan ka lang magpakalalaki. Harapin mo sina Daddy at Mommy. Ikaw ang magpaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari. Huwag kang mag-alala, mananatili sa akin ang lihim na ito. Wala akong pagsasabihan." pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi. Kinagat niyang muli ng bahagya ang kaniyang labi saka siya muling tumitig sa mukha ni Daniel na noon ay basam-basa na ng luha.

Tumalikod si Janna ngunit gumagalaw ang balikat niya sa paghagulgol.

"Huwag mong isiping hindi kita kayang ipaglaban Daniel ngunit paano kung wala sa akin ang talagang hinahanap mo na meron si Irish. Oo, nasampal kita, namura, nasigawan, ngunit hindi maramot ang pagmamahal ko. Hindi kita puwedeng itali sa isang kasal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
sanaol may bestfriend tulad ni Christian.,.sana sya na lang mahalin mo irish,paubaya mo na di daniel Kay janna
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status