Share

CHAPTER 74

Para makakuha ng pagkakataon ay pinauna niya si Christian na mananghalian at siya ang nagbantay na muna kay Irish. Ayaw pumayag si Christian nang una ngunit siya ang mas senior sa kanilang dalawa. Sa totoo lang, mas mataas siya sa pinsan kaya may karapatan siyang utusan ito ganoon din ang isang bodyguard na si Dick. Si Dick ang nagbantay ng sasakyan ngunit hawak niya ang susi. Nakita niyang sa di kalayuan ay abala na si Christian sa pagkain. Tinabihan niya ang President’s Princess na kasama sa namamahagi ng relief goods. Maluwang ang pagkakangiti nito sa lahat na para bang hindi nito pinagdadaanan ang hirap at sakit na pinagdadaanan niya. Iyon ang lalo niyang ikinalulungkot. Para bang walang pakialam si Irish sa kaniya at sa kung anong nangyayari sa relasyon nila.

"Miss Irish, kailangan mo munang magpahinga at mananghalian. Mamaya mo na ituloy 'yan. Naihanda ko na ang pagkain mo sa sasakyan." Pabulong iyon. Sinadya niyang tawagin ito ng Miss Irish para propesyonal pa rin ang datingan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
thanks sa pag update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status