Para makakuha ng pagkakataon ay pinauna niya si Christian na mananghalian at siya ang nagbantay na muna kay Irish. Ayaw pumayag si Christian nang una ngunit siya ang mas senior sa kanilang dalawa. Sa totoo lang, mas mataas siya sa pinsan kaya may karapatan siyang utusan ito ganoon din ang isang bodyguard na si Dick. Si Dick ang nagbantay ng sasakyan ngunit hawak niya ang susi. Nakita niyang sa di kalayuan ay abala na si Christian sa pagkain. Tinabihan niya ang President’s Princess na kasama sa namamahagi ng relief goods. Maluwang ang pagkakangiti nito sa lahat na para bang hindi nito pinagdadaanan ang hirap at sakit na pinagdadaanan niya. Iyon ang lalo niyang ikinalulungkot. Para bang walang pakialam si Irish sa kaniya at sa kung anong nangyayari sa relasyon nila."Miss Irish, kailangan mo munang magpahinga at mananghalian. Mamaya mo na ituloy 'yan. Naihanda ko na ang pagkain mo sa sasakyan." Pabulong iyon. Sinadya niyang tawagin ito ng Miss Irish para propesyonal pa rin ang datingan.
"Sana Jay, nakikita mo pa rin ako ngayon kung nasaan ka man. Sana sa lahat ng paghihirap ng kalooban ko ngayon ay malaman mong sobra ko nang pinagsisihan ang di kita sinundan at inintindi noon. Andaya mo naman kasi, bigla mo akong iniwan. Ni hindi man lang ako nakahingi sa'yo ng tawad kaya hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin yung pagsisisi na hindi kita sinundan noon." pinunansan niya ang luha gamit ang laylayan ng kaniyang damit. "Sa tuwing naiisip kita Jay, hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko kasi pinabayan kita nang gabing iyon. Hindi kita inunawa, hindi kita tinulungang makalimot. Sana kung di kita pinayagang lumayo sa akin, sana kung gumawa ako ng paraan para mawala muna yung pagmamahal mo sa akin bago ako minahal si Janna. Sana nang una pa lang tumanggi na ako nang di lumalim nang lumalim ang maling naramdaman mo sa akin, sana tinulungan kitang maayos ang buhay mo, siguro buhay ka pa rin ngayon. Kaya lang Jay, yung takot na lumayo ang mga taong nagmamahal sa akin ang siya n
CHAPTER 76"Puwede bang mag-usap tayo Daniel? Yung tayo lang, walang PSG." mapagkumbaba niyang pagsisimula pagkasagot na pagkasagot ni Daniel.Huminga ng malalim ang kausap.Kinabahan siya.Tatanggihan na ba siya ni Daniel?"Sige. Susunduin kita. Sanay ka namang tumakas diyan sa Malakanyang, hindi ba?"“Sige. Gagawan ko ng paraan.”“Paalis na ako. Magte-text ako kapag malapit na ako at sabihan mo ako kung saan tayo magkikita.”Pagkatapos nilang napagkasunduan kung saan sila magkikita ay masaya niyang pinutol ang kanilang pag-uusap. Kahit paano nabuhayan siya ng pag-asa. Mabilis siyang naligo, nagpalit at patagong umeskapo. Marami nga siyang naging dahilan sa mga PSG niya nakabantay sa gate.Hindi pa katagalan ang paghihintay niya nang may tumabing motor sa kaniyang sasakyan. Nakilala niyang si Daniel iyon nang tanggalin nito ang kaniyang helmet. Mabilis siyang bumaba. Bumaba rin ang guwapong-guwapo, nakaitim na sando at naka-leather jacket na si Daniel. Binagayan niya ang pang-itaas n
"Wanna have fun? Please be my best friend tonight. I am sad." Text niya iyon kay Christian."Sure. Hintayin mo ako at susunduin kita.""Ayaw kong may PSG pang iba ha? Good thing, PSG ka naman kaya siguro papayag din si Daddy na lumabas ako kasama ka. Alam niyang best friend kita at tiwala siyang di mo ako pababayaan." huling text niya iyon.Gusto niyang kahit papaano ay ma-enjoy niya ang kaniyang kabataan. Gusto niyang muling balikan ang buhay niya noong wala pang isang Daniel na nagpapahirap sa kaniyang kalooban.Guwapong-guwapo si Christian nang sinundo siya. Boyish ang dating, Napakainosente ng mukha ngunit lalaking-lalaki naman ang tindig at pangangatawan. Maamo ang panlabas ngunit hindi ang paninindigan at ang kung ano ang nasa kalooban. Iyon ang mga hinahangaan niya kay Christian. Isa itong ideal boyfriend. Assertive, charming, humble and funny at times. Best friend lang kasi ang tingin niya kay Christian kaya alam niyang hanggang do'n lang talaga silang dalawa. Matalik na magk
Dahil sa ginawa niyang iyon ay lalong nag-ingay ang nagwawalang si Kurt. May mga nakapansin, ilan ay nakilala si Irish. May naglabas ng cellphone para kunan ang pagsasagutan at pananampal ni Irish kay Kurt. Dahil doon ay nalito si Christian kung alin ang kaniyang uunahin. Dahil mas may tama si Irish ay alam niyang lalabas na talunan si Irish. May iniingatan kasi itong dignidad sa bansa. Hindi papayag si Christian na masaktan at masisira ang President’s Princess. Hinila niya ang President’s Princess nang makita niyang gaganti ng pananakit si Kurt. Dahil sa dami ng sampal ni Irish ay gumanti na rin si Booby at ang sampal na dapat dadapo kay Irish ay kay Christian dumapo. Okey nang masaktan si Christian huwag lang si Irish. Uuli pa sana si Kurt ngunit mabilis nang nakailag si Christian. Bago muling makasampal si Kurt ay nagawa na niyang isangga ang kaniyang braso kasunod ng isang sipa. Hindi na niya alam kung paano niya mapipigilan ang kumukuha ng video at ang palapit na dalawang lalaki
CHAPTER 79May pumihit sa seradura ng kuwarto. Alam niyang si Daniel iyon kaya hinayaan lang niyang nakabuyayang ang kanyang kahubdan. Nakita naman na iyon ni Daniel at natikman kagabi kaya ano pang silbing itago niya iyon sa kumot.Ngunit hubad na katawan ni Christian ang iniluwa ng kalahating bukas na pintuan."Damn!" mabilis niyang kinuha ang unan at itinago niya ang kanyang mga kaselanan."Sorry." Tinakpan ni Christian ang mga mata.Natatawa siya sa nakita niyang reaction ni Irish."Can I come in?”“Sure. Sorry ha?”“Sisilip lang sana ako para alamin kung gising ka na.""Gising na ako. Pasok." Hindi niya kayang isalubong ang mata sa nakangiting si Christian.Napansin niyang naka-boxer short lang din ito. Maganda ang hubog ng katawan ni Christian. Hindi gano'n kamaskulado. Katawang pangromansa."Sorry din akala ko kasi si Daniel ka. Good morning pala. Nasa'n siya?""Ahm, maaga siyang umalis e. Tinawagan siya para magreport sa office. Sabi niya ako na muna ang bahala sa'yo. Ako na r
Natigilan si Daniel. Kanina pa niya gustong mamagitan, pigilan si Irish na aminin ang tungkol sa nararamdaman nito sa kanya ngunit alam niyang kung gagawin niya iyon ay lalo lang magkagulo. Wala siyang karapatan magsalita nang hindi siya tinatanong. Dahil sa narinig niya ay wala na siyang iniisip kundi ang panindigan na din lang ang kung ano ang sasabihin ni Irish. Harapin ang parusang ibibigay ng Pangulo sa kaniya. Hindi na siya magsasalita pa. Hindi na niya kailangang magsinungaling tulad ng mga kasinungalingang hinabi niya kanina."Anak naman. Napakaraming ibang lalaki diyan, baka nagkakamali ka lang." tumayo ito sa kaniyang kinauupuan. Naglakad. Paikot-ikot. Nanginginig ang kaniyang kamao."Dad, nasa edad na ho ako. Kilala ko na ang sarili ko. Alam ko na kung sino ang tinitibok ng puso ko, hindi na ako bata para magkamali sa kung sino ang mahal ko at sa hindi.""Hindi puwede.""Dad, bakit hindi puwede? Nandito na 'to. Hindi ko ginusto, hindi ko hinangad. Minahal ko si Daniel.""Ir
CHAPTER 81 "Nakilala ko siya sa US. Sumunod siya dito para ipagpatuloy sana namin ang aming relasyon. Siya ang alam ni Daniel na hiniwalayan kong boyfriend ko. Kaya nang nakunan ni Kurt na niyayakap ako ni Daniel, it was just an act of compassionate and nothing more. Dad, I was so drunk at that time. Si Daniel lang ang umalalay sa akin. Napayakap siya dahil matutumba ako. Ayaw kong magpahatid sa room ko kaya naupo na muna kami sa dalampasigan at sa kaniya ako sumandal. Kurt took those photos dahil hindi niya matanggap na ayaw ko na sa kaniya. Paninira lang ang mga lumabas na litratong iyan, Dad. Maniwala naman kayo sa akin. I love Daniel he did respect me kaya walang kami." Huminga siya nang malalim.Mali na kung maling itanggi niya si Daniel ngayon ngunit naniniwala siyang may tamang panahon ang lahat. Hindi niya muna bibiglain ang Daddy niya."Totoo ba'to Daniel?""Iyon lang ho ang pagkakaalam ko Sir President." Garalgal ang boses ni Daniel.Huminga ng malalim ang Presidente.Bumal
CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at
CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h
CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni
Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy
"Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan
CHAPTER 94Umalis si Christian dahil iyon ang gusto niya. Ngunit habang hindi pa sila nagkikita, wala siyang ibang gawin kundi ang ayusin ang buhay niya at magsimula. Inaamin niyang hindi rin ganoon kadaling kalimutan si Daniel ngunit panahon na lang din ang makapagdedesisyon kung magkikita pa silang muli. Bahala na ang pagkakataon kung sila nga talaga ang itinadhana. Ayaw na niyang maghabol. Pagod na siyang lumaban. Hindi naman kasi kailangang habulin ng habulin ang pagmamahal. Naniniwala siyang kung ang pagmamahal iyon ay ukol sa isang tao, hindi iyon dapat laging ipinaglalaban, dapat umaayon ang lahat. Walang mali, walang dapat katakutan, hindi din dapat ganito ang pakiramdam.Bumalik siya sa Malakanyang na bigo ngunit may nabuong pag-asa sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay mas malakas na siya ngayon.Sinubukan pa rin niyang hanapin si Christian. Pumunta sa dati nitong apartment ngunit sinabi ng kapitbahay nilang matagal na raw na walang umuuwi roon. Dumaan pa ang ilang araw at ha
CHAPTER 93Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep. Nagawa niyang takasan ang kanyang mga bagong PSG. Bahala na kung kagalitan siya ng Mommy o Daddy niya. Ang mahalaga ay maabutan at makausap niya si Christian.Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Christian sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Christian na panakip-butas lang siya dahil batid niyang noon pa man, may espesyal nang bahagi si Christian sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Daniel. Naunang umusbong ang pag-ibig para sa nauna niyang bodyguard kaya nagawa niyang i-ignore ang sumisibol na pagmamahal niya para kay Christian. May tumubong paghanga nang panahong iniligtas siya ni Daniel sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula no'n, may kung ano na siyang naramdamang pagtatangi. Huli na nang napansin niya si C
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig