"Wanna have fun? Please be my best friend tonight. I am sad." Text niya iyon kay Christian."Sure. Hintayin mo ako at susunduin kita.""Ayaw kong may PSG pang iba ha? Good thing, PSG ka naman kaya siguro papayag din si Daddy na lumabas ako kasama ka. Alam niyang best friend kita at tiwala siyang di mo ako pababayaan." huling text niya iyon.Gusto niyang kahit papaano ay ma-enjoy niya ang kaniyang kabataan. Gusto niyang muling balikan ang buhay niya noong wala pang isang Daniel na nagpapahirap sa kaniyang kalooban.Guwapong-guwapo si Christian nang sinundo siya. Boyish ang dating, Napakainosente ng mukha ngunit lalaking-lalaki naman ang tindig at pangangatawan. Maamo ang panlabas ngunit hindi ang paninindigan at ang kung ano ang nasa kalooban. Iyon ang mga hinahangaan niya kay Christian. Isa itong ideal boyfriend. Assertive, charming, humble and funny at times. Best friend lang kasi ang tingin niya kay Christian kaya alam niyang hanggang do'n lang talaga silang dalawa. Matalik na magk
Dahil sa ginawa niyang iyon ay lalong nag-ingay ang nagwawalang si Kurt. May mga nakapansin, ilan ay nakilala si Irish. May naglabas ng cellphone para kunan ang pagsasagutan at pananampal ni Irish kay Kurt. Dahil doon ay nalito si Christian kung alin ang kaniyang uunahin. Dahil mas may tama si Irish ay alam niyang lalabas na talunan si Irish. May iniingatan kasi itong dignidad sa bansa. Hindi papayag si Christian na masaktan at masisira ang President’s Princess. Hinila niya ang President’s Princess nang makita niyang gaganti ng pananakit si Kurt. Dahil sa dami ng sampal ni Irish ay gumanti na rin si Booby at ang sampal na dapat dadapo kay Irish ay kay Christian dumapo. Okey nang masaktan si Christian huwag lang si Irish. Uuli pa sana si Kurt ngunit mabilis nang nakailag si Christian. Bago muling makasampal si Kurt ay nagawa na niyang isangga ang kaniyang braso kasunod ng isang sipa. Hindi na niya alam kung paano niya mapipigilan ang kumukuha ng video at ang palapit na dalawang lalaki
CHAPTER 79May pumihit sa seradura ng kuwarto. Alam niyang si Daniel iyon kaya hinayaan lang niyang nakabuyayang ang kanyang kahubdan. Nakita naman na iyon ni Daniel at natikman kagabi kaya ano pang silbing itago niya iyon sa kumot.Ngunit hubad na katawan ni Christian ang iniluwa ng kalahating bukas na pintuan."Damn!" mabilis niyang kinuha ang unan at itinago niya ang kanyang mga kaselanan."Sorry." Tinakpan ni Christian ang mga mata.Natatawa siya sa nakita niyang reaction ni Irish."Can I come in?”“Sure. Sorry ha?”“Sisilip lang sana ako para alamin kung gising ka na.""Gising na ako. Pasok." Hindi niya kayang isalubong ang mata sa nakangiting si Christian.Napansin niyang naka-boxer short lang din ito. Maganda ang hubog ng katawan ni Christian. Hindi gano'n kamaskulado. Katawang pangromansa."Sorry din akala ko kasi si Daniel ka. Good morning pala. Nasa'n siya?""Ahm, maaga siyang umalis e. Tinawagan siya para magreport sa office. Sabi niya ako na muna ang bahala sa'yo. Ako na r
Natigilan si Daniel. Kanina pa niya gustong mamagitan, pigilan si Irish na aminin ang tungkol sa nararamdaman nito sa kanya ngunit alam niyang kung gagawin niya iyon ay lalo lang magkagulo. Wala siyang karapatan magsalita nang hindi siya tinatanong. Dahil sa narinig niya ay wala na siyang iniisip kundi ang panindigan na din lang ang kung ano ang sasabihin ni Irish. Harapin ang parusang ibibigay ng Pangulo sa kaniya. Hindi na siya magsasalita pa. Hindi na niya kailangang magsinungaling tulad ng mga kasinungalingang hinabi niya kanina."Anak naman. Napakaraming ibang lalaki diyan, baka nagkakamali ka lang." tumayo ito sa kaniyang kinauupuan. Naglakad. Paikot-ikot. Nanginginig ang kaniyang kamao."Dad, nasa edad na ho ako. Kilala ko na ang sarili ko. Alam ko na kung sino ang tinitibok ng puso ko, hindi na ako bata para magkamali sa kung sino ang mahal ko at sa hindi.""Hindi puwede.""Dad, bakit hindi puwede? Nandito na 'to. Hindi ko ginusto, hindi ko hinangad. Minahal ko si Daniel.""Ir
CHAPTER 81 "Nakilala ko siya sa US. Sumunod siya dito para ipagpatuloy sana namin ang aming relasyon. Siya ang alam ni Daniel na hiniwalayan kong boyfriend ko. Kaya nang nakunan ni Kurt na niyayakap ako ni Daniel, it was just an act of compassionate and nothing more. Dad, I was so drunk at that time. Si Daniel lang ang umalalay sa akin. Napayakap siya dahil matutumba ako. Ayaw kong magpahatid sa room ko kaya naupo na muna kami sa dalampasigan at sa kaniya ako sumandal. Kurt took those photos dahil hindi niya matanggap na ayaw ko na sa kaniya. Paninira lang ang mga lumabas na litratong iyan, Dad. Maniwala naman kayo sa akin. I love Daniel he did respect me kaya walang kami." Huminga siya nang malalim.Mali na kung maling itanggi niya si Daniel ngayon ngunit naniniwala siyang may tamang panahon ang lahat. Hindi niya muna bibiglain ang Daddy niya."Totoo ba'to Daniel?""Iyon lang ho ang pagkakaalam ko Sir President." Garalgal ang boses ni Daniel.Huminga ng malalim ang Presidente.Bumal
CHAPTER 82Pakiramdam niya hindi siya makahinga.Bumangon siya.Mabilis niyang tinungo ang kitchen para makainom ng tubig. Naninikip kasi ang dibdib niya sa nabasa at alam niyang hindi lang nananakot si Kurt. Gagawin niya iyon kung hindi siya makakaisip ng paraan para hindi niya iyon itutuloy, ngunit paano?Alam niya ang gusto ni Kurt. Iyon ay ang hiwalayan niya at iwan si Daniel para sila ang magsama sa US.Nang nagiging maayos na ang pakiramdam niya ay sinikap niyang tawagan ang number na iyon ngunit di na niya makontak pa. Pinatay na naman ni Kurt ang cellphone niya kaya nagiging one sided lang ang nangyayari.Paano niya ngayon maipaliliwanag sa Daddy niya na wala sila ni Daniel? Lalabas na nagsisinungaling lang siya dahil makikita sa scandal na sila ng bodyguard niya ang nagsisiping. Paano niya ihaharap ang mukha niya sa mga kapatid at magulang, sa mga nakakakilala sa kaniya, sa buong bansa!Hindi na siya mapakali. Hindi na siya makakatulog pang muli. Kailangan niyang makausap si
CHAPTER 83Hanggang sa may biglang humawak sa kaniyang balikat. Mabilis niyang hinarap kung sino ang humawak na iyon sa kaniyang balikat. Matutupad na ba ang kanyang pangarap na masolo ang lalaking mahal na mahal niya? Ang malayang maipadama niya ang pagmamahal niya kay Daniel.Si Christian.Malungkot ang kaniyang mukha. Ramdam niyang may dala itong masamang balita."Oh, Christian, anong ginagawa mo dito?"Nakita niya ang pagbalong ng luha sa gilid ng mga mata ni Christian. Hindi niya lang maintindihan kung bakit ganoon ang nakita niyang mabilis na reaction ng bestfriend."Nasaan si Daniel? Bakit ikaw ang nandito? Nasaan siya?" sunud-sunod niyang tanong.Huminga ng malalim si Christian. Hindi pa man umaagos nag luha niya ay mabilis na niya iyong pinunasan."Hindi na makakarating si Daniel Irish. Hindi mo na siya mahihintay pang sumunod sa'yo Rito.""Bakit? Anong nangyari sa kaniya? Christian, anong nangyari kay Daniel?"Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi nitong paggamit ng bakal
Pinunit niya ang sulat. Ibinato niya iyon. Nagkalat ang mga pira-pirasong papel. Sinikap niyang tumayo kaya lang nangangatog ang kaniyang mga tuhod. Nanghihina ang mga ito dahil sa sobrang sakit na hindi niya mailabas sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan siyang muling napaupo ngunit mabilis siyang hinawakan ni Christian. Pinilit siya nitong yakapin ngunit itinulak siya ng humihikbing si Irish."Bakit hindi mo sinabi sa akin na may balak pa rin pala silang ikasal? Anong klaseng kaibigan ka?" Singhal niya sa gitna ng kaniyang paghagulgol."Irish, wala akong alam. Hindi ko alam ang plano ni Kuya Daniel. Kahit ang sulat na iyan, hindi ko alam ang nilalaman.""Wala kang alam?”“Oo, wala akong alam.”“E, ano na lang ang alam mo?""Inilihim lahat ni kuya Daniel ang tungkol dito. Maniwala ka sa akin." Sinubukan niyang hawakan si Irish ngunit itinulak siya nito palayo."Pinagkaisahan ninyo akong linlangin.” Umupo siya dahil ramdam niyang parang nanghihina pa rin ang kanyang mga tuhod.“Pinagkaisaha