CHAPTER 85Suot nito ang magarang pangkasal."Daniel? Oh my God! Ikaw nga." yumakap siya sa kaniyang pinakamamahal."Bakit ka narito? Anong ginagawa mo rito?" bulong muli iyon."Salamat at hindi ka pa nakakapasok sa loob." malayong sagot ni Irish sa tanong ni Daniel. "Akala ko nahuli na ang dating ko.”“Hindi ba dapat nakaalis ka na?”“Hindi ako aalis na hindi kita kasama. Tara na, kailangan na nating umalis dito. Alam kong ako ang mahal mo, ako ang paninindigan mo." Hinawakan niya ang braso ni Daniel. Hinila palayo.“Irish ano ba?”“Anong ano ba? Hindi ba’t plano natin itong dalawa? Anong nangyari sa’yo?”"Nabasa mo ba yung sulat na ipinaabot ko kay Christian?""Oo, nabasa ko. Kaya ako nandito.”“Kung nabasa mo at nandito ka pa rin, ibig sabihin, hindi mo ako inintindi. Hindi mo ako naunawaan.”“Hindi talaga kita maiintindihan. Inamin mo, sinabi mo mismo sa sulat na iyon na mas mahal mo ako. Daniel mas mahal mo ako, ibig sabihin ikaw at ako ang dapat magpakasal. Hindi ka dapat pakasa
Chapter 86Humakbang si Daniel palapit kay Janna. Naroon pa rin ang luha sa kaniyang mga mata.Nasa gitna na siya nina Janna at Irish nang tumigil siya. Napakahirap para sa kaniyang ihakbang ang kaniyang mga paa palayo kay Irish at palapit kay Janna. Parang may kung anong pumipigil sa kaniya. Tumitig siya kay Janna. Kung kay Janna siya lalapit, siguradong matutuloy ang kasal. Iyon naman talaga ang plano, iyon naman ang kanina ay gusto niyang mangyari. Tanggap na niya iyon. Matagal-tagal na rin niyang pinag-isipan. Dahan-dahan siyang lumingon kay Irish. Noon ay panay pa rin ang paghikbi. Tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha. Nagmamakaawang siya na lang muli ang piliin niya."Ang President’s Princess! Nandito ang President’s Princess!" sigaw ng isang di kalayuang reporter na nakakita sa kanilang tatlo.Lumingon ang mga iyon sa kinatatayuan nila.Natigilan si Daniel. Hindi niya alam kung paano niya ilalayo doon ang President’s Princess nang hindi na dudumugin ng mga palapit nang mga reporter
CHAPTER 87"Oo at dahil ayaw niyang may PSG, ikaw ang lihim na kukunin ng ahensiya na magiging PSG na makasama ko.""Paano 'yan? Hindi pa ako tanggap ah!""Apptroved na yung papers mo Bok. Sabi ni Daddy okey na raw, baka nga daw bukas o sa makalawa, ganap ka na ding PSG, pero usapan ha, huwag kang magpahalata kay Irish na PSG ka din niya.""Totoo? Pa'nong... Bakit siya pupunta sa purok?" Nagpaikot-ikot pa siya na halatang nienerbiyos. Hindi siya makapaniwala sa narinig."Dahil sa dami ng napapasukang gulo at pagiging pasaway, naisip ng Presidenteng mag-imersion para maranasan niya ang buhay mahirap. Ano, positive ba Bok?"Napasuntok siya sa hangin."Aprub kuya! Anong kailangang ihanda? Kailangan ko bang magpagupit, bumili ng mga bagong damit? Anong gagawin ko?" natataranta niyang mga tanong."Ihanda? Wala kang dapat paghandaan sa kung anong hitsura mo. Mag-file ka na ng leave mo, umuwi ka sa baryo at ihanda mo yung kubong tinutulugan namin ni Janna kapag umuuwi kami doon para tutuluga
Chapter 88. Ngayon, hindi niya alam kung huling pananakit na iyon ng pinsan niya kay Irish ngunit nakikita niyang wala siyang magiging lugar sa puso ni Irish. Hindi na niya kayang maging isang matalik lang na kaibigan sa habang-panahon. May nararamdaman na siyang patuloy na nagpapahirap sa kaniya. Isang marubdob na damdamin na patuloy na sumusugat sa kanyang puso. Kailangan din niyang isipin muna ang sarili niya. Tanggap na niyang hanggang "bestfriends" lang silang dalawa ni Irish.Huminga siya nang malalim. Kailangan na niyang magdesisyon din para sa sarili niya. Kinuha niya ang cellphone. Hinanap niya ang huling text sa kaniya ng kaibigang nasa ibang bansa. Kung mangyayari rin lang naman ito, bakit pa niya iyon patatagalin. Ang pagsisimula ng paglimot ay hindi na dapat ipinapabukas pa. Matagal na niyang tinitiis ang lahat ng bakayaran ng nililihim niyang nararamdaman. Hindi na muna niya binasa ang mga text sa kaniya ng Kuya Daniel niya. Kailangan niyang ipahinga ang isipan. May mga
CHAPTER 89Nalito si Irish. Hindi niya maintindihan kung bakit ang simpleng kantahan ay nauwi sa iyakan? Mabilis rin siyang tumayo. Sinenyasan niya si Dick na ayusin ang bill. Sinundan niya si Christian na noon ay nagmamadaling tinungo ang dalampasigan. Lumapit siya sa nakayukong umiiyak na si Christian."May problema ba Christian? May pinagdadaanan ka?"Hindi ito sumagot. Tumingin lang kay Irish saka inayos niya ang sarili. Kinagat niya ang labi niya ngunit sadyang marupok ang luha. Patuloy lang itong umagos sa kaniyang pisngi."Bakit hindi mo sabihin sa akin, baka matulungan kita.""Wala.”“Wala? Anong wala e nakikita ko yung sarili ko sa’yo ngayon.”“Talaga? Nakikita mo na ako? Nararamdaman?”“Bakit naman hindi?”Huminga nang malalim si Christian. Tinignan niya si Irish. Ayaw niyang sumabay sa lahat ng problema ni Irish ngayon. “Huwag mo na akong intindihin. May sarili ka pang problema na kailangang mong unahin." Bumunot ng malalim na hininga. Inilagay niya ang mga kamay sa magkab
CHAPTER 90“Wala ka bang nararamdaman sa akin?” garalgal na tanong ni Christian. Suntok sa buwan, sungkit sa bituing tanong.Umiling-iling si Irish habang umaatras hanggang sa tuluyan siyang tumalikod."Irish, I'm sorry..." sinikap ni Christian na pigilan ang President’s Princess."Huwag mo na muna akong kausapin.""Galit ka ba sa akin?""Please! Hayaan mo munang magsink-in lahat sa akin kasi nasa gitna ako ng iba't ibang matitinding emosyon ngayon. Nasasaktan ako dahil sa nangyari sa amin ni Daniel, nagulat ako at nalilito sa ipinagtapat mo sa akin, naiinis ako sa sarili ko na ginawa ko iyon, na ginawa natin iyon na hindi ko man lang sinigurado kung si Daniel ang katalik ko nang madaling araw na 'yon. Pagod na pagod na akong mag-isip. Ahhhh! Damn! Gusto kong ipahinga ang isip at puso ko dahil sa totoo lang malapit na akong mabaliw. Sana di na lang kayo dumating na magpinsan sa buhay ko nang hindi ako nahihirapan ng ganito," singhal ni Irish.Walang magawa si Christian kundi ang tangg
"Pag-asa? Nasisiraan ka na ba ng ng ulo? Hindi kita binigyan ng pag-asa. Nag-assume ka lang!"" Siguro nga, nag-assume lang ako. Na kahit hindi sigurado ang mga ipinakita mong mga pagtatanging iyon, nagbigay sa akin ng simpleng ngiti sa labi ngunit sa pagdaan ng araw, ang mga mumunting pag-asang iyon ang parang mga lason na unti-unti ding pumapatay sa akin, ang mga di mo sinasadyang iyon ang lalong nagpapahirap sa akin kasi nakikita kong mas matimbang ang pagmamahal mo kay Kuya Daniel.""Akin na nga yung pinabili ko." mabilis niyang nilapitan ang alak ngunit naunahan siya ni Christian. Kinuha iyon ni Christian at tinungo niya ang CR. Hinawakan siya ni Irish sa baywang para pigilan ngunit dahil mas malakas si Christian at maaring may tama na siya ngunit hindi katulad ni Irish. Kaya padausdos lang na nasama si Irish hanggang sa loob ng CR. Isa-isang binuksan ni Christian ang alak at ibinuhos niya ang laman no'n sa toilet bowl habang hirap na hirap si Irish na pigilan siya. Sapat na ang
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig
CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at
CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h
CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni
Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy
"Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan
CHAPTER 94Umalis si Christian dahil iyon ang gusto niya. Ngunit habang hindi pa sila nagkikita, wala siyang ibang gawin kundi ang ayusin ang buhay niya at magsimula. Inaamin niyang hindi rin ganoon kadaling kalimutan si Daniel ngunit panahon na lang din ang makapagdedesisyon kung magkikita pa silang muli. Bahala na ang pagkakataon kung sila nga talaga ang itinadhana. Ayaw na niyang maghabol. Pagod na siyang lumaban. Hindi naman kasi kailangang habulin ng habulin ang pagmamahal. Naniniwala siyang kung ang pagmamahal iyon ay ukol sa isang tao, hindi iyon dapat laging ipinaglalaban, dapat umaayon ang lahat. Walang mali, walang dapat katakutan, hindi din dapat ganito ang pakiramdam.Bumalik siya sa Malakanyang na bigo ngunit may nabuong pag-asa sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay mas malakas na siya ngayon.Sinubukan pa rin niyang hanapin si Christian. Pumunta sa dati nitong apartment ngunit sinabi ng kapitbahay nilang matagal na raw na walang umuuwi roon. Dumaan pa ang ilang araw at ha
CHAPTER 93Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep. Nagawa niyang takasan ang kanyang mga bagong PSG. Bahala na kung kagalitan siya ng Mommy o Daddy niya. Ang mahalaga ay maabutan at makausap niya si Christian.Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Christian sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Christian na panakip-butas lang siya dahil batid niyang noon pa man, may espesyal nang bahagi si Christian sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Daniel. Naunang umusbong ang pag-ibig para sa nauna niyang bodyguard kaya nagawa niyang i-ignore ang sumisibol na pagmamahal niya para kay Christian. May tumubong paghanga nang panahong iniligtas siya ni Daniel sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula no'n, may kung ano na siyang naramdamang pagtatangi. Huli na nang napansin niya si C
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig