Share

CHAPTER 88

Chapter 88.

Ngayon, hindi niya alam kung huling pananakit na iyon ng pinsan niya kay Irish ngunit nakikita niyang wala siyang magiging lugar sa puso ni Irish. Hindi na niya kayang maging isang matalik lang na kaibigan sa habang-panahon. May nararamdaman na siyang patuloy na nagpapahirap sa kaniya. Isang marubdob na damdamin na patuloy na sumusugat sa kanyang puso. Kailangan din niyang isipin muna ang sarili niya. Tanggap na niyang hanggang "bestfriends" lang silang dalawa ni Irish.

Huminga siya nang malalim. Kailangan na niyang magdesisyon din para sa sarili niya. Kinuha niya ang cellphone. Hinanap niya ang huling text sa kaniya ng kaibigang nasa ibang bansa. Kung mangyayari rin lang naman ito, bakit pa niya iyon patatagalin. Ang pagsisimula ng paglimot ay hindi na dapat ipinapabukas pa. Matagal na niyang tinitiis ang lahat ng bakayaran ng nililihim niyang nararamdaman. Hindi na muna niya binasa ang mga text sa kaniya ng Kuya Daniel niya. Kailangan niyang ipahinga ang isipan. May mga
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
mas maganda ang story ni Daniel at Irish
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status