Share

CHAPTER 86

Chapter 86

Humakbang si Daniel palapit kay Janna. Naroon pa rin ang luha sa kaniyang mga mata.

Nasa gitna na siya nina Janna at Irish nang tumigil siya. Napakahirap para sa kaniyang ihakbang ang kaniyang mga paa palayo kay Irish at palapit kay Janna. Parang may kung anong pumipigil sa kaniya. Tumitig siya kay Janna. Kung kay Janna siya lalapit, siguradong matutuloy ang kasal. Iyon naman talaga ang plano, iyon naman ang kanina ay gusto niyang mangyari. Tanggap na niya iyon. Matagal-tagal na rin niyang pinag-isipan. Dahan-dahan siyang lumingon kay Irish. Noon ay panay pa rin ang paghikbi. Tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha. Nagmamakaawang siya na lang muli ang piliin niya.

"Ang President’s Princess! Nandito ang President’s Princess!" sigaw ng isang di kalayuang reporter na nakakita sa kanilang tatlo.

Lumingon ang mga iyon sa kinatatayuan nila.

Natigilan si Daniel. Hindi niya alam kung paano niya ilalayo doon ang President’s Princess nang hindi na dudumugin ng mga palapit nang mga reporter
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
more update pa pls
goodnovel comment avatar
Afrilin Reynolds
Ganda ng story...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status