Magsasalita palang sana si Christian ngunit hinawakan siya ni Irish sa braso."Hayaan mo na Christian. Para matapos na 'to ay haharapin ko siya. Iwan mo na lang muna kami." Pakiusap sa kanya ni Irish.Nilingon ni Christian si Irish. Gusto niyang tanungin ang best friend kung bakit kailangan niyang bigyan ng pagkakataon ang pinsan niyang saktan siya ng paulit-ulit. Tumitig din siya sa pinsan niya. Ibang-iba na nga talaga ang tingin niya dito. Unti-unting tinitibag ng mga ipinapakita nito ang noon ay napakatayog niyang paghanga. Yumuko siya at naglakad palayo. Pakiramdam niya hindi na muna siya kailangan pa roon.Nanatiling nakatingin si Irish sa dagat. Hindi niya tinitignan si Daniel ngunit naghihintay siya sa kung ano ang sasabihin nito sa kaniya. Marami siyang gustong linawin sa sinabi nito kanina ngunit gusto niyang muling marinig iyon bago siya magtatanong. Minsan na siyang umasa, minsan na siyang naniwala sa pabigla-bigla nitong mga sinasabi sa tuwing naiipit ito sa sitwasyon kay
Si Daniel man ay wala na ring pakialam sa paligid. Ang lahat ng kaniyang atensiyon ay nasa kamunduhang pinagsasaluhan nilang dalawa ni Irish. Iba ang init nila sa gabing iyon. Naroon ang kakaibang pagbulwak ng pananabik at tilamsik ng matagal nang pagpipigil. At noong kapwa na sila hubad at pinagsasaluhan ang pulo't gata ng muling pag-iisa ay tanging ang kanilang mga kaluluwa ang nagdidiwang. Bawat ungol at pagmumura sa sarap ay may kalakip na pagsinta. Bawat indayog ng kanilang katawan ay may kasamang kakaibang sarap. Wala nang pumigil sa sa init ng kanilang katawan. Walang bumibitaw, walang sumusuko. Kailangan nilang sabay na marating ang rurok ng kaluwalhatian.Kasabay ng pagbulwak ng katas ng ligaya ang dahan-dahang pagsara ng pintuan ng kuwarto. Hinayaan niyang bukas lang ang tinaguan niyang malaking aparador. Maingat na maingat ang pagsara ng pintuan na ni isa sa kanila ay walang nakapansin. Latang-lata sila at pawisang bumagsak sa kama. Muling nagyakap at naghalikan."I love yo
CHAPTER 67Naglakad pa siya at hinanap niya sa magkakalayong mga table kung saan do'n nakaupo si Daniel. Napangiti siya nang makita niya si Daniel na nakaupo patalikod sa kaniya. Naka-order na rin pala ito ng kakainin niya. Mabilis siyang naglakad palapit sa kaniya. Maluwang kaniyang pagkakangiti habang si Daniel ay nakayuko at nakatingin sa kaniyang red wine."Sweet talaga. Akala ko matatapos na ang araw na di tayo magkasama 'yun pala may balak kang i-surprise ako ng dinner?" bulong niya sa sarili habang palapit ng palapit kay Daniel.***"Bakit antagal mong bumalik? Kanina pa ako nagugutom?" tumingin muli si Daniel sa pasilyo patungo sa comfort room.***Nakita niyang dumating na ang kanyang pinadalhan ng text. Napangiti siya."Dumating na din ang hinihintay ko. Magtutuos tayong tatlo!" bumilog ang mga mata ni Janna. Halata doon ang tinitiis niyang galit. Hinugot niya sa bag niya ang isang folder. Lumabas na siya sa tinaguan niya mula kaninang nagpaalam siya kay Daniel.Mabuti at na
"Kung wala akong kasalanan, kung wala akong nagawang mali, kung walang sobra, bakit ka nagkaroon ng iba?" nakikiusap pa rin ang boses niya. Inuunahan niyang pahiran ng tissue ang kaniyang mga luha bago pa man ito aagos sa kaniyang pisngi."Ano bang sinasabi mo? Hindi ka namin maintindihan?""Alam ninyo kung anong masakit pa sa akin? Patuloy ninyo akong pinamumukhang tanga. Patuloy ninyong itinatanggi ang kung anong meron kayo para malaya ninyong gawin ang panloloko sa akin. Ginagawa na ninyo akong tanga kapag nakatalikod ako, pati ba naman sa harap-harapan kaya pa rin ninyo akong gawing bobo? Umamin na kasi kayo, kasi, sa tuwing nagsisinungaling kayo ng ganyan ay lalo lang tumitindi ang pagkapoot ko sa inyong dalawa. Lalo mo lang sinasaid ang tiwala ko sa'yo Daniel!"Nagkatinginan ang dalawa.Walang gustong magsalita.Halos sabay din silang yumuko.Naghintay pa rin si Janna na sa kanila mismo manggaling ang pag-amin ngunit mukhang wala sa kanila ang gustong magsabi ng totoo.Huminga s
***Matagal na iniwasan ni Daniel na mangyari ito. Ang harapin ang gusot na siya lamang ang tanging dapat tatapos. Hindi na niya kayang takasan pa. Kailangan na niyang manindigan sa dalawa. Ang lalong nagpasikip sa kaniyang dibdib ay ang makita ang mga luha sa pisngi ng dalawang matimbang sa kaniyang puso. Ilang gabing pinag-isipan niya ang bagay na ito at hanggang ngayon, wala pa rin siyang maisagot. Bakit nahihirapan siyang magdesisyon? Sinasabi ng utak niyang si Janna pero tumatanggi ang kanyang puso.***"Sagutin mo naman ako nang di na ako nagpapakatanga pa sa'yo. Daniel sagutin mo naman ako, mahal mo ba si Irish? Kaya mo ba siya pinatulan dahil may nararamdaman ka sa kaniya?" diretsuhang tanong ni Janna.Muling tumingin si Daniel sa dalawa.Humugot siya ng malalim na hininga.Kitang-kita niya sa mga mata ni Irish ang kagustuhang malaman kung kaya ba niyang manindigan tulad ng ipinangako niya. Batid niyang umaasa itong paninindigan siya. Nakikita niyang nagtitiwala pa rin ito kah
"Salamat dahil sa huling pagkakataon nagiging totoo ka rin sa akin. Tungkol sa ating kasal, ikaw ang nagkasala, ikaw ang nagkaroon ng iba, kaya ibinibigay ko sa'yo ang responsibilidad na kausapin ang ating mga naimbita. Sa kanila ka na lang babawi. Huwag mong hayaang umasa pa sila sa wala. Kahit sa ganoong paraan ka lang magpakalalaki. Harapin mo sina Daddy at Mommy. Ikaw ang magpaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari. Huwag kang mag-alala, mananatili sa akin ang lihim na ito. Wala akong pagsasabihan." pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi. Kinagat niyang muli ng bahagya ang kaniyang labi saka siya muling tumitig sa mukha ni Daniel na noon ay basam-basa na ng luha.Tumalikod si Janna ngunit gumagalaw ang balikat niya sa paghagulgol."Huwag mong isiping hindi kita kayang ipaglaban Daniel ngunit paano kung wala sa akin ang talagang hinahanap mo na meron si Irish. Oo, nasampal kita, namura, nasigawan, ngunit hindi maramot ang pagmamahal ko. Hindi kita puwedeng itali sa isang kasal
CHAPTER 71"Iniwan na ako ni Janna. Ayaw kong pati si Irish mawawala pa sa akin.""Tama lang yun kuya. Maramdaman mo naman ang walang-wala para mas maintindihan mo ang halaga ng mga taong nagmamahal sa'yo.""Bakit, ikaw ba ang kinakausap ko? Ba't ka nangingialam?""Kuya antagal kitang inintindi, antagal kong nagtimpi. Kailan ka pa ba titigil? Kailan ka ba matatauhan?" singhal ni Christian."Gago ka ah! Makapagsalita ka akala mo na kung sino ka!""Kuya alam ko. Batid ko kung sino ako. Hindi ko kailanman makakalimutan kong sino lang ako. Tinulungan mo lang naman ako para marating ko ang buhay ko ngayon pero kuya, hindi ang utang na loob ko sa'yo ang pinag-uusapan natin dito. Tungkol sa'yo, sa taong nagmamahal sa'yo at ako! Ako, kuya na nagmamalasakit ng sobra sa'yo. Napakasama na nang ginagawa mo! Kuya magkaroon ka naman ng pakiramdam! Magkaroon ka naman ng hiya sa sarili mo!" Hindi pa natatapos si Christian ang mga dapat niyang sasabihin nang biglang nagpakawala ng isang malakas na su
CHAPTER 72"Christian, hindi din madali ang ginawa ni Daniel na amining mahal niya ako sa harap mismo ni Janna. Hindi niya itinangging mahal niya ako sa mismong harap ng babaeng matagal na din niyang minahal. Yung pagkapoot ko kanina nang nalaman kong nagsisinungaling siya ay nabawasan. Mahal niya ako. Napatunayan ko 'yun. Ang kailangan ko na lang ngayong sukatin ay kung paano niya ako paninindigan at iyon ang kailangan niyang patunayan sa akin Christian. Iyon ang kailangan niyang paghirapan."Tumango-tango si Christian. Ayaw na niyang kontrahin ang nakikita niyang pag-asa ni Irish. Alam niyang iyon lang ang tangi niyang kinakapitan para kahit papaano ay maibsan ang kaniyang dinadalang sakit. Pinabayaan na lang niya si Irish na mag-isip. Siniguro na lang niyang maramdaman ni Irish na lagi siyang nasa tabi nito sa pamamagitan ng patagong pagpisil nito sa kaniyang palad.Pagdating nila sa Malakanyang ay niyakap siya ni Irish nang nasa loob pa lang sila ng sasakyan para wala sa kanilang