***Matagal na iniwasan ni Daniel na mangyari ito. Ang harapin ang gusot na siya lamang ang tanging dapat tatapos. Hindi na niya kayang takasan pa. Kailangan na niyang manindigan sa dalawa. Ang lalong nagpasikip sa kaniyang dibdib ay ang makita ang mga luha sa pisngi ng dalawang matimbang sa kaniyang puso. Ilang gabing pinag-isipan niya ang bagay na ito at hanggang ngayon, wala pa rin siyang maisagot. Bakit nahihirapan siyang magdesisyon? Sinasabi ng utak niyang si Janna pero tumatanggi ang kanyang puso.***"Sagutin mo naman ako nang di na ako nagpapakatanga pa sa'yo. Daniel sagutin mo naman ako, mahal mo ba si Irish? Kaya mo ba siya pinatulan dahil may nararamdaman ka sa kaniya?" diretsuhang tanong ni Janna.Muling tumingin si Daniel sa dalawa.Humugot siya ng malalim na hininga.Kitang-kita niya sa mga mata ni Irish ang kagustuhang malaman kung kaya ba niyang manindigan tulad ng ipinangako niya. Batid niyang umaasa itong paninindigan siya. Nakikita niyang nagtitiwala pa rin ito kah
"Salamat dahil sa huling pagkakataon nagiging totoo ka rin sa akin. Tungkol sa ating kasal, ikaw ang nagkasala, ikaw ang nagkaroon ng iba, kaya ibinibigay ko sa'yo ang responsibilidad na kausapin ang ating mga naimbita. Sa kanila ka na lang babawi. Huwag mong hayaang umasa pa sila sa wala. Kahit sa ganoong paraan ka lang magpakalalaki. Harapin mo sina Daddy at Mommy. Ikaw ang magpaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari. Huwag kang mag-alala, mananatili sa akin ang lihim na ito. Wala akong pagsasabihan." pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi. Kinagat niyang muli ng bahagya ang kaniyang labi saka siya muling tumitig sa mukha ni Daniel na noon ay basam-basa na ng luha.Tumalikod si Janna ngunit gumagalaw ang balikat niya sa paghagulgol."Huwag mong isiping hindi kita kayang ipaglaban Daniel ngunit paano kung wala sa akin ang talagang hinahanap mo na meron si Irish. Oo, nasampal kita, namura, nasigawan, ngunit hindi maramot ang pagmamahal ko. Hindi kita puwedeng itali sa isang kasal
CHAPTER 71"Iniwan na ako ni Janna. Ayaw kong pati si Irish mawawala pa sa akin.""Tama lang yun kuya. Maramdaman mo naman ang walang-wala para mas maintindihan mo ang halaga ng mga taong nagmamahal sa'yo.""Bakit, ikaw ba ang kinakausap ko? Ba't ka nangingialam?""Kuya antagal kitang inintindi, antagal kong nagtimpi. Kailan ka pa ba titigil? Kailan ka ba matatauhan?" singhal ni Christian."Gago ka ah! Makapagsalita ka akala mo na kung sino ka!""Kuya alam ko. Batid ko kung sino ako. Hindi ko kailanman makakalimutan kong sino lang ako. Tinulungan mo lang naman ako para marating ko ang buhay ko ngayon pero kuya, hindi ang utang na loob ko sa'yo ang pinag-uusapan natin dito. Tungkol sa'yo, sa taong nagmamahal sa'yo at ako! Ako, kuya na nagmamalasakit ng sobra sa'yo. Napakasama na nang ginagawa mo! Kuya magkaroon ka naman ng pakiramdam! Magkaroon ka naman ng hiya sa sarili mo!" Hindi pa natatapos si Christian ang mga dapat niyang sasabihin nang biglang nagpakawala ng isang malakas na su
CHAPTER 72"Christian, hindi din madali ang ginawa ni Daniel na amining mahal niya ako sa harap mismo ni Janna. Hindi niya itinangging mahal niya ako sa mismong harap ng babaeng matagal na din niyang minahal. Yung pagkapoot ko kanina nang nalaman kong nagsisinungaling siya ay nabawasan. Mahal niya ako. Napatunayan ko 'yun. Ang kailangan ko na lang ngayong sukatin ay kung paano niya ako paninindigan at iyon ang kailangan niyang patunayan sa akin Christian. Iyon ang kailangan niyang paghirapan."Tumango-tango si Christian. Ayaw na niyang kontrahin ang nakikita niyang pag-asa ni Irish. Alam niyang iyon lang ang tangi niyang kinakapitan para kahit papaano ay maibsan ang kaniyang dinadalang sakit. Pinabayaan na lang niya si Irish na mag-isip. Siniguro na lang niyang maramdaman ni Irish na lagi siyang nasa tabi nito sa pamamagitan ng patagong pagpisil nito sa kaniyang palad.Pagdating nila sa Malakanyang ay niyakap siya ni Irish nang nasa loob pa lang sila ng sasakyan para wala sa kanilang
CHAPTER 73 Madalas siyang tumingin sa salamin, nagbabakasakali lang siyang nakatingin din sa kaniya si Irish ngunit paano ba niya iyon makikita kung natatakpan ng malaki at itim na sunglasses ang mga mata nito.Iniwan na siya ni Janna. Kung nasaan ito, hindi niya alam. Ni hindi niya alam kung paanong simulang magtapat sa tumayong magulang nila. Paano ba niya sasabihin sa kanilang hindi na matutuloy ang kasal nila dahil umibig siya sa President’s Princess. Nagkahiwalay sila ni Janna dahil sa katotohanang ipinagpalit niya ito sa isang babaeng bago lang sa kanyang buhay. Hindi gano'n kadaling ipagtapat iyon. Hindi din niya alam kung maiintindihan siya ng mga ito. Ang hirap ng pinasok niya lalo pa't ikinatatakot din niyang lalabas ang mga pictures o ang mas masahol pa, paano kung may video scandal pa pala sila ni Irish? Natatakot siya para sa President’s Princess. Si Irish ang alam niyang mas magiging biktima sa ginawa nila. Anong silbing bodyguard siya? Isa pa naman siya sa pinakamagali
Para makakuha ng pagkakataon ay pinauna niya si Christian na mananghalian at siya ang nagbantay na muna kay Irish. Ayaw pumayag si Christian nang una ngunit siya ang mas senior sa kanilang dalawa. Sa totoo lang, mas mataas siya sa pinsan kaya may karapatan siyang utusan ito ganoon din ang isang bodyguard na si Dick. Si Dick ang nagbantay ng sasakyan ngunit hawak niya ang susi. Nakita niyang sa di kalayuan ay abala na si Christian sa pagkain. Tinabihan niya ang President’s Princess na kasama sa namamahagi ng relief goods. Maluwang ang pagkakangiti nito sa lahat na para bang hindi nito pinagdadaanan ang hirap at sakit na pinagdadaanan niya. Iyon ang lalo niyang ikinalulungkot. Para bang walang pakialam si Irish sa kaniya at sa kung anong nangyayari sa relasyon nila."Miss Irish, kailangan mo munang magpahinga at mananghalian. Mamaya mo na ituloy 'yan. Naihanda ko na ang pagkain mo sa sasakyan." Pabulong iyon. Sinadya niyang tawagin ito ng Miss Irish para propesyonal pa rin ang datingan.
"Sana Jay, nakikita mo pa rin ako ngayon kung nasaan ka man. Sana sa lahat ng paghihirap ng kalooban ko ngayon ay malaman mong sobra ko nang pinagsisihan ang di kita sinundan at inintindi noon. Andaya mo naman kasi, bigla mo akong iniwan. Ni hindi man lang ako nakahingi sa'yo ng tawad kaya hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin yung pagsisisi na hindi kita sinundan noon." pinunansan niya ang luha gamit ang laylayan ng kaniyang damit. "Sa tuwing naiisip kita Jay, hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko kasi pinabayan kita nang gabing iyon. Hindi kita inunawa, hindi kita tinulungang makalimot. Sana kung di kita pinayagang lumayo sa akin, sana kung gumawa ako ng paraan para mawala muna yung pagmamahal mo sa akin bago ako minahal si Janna. Sana nang una pa lang tumanggi na ako nang di lumalim nang lumalim ang maling naramdaman mo sa akin, sana tinulungan kitang maayos ang buhay mo, siguro buhay ka pa rin ngayon. Kaya lang Jay, yung takot na lumayo ang mga taong nagmamahal sa akin ang siya n
CHAPTER 76"Puwede bang mag-usap tayo Daniel? Yung tayo lang, walang PSG." mapagkumbaba niyang pagsisimula pagkasagot na pagkasagot ni Daniel.Huminga ng malalim ang kausap.Kinabahan siya.Tatanggihan na ba siya ni Daniel?"Sige. Susunduin kita. Sanay ka namang tumakas diyan sa Malakanyang, hindi ba?"“Sige. Gagawan ko ng paraan.”“Paalis na ako. Magte-text ako kapag malapit na ako at sabihan mo ako kung saan tayo magkikita.”Pagkatapos nilang napagkasunduan kung saan sila magkikita ay masaya niyang pinutol ang kanilang pag-uusap. Kahit paano nabuhayan siya ng pag-asa. Mabilis siyang naligo, nagpalit at patagong umeskapo. Marami nga siyang naging dahilan sa mga PSG niya nakabantay sa gate.Hindi pa katagalan ang paghihintay niya nang may tumabing motor sa kaniyang sasakyan. Nakilala niyang si Daniel iyon nang tanggalin nito ang kaniyang helmet. Mabilis siyang bumaba. Bumaba rin ang guwapong-guwapo, nakaitim na sando at naka-leather jacket na si Daniel. Binagayan niya ang pang-itaas n