Tahimik na tumabi si Irish kay Kurt habang hinihintay nila ang pagbaba ng elevator. Pinauna na lang nila ang ibang guest para masolo nila ang isang pababa pang elevator. Nakatingin si Irish kay Kurt ngunit hindi si Kurt sa kaniya. Ilang sandali pa ay tahimik ring tumabi si Christian kay Irish. Nagkatinginan ang dalawa. Sinikap ni Christian na gawaran ng matamis na ngiti ang bestfriend ngunit parang walang nakita si Irish. Binawi niya ang ngiti at tumingin sa noon ay bumukas na elevator. Tahimik silang sumakay. Nakakabinging katahimikan ang naghari sa loob ng elevator hanggang sa nakapasok na ang dalawa sa kanilang kuwarto at naiwan si Christian sa labas para bantayan sila.Malalim ang iniisip ni Kurt ng mga sandaling iyon. Galit siya at nasasaktan ngunit hindi niya kayang saktan physically ang President’s Princess. Lahat ng galit na iyon ay naipon sa dibdib niya. Kinuha niya ng bottled mineral water at tinungga niya iyon para kahit papaano ay maibsan ang bigat na kaniyang dinadala. Um
Magsasalita palang sana si Christian ngunit hinawakan siya ni Irish sa braso."Hayaan mo na Christian. Para matapos na 'to ay haharapin ko siya. Iwan mo na lang muna kami." Pakiusap sa kanya ni Irish.Nilingon ni Christian si Irish. Gusto niyang tanungin ang best friend kung bakit kailangan niyang bigyan ng pagkakataon ang pinsan niyang saktan siya ng paulit-ulit. Tumitig din siya sa pinsan niya. Ibang-iba na nga talaga ang tingin niya dito. Unti-unting tinitibag ng mga ipinapakita nito ang noon ay napakatayog niyang paghanga. Yumuko siya at naglakad palayo. Pakiramdam niya hindi na muna siya kailangan pa roon.Nanatiling nakatingin si Irish sa dagat. Hindi niya tinitignan si Daniel ngunit naghihintay siya sa kung ano ang sasabihin nito sa kaniya. Marami siyang gustong linawin sa sinabi nito kanina ngunit gusto niyang muling marinig iyon bago siya magtatanong. Minsan na siyang umasa, minsan na siyang naniwala sa pabigla-bigla nitong mga sinasabi sa tuwing naiipit ito sa sitwasyon kay
Si Daniel man ay wala na ring pakialam sa paligid. Ang lahat ng kaniyang atensiyon ay nasa kamunduhang pinagsasaluhan nilang dalawa ni Irish. Iba ang init nila sa gabing iyon. Naroon ang kakaibang pagbulwak ng pananabik at tilamsik ng matagal nang pagpipigil. At noong kapwa na sila hubad at pinagsasaluhan ang pulo't gata ng muling pag-iisa ay tanging ang kanilang mga kaluluwa ang nagdidiwang. Bawat ungol at pagmumura sa sarap ay may kalakip na pagsinta. Bawat indayog ng kanilang katawan ay may kasamang kakaibang sarap. Wala nang pumigil sa sa init ng kanilang katawan. Walang bumibitaw, walang sumusuko. Kailangan nilang sabay na marating ang rurok ng kaluwalhatian.Kasabay ng pagbulwak ng katas ng ligaya ang dahan-dahang pagsara ng pintuan ng kuwarto. Hinayaan niyang bukas lang ang tinaguan niyang malaking aparador. Maingat na maingat ang pagsara ng pintuan na ni isa sa kanila ay walang nakapansin. Latang-lata sila at pawisang bumagsak sa kama. Muling nagyakap at naghalikan."I love yo
CHAPTER 67Naglakad pa siya at hinanap niya sa magkakalayong mga table kung saan do'n nakaupo si Daniel. Napangiti siya nang makita niya si Daniel na nakaupo patalikod sa kaniya. Naka-order na rin pala ito ng kakainin niya. Mabilis siyang naglakad palapit sa kaniya. Maluwang kaniyang pagkakangiti habang si Daniel ay nakayuko at nakatingin sa kaniyang red wine."Sweet talaga. Akala ko matatapos na ang araw na di tayo magkasama 'yun pala may balak kang i-surprise ako ng dinner?" bulong niya sa sarili habang palapit ng palapit kay Daniel.***"Bakit antagal mong bumalik? Kanina pa ako nagugutom?" tumingin muli si Daniel sa pasilyo patungo sa comfort room.***Nakita niyang dumating na ang kanyang pinadalhan ng text. Napangiti siya."Dumating na din ang hinihintay ko. Magtutuos tayong tatlo!" bumilog ang mga mata ni Janna. Halata doon ang tinitiis niyang galit. Hinugot niya sa bag niya ang isang folder. Lumabas na siya sa tinaguan niya mula kaninang nagpaalam siya kay Daniel.Mabuti at na
"Kung wala akong kasalanan, kung wala akong nagawang mali, kung walang sobra, bakit ka nagkaroon ng iba?" nakikiusap pa rin ang boses niya. Inuunahan niyang pahiran ng tissue ang kaniyang mga luha bago pa man ito aagos sa kaniyang pisngi."Ano bang sinasabi mo? Hindi ka namin maintindihan?""Alam ninyo kung anong masakit pa sa akin? Patuloy ninyo akong pinamumukhang tanga. Patuloy ninyong itinatanggi ang kung anong meron kayo para malaya ninyong gawin ang panloloko sa akin. Ginagawa na ninyo akong tanga kapag nakatalikod ako, pati ba naman sa harap-harapan kaya pa rin ninyo akong gawing bobo? Umamin na kasi kayo, kasi, sa tuwing nagsisinungaling kayo ng ganyan ay lalo lang tumitindi ang pagkapoot ko sa inyong dalawa. Lalo mo lang sinasaid ang tiwala ko sa'yo Daniel!"Nagkatinginan ang dalawa.Walang gustong magsalita.Halos sabay din silang yumuko.Naghintay pa rin si Janna na sa kanila mismo manggaling ang pag-amin ngunit mukhang wala sa kanila ang gustong magsabi ng totoo.Huminga s
***Matagal na iniwasan ni Daniel na mangyari ito. Ang harapin ang gusot na siya lamang ang tanging dapat tatapos. Hindi na niya kayang takasan pa. Kailangan na niyang manindigan sa dalawa. Ang lalong nagpasikip sa kaniyang dibdib ay ang makita ang mga luha sa pisngi ng dalawang matimbang sa kaniyang puso. Ilang gabing pinag-isipan niya ang bagay na ito at hanggang ngayon, wala pa rin siyang maisagot. Bakit nahihirapan siyang magdesisyon? Sinasabi ng utak niyang si Janna pero tumatanggi ang kanyang puso.***"Sagutin mo naman ako nang di na ako nagpapakatanga pa sa'yo. Daniel sagutin mo naman ako, mahal mo ba si Irish? Kaya mo ba siya pinatulan dahil may nararamdaman ka sa kaniya?" diretsuhang tanong ni Janna.Muling tumingin si Daniel sa dalawa.Humugot siya ng malalim na hininga.Kitang-kita niya sa mga mata ni Irish ang kagustuhang malaman kung kaya ba niyang manindigan tulad ng ipinangako niya. Batid niyang umaasa itong paninindigan siya. Nakikita niyang nagtitiwala pa rin ito kah
"Salamat dahil sa huling pagkakataon nagiging totoo ka rin sa akin. Tungkol sa ating kasal, ikaw ang nagkasala, ikaw ang nagkaroon ng iba, kaya ibinibigay ko sa'yo ang responsibilidad na kausapin ang ating mga naimbita. Sa kanila ka na lang babawi. Huwag mong hayaang umasa pa sila sa wala. Kahit sa ganoong paraan ka lang magpakalalaki. Harapin mo sina Daddy at Mommy. Ikaw ang magpaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari. Huwag kang mag-alala, mananatili sa akin ang lihim na ito. Wala akong pagsasabihan." pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi. Kinagat niyang muli ng bahagya ang kaniyang labi saka siya muling tumitig sa mukha ni Daniel na noon ay basam-basa na ng luha.Tumalikod si Janna ngunit gumagalaw ang balikat niya sa paghagulgol."Huwag mong isiping hindi kita kayang ipaglaban Daniel ngunit paano kung wala sa akin ang talagang hinahanap mo na meron si Irish. Oo, nasampal kita, namura, nasigawan, ngunit hindi maramot ang pagmamahal ko. Hindi kita puwedeng itali sa isang kasal
CHAPTER 71"Iniwan na ako ni Janna. Ayaw kong pati si Irish mawawala pa sa akin.""Tama lang yun kuya. Maramdaman mo naman ang walang-wala para mas maintindihan mo ang halaga ng mga taong nagmamahal sa'yo.""Bakit, ikaw ba ang kinakausap ko? Ba't ka nangingialam?""Kuya antagal kitang inintindi, antagal kong nagtimpi. Kailan ka pa ba titigil? Kailan ka ba matatauhan?" singhal ni Christian."Gago ka ah! Makapagsalita ka akala mo na kung sino ka!""Kuya alam ko. Batid ko kung sino ako. Hindi ko kailanman makakalimutan kong sino lang ako. Tinulungan mo lang naman ako para marating ko ang buhay ko ngayon pero kuya, hindi ang utang na loob ko sa'yo ang pinag-uusapan natin dito. Tungkol sa'yo, sa taong nagmamahal sa'yo at ako! Ako, kuya na nagmamalasakit ng sobra sa'yo. Napakasama na nang ginagawa mo! Kuya magkaroon ka naman ng pakiramdam! Magkaroon ka naman ng hiya sa sarili mo!" Hindi pa natatapos si Christian ang mga dapat niyang sasabihin nang biglang nagpakawala ng isang malakas na su
CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at
CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h
CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni
Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy
"Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan
CHAPTER 94Umalis si Christian dahil iyon ang gusto niya. Ngunit habang hindi pa sila nagkikita, wala siyang ibang gawin kundi ang ayusin ang buhay niya at magsimula. Inaamin niyang hindi rin ganoon kadaling kalimutan si Daniel ngunit panahon na lang din ang makapagdedesisyon kung magkikita pa silang muli. Bahala na ang pagkakataon kung sila nga talaga ang itinadhana. Ayaw na niyang maghabol. Pagod na siyang lumaban. Hindi naman kasi kailangang habulin ng habulin ang pagmamahal. Naniniwala siyang kung ang pagmamahal iyon ay ukol sa isang tao, hindi iyon dapat laging ipinaglalaban, dapat umaayon ang lahat. Walang mali, walang dapat katakutan, hindi din dapat ganito ang pakiramdam.Bumalik siya sa Malakanyang na bigo ngunit may nabuong pag-asa sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay mas malakas na siya ngayon.Sinubukan pa rin niyang hanapin si Christian. Pumunta sa dati nitong apartment ngunit sinabi ng kapitbahay nilang matagal na raw na walang umuuwi roon. Dumaan pa ang ilang araw at ha
CHAPTER 93Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep. Nagawa niyang takasan ang kanyang mga bagong PSG. Bahala na kung kagalitan siya ng Mommy o Daddy niya. Ang mahalaga ay maabutan at makausap niya si Christian.Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Christian sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Christian na panakip-butas lang siya dahil batid niyang noon pa man, may espesyal nang bahagi si Christian sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Daniel. Naunang umusbong ang pag-ibig para sa nauna niyang bodyguard kaya nagawa niyang i-ignore ang sumisibol na pagmamahal niya para kay Christian. May tumubong paghanga nang panahong iniligtas siya ni Daniel sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula no'n, may kung ano na siyang naramdamang pagtatangi. Huli na nang napansin niya si C
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig