Share

KABANATA 010

"Ano bang ginawa ni ate bakit galit na galit ka sa kaniya?" pakunwaring tanong ni Andrea.

Tumingin si Andrea sa ina na alalang alala, ngunit sa loob nito ay nagdiriwang siya na pinagalitan ng ina ang nakatatandang kapatid.

Nang marinig naman ni Alice ang tanong ng anak, ay agad nitong inilabas ang lahat ng sama ng loob. Dahil pakiramdam nito na ang pinakamamahal na anak na si Andrea lamang ang magpapagaan ng nararamdaman niya.

"Ang kapal ng mukha ng kapatid mong iyon, hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas upang sabihin na nakapag tapos siya sa Yale University. Masiyado niya akong ipinahiya sa ginawa niyang pagsisinungaling." inis na sabi ni Alice.

"Ayos lang sa akin na nagsinungaling siya dahil matutuloy naman ang kasal, pero may lakas siya ng loob na itulak pababa ng hagdan si Andrei! Kung may nangyari lamang na masama sa bunsong kapatid mo, hinding hindi ko mapapatawad ang Aster na iyan, kahit anak ko pa siya." dagdag nito.

Nang marinig ni Andrea ang mga sinabi ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status