Share

KABANATA 004

"Sinasabi ko sa iyo, huwag mong sabihin sa iba na sekondrya lamang ang natapos mo. Sabihin

mo na Master's student sa Winston Medical University." ulit na sabi ni Alice sa kaniyang anak

bago sila pumasok sa pribadong kwarto.

Hindi pinansin ni Aster ang ina dahils hindi ito interesado sa mga sinasabi nito.

Bago sila pumasok sa kwarto ay inayos ni Alice ang kaniyang postura, habang si Aster naman ang kumatok sa pintuan.

Alam na kaagad ni Gng. Gonzales na ang panganay na anak ng mga Cruz ang dumating.

Ang kasal na ito ay inasikaso niya, at ngayon magkikita na ang dalawang bata, ngayon ay

kumplikado ang kaniyang nararamdaman.

Noong unang panahon, si Dalton ang kaniyang ipinagmamalaki.

Kung hindi lang nang dahil sa aksidebteng iyon, maaari niyang ipareha ang anak sa pinakamaganda at magaling na babae sa Winston, hindi sa babaeng walang pinag-aralan.

Ayaw niyang bumaba ang tingin ng mga tao sa anak niya, ngunit mababa rin ang tingin niya sa

mga Cruz na handang sirain ang buhay ng kanilang anak para sa pera.

"Pasok kayo" nakangiting sabi ni Gng. Cruz sa mga bisita.

Nang marinig ni Aster ang sagot mula sa kabilang parte ng pintuan ay saka niya ito itinulak upang buksan.

Sabay na tumingin si Dalton at ang kaniyang ina sa pintuan. Tumambad sakanila ang babaeng nakasuot lamang ng simpleng sweatshirt at pantalon, ang mahabang buhok nito ay nakatali at ang iilang mga hibla nito ay nasa harapan ng mukha nito.

Simple lang rin ang kolorete nito sa mukha, malinis at maaliwalas ang magandang mukha nito na nakakaakit ng antensiyon ng lahat.

Kung ikukumpara sa mga kilalang kababaihan sa Main City, hindi maikukumpara ang kagadahan nito.

Mukha itong tahimik at may magandang ugali.

Saglit na napatahimik si Gng. Gonzales at nasurpresa sa kagandahan na taglay ni Aster. Habang si Dalton naman ay napakunot ng noo.

"Ikaw na ba si Aster?" nag-aalangan na tanong nito.

Bago pa makapag-salita si Aster ay sumingit na ang kaniyang ina na nasa likod nito, "Siya na nga, ito si Aster ang panganay ko na anak." sabi nito sabay hawak sa kamany ng anak.

Nang makita ni Alice ang manghang ekspresyon ni Gng. Gonzales ay lubos itong nasiyahan.

Kamukha ni Aster ang asawa na si Anton, at preahas silang may kahanga-hangan mukha.

Natutuwa si Alice, sapagakat kahit papaano ay may bagay na pwede siyang ipagmalaki sa anak.

Muling pinagmasdan ni Gng. Gonzales ang magandang mukha ni Aster at tila hindi nababagay rito ang salitang "pangit" mula sa bdeskripsyon ng bunsong anak niya.

Kung ikokonsidera bilang pangit si Aster, tiyak na walang magandang babae sa buong Winston.

May ng saya sa mga mata ni Gng. Gonzales, natutuwa ito na hindi ito tulad ng babae na

sinasabi ng bunsong anak.

Kahit na arranged marriage lamang ang kasalan an magaganap, ayaw niyang pangit ang mapapangasawa ng anak, at hindi ito magiging maganda tingnan lalo na sa publiko.

Tuwang-tuwa na pinagmasdan ni Alice ang reaksyon sa mga mukha ni Gng. Gonzales. Alam

nitong natutuwa ito sa kagandahang taglay ng anak, at hindi nito maiwasang maipagmalaki ito.

Kung tutuusin, siya ang nagluwal rito at hindi maikukumpara ang kagandahan ng anak sa

sinumang sikat na babae sa buong Winston.

"Halina, maupo kayo." mainit na pag anyaya sakanila ni Gng. Gonzales.

Nagpalitan ng magalang na pagbati ang dalawnag ina sa isa't isa, habang ang tingin ni Aster ay na kay Dalton na nakaupo sa harap nito.

Nakasuot lamang ito ng itom na damit at nakaupo s wheelchair na may manipis na kumot

na nakatakip sa mga binti nito.

Napadako ang tingin ni Aster sa mga binti nito, naikuyom na lamang ni Daltong ang mga kamay at nanatiling kalmado na tila walang pakialam kung may nakatingin sa mga binti niya.

Napansin ni Aster na nahuli siya nitong nakatingin sa binti ni Dalton. Tumitig ito sa mga mata nito na tila hindi nahiya na nahuli siya nito at sabay na ngumiti.

Naroon pa rin ang malamig at kahanga-hangang itsura nito tulad ng dati. At kahit na nakaupo ito sa wheelchair, hindi pa rin mapaglabanan ang awra na mayroon ito.

Patuloy na nag-usap ang kanilang mga ina, at puro pauri ang binibigay ni Alice kay Aster na tila ba isa itong anghel na ibinigay sa kanila ng langit.

Kahit na natutuwa si Gng. Gonzales sa anak nito ni Aster ay hindi nito nagustuhan ang mga

pinagsasabi ni Alice tungkol sa anak.

Tila hindi isang blind date ang tagpong ito ngunit isang palengke kung saan ibinibenta nito ang anak.

Paralisado na ang binti ng kaniyang anak, at kahit na kilalang pamilya ang mga Gonzales, marami pa rin silang pinaghirapan.

Hindi siya natutuwa na tila inilalagay ni Alice sa mababang posisyon ang anak at wala itong

pakialam kung bababa man ang tingin ng mga tao kay Aster o pagtawanan ng iba. Maipakasal

lamang ito sa kanilang pamilya.

Hindi gusto ni Gng. Gonzales ang gantong uri ng ina.

Dahil parehas na tahimik si Aster at Dalton, ang kanilang mga ina lamang ang bumubuhat ng

atmospera sa kwarto kung nasaan sila.

Naging mahaba ang paguusap ng mga bago kausapin ni Gng. Gonzales si Aster, "Narinig ko sa iyong ina na isa kang master's student na magtatapos pa lamang sa Winston Medical University, tama ba ako Aster?"

Labis na nag-aalala si Gng. gonzales sa issue na iyon. Kung totoo ngang isang doktor ang mapapangasawa ng anka, ay mas mapapadali ang pag aalaga at asikaso rito.

Napatingin si Alice sa anak, at kinakabahan ito na baka i-deny nito ang sinabi ni Gng. Gonzales kaya't plihim nitong kinurot ang anak.

Akala nito ay patago ang ginawa niya, ngunit hindin iyon nakaligtas sa mata ni Dalton at ng ina

nito.

Napakunot na lamang ng noo si Gng. Gonzales, habang hindi maipaliwanag ang ekspresyon sa

mukha ni Dalton.

Itinaas ni Aster ang tingin at kalmadong ibinaba ang mangkok at chopsticks na hawak, kumuha ito ng napkin at pinunasan ang bibig at saka nagsalita, "Hindi"

Nagulat si Gng. Gonzales sa sagit niyang iyon. Samantalang lubos na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang ina na katabi niya lamang.

Napamura na lamang si Alice sa sarili at iniisip kung bakit niya ipinanganak ang hindi

mabaluktot na anak at sundin ang nais niya.

Iniisip ba nito na ikinagaling niya ang paglantad sa kaniya sa harapan.

Halos atakihin sa puso si Alice ng dahils sa galit nang mga oras na iyon.

Nang magsasalita na si Alice ay saka naman nagsalita si Aster.

" Sa Yale University ako nagtapos."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status