The Doctor's Fiance: Love Across Borders
Sa mata ng lahat, si Aster ay isa lamang doktora sa isang maliit na ospital kung saan ito lumaki.
Ngunit, lingid sa kaalaman ng mga ito siya ay isang sikat na doktor sa ibang bansa at magaling
na surgeon.
Tatlong taon ang nakakaraan ay nagtapo ang landas ni Aster at Dalton. Kilala si Dalton bilang
isang maipagmamalaking anak ng langit, at hindi pa nito naramdaman na umibig, ngunit naiba
ang lahat ng makita niya si Aster. Naghintay ito nang matagal upang mapa-ibig ang babae.
Ngunit makalipas ang ilang taon, isang aksidente ang sumira ng lahat na naging sanhi ng
pagiging paralisado nito.
Upang mailigtas at magamot si Dalton, pumayag si Aster na magkapasal dito.
Ngunit hindi niya
inaakala na hindi lang kalusugan nito ang nawala ng dahil sa aksidente, pati na rin ang alaala
nito.
Nang dahil dito, nawalan na ng pag-asa si Dalton sa buhay, naging mababa ang tingin nito sa
sarili at naging madilim ang buhay.
Ngunit, patuloy si Aster sa paggawa ng paraan upang
matulungan ang lalaking kaniyang minamahal.
Basahin
Chapter: KABANATA 011"Saan ka pupunta?" bungad na tanong ni Gng. Gonzalaes nang makita niya ang anak na si Creed na paalis ng bahay." Diyaan lang, sa labas." tipid na sagot nito sa ina, at diretso na naglakad."saang labas?" ulit na tanong nito"Diyaan nga lang, Ma. Mahalaga tong pupuntahan ko." sagot nito sa ina."Mahalaga?" sarkastikong tanong ng ina sa kaniya. "Wala kang ibang ginawa Creed, kundi ang uminom at pag labas kasama ang mga kaibigan mo. Sa tingin mo ba, mahalaga ag mga iyan? dagdag nito."Hindi ako iinom, Ma." "Kung hindi ka iinom, saan ka pupunta. Sabihin mo sa akin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos umiinom ka. Akala mo hindi ko alam na pumasok ka sa kompaniya nang lasing nakaraang araw." galit na sabi ni Gng. Gonzales sa bunsong anak."Ma, hin-"Pabayaan mo siya, kung aalis siya." naputol ang sasabihin ni Creed ng biglang sumingit ang kuya niya. Tiningnan ni Creed ang kuya nito na kakarating lang sa bahay. Nakaupo ito sa kaniyang wheelchair, na tulak tulak ng isa sa mga kasambahay at na
Huling Na-update: 2024-11-05
Chapter: KABANATA 011Pinakaayaw sa lahat ni Creed ay ang mga taong makapangyarihan at walang pakundangan. Kung hindi lamang para sa kasiyahan ng kaniyang kuya, ay hindi siya makikipag-usap kay Andrea. Upang makamit ang kaniyang nais, inignora ni Creed ang Amoy tsaang inilalabas niya kahit sa pamamagitang ng internet cable. Ipinagpatuloy niya ang pakikilaglandian at makisama sa pekeng ugali ni Andrea. "Ganoon ba talaga kalaking biyaya mula sa langit ang maikasal sa aking nakatatandang kapatid? Lumaki ang ate mo sa probinsya, hindi nakapag-aral ng kolehiyo, walang kaalaman o kultura. Kaya ba niyang makisabay sa pamilyang gaya ng amin? Kapag dumalo siya sa mga piging at nakisalamuha sa mga tao, baka wala itong masabi na kahit isang salita." anas ni Creed sa telepono habang kausap si Andrea. "Kahit na baldado na ang kapatid ko, hindi sira ang utak niya. Kilala ang kuya ko pagdating sa mundo ng negosyo at nangunguna ang katalinuhan niya. Hindi sila pantay ng kapatid mo, at hindi siya magiging masaya
Huling Na-update: 2024-09-25
Chapter: KABANATA 010"Ano bang ginawa ni ate bakit galit na galit ka sa kaniya?" pakunwaring tanong ni Andrea. Tumingin si Andrea sa ina na alalang alala, ngunit sa loob nito ay nagdiriwang siya na pinagalitan ng ina ang nakatatandang kapatid. Nang marinig naman ni Alice ang tanong ng anak, ay agad nitong inilabas ang lahat ng sama ng loob. Dahil pakiramdam nito na ang pinakamamahal na anak na si Andrea lamang ang magpapagaan ng nararamdaman niya. "Ang kapal ng mukha ng kapatid mong iyon, hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas upang sabihin na nakapag tapos siya sa Yale University. Masiyado niya akong ipinahiya sa ginawa niyang pagsisinungaling." inis na sabi ni Alice. "Ayos lang sa akin na nagsinungaling siya dahil matutuloy naman ang kasal, pero may lakas siya ng loob na itulak pababa ng hagdan si Andrei! Kung may nangyari lamang na masama sa bunsong kapatid mo, hinding hindi ko mapapatawad ang Aster na iyan, kahit anak ko pa siya." dagdag nito. Nang marinig ni Andrea ang mga sinabi ng
Huling Na-update: 2024-09-10
Chapter: KABANATA 009Tahimik na nakahiga si Aster habang pinapakalma ang sarili sa mga pangyayari. Hindi niya ginusto ang magpunta sa siyudad kasama ang mga agulang nito, ngunit ito lang ang naisip niya na paraan upang makalapit muli sa lalaking minamahal niya. Maraming bagay ang kasalukuyang tumatakbo sa kaniyang isip, isa na doon ang kaniyang pamilya. Sa totoo lamang ay walang pakialam si Aster sa kung anong estado o katayuan ng mga magulang nito sa industriya ng negosyo, dahil una sa lahat hindi siya interesado at ikalawa isa siyang kilalang doktor sa ibang bansa, Hindi alam ng mga magulang niya kung ano ang naabot niya ngayon, o kung ano ang mga nangyari sa kanya ng mga panahong abala ang mga ito sa kanilang negosyo. Lumaki ito ng wala ang mga magulang sa tabi at hindi rin niya nakilala ang mga nakababatang kapatid, kaya't hindi na siya nagtataka kung kakaiba ang pakitungo sa kaniya ng mga ito. Habang lumalaki siya ay hindi niya maiwasan na tanungin ang sarili kung, naaalala pa ba siya ng mga mag
Huling Na-update: 2024-09-08
Chapter: KABANATA 008Malamig na pinagmasdan ni Aster ang kapatid na kasalukuyang nagpapanggap na inagrabyado. Napangisi na lamang siya sa galing nito umarte, tunay nga na magkapatid sila ni Andrea, parehas na parehas sila sa pag-arte. "Nauna siya na patirin ako, gumanti lang Ako at tinuruan siya ng leksyon." kalmado at walang pakialam na sagot nito sa ina. Nang mapansin ni Andrei na kalmado lamang si Aster, bigla itong nagpanik na baka paniwalaan ng ina si Aster Agad itong kumapit sa kanilang ina at umiyak, "Itinulak niya talaga ako pababa sa hagdan mama, hindi ko naman sinasadya na patirin siya." umiiyak na sambit nito. "Ahh, ang sakit ng binti ko, nabalian ata ako." dagdag pa nito. Nang marinig ni Alice na nabalian ang kaniyang busong anak, nakaramdam ito ng nerbyos at agad na inalo ang anak. "Shh, 'wag kang matakot. Dadalhin kita kaagad sa ospital." sambit nito sabay labas ng telepono. Nang makatawag na ito ng ambulansya, Kay Aster naman ibinaling ni Alice ang kanyang pansin. "Kadadala ko l
Huling Na-update: 2024-09-05
Chapter: KABANATA 007 "Huwag mong kalimutan na ikaw ang magturo sa akin na magsinungaling. Kung tutuusin, ikaw nga itong nagsinungaling sa akin, hindi ba?" malamig na sambit ni Aster sa ina. Natigilan si Alice sa mga sinabi ng anak at bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nang makabalik na ito sa ukirat at akmang papagalitan ang anak ay pinigilan na agad siya nito, " Hindi ako interesado na makinig sa iyo Ang gusto mo lang naman ay ang ikasal ako sa mga Gonzales hindi ba? Ngayong nakamit mo na ang nais mo at nasiyahan ka na, wala ka nang dapat pa na sabihin sa akin." Nang mga sandaling iyon, nakarating na ang sasakyan nila sa harap ng kanilang tirahan. Agad na bumaba si Aster upang pumasok sa loob ng bahay upang hindi na muling makapagsalita pa ang kaniyang ina Pinagmasdan ni Alice ang likod ng anak na dire-diretsong papasok sa oob ng kanilang mansyo. bakas sa mata nito ang pagkadismaya at galit sa mga inasal ng anak. Hindi nito inakala na haharangin nito ang kaniyang pagsasalita.
Huling Na-update: 2024-09-04