Share

KABANATA 008

Malamig na pinagmasdan ni Aster ang kapatid na kasalukuyang nagpapanggap na inagrabyado. Napangisi na lamang siya sa galing nito umarte, tunay nga na magkapatid sila ni Andrea, parehas na parehas sila sa pag-arte.

"Nauna siya na patirin ako, gumanti lang Ako at tinuruan siya ng leksyon." kalmado at walang pakialam na sagot nito sa ina.

Nang mapansin ni Andrei na kalmado lamang si Aster, bigla itong nagpanik na baka paniwalaan ng ina si Aster

Agad itong kumapit sa kanilang ina at umiyak, "Itinulak niya talaga ako pababa sa hagdan mama, hindi ko naman sinasadya na patirin siya." umiiyak na sambit nito. "Ahh, ang sakit ng binti ko, nabalian ata ako." dagdag pa nito.

Nang marinig ni Alice na nabalian ang kaniyang busong anak, nakaramdam ito ng nerbyos at agad na inalo ang anak. "Shh, 'wag kang matakot. Dadalhin kita kaagad sa ospital." sambit nito sabay labas ng telepono.

Nang makatawag na ito ng ambulansya, Kay Aster naman ibinaling ni Alice ang kanyang pansin.

"Kadadala ko lang sa iyo dito, inilalabas mo na agad ang tunay mong ugali sa mga kapatid mo. Kung hindi kita tuturuan ng leksyon ngayon, baka hindi mo na kilalanin kung sino ang iyong ina."

Pagkasambit ni Alice ng mga salitang iyon ay lumapit ito sa harap ni Aster at itinaas ang kamay na akmang sasampalin ito.

Bago pa man lumapat ang kamay ni Alice sa mukha ni Aster ay agad nitong pinigilan ang kamay nito at ibinaba.

"Walang hiya ka..." gulat na sambit ni Alice.

Mahigpit na hinawakan ni Aster ang kamay ng ina, dahilan para mapasinghap ito sa sakit.

Tumingin ito ng diretso sa mata ng ina bago nagsalita, "Sinabi ko na sa iyo na nauna siyang patirin ako, kaya itinulak ko siya pababa. I'm not expecting you na itrato ako ng patas, pero huwag mong isipin na i-bully ako sa harap ng iba. Kung gusto mong pakasalan ko si Dalton at makuha ang lahat ng gusto mo, mabuting huwag mo akong saktan. Kung hindi, wala kang magagawa kundi ipakasal ang pinakamamahal mong dalaga sa kaniya."

Pagkatapos sabihin ni Aster ang mga salitang iyon, ay padabog niyang ibinaba ang kamay ng ina at agad na umakyat sa itaas.

Hindi agad nakarecover si Alice sa mga sinabi ng anak. Nakatingin lamang siya sa likod nito habang umaakyat sa hagdanan.

May bakas ng kalupitan sa mga mata nito, na sa mga sandaling ito ay tila lubhang hindi pamilyar kay Alice, na kakaunti lang ang alam sa kaniya.

Ang natatandaan lamang niya, bago ipanganak si Andrea, mahiyain pa si Aster kapag kinakausap niya sa telepono.

Palagi niyang nararamdaman na kontrolado niya ang lahat.

Sa ngayon, alam niyang hindi niya ang basta basta magagawang kontrolin si Aster.

Sa mga salitang binitawan nito kanina, alam na niya agad na planado at kataka-taka ito.

Alam na alam niya ang kaniyang layunin, ngunit handa itong sumama sa kanila. "Anong pina-plano niya?" tanong ni Alice sa sarili.

Naguumpisa nang magduda si Alice kung tama bang dinala nila si Aster sa Main City mula sa probinsiya.

Kung ikakasal man ito sa mga Gonzales at magiging miyembro ng pamilya nila, makikialam ba ito sa mga benepisyo na ipinangako ni Gng. Gonzales na ibibigay sa kaniyang pamilya?

Nagkakaroon ng komplikadong pag-iisip si Alice, at malaking bahagi ng kaniyang damdamin ay hindi maipaliwanag na kahihiyan.

Akala nito na ang babaeng lumaki sa probinsiya ay hindi makikita ang mga plinano nito para kay Aster.

Kung tutuusin, karamihan sa mga batang lumaki sa probinsya ay medyo mahiyain kapag nakaharap sa labas ng mundo.

Hindi nito inakala na maiintindihan ni Aster ang lahat.

Pakiramdam niya ay isa siyang payaso sa harap nito.

Akala nito bilang ina, ay sasaluhan siya ng anak na si Aster sa lahat ng problema

Ngunit sa sobrang tagal nito nakasama ang matandang iyon at naging maledukado lamang ito.

At kung ikakasal ito sa pamilya Gonzales, tatamason niya ang walang katapusan na kayamanan at kaluwalhatian hanggang katapusan ng buhay nito.

Pinagmasdan lamang ni Andrei ang ina na nakatayo habang tinitignan nito ang pinakamatandang kapatid pumapanhik sa paitaas. Maski siya ay nagulat sa mga salitang simabit nito, pero hindi niya ito binigyan ng pansin. Pinatunayan lamang nito na tama ang mga sinabi sa kaniya ni Andrea.

Ang nakakatanda niyang kapatid ay bastos, barbariko, at walang kwentang probinsyana.

-

Sa panig ng pamilya Gonzales.

Naupos si Gngm Gonzales sa sofa habang gumagawa ng tsaa at kausap ang anak na si Dalton.

"Maganda ang panganay na anak ng mga Sy, pero hindi siya lumaki kasama ang mga magulang niya mula pagkabata, wala rin siyang magandang edukasyon."

Hindi siya yung tipo ng tao na humahamak sa mahihirap at nagmamahal sa mayayaman. Ngunit, malawak ang pakialam niya sa background ng edukasyon.

Nangunguna sa estado ng katayuan at posisyon ang pamilya Gonzales.

Wala itong pakialam sa kwento ng pamilya ni Aster, ngunit kung mayroong malaking agwat sa antas ng edukasyon, magiging mahirap na magkasundo ang mga ito.

Habang iniisip nito ang mga kaganapan kanina sa blind date nang sinabi ni Aster na nagtapos ito sa Yale University, nagiba ang pakiramdam niya.

"Maraming kasinungalingan na sinabi si Aster, pero wag ka mag-alala. Maayos natin ang lahat kapag ikinasal na kayo."

Iniabot nito ang isang tasa ng tsaa kay Dalton, at kinuha niya ito at inilagay sa lamesa.

Mahina itong bumuntong-hininga at nagsalita, "Hindi siya nagsinungaling."

Napatigil si Mrs. Gonzales ng marinig ang sinabi niya.

Ibinaba nito ang hawak na tsarera at nagtanong, "Anong ibig mong sabihin? Paano mo nalaman na hindi siya nagsisinungaling?"

Hindi na muli nagsalita si Dalton at itinuon ang pansin sa tsaa na hawak.

Naaalala nito ang imahe ng mukha ni Aster na kinakausap siya

Nakaupo ito sa harapan niya, at nakatingala sa kaniya, ang mga kamay nito na nakapatong sa mga hita niya pati ang pangako na sinamnit nito, "Tutulungan kita."

Ito pa lamang ang unang pagkikita nila ni Aster. Ngunit, tila may spesyal na mahika ito, isang napakaliit, ngunit matibay na salamangka na kusang-loob na magtiwala sa kanya ang mga tao. Nang sinabi nito na sa Yale University siya nagtapos, naniwala siya rito.

Napansin ni Gng. Gonzales na tahimik ang anak, naalala niya bigla na nag-usap sila ni Aster ng panadalian.

Maaaring may sinabi ito sa kaniya. Ngunit hindi na iyon mahalaga sa kaniya ngayon. Ang importante ay ang maikasal ang dalawa upang mailayo ang atensyon ng publiko sa aksidenteng nangyari sa anak na si Dalton.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status