Share

KABANATA 002

Sa puntong iyon, doon narealize nang ama na nabanggit ng lola niya na hindi nakakuha ng

college entrance exam si Aster, kaya’t napabuntong hininga na lamang ito.

“Mas magiging maayos kung magiging kasing husay ka rin ni Andrea.”

Hindi sinagot ni Aster ang ama at natawa na lamng sa mga tinuran nito. Naaalala nila ang lahat ng bagay tungkol kay Andrea, kahit maliliit na bagay tungkol dito.

Hindi man lang nagtanong ang mga ito nang mga importanteng bagay sa kaniya tulad nang

pag-aaral sa kolehiyo, pero nagawa niyang ikumpara siya sa nakababatabg kapatid.

-

Pagtapak ni Aster sa bahay nila ay hindi palmiyar ang lahat sa kaniya. Pagmamay ari nga nito at tirahan rin niya, ngunit ito ang unang beses na papasok siya rito.

Dinala si Aster sa kwarto nang kaniyang ina. Tila may pake ito sa kaniya ngayon at nagsalita sa

kaniya nang nakangiti, “kung may hindi ka gusto sa kwarto mo, sabihin mo lang sa akin.”

Tumango lamang si Aster at mahinahong nagsalita, “salamat po.”

“Tsk, sobrang galang mo naman sa akin, Aster. Ina mo ako.”

Nang mapansin ni Aster na hindi pa umaalis ang kaniyang ina at tapos nang sabihin nito ang

lahat nang bagay na dapat niyang malaman sa kaniyang bagong titirhan ay nagtanong ito,

“Mayroon pa poba kayong sasabihin?”

Ilang taon na naghirap si Anton at Alice at umasa lamang sa mga oportunidad upang maging mayaman ang kanilang pamilya.

Ngunit sa grupo nang mga mayayaman, baguhan pa lamang ang mga ito kaya’t madalas silang minamaliit nag ibang mas mataas sa kanila.

Kilala naman ang pamilyang Gonzales, hindi lang sa konesyon, pinagmulan o sa pera, isa talaga sila sa pinakamayamang pamilya hindi lang sa Winston. Kaya’t noong nag alok nang kasal ang mga ito sa pamilya, ay hindi na ito binitawan pa nang kaniyang ama.

Alam ni Aster kung gaano karami ang ang magiging benepisyo kung ikakasal man siya sa mga Gonzales. Ngunit, si Dalton Gonzales ay paralisado na at ayaw siyang pakasalan nang anak niyang si Andrea, kaya’t napagdesisyunan niyang kuhanin ang anak niyang si Aster.

Hindi siya lumaki kasama ang panganay na anak at totoong nakokonsesya siya kapag

tinitingnan ang mga mata nito, ngunit wala rin siyang nararamdaman para sa anak.

Ngunit sa pangalawang pag iisip, lumaki si Aster sa probinsya, walang maayos na edukasyon at isa lamang doktor sa isang maliit na ospital sa Winston. Kung ikakasal ito kay Dalton, kahit pa na paralisado ito ay tiyak na matutuwa na ang anak at magsasaya sa yaman nito.

Tinutulungan niya lang ang anak na si Aster upang mapabuti.

“Matulog ka na Aster at magpahinga. May pupuntahan at kikitain tayo mamayang gabi.”

Hindi sinabi ng ina kung sino ang kikitain nila, ngunit alam na ni Aster na si Dalton Gonzales iyon..

Alam niya ang mga balita online, pati na ang pagiging paralisado nito dahil sa isang aksidente.

Hindi niya alam kung tatawa ba siya o malulungkot. Pagkatapos nang lahat, wala dapat siyang kahit anong pag-asa sa kaniyang tinatawag na magulang.

“Okay” pagsang-ayon nito sa ina. Gayunpaman, hindi siya pumayag na sumama sa Main City nang dahil sa mga magulang niya.

Para iyon kay Dalton.

Hindi niya alam kung kumusta na ito ngayon.

Natuwa si Alice nang mapansing sumusunod ang anak sa kaniya, “Sige, hindi na kita guguluhin, magpahing ka na.”

Bago umalis ay muli itong nagsalita “ Kapag nagkita kayo mamaya, tandaan mo kapag tinanong ka niya kung saan ka nag aral ng kolehiyo, sabihin mo na kumukuha ka pa lamang ng Master’s Degree s Winston Medical University. Walang makakaalam, akong bahala sa iyo.” paalala nito.

Nang makaalis na ang ina ay saka nahiga si Aster. Nang itaas niya ang kamay, naramdaman

niya agad ang panginginig ng kanan na kamay.

Anim na araw na mula nang mangyari iyon.

Mula ng dinampot niya ang scalpel at hindi nailigtas ang kanyang lola, hindi na tumigil ang

panginginig ng kanyang mga kamay.

Bilang isang surgeon, isa sa pinaka malaking problema ay ang panginginig ng mga kamay

kapag may hawak na scalpel.

Maraming bagay an tumatakbo sa isipan ni Aster hanggang sa makatulog na lamang siya nag hindi niya namamalayan.

Sa kabilang banda, nakahiga lamang si Andrea sa sofa. Hindi siya natutuwa na halos lahat ng mga kaibigan niya ay nagtatanong kung maganda ba ang ate niya o hindi. Nakaramdam ng kaunting sama ng loob si Andrea.

Kahit na ordinaryo lamang kung magdamit si Aster,mapula ang mga mukha nito, maganda at

masyadong nakakatawag pansin.

Ang balat nito ay hindi kasing ganda gaya ng kanyang inaakala nang dahil sa lumaki ito sa

probinsya nang maraming taon ay magiging makinis at maputi ito.

Maraming nagtatanong na kalalakihan kay Andrea kung ano ang itsura ng kaniyang ate, hindi ito natutuwa sa atensyon na kukuha nito kaya’t ang tanging sinasagot lamang niya ayb “sakto lang, hindi naman pangit”.

Nang marinig nga mga kalalakihan ang sinabi na iyon ni Andrea lahat sila ay nanahimik.

Gusto ipahiwatig ni Andrea na hindi pangit at hindi rin maganda ang kaniyang kapatid.

Nang marinig ni Creed ang ang mga katagang iyon mula kay Andrea ay agad itong tumawag sa ina na kasalukuyang nasa bahay nila.

“Ma, paralisado na ang mga binti ng aking kuya, hindi ka naman papayag na ikasal siya sa

isang babae na hindi maayos hindi ba? Sabi ni Andrea, pangit daw ang ate niya.”

Nang marinig ang mga iyon ay hindi natuwa si Gng. Gonzales. Nais nitong makahanap ng magandang asawa para sa anak.

Ngunit, bukod sa baldado nitong mga binti ay may problema rin ito sa kaniyang sekswal na

reproduksyon. At bilang tagapangasiwa ng pamilya, kailangan niyang gawin ang nararapat.

Agad itong tumawag kay Alice upang magkita ang dalawang bata ngayong gabi rin.

Umakyat sa kwarto ng anak na si Dalton at binuksan ang pinto. Pinagmasdan niya ang madilim nitong kwarto at nanatiling kalmado. Naglakad siya papalapit sa bintana upang buksan ang mga kurtina.

Pinagmasdan niya ang anak na nakahiga sa kama, ang madilim nitong mga mata at kasing

lalim ito ng isang lumangbalon, kita rin ang kagwapuhang tinataglay ng anak.

Hindi ito natutulog kaya’t agad na nagsalita si Gng. Gonzales sa anak. “May inasikaso akong

blind date para sayo. Pwede lang ako pumayag kapag sumama ka sa akin mamayang gabi

upang makipagkita sa babae.”

“Kung ikaw lang din naman ang magdedesisyon, bakit kailangan ko pang pumunta sa blind date? Kumuha na lang marriage certificate diretso.” walang ekspresyon na sabi ni Dalton.

Puro pagmamahal ang nararamdaman ni Gng. Gonzales sa anak, ngunit mayroon ding kaunting galit na hindi niya maipaliwanag.

Walang sinuman ang nakakaalam na hindi lang kalusugan ang kinuha ng aksidenteng iyon, pati na rin ang buhay ng kanyang asawa.

Nasa hindi maayos na kalagayan na ang kanyang anak, kaya’t hindi niya pwedeng sabihin sa publiko ang pagkamatay ng kanyang asawa.

“Mas madali kung hindi ka tututol, pero kailangan mo pa rin makita ang babae.” ani nito sabay alis sa kwarto ng anak.

Nagising si Aster sa tawag ng kaniyang kapatid na si Andrea.

Sa di alam na dahilan nagsalita si Andrea, "Masaya ako para sayo ate, malapit na ang kasal mo sa mga Gonzales, binabati kita."

Ilang taon na nag aral si Aster sa ibang bansa kaya’t hindi siya maloloko ng kung anuman ang

nais sabihin ng kapatid.

Umpisa pa lang, halata niya na na hindi siya gusto ng kapatid.

Tiniklop na niya ang mga kumot sa kwarto habang hinihintay na sunod na sasabihin ng kapatid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status