Share

The Doctor's Fiance: Love Across Borders
The Doctor's Fiance: Love Across Borders
Author: Atrytone Rae

KABANATA 001

DALTON GONZALES, IKAKASAL SA PROBINSIYANA?

Napairap na lang si Aster sa screen ng kaniyang telepono habang binabasa ang headline ng isa

sa pinagkakaguluhan na balita ngayon sa buong Winston City. Hindi na bago ang ganitong mga

headline sa Winston, sa katunayan itong buwan ng Marso ay malalaking headlines ang yumanig sa buong Winston na siyang usap usapan sa buong siyudad ngayon.

Una na roon ay ang aksidente nang kilalang negosiyante at anak ng pinakamayamang pamilya sa buong Winston, si Dalton Gonzales. Nang dahil sa aksidente na iyon ay nabalitang

naparalisa ang ibabang bahagi ng katawan nito.

Sunod naman ay ang headline na binabasa ngayon ni Aster, hindi nito ugali ang magbasa ng ganong uri ng article ngunit hindi niya mapigilan ang sarili sapagkat tungkol sa kaniya rin ang headline na iyon.

Halo-halong mga komento ang nakikita ni Aster sa article na iyon at karamihan doon ay puro

negatibo na nagmula sa mga nagkakagusto kay Dalton. Abala siya sa pagbabasa ng mga

komento ng makatanggap siya ng text message mula sa kaniyang assistant.

“Aster, may pasiyente rito na mayroong espesyal na kondisyon. Mahigit kalahting taon na siyang nakikipag-appointment sa iyo. Maaari mo ba siyang puntahan kapag may libreng oras ka?”

Buntong hininga na pinatay ni Aster ang kaniyang telepono at malungkot na tumingin sa

kawalan.

“Ano silbi nang pagiging ghost doctor o nang pinakasikat na doktor?” tanong ni Aster sa sarili.

Hahawakan pa lamang niya ang sclapel na gagamitin para sa operasyon ngunit agad nang

binawian ang kaniyang lola.

Muling humigop si Aster sa kaniyng tsaa upang maikalma ang sarili habang rinig na rinig niya ang pagtatalo nang kaniyang mga magulang sa kabilang kwarto.

“Babalik ka na agad sa Main City Anton? Ilang araw pa lang mula nang mamatay ang aking ina, aalis ka na agad?”

“Maraming trabaho ang naghihintay sa atin sa kompaniya, nalalapit na rin ang debut ni Andrea.

Sa tingin mo ba uunahin ko ang patay na tao kaysa sa mga bagay na ito. Kailangan pa natin

turuan si Aster nang mga kaugalian sa siyidad, kapag lumabas ang pagiging probinsiyana niya,

magiging malaking kasiaraan iyon sa atin.” ani nang kaniyang ama.

“Anton, pakiusap huwag mong gawin na iaklawang opsiyon mo lang si Aster kay Andrea, anak mo pa rin siya.” tinig nang kaniyang ina na tila nakikiusap sa ama.

“Alam ko, sa tingin mo ba babalikan ko siya dito kung hindi?”

Napatawa na lang nang mahina si Aster sa naririnig na usapan mula sa kaniyang mga

magulang.

Sila ang bumuo at nagluwal lay Aster, ngunit para sa kaniya ay tila estranghero na lamang ang mga iyon.

Mula nang lumago ang negosyo ng mga magulang niya at nakapagpatayo ng isang kompaniya ay unti unti na nilang nakalimutan na may anak sila sa probinsiya. Nagtuloy-tuloy iyon

hanggang sa nagkaroon siya ng mga kapatid at nakilala na ang mga Cruz bilang isang mayamang pamilya.

Paminsan-minsa ay tumatawag noon ang kaniyang ina upang ipagmalaki ang nakababata niyang kapatid at itinuturing ito bilang isang biyaya sa pamilya nila. Ngunit hindi man lang nito nagawa na kamustahin si Aster at ang lola nito.

May taon din na umuwi ang mga magulang niya noon sa probinsiya at nagpasiya ang ama niya na isama sila nang kaniyang lola sa Main City. Doon nakita ni Aster kung gaano kapilit ang mga ngiti ng kaniyang ina.

Noong araw din na iyon ay nag usap ang mga magulang ni Aster, at sa huli ay naiwan sila ng lola niya sa probinsiya.

Kung hindi pa namatay ang lola ni Aster, ay baka nakalimutan na nila na may isa pa silang anak at ina na naghihintay.

Nang matapos ang libing ng lola ni Aster ay agad silang nagbiyahe pabalik sa Main City

kasama ng mga magulang niya.

Pinilit siya ng mga ito at nagsalita na akala mo ay mahal na mahal siya ng mga ito at hindi

iniwan sa probinsiya.

Tahimik ang buong biyahe ni Aster papuntang Main City, hindi siya kinausap ng kaniyang mga

magulang hanggang makarating sila sa mansion.

“Kung may magtatanong sa iyo kung saan ka nag tatrabaho, sabihin mo ay graduating master’s student ka sa Winston’s Medical University at kukuha pa lamang ng internship.” sabi nang kaniyang ama.

Isang kilala na paaralan ang Winston at tiyakna kung sino mang makrining na doon nag aaral si

Aster ay mamamangha. Ayaw niyang malaman ng mga tap na isa lamang doktor sa maliit na ospital sa probinsiya ang kaniyang anak at tiyak na magiging malaking kahihiyan iyon sa

kaniya.

“Hindi ako estudyante sa Winston Medical University.” tipid na sagot ni Aster sa ama.

Ngumisi na lang si Aster sa ama, sapagkat mas mahalaga pa rito ang reputasyon kaysa sa

anak niya.

Ngunit ano nga bang alam nang mga ito, sinusubukan sila noon tawagan nang kaniyang lola upang ipaalam ang lagay nang pag aaral niya sa mga magulang ngunit binabab lamang ng mga ito ang tawag sa kadahilanang abala ang mga ito. Ilang ulit na sinubukan silang kontakin ng kaniyang lola hanggang sa nawalan na lang ng gana ito sa kanila.

“Alam namin, sa tingin mo ba sasabihin namin na magsinungaling ka kung estudyabte ka nga

sa Winston.” inis na sabi nang kaniyang ina na tila hindi natutuwa sa inasak niya.

Akmang papaglitan pa siya nito ngunit natahimik ang lahat nang makarinig siila nang sunod sunod na ubo sa likod.

Napatingin sila sa likod at nakita nila ang nakababatng kapatid na si Andrea.

Nakita ni Aster na katawa-tawa ang ugali nang kaniyang kapatid para sa edad nito. Malapit na

itong mag disi-osto ngunit tila nasobrahan ang mga magulang sa pag spoil rito.

“Mukhang pinalaki niyong spoil ang aking kapatid. Kung ako sa inyo papansinin ko na yan at baka hindi kumain ng hapunan kapag nagalit.” sarkastiko nitong sabi sa mga magulang.

Hindi pinansin ng kaniyang ina ang mga sinabi niya at lumapit lang ito sa kapatid na nakasuot

lamang ng maikli at iniabot ang coat nito.

PInagmasdan lamang ni Aster ang ina at kapatid na nag-uusap, kitang kita niya kung gaano kaalaga ang kaniyang ina bagay na hindi niya naranasan.

Nang makapasok na ang kapatid sa loob nang bahay, ay binalikan naman siya nang kaniyang

ina at nagsalita, “Iyon si Andrea, kapatid mo. Matalino at magaling siyang bata, napakahusay

niya sa entrance exam at nakatanggap na ng admission letter mula sa Albert’s Medical

University.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status