Sa loob ng isang maliit at amoy gamot na silid sa ospital, tahimik na nakaupo si Amara Santos sa tabi ng kama ng kanyang kambal na si Selene. Hawak niya ang malamig at payat na kamay ng kapatid habang pinagmamasdan ang mahinang pagtaas-baba ng dibdib nito. Sa ngayon, tulog si Selene—isang bihirang pagkakataon kung saan mukhang payapa ito, malaya sa sakit na bumabalot sa kanya buong buhay niya.
Ang buhay ni Amara ay isang paulit-ulit na lang na siklo ng sakripisyo at paghihirap. Simula nang mawala ang kanilang ina noong ipinanganak sila at iwanan sila ng kanyang ama, siya na ang naging sandigan ni Selene. Habang lumalaki sila, hindi niya naranasan ang buhay ng isang normal na bata—walang laruan, walang masayang alaala na kasama ang pamilya, walang pangarap na para sa kanya.
Ang tanging pangarap ng pinanghahawakan niya ay ang isang araw na mailigtas si Selene sa bingit ng kamatayan.
Mula sa pagkabata pa lang, natutunan na ni Amara ang magbanat ng buto. Sa murang edad, naglako na siya ng kendi sa kalsada, nagtatrabaho bilang tagalinis sa maliit na karinderya, at nagbebenta ng mga gulay sa palengke. Dahil dito hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong mag-aral nang maayos dahil mas mahalaga ang kita kaysa eskwela.
Habang siya ay nagpapakahirap sa labas, si Selene naman ay naiiwan sa ospital, palaging nakaratay, palaging nangangailangan ng gamot na hindi niya kayang bilhin. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi kailanman nagreklamo si Amara. Para sa kanya, ang buhay ni Selene ang pinakamahalaga. Walang katumbas na hirap at pag galing nito.
Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsisikap niya, hindi pa rin ito sapat.
Ng biglang dumating sa buhay niya si Liam dela Cruz.
Si Liam ay ang anak ng alkalde—gwapo, matalino, at may pangarap na sundan ang yapak ng kanyang ama sa pulitika. Hindi kailanman naisip ni Amara na mapapansin siya ng isang katulad ni Liam, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, niligawan siya nito.
At sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may nagmamahal din sa kanya.
Si Liam ang naging kanlungan niya sa gitna ng kanyang madilim na mundo. Pinangakuan siya nito na hindi siya pababayaan, na tutulungan siya sa pagpapagamot ni Selene at sa lahat ng mga pangangailangang medikal. Nang ipinangako nitong gagamitin ang koneksyon ng kanyang pamilya upang mapagamot ang kapatid niya, naniwala kaagad si Amara.
Pinaniwala niya ang sarili na marahil, sa unang pagkakataon, hindi niya kailangang mag-isa sa laban niyang ito.
Ngunit isang gabi, sa mismong ospital kung saan naroon si Selene, tuluyan nang gumuho ang mundong inakala niyang unti-unting gumaganda.
Nakatayo si Liam sa harapan niya, seryoso ang mukha at halatang nag-aalinlangan sa sasabihin. Sa loob ng puso ni Amara, may kung anong bumibigat sa damdamin ng kanyang kasintahan—isang pakiramdam na hindi niya kailanman inaasahan.
"Amara, tapos na tayo," diretsong sabi nito.
Napatigil si Amara, hindi agad nakapagsalita. "Ano? Liam, ano ba ang pinagsasabi mo? Okay ka lang ba?"
Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Liam bago muling nagsalita. "Kailangan ko nang mag-focus sa magiging kinabukasan ko. Sobra na ang itinulong ko sa'yo. Hindi na kita kayang buhatin habang pasan mo ang kapatid mo."
Para bang may matalim na bagay na tumusok sa puso ni Amara.
"Si Selene ay—"
"Hindi ko problema si Selene, at mas lalong hindi ko dapat siya pinoproblema pa" malamig na putol ni Liam. "Nakahanap na ako ng iba."
Nalaglag ang tiyan at panga ni Amara. "Hindi mo sinasadya ‘yan..." bulong niya, pilit hinahanap ang dating lambing sa tinig nito.
Ngunit hindi siya sinagot ni Liam. Wala nang pagmamahal ang kanyang mga titig at tinig.
Sa halip, isang babaeng elegante, may suot na mamahaling damit at mukhang galing sa isang mayamang pamilya, ang lumapit kay Liam. Sa harap mismo ni Amara, walang pag-aalinlangan niyang pahaplos na hinawakan ang kamay ng lalaki at hinalikan ito sa labi.
Para kay Amara, biglang bumagal ang oras.
Parang pinipiga ang puso niya habang ang bawat segundo ay nagiging isang malupit na paalala ng katotohanan na matagal na niyang ayaw tanggapin.
Nagtagpo ang tingin nila ni Liam. Wala itong bahid ng pagsisisi, wala ring bakas ng pagmamahal na minsang ipinakita sa kanya.
"Paalam, Amara, sa mga pagkakataong magkikita tayong muli, sana hindi ako gawing kahiya-hiya" huling sabi nito bago tumalikod at tuluyang lumayo.
At doon siya iniwan—basang-basa sa ulan, at nilamon ng kahihiyan at sakit.
Gusto na lang ni Amara na kainin siya ng lupa dahil sa pighati ng kanyang puso.
Hindi alam ni Amara kung gaano siya katagal na nakatulala sa kawalan, walang kamalay malay sa paligid niya, hanggang sa may isang malakas at matipunong katawan ang biglang nakabangga sa kanya.
Mabilis siyang sinalo ng malalakas at matitikas na kamay bago siya tuluyang bumagsak.
"Dahan-dahan ka Miss."
Isang malamig at mababang tinig ang gumising sa diwa niya.
Unti-unti siyang tumingala, pilit pinapahid ang mga luha sa kanyang pisngi. At nang makita niya ang lalaking nasa harapan niya, nanlalamig at nanigas ang kanyang katawan.
Kilala niya ito, isa rin itong kilalang tao na may mataas na katayuan sa kanilang lugar.
Si Ethan….Ethan Alcantara!
Pero sino nga ba Ethan Alcantara?
Siya ang billionaire congressman. Ang lalaking mas makapangyarihan pa kay Liam. Higit sa lahat ito ay ang kanyang uncle na kasama ng kanyang ama sa pamamalakad sa kanilang lugar.
Matalim ang titig ni Ethan sa kanya, ngunit may kung anong nakatagong emosyon sa kanyang tingin—isang bagay na nagpaalam kay Amara na narinig niya ang lahat ng naging mga komosyon nila.
Hindi dapat siya pinapansin ng isang katulad ni Ethan dahil malayo ito sa kanyang lebel, lebel ng isang hampas-lupa na naninikluhod sa tulong ng mga estranghero, ngunit sa halip na umiwas, nanatili ito sa harapan niya, tila tinatantya niya ang kanyang sitwasyon. Tila may malalim itong naiisip, isang plano, na hindi niya alam kung ikakasama ba ito o ikabubuti.
At pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, sa isang boses na puno ng determinasyon, binitiwan ni Ethan ang mga salitang magbabago sa buhay niya magpakailanman. Mga salitang patuloy na nag alingawngaw sa kanyang isipan.
"Kailangan mo ng pera. Kailangan ko ng asawa."
Nakatikom ang bibig ni Amara habang nakatitig lang ng walang kurap kay Ethan Alcantara. Sa ilalim ng dilim ng gabi at sa gitna ng malamig na ulan, nag-aalangan siyang sagutin ang alok ng kongresista. Tila mayroong pag aalinlangan sa kanyang isipan, kung tatanggapin nya ba ito o hindi."Kailangan mo ng pera. Kailangan ko ng asawa."Paulit-ulit na umuugong ang mga salitang iyon sa kanyang isipan.Hindi niya lubos maisip kung bakit siya inaalok ng isang lalaking tulad ni Ethan ng isang kasal—isang kontrata na alam niyang hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa kapangyarihan. Maraming katanungan ang gumugulo sa kanyang isipan, sa puntong yun, wala syang maisip na sagot at tila siya ay nagguluhan.“Anong… ibig mong sabihin?” mahina ngunit may halong pag-aalinlangan na tanong niya. Tila hindi mai proseso lahat ng utak ni Amara ang mga tagpong kanyang kinahahantungan.Hindi sumagot agad si Ethan. Sa halip, pinagmasdan siya nito nang matagal, tila sinusuri kung dapat pa ba siyang kumbinsihin. Ma
Matigas ang ekspresyon ni Ethan habang nakaupo sa harapan ng isang matandang babae sa loob ng marangyang dining hall. Sa tabi niya, si Amara, nakayuko, pinipigilan ang kaba habang pinagmamasdan ang eleganteng pagkaing hindi niya kayang bilhin kailanman sa buong buhay niya.Nasa harap nila si Lola Corazon Alcantara—ang matriarka ng kanilang makapangyarihang pamilya, ang babaeng may kontrol sa political empire ng mga Alcantara, at ang nag-iisang tao na hindi kayang suwayin ni Ethan.“Pakasal? Nagpakasal na kayo?”Matalim ang tono ni Lola Corazon, puno ng pagdududa. “Bakit wala akong alam tungkol dito? Parang nais pa ninyong itago sa akin ang kasalang ito.”Napatingin si Amara kay Ethan, naghihintay ng sagot. Sa ilalim ng mesa, naramdaman niyang mahigpit ang hawak ni Ethan sa kanyang kamay—hindi bilang paglalambing, kundi isang babala, babala na tila magwawakas sa pagkatao niya.Bawal siyang magkamali.Bawal siyang magpahalata.Kaya kahit nanginginig ang loob niya, ginaya niya ang kumpiy
Ang biyahe pauwi sa mansion ay tahimik, ngunit hindi mapayapa. Sa loob ng mamahaling sasakyan, magkatabi sina Amara at Ethan, ngunit tila may isang pader na humahati sa kanilang dalawa—isang pader na hindi gawa sa ladrilyo kundi sa panlilinlang, mga lihim, at kasunduang walang halong pag-ibig.Nakapirmi lang ang tingin ni Ethan sa kalsadang binabaybay nila, ang kanyang ekspresyon ay malamig at hindi nababasa. Samantalang si Amara, mahigpit na nakapulupot ang mga daliri sa kanyang kandungan, tila pinipilit na pakalmahin ang nanginginig niyang kamay.Sa bawat segundo na lumilipas, lalo niyang nadarama ang bigat ng realidad. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi tuparin ang kasunduang magsasalba sa kapatid niya na nakaratay.Isang taong kasal. Isang tagapagmana. Isang kasinungalingan.Huminga siya ng malalim, pilit nilalabanan ang bumibigat na damdamin sa kanyang dibdib.Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, binisag ang katahimikan ng mababang boses ni Ethan.“Simula ngayon Amara, i
Madaling araw pa lang ay nagising na agad si Amara. Hindi pa rin siya sanay sa lambot ng kama na kanyang hinigaan, sa malamig na simoy ng aircon, at higit sa lahat, sa presensya ng lalaking natutulog sa kabilang dulo ng higaan.Si Ethan Alcantara.Ang asawa niya—kahit peke lang ang kasal nila. Nakaramdam pa rin siya ng kapanatagan at pahingang di niya kailanman naranasan. Ngunit kasabay ng ginhawang iyon ay ang matinding pangamba. Isa itong panaginip na maaaring maglaho anumang oras.Dahan-dahan siyang bumangon, nag-iingat siya na huwag gumawa ng kahit anong ingay para hindi maistorbo ang tulog ni Ethan. Pero nang matapak siya sa sahig, isang malalim na tinig ang nagpagising sa kanyang diwa.“Anong ginagawa mo?”Boses na parang mayroong pagkamuhi at pagtataka.Napalunok si Amara. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita niyang nakadilat na si Ethan, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya. Sa malamlam na ilaw ng kwarto, mas lalong naging kapansin-pansin ang matitigas nitong panga,
Matapos ang hindi inaasahang banggaan kay Liam at Kristine sa mall, hindi pa man lumilipas ang isang araw, naging laman na ng social media si Amara. Parang isang wildfire ang pagkalat ng kanyang mga larawan, at kasabay nito ay ang samu't saring reaksyon ng publiko."Bagong Mrs. Alcantara, nag-shopping ng luxury brands!""Ang simpleng babae, biglang sosyal matapos pakasalan ang billionaire kongresista!"Ang iba ay humanga sa kanyang transformation—mula sa isang ordinaryong babae patungo sa isang eleganteng may bahay ng isang makapangyarihang lalaki. Ngunit hindi lahat ay natuwa. Maraming nagdududa."Isa na lang ba siyang gold digger na nagpakasal para sa pera?""Mukhang jackpot siya kay Ethan Alcantara. Pero totoo kayang may pagmamahal sa pagitan nila?"Nakakairita. Nakakatawa. Pero higit sa lahat, nakakasakal.Pero wala siyang panahon para alalahanin ang sinasabi ng mga tao. Wala siyang pakialam sa kung ano ang iniisip ng publiko, sa mga mapanirang opinyon ng mga hindi naman niya kila
Dalawang araw matapos ang charity gala, hindi pa rin maalis sa isip ni Amara ang sinabi ni Ethan."Dahil asawa na kita, Amara. At ako lang ang dapat mong tinitingnan."May ibig sabihin ba iyon? O sadyang nilalaro lang niya ang kasunduan nilang dalawa?Gusto niyang isipin na parte lang iyon ng palabas—na ginagawa lang ni Ethan ang dapat nilang gawin bilang mag-asawa sa mata ng publiko. Pero bakit may bumabagabag sa kanya?Nakahalukipkip siya sa kanilang pribadong hardin sa mansion, ang mga mata’y nakapako sa lawak ng berdeng damuhan. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa kanyang balat, pero hindi nito kayang palamigin ang nag-aalab niyang isipan.Tumunog ang kanyang cellphone.📩 Amara, please. Kailangan kitang makausap.📩 Bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon. Magkita tayo bukas sa dati nating lugar.Napabuntong-hininga siya. Ilang beses nang nag-text si Liam mula nang magkrus ang landas nila. Hindi siya sigurado kung dapat niya ba itong pansinin, pero sa loob-loob niya, gusto niya
Sa loob ng sasakyan, tahimik ang naging biyahe nila pauwi. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang marahang pagpatak ng ulan sa bintana ang maririnig. Hindi tumitingin si Amara kay Ethan, pero ramdam niya ang presensya nito—malamig, mabigat, at puno ng tensyon.Sa isang banda, gusto niyang pasalamatan ito sa ginawa kanina. Pero sa kabilang banda, may bumabagabag sa kanya.Bakit gano’n na lang ang galit ni Ethan kay Liam?Alam niyang bahagi ito ng kanilang kasunduan—na kailangan nilang magpanggap bilang perpektong mag-asawa sa mata ng publiko. Pero hindi niya mapigilang tanungin ang sarili…Nagagalit ba si Ethan dahil lang sa kasunduan nila?O may mas malalim pang dahilan?Tumingin siya sa lalaki, ngunit nakatuon lang ito sa labas ng bintana, waring may iniisip na malalim.Hindi siya nakatiis. “Paano mo nalaman na naroon ako sa cafè?”Walang reaksyon si Ethan. Saglit itong pumikit bago bumuntong-hininga, saka dahan-dahang nilingon siya. “Akala mo ba hindi kita babantayan?”Nanlaki

Sa loob ng isang maliit at amoy gamot na silid sa ospital, tahimik na nakaupo si Amara Santos sa tabi ng kama ng kanyang kambal na si Selene. Hawak niya ang malamig at payat na kamay ng kapatid habang pinagmamasdan ang mahinang pagtaas-baba ng dibdib nito. Sa ngayon, tulog si Selene—isang bihirang pagkakataon kung saan mukhang payapa ito, malaya sa sakit na bumabalot sa kanya buong buhay niya.Ang buhay ni Amara ay isang paulit-ulit na lang na siklo ng sakripisyo at paghihirap. Simula nang mawala ang kanilang ina noong ipinanganak sila at iwanan sila ng kanyang ama, siya na ang naging sandigan ni Selene. Habang lumalaki sila, hindi niya naranasan ang buhay ng isang normal na bata—walang laruan, walang masayang alaala na kasama ang pamilya, walang pangarap na para sa kanya.Ang tanging pangarap ng pinanghahawakan niya ay ang isang araw na mailigtas si Selene sa bingit ng kamatayan.Mula sa pagkabata pa lang, natutunan na ni Amara ang magbanat ng buto. Sa murang edad, naglako na siya ng