Madaling araw pa lang ay nagising na agad si Amara. Hindi pa rin siya sanay sa lambot ng kama na kanyang hinigaan, sa malamig na simoy ng aircon, at higit sa lahat, sa presensya ng lalaking natutulog sa kabilang dulo ng higaan.
Si Ethan Alcantara.
Ang asawa niya—kahit peke lang ang kasal nila. Nakaramdam pa rin siya ng kapanatagan at pahingang di niya kailanman naranasan. Ngunit kasabay ng ginhawang iyon ay ang matinding pangamba. Isa itong panaginip na maaaring maglaho anumang oras.
Dahan-dahan siyang bumangon, nag-iingat siya na huwag gumawa ng kahit anong ingay para hindi maistorbo ang tulog ni Ethan. Pero nang matapak siya sa sahig, isang malalim na tinig ang nagpagising sa kanyang diwa.
“Anong ginagawa mo?”
Boses na parang mayroong pagkamuhi at pagtataka.
Napalunok si Amara. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita niyang nakadilat na si Ethan, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya. Sa malamlam na ilaw ng kwarto, mas lalong naging kapansin-pansin ang matitigas nitong panga, ang malalim na titig na tila tumatagos sa kanyang kaluluwa.
Nakasuot lang ito ng puting sando at pajama, pero kahit sa simpleng ayos, hindi maitatangging napaka-makapangyarihan pa rin ng kanyang presensya. Mas lalong bumakat ang maskuladong bisig nito at ang gwapong mukha na walang bahid ng antok.
“Babangon na po ako,” sagot niya, halos pabulong.
Umangat ang isang kilay ni Ethan. “Alas-singko pa lang ng umaga, masyado pang maaga para umalis sa higaan.”
“Sanay po akong gumising nang maaga.”
May sumilay na bahagyang ngiti sa labi ni Ethan—pero hindi iyon ngiti ng kasiyahan. Para bang may hinahamon siya.
“Hindi mo na kailangang bumangon nang maaga para magbanat ng buto, Amara. Hindi ka na mahirap, nandito ka na sa puder ko.”
Ramdam niya ang bahid ng panunuya sa boses nito, at hindi niya alam kung insulto ba iyon o simpleng obserbasyon lang. Pinisil niya ang kanyang palad, pinipigilang sagutin ito. Wala siyang balak pumatol sa laro ni Ethan.
Sa halip, mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Hindi niya kaya ang mga titig ni Ethan. Parang sinisiyasat siya sa bawat galaw niya, na para bang hinihintay nitong magkamali siya.
Pagbaba niya sa dining hall, bumungad agad sa kanya ang isang mala-hotel na buffet. Malalaking tray ng pagkain, mamahaling cutlery, at isang mahabang mesang kayang upuan ng sampung katao.
Napalunok siya. Hindi pa rin siya sanay sa ganitong buhay—sa ganitong klase ng atensyon.
Lumingon siya sa paligid at nakita ang mga kasambahay na nakatayo sa gilid, lahat ay tahimik na naghihintay ng utos.
“Good morning po, Ma’am Amara.”
Muling nanibago si Amara sa tawag na iyon. Parang hindi pa rin niya matanggap na siya ngayon ay isa nang Alcantara. Hindi niya alam kung kailan niya mararamdaman ang tunay na pagiging bahagi ng pamilyang ito.
Bumukas ang pinto ng dining hall, at lumabas si Ethan, suot na ang mamahaling suit na para bang may mahahalagang meeting na agad siyang pupuntahan. Malamig siyang tumingin kay Amara bago umupo sa dulong upuan ng mesa.
“Anong plano mo ngayong araw, dear?”
Dear? Napakunot-noo si Amara. May bahid ng panunuya sa tono nito. Alam niyang ginagawa lang ni Ethan ang parte niya bilang asawa sa mata ng lahat, pero hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng inis.
“Hindi ko pa po alam.”
“Mag-shopping ka ngayong araw,” diretsong sabi ni Ethan. “Ipapaayos ko ang wardrobe mo. Hindi pwedeng mukhang simpleng babae ka lang. Asawa kita, at gusto kong ang mga kasuotan mo ay pumapantay sa taste ko sa fashion.”
Napalunok si Amara. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinsulto.
“Pero—”
“Wala nang pero-pero, Amara,” putol ni Ethan sa kanyang sasabihin. “May sasama sa’yong stylist at bodyguard. Gusto kong nasa headline bukas na ikaw ang bagong Mrs. Alcantara.”
At iyon nga ang nangyari.
Hindi nagtagal, nakarating si Amara sa isa sa pinakamamahaling malls sa siyudad. Isang buong entourage ng stylists at bodyguards ang sumama sa kanya, at kahit anong pilit niyang maging komportable, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba.
Habang sinusubukan niya ang isang eleganteng cocktail dress sa harap ng salamin, may narinig siyang isang pamilyar na boses sa kabilang side ng boutique.
Isang boses na nagpakunot sa kanyang noo.
“Sigurado ka ba talagang gusto mong pakasalan ang babaeng ‘yon, Liam? Dati nga hindi siya makabili ng matinong sapatos!”
Si Kristine.
Siya ang bagong babae ni Liam dela Cruz.
At kasama niya mismo si Liam sa loob ng store.
Natahimik bigla si Amara. Gusto niyang lumabas at ipakita sa kanila na hindi na siya ang babaeng iniwan nila noon. Pero bago pa siya makagalaw, biglang lumapit si Kristine sa fitting area at tumigil sa harapan niya.
“Oh my God…what a coincidence!”
Nangingiting inirapan siya ng babae. “She’s here! Ikaw nga. Ikaw ang ex ni Liam. Amara, right?”
Napatingin si Liam kay Amara, at sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon nito. Hindi niya alam kung pagkagulat o pagsisisi ba iyon.
“Amara? Amara anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?”
Ngumiti si Amara, pinilit ipakita ang kumpiyansang hindi niya talaga nararamdaman.
“Yes, it’s me,” sagot niya, at marahang inayos ang suot niyang mamahaling damit. “At hindi na ako si Amara Santos. Si Mrs. Amara Alcantara na ako ngayon.”
Nanlaki ang mata ni Kristine. “Alcantara?”
“Bakit? Hindi mo ba nabalitaan?” patuloy ni Amara. “Ako ang asawa ng kongresista n’yong si Ethan Alcantara.”
Parang nawalan ng kulay ang mukha ni Liam sa narinig niya ang mga binitawang salita ni Amara.
Hindi alam ni Amara kung bakit, pero sa unang pagkakataon, hindi niya naisip ang sakit ng nakaraan. Tila lahat ng kanyang pagmamahal na binuhos kay Liam ay biglang bumalik ngunit puro sakit at pighati nalang ang kanyang nadarama.
Ngunit kahit na mahal pa niya ang lalaki, hindi maiaalis sa kanyang isipan na ito ang nang-iwan at nangloko sa kanya.
Imbes na magpakita ng pagmamakaawa sa lalaki at sa bagong babae nito. Tumayo siya ng may taas noo at naging matatag.
At sa halip, gusto niyang makita kung paano unti-unting mabaliw si Liam sa katotohanan na iniwan niya ang isang babaeng ngayon ay mas makapangyarihan pa sa kanya.
At ito pa lang ang simula.
Oo, nagsisimula palang siya.
Matapos ang hindi inaasahang banggaan kay Liam at Kristine sa mall, hindi pa man lumilipas ang isang araw, naging laman na ng social media si Amara. Parang isang wildfire ang pagkalat ng kanyang mga larawan, at kasabay nito ay ang samu't saring reaksyon ng publiko."Bagong Mrs. Alcantara, nag-shopping ng luxury brands!""Ang simpleng babae, biglang sosyal matapos pakasalan ang billionaire kongresista!"Ang iba ay humanga sa kanyang transformation—mula sa isang ordinaryong babae patungo sa isang eleganteng may bahay ng isang makapangyarihang lalaki. Ngunit hindi lahat ay natuwa. Maraming nagdududa."Isa na lang ba siyang gold digger na nagpakasal para sa pera?""Mukhang jackpot siya kay Ethan Alcantara. Pero totoo kayang may pagmamahal sa pagitan nila?"Nakakairita. Nakakatawa. Pero higit sa lahat, nakakasakal.Pero wala siyang panahon para alalahanin ang sinasabi ng mga tao. Wala siyang pakialam sa kung ano ang iniisip ng publiko, sa mga mapanirang opinyon ng mga hindi naman niya kila
Dalawang araw matapos ang charity gala, hindi pa rin maalis sa isip ni Amara ang sinabi ni Ethan."Dahil asawa na kita, Amara. At ako lang ang dapat mong tinitingnan."May ibig sabihin ba iyon? O sadyang nilalaro lang niya ang kasunduan nilang dalawa?Gusto niyang isipin na parte lang iyon ng palabas—na ginagawa lang ni Ethan ang dapat nilang gawin bilang mag-asawa sa mata ng publiko. Pero bakit may bumabagabag sa kanya?Nakahalukipkip siya sa kanilang pribadong hardin sa mansion, ang mga mata’y nakapako sa lawak ng berdeng damuhan. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa kanyang balat, pero hindi nito kayang palamigin ang nag-aalab niyang isipan.Tumunog ang kanyang cellphone.📩 Amara, please. Kailangan kitang makausap.📩 Bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon. Magkita tayo bukas sa dati nating lugar.Napabuntong-hininga siya. Ilang beses nang nag-text si Liam mula nang magkrus ang landas nila. Hindi siya sigurado kung dapat niya ba itong pansinin, pero sa loob-loob niya, gusto niya
Sa loob ng sasakyan, tahimik ang naging biyahe nila pauwi. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang marahang pagpatak ng ulan sa bintana ang maririnig. Hindi tumitingin si Amara kay Ethan, pero ramdam niya ang presensya nito—malamig, mabigat, at puno ng tensyon.Sa isang banda, gusto niyang pasalamatan ito sa ginawa kanina. Pero sa kabilang banda, may bumabagabag sa kanya.Bakit gano’n na lang ang galit ni Ethan kay Liam?Alam niyang bahagi ito ng kanilang kasunduan—na kailangan nilang magpanggap bilang perpektong mag-asawa sa mata ng publiko. Pero hindi niya mapigilang tanungin ang sarili…Nagagalit ba si Ethan dahil lang sa kasunduan nila?O may mas malalim pang dahilan?Tumingin siya sa lalaki, ngunit nakatuon lang ito sa labas ng bintana, waring may iniisip na malalim.Hindi siya nakatiis. “Paano mo nalaman na naroon ako sa cafè?”Walang reaksyon si Ethan. Saglit itong pumikit bago bumuntong-hininga, saka dahan-dahang nilingon siya. “Akala mo ba hindi kita babantayan?”Nanlaki
Sa loob ng isang maliit at amoy gamot na silid sa ospital, tahimik na nakaupo si Amara Santos sa tabi ng kama ng kanyang kambal na si Selene. Hawak niya ang malamig at payat na kamay ng kapatid habang pinagmamasdan ang mahinang pagtaas-baba ng dibdib nito. Sa ngayon, tulog si Selene—isang bihirang pagkakataon kung saan mukhang payapa ito, malaya sa sakit na bumabalot sa kanya buong buhay niya.Ang buhay ni Amara ay isang paulit-ulit na lang na siklo ng sakripisyo at paghihirap. Simula nang mawala ang kanilang ina noong ipinanganak sila at iwanan sila ng kanyang ama, siya na ang naging sandigan ni Selene. Habang lumalaki sila, hindi niya naranasan ang buhay ng isang normal na bata—walang laruan, walang masayang alaala na kasama ang pamilya, walang pangarap na para sa kanya.Ang tanging pangarap ng pinanghahawakan niya ay ang isang araw na mailigtas si Selene sa bingit ng kamatayan.Mula sa pagkabata pa lang, natutunan na ni Amara ang magbanat ng buto. Sa murang edad, naglako na siya ng
Nakatikom ang bibig ni Amara habang nakatitig lang ng walang kurap kay Ethan Alcantara. Sa ilalim ng dilim ng gabi at sa gitna ng malamig na ulan, nag-aalangan siyang sagutin ang alok ng kongresista. Tila mayroong pag aalinlangan sa kanyang isipan, kung tatanggapin nya ba ito o hindi."Kailangan mo ng pera. Kailangan ko ng asawa."Paulit-ulit na umuugong ang mga salitang iyon sa kanyang isipan.Hindi niya lubos maisip kung bakit siya inaalok ng isang lalaking tulad ni Ethan ng isang kasal—isang kontrata na alam niyang hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa kapangyarihan. Maraming katanungan ang gumugulo sa kanyang isipan, sa puntong yun, wala syang maisip na sagot at tila siya ay nagguluhan.“Anong… ibig mong sabihin?” mahina ngunit may halong pag-aalinlangan na tanong niya. Tila hindi mai proseso lahat ng utak ni Amara ang mga tagpong kanyang kinahahantungan.Hindi sumagot agad si Ethan. Sa halip, pinagmasdan siya nito nang matagal, tila sinusuri kung dapat pa ba siyang kumbinsihin. Ma
Matigas ang ekspresyon ni Ethan habang nakaupo sa harapan ng isang matandang babae sa loob ng marangyang dining hall. Sa tabi niya, si Amara, nakayuko, pinipigilan ang kaba habang pinagmamasdan ang eleganteng pagkaing hindi niya kayang bilhin kailanman sa buong buhay niya.Nasa harap nila si Lola Corazon Alcantara—ang matriarka ng kanilang makapangyarihang pamilya, ang babaeng may kontrol sa political empire ng mga Alcantara, at ang nag-iisang tao na hindi kayang suwayin ni Ethan.“Pakasal? Nagpakasal na kayo?”Matalim ang tono ni Lola Corazon, puno ng pagdududa. “Bakit wala akong alam tungkol dito? Parang nais pa ninyong itago sa akin ang kasalang ito.”Napatingin si Amara kay Ethan, naghihintay ng sagot. Sa ilalim ng mesa, naramdaman niyang mahigpit ang hawak ni Ethan sa kanyang kamay—hindi bilang paglalambing, kundi isang babala, babala na tila magwawakas sa pagkatao niya.Bawal siyang magkamali.Bawal siyang magpahalata.Kaya kahit nanginginig ang loob niya, ginaya niya ang kumpiy
Ang biyahe pauwi sa mansion ay tahimik, ngunit hindi mapayapa. Sa loob ng mamahaling sasakyan, magkatabi sina Amara at Ethan, ngunit tila may isang pader na humahati sa kanilang dalawa—isang pader na hindi gawa sa ladrilyo kundi sa panlilinlang, mga lihim, at kasunduang walang halong pag-ibig.Nakapirmi lang ang tingin ni Ethan sa kalsadang binabaybay nila, ang kanyang ekspresyon ay malamig at hindi nababasa. Samantalang si Amara, mahigpit na nakapulupot ang mga daliri sa kanyang kandungan, tila pinipilit na pakalmahin ang nanginginig niyang kamay.Sa bawat segundo na lumilipas, lalo niyang nadarama ang bigat ng realidad. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi tuparin ang kasunduang magsasalba sa kapatid niya na nakaratay.Isang taong kasal. Isang tagapagmana. Isang kasinungalingan.Huminga siya ng malalim, pilit nilalabanan ang bumibigat na damdamin sa kanyang dibdib.Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, binisag ang katahimikan ng mababang boses ni Ethan.“Simula ngayon Amara, i

Madaling araw pa lang ay nagising na agad si Amara. Hindi pa rin siya sanay sa lambot ng kama na kanyang hinigaan, sa malamig na simoy ng aircon, at higit sa lahat, sa presensya ng lalaking natutulog sa kabilang dulo ng higaan.Si Ethan Alcantara.Ang asawa niya—kahit peke lang ang kasal nila. Nakaramdam pa rin siya ng kapanatagan at pahingang di niya kailanman naranasan. Ngunit kasabay ng ginhawang iyon ay ang matinding pangamba. Isa itong panaginip na maaaring maglaho anumang oras.Dahan-dahan siyang bumangon, nag-iingat siya na huwag gumawa ng kahit anong ingay para hindi maistorbo ang tulog ni Ethan. Pero nang matapak siya sa sahig, isang malalim na tinig ang nagpagising sa kanyang diwa.“Anong ginagawa mo?”Boses na parang mayroong pagkamuhi at pagtataka.Napalunok si Amara. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita niyang nakadilat na si Ethan, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya. Sa malamlam na ilaw ng kwarto, mas lalong naging kapansin-pansin ang matitigas nitong panga,