Matapos ang hindi inaasahang banggaan kay Liam at Kristine sa mall, hindi pa man lumilipas ang isang araw, naging laman na ng social media si Amara. Parang isang wildfire ang pagkalat ng kanyang mga larawan, at kasabay nito ay ang samu't saring reaksyon ng publiko.
"Bagong Mrs. Alcantara, nag-shopping ng luxury brands!"
"Ang simpleng babae, biglang sosyal matapos pakasalan ang billionaire kongresista!"Ang iba ay humanga sa kanyang transformation—mula sa isang ordinaryong babae patungo sa isang eleganteng may bahay ng isang makapangyarihang lalaki. Ngunit hindi lahat ay natuwa. Maraming nagdududa.
"Isa na lang ba siyang gold digger na nagpakasal para sa pera?"
"Mukhang jackpot siya kay Ethan Alcantara. Pero totoo kayang may pagmamahal sa pagitan nila?"Nakakairita. Nakakatawa. Pero higit sa lahat, nakakasakal.
Pero wala siyang panahon para alalahanin ang sinasabi ng mga tao. Wala siyang pakialam sa kung ano ang iniisip ng publiko, sa mga mapanirang opinyon ng mga hindi naman niya kilala. Ang tanging mahalaga sa kanya ay si Selene… at ang kontrata na kanyang pinirmahan.
Sa loob ng malawak at marangyang mansion, nakatayo si Amara sa harap ng isang malaking salamin. Ang suot niyang itim na gown ay perpektong bumagay sa kanyang maputing kutis, habang ang mga mamahaling alahas ay kumikinang sa ilalim ng chandelier. Pero sa kabila ng kanyang kaakit-akit na anyo, hindi niya maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib.
Sa likod niya, si Ethan ay abala sa pag-aayos ng kanyang coat. Suot nito ang isang itim na tailored suit, ang gupit nitong buhok ay maayos na nakasalansan, at ang presensya niya ay punong-puno ng awtoridad. Nang matapos siya, tumingin ito sa repleksyon nila sa salamin.
"Handa ka na Amara?" malamig niyang tanong, hindi man lang tumitingin sa kanya nang direkta.
Bahagyang kumunot ang noo ni Amara, kahit alam na niya ang ibig sabihin nito. "Handa saan?" tanong niya, kahit na alam na niya ang sagot.
Dahan-dahang tumalikod si Ethan upang harapin siya. "Para sa camera. Para sa press. Para sa paglabas natin."
May kakaibang tono sa kanyang boses—hindi niya sigurado kung panunuya ba iyon o isang babala. Ngunit bago pa siya makapagsalita, lumapit si Ethan at hinawakan ang kanyang kamay, marahang hinihila siya palapit.
"Amara," seryoso nitong sabi, "tandaan mo. Sa harap ng tao, tayo ang perpektong mag-asawa. Pero sa likod ng camera… hindi tayo totoo."
Hindi niya alam kung bakit may kung anong kirot sa kanyang puso matapos marinig iyon. Hindi niya alam kung bakit biglang bumigat ang kanyang pakiramdam.
At bago pa niya maisip ang sagot, tinalikuran siya ni Ethan at diretsong naglakad palabas. Iniwan siyang tahimik, naguguluhan, at may bumabagabag sa kanyang isip.
Pagdating nila sa venue ng charity gala, agad bumungad ang nakakasilaw na mga flash ng camera. Agad napapikit si Amara, na tila hindi sanay sa ganitong atensyon. Ngunit sa isang iglap, naramdaman niyang hinawakan ni Ethan ang kanyang kamay—mahigpit, mainit, at punong-puno ng kumpiyansa.
"Ngumiti ka," mahina nitong bulong, halos hindi maririnig ng iba.
Dahan-dahan siyang ngumiti, tulad ng itinuro ng PR team ni Ethan.
At sa isang iglap, sila na ang sentro ng atensyon.
Para silang hari at reyna sa mata ng publiko—isang perfect power couple. Magkasabay silang naglalakad sa red carpet, at ang buong paligid ay napuno ng flash ng mga camera, ng mga tanong ng press, at ng bulungan ng mga bisita.
Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, isang tinig ang pumunit sa katahimikan.
"Amara."
Muling nanigas ang katawan niya.
Dahan-dahan siyang lumingon.
Si Liam.
Napatigil si Ethan sa paglalakad, at hindi nagtagal, napansin ng mga reporter ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Ang dating ingay ng gala ay tila naging isang bulong na lang sa kanyang pandinig.
Oh, great. Ito na naman tayo.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Liam, desperado ang boses, ang mga mata ay nagmamakaawa. "Alam kong hindi ito ang tamang lugar, pero—"
"Wala na tayong dapat pag-usapan," mabilis na putol ni Amara, pilit na pinapanatili ang kanyang postura. "Asawa na ako ng ibang lalaki, Liam."
"Amara, alam kong nagkamali ako—"
Ngunit hindi pa natatapos si Liam sa pagsasalita nang maramdaman ni Amara ang mainit na bisig ni Ethan na lumapat sa kanyang baywang. Mabilis siya nitong hinila palapit—hindi masakit, pero sapat upang ipadama sa lahat kung sino ang may-ari sa kanya.
Napatingin si Liam kay Ethan, at nagtagpo ang kanilang mga titig.
Isa—ang lalaking nagkasala.
Ang isa naman—ang lalaking may ari.
"Congressman Alcantara," matigas na bati ni Liam, pilit na pinapanatili ang kumpiyansa sa kanyang boses.
"Mayor Dela Cruz," malamig na sagot ni Ethan, walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha.
Nagpalitan sila ng titig, puno ng tensyon. At sa sandaling iyon, naisip ni Amara…
Dalawang lalaki ang nag-aagawan sa kanya.
Pero sino ang tunay na may karapatan?
Tahimik ang buong biyahe pauwi. Walang nagsalita ni isa sa kanila. Tanging ang malamig na ambiance ng sasakyan ang lumulunod sa espasyo sa pagitan nila. Ngunit pagdating nila sa mansion, pagsara pa lang ng pinto, isang malamig at matigas na boses ang pumunit sa katahimikan.
"Huwag mo nang kakausapin si Liam."
Mariin ang boses ni Ethan. Tinanggal niya ang kanyang coat at walang ingat na hinagis ito sa upuan.
Napataas ang kilay ni Amara. "Ano'ng problema mo Ethan? Hindi ko naman siya kinausap!"
Huminga nang malalim si Ethan, waring pinipigilan ang sariling galit. "Hindi ko gusto ang paraan ng tingin niya sa'yo."
Napasinghap si Amara. "Anong ibig mong sabihin?"
Gumalaw si Ethan palapit sa kanya, unti-unting binabawasan ang espasyo sa pagitan nila. "Gusto ka pa rin niya, Amara. At hindi ko hahayaan na magulo ang kasunduan natin."
May kung anong kirot sa dibdib niya nang marinig iyon.
Kasunduan. Hindi relasyon.
Isang paalala na lahat ng ito ay laro lamang. Walang tunay na damdamin.
"Wala kang dapat ipag-alala," malamig niyang tugon. "Kahit anong gawin ni Liam, hindi ko siya babalikan."
Tahimik na tumitig si Ethan sa kanya. At sa unang pagkakataon, may nakita si Amara sa kanyang mga mata—isang bagay na hindi niya maipaliwanag.
Selos ba iyon? O simpleng possessiveness lang?
Pero bago pa niya masagot ang sariling tanong, lumapit si Ethan—masyadong malapit—at bumulong sa kanyang tenga:
"Dahil asawa na kita, Amara. At ako lang ang dapat mong tinitingnan."
Dalawang araw matapos ang charity gala, hindi pa rin maalis sa isip ni Amara ang sinabi ni Ethan."Dahil asawa na kita, Amara. At ako lang ang dapat mong tinitingnan."May ibig sabihin ba iyon? O sadyang nilalaro lang niya ang kasunduan nilang dalawa?Gusto niyang isipin na parte lang iyon ng palabas—na ginagawa lang ni Ethan ang dapat nilang gawin bilang mag-asawa sa mata ng publiko. Pero bakit may bumabagabag sa kanya?Nakahalukipkip siya sa kanilang pribadong hardin sa mansion, ang mga mata’y nakapako sa lawak ng berdeng damuhan. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa kanyang balat, pero hindi nito kayang palamigin ang nag-aalab niyang isipan.Tumunog ang kanyang cellphone.📩 Amara, please. Kailangan kitang makausap.📩 Bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon. Magkita tayo bukas sa dati nating lugar.Napabuntong-hininga siya. Ilang beses nang nag-text si Liam mula nang magkrus ang landas nila. Hindi siya sigurado kung dapat niya ba itong pansinin, pero sa loob-loob niya, gusto niya
Sa loob ng sasakyan, tahimik ang naging biyahe nila pauwi. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang marahang pagpatak ng ulan sa bintana ang maririnig. Hindi tumitingin si Amara kay Ethan, pero ramdam niya ang presensya nito—malamig, mabigat, at puno ng tensyon.Sa isang banda, gusto niyang pasalamatan ito sa ginawa kanina. Pero sa kabilang banda, may bumabagabag sa kanya.Bakit gano’n na lang ang galit ni Ethan kay Liam?Alam niyang bahagi ito ng kanilang kasunduan—na kailangan nilang magpanggap bilang perpektong mag-asawa sa mata ng publiko. Pero hindi niya mapigilang tanungin ang sarili…Nagagalit ba si Ethan dahil lang sa kasunduan nila?O may mas malalim pang dahilan?Tumingin siya sa lalaki, ngunit nakatuon lang ito sa labas ng bintana, waring may iniisip na malalim.Hindi siya nakatiis. “Paano mo nalaman na naroon ako sa cafè?”Walang reaksyon si Ethan. Saglit itong pumikit bago bumuntong-hininga, saka dahan-dahang nilingon siya. “Akala mo ba hindi kita babantayan?”Nanlaki
Sa loob ng isang maliit at amoy gamot na silid sa ospital, tahimik na nakaupo si Amara Santos sa tabi ng kama ng kanyang kambal na si Selene. Hawak niya ang malamig at payat na kamay ng kapatid habang pinagmamasdan ang mahinang pagtaas-baba ng dibdib nito. Sa ngayon, tulog si Selene—isang bihirang pagkakataon kung saan mukhang payapa ito, malaya sa sakit na bumabalot sa kanya buong buhay niya.Ang buhay ni Amara ay isang paulit-ulit na lang na siklo ng sakripisyo at paghihirap. Simula nang mawala ang kanilang ina noong ipinanganak sila at iwanan sila ng kanyang ama, siya na ang naging sandigan ni Selene. Habang lumalaki sila, hindi niya naranasan ang buhay ng isang normal na bata—walang laruan, walang masayang alaala na kasama ang pamilya, walang pangarap na para sa kanya.Ang tanging pangarap ng pinanghahawakan niya ay ang isang araw na mailigtas si Selene sa bingit ng kamatayan.Mula sa pagkabata pa lang, natutunan na ni Amara ang magbanat ng buto. Sa murang edad, naglako na siya ng
Nakatikom ang bibig ni Amara habang nakatitig lang ng walang kurap kay Ethan Alcantara. Sa ilalim ng dilim ng gabi at sa gitna ng malamig na ulan, nag-aalangan siyang sagutin ang alok ng kongresista. Tila mayroong pag aalinlangan sa kanyang isipan, kung tatanggapin nya ba ito o hindi."Kailangan mo ng pera. Kailangan ko ng asawa."Paulit-ulit na umuugong ang mga salitang iyon sa kanyang isipan.Hindi niya lubos maisip kung bakit siya inaalok ng isang lalaking tulad ni Ethan ng isang kasal—isang kontrata na alam niyang hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa kapangyarihan. Maraming katanungan ang gumugulo sa kanyang isipan, sa puntong yun, wala syang maisip na sagot at tila siya ay nagguluhan.“Anong… ibig mong sabihin?” mahina ngunit may halong pag-aalinlangan na tanong niya. Tila hindi mai proseso lahat ng utak ni Amara ang mga tagpong kanyang kinahahantungan.Hindi sumagot agad si Ethan. Sa halip, pinagmasdan siya nito nang matagal, tila sinusuri kung dapat pa ba siyang kumbinsihin. Ma
Matigas ang ekspresyon ni Ethan habang nakaupo sa harapan ng isang matandang babae sa loob ng marangyang dining hall. Sa tabi niya, si Amara, nakayuko, pinipigilan ang kaba habang pinagmamasdan ang eleganteng pagkaing hindi niya kayang bilhin kailanman sa buong buhay niya.Nasa harap nila si Lola Corazon Alcantara—ang matriarka ng kanilang makapangyarihang pamilya, ang babaeng may kontrol sa political empire ng mga Alcantara, at ang nag-iisang tao na hindi kayang suwayin ni Ethan.“Pakasal? Nagpakasal na kayo?”Matalim ang tono ni Lola Corazon, puno ng pagdududa. “Bakit wala akong alam tungkol dito? Parang nais pa ninyong itago sa akin ang kasalang ito.”Napatingin si Amara kay Ethan, naghihintay ng sagot. Sa ilalim ng mesa, naramdaman niyang mahigpit ang hawak ni Ethan sa kanyang kamay—hindi bilang paglalambing, kundi isang babala, babala na tila magwawakas sa pagkatao niya.Bawal siyang magkamali.Bawal siyang magpahalata.Kaya kahit nanginginig ang loob niya, ginaya niya ang kumpiy
Ang biyahe pauwi sa mansion ay tahimik, ngunit hindi mapayapa. Sa loob ng mamahaling sasakyan, magkatabi sina Amara at Ethan, ngunit tila may isang pader na humahati sa kanilang dalawa—isang pader na hindi gawa sa ladrilyo kundi sa panlilinlang, mga lihim, at kasunduang walang halong pag-ibig.Nakapirmi lang ang tingin ni Ethan sa kalsadang binabaybay nila, ang kanyang ekspresyon ay malamig at hindi nababasa. Samantalang si Amara, mahigpit na nakapulupot ang mga daliri sa kanyang kandungan, tila pinipilit na pakalmahin ang nanginginig niyang kamay.Sa bawat segundo na lumilipas, lalo niyang nadarama ang bigat ng realidad. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi tuparin ang kasunduang magsasalba sa kapatid niya na nakaratay.Isang taong kasal. Isang tagapagmana. Isang kasinungalingan.Huminga siya ng malalim, pilit nilalabanan ang bumibigat na damdamin sa kanyang dibdib.Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, binisag ang katahimikan ng mababang boses ni Ethan.“Simula ngayon Amara, i
Madaling araw pa lang ay nagising na agad si Amara. Hindi pa rin siya sanay sa lambot ng kama na kanyang hinigaan, sa malamig na simoy ng aircon, at higit sa lahat, sa presensya ng lalaking natutulog sa kabilang dulo ng higaan.Si Ethan Alcantara.Ang asawa niya—kahit peke lang ang kasal nila. Nakaramdam pa rin siya ng kapanatagan at pahingang di niya kailanman naranasan. Ngunit kasabay ng ginhawang iyon ay ang matinding pangamba. Isa itong panaginip na maaaring maglaho anumang oras.Dahan-dahan siyang bumangon, nag-iingat siya na huwag gumawa ng kahit anong ingay para hindi maistorbo ang tulog ni Ethan. Pero nang matapak siya sa sahig, isang malalim na tinig ang nagpagising sa kanyang diwa.“Anong ginagawa mo?”Boses na parang mayroong pagkamuhi at pagtataka.Napalunok si Amara. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita niyang nakadilat na si Ethan, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya. Sa malamlam na ilaw ng kwarto, mas lalong naging kapansin-pansin ang matitigas nitong panga,

Matapos ang hindi inaasahang banggaan kay Liam at Kristine sa mall, hindi pa man lumilipas ang isang araw, naging laman na ng social media si Amara. Parang isang wildfire ang pagkalat ng kanyang mga larawan, at kasabay nito ay ang samu't saring reaksyon ng publiko."Bagong Mrs. Alcantara, nag-shopping ng luxury brands!""Ang simpleng babae, biglang sosyal matapos pakasalan ang billionaire kongresista!"Ang iba ay humanga sa kanyang transformation—mula sa isang ordinaryong babae patungo sa isang eleganteng may bahay ng isang makapangyarihang lalaki. Ngunit hindi lahat ay natuwa. Maraming nagdududa."Isa na lang ba siyang gold digger na nagpakasal para sa pera?""Mukhang jackpot siya kay Ethan Alcantara. Pero totoo kayang may pagmamahal sa pagitan nila?"Nakakairita. Nakakatawa. Pero higit sa lahat, nakakasakal.Pero wala siyang panahon para alalahanin ang sinasabi ng mga tao. Wala siyang pakialam sa kung ano ang iniisip ng publiko, sa mga mapanirang opinyon ng mga hindi naman niya kila