Home / Romance / The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle / Chapter 7 -Isang Pagtakas, Isang Pagbabalik

Share

Chapter 7 -Isang Pagtakas, Isang Pagbabalik

Author: Spellbound
last update Last Updated: 2025-03-16 00:11:37

Dalawang araw matapos ang charity gala, hindi pa rin maalis sa isip ni Amara ang sinabi ni Ethan.

"Dahil asawa na kita, Amara. At ako lang ang dapat mong tinitingnan."

May ibig sabihin ba iyon? O sadyang nilalaro lang niya ang kasunduan nilang dalawa?

Gusto niyang isipin na parte lang iyon ng palabas—na ginagawa lang ni Ethan ang dapat nilang gawin bilang mag-asawa sa mata ng publiko. Pero bakit may bumabagabag sa kanya?

Nakahalukipkip siya sa kanilang pribadong hardin sa mansion, ang mga mata’y nakapako sa lawak ng berdeng damuhan. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa kanyang balat, pero hindi nito kayang palamigin ang nag-aalab niyang isipan.

Tumunog ang kanyang cellphone.

📩 Amara, please. Kailangan kitang makausap.

📩 Bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon. Magkita tayo bukas sa dati nating lugar.

Napabuntong-hininga siya. Ilang beses nang nag-text si Liam mula nang magkrus ang landas nila. Hindi siya sigurado kung dapat niya ba itong pansinin, pero sa loob-loob niya, gusto niyang marinig ang sasabihin nito.

Hindi dahil gusto niyang bumalik sa kanya.

Kung hindi dahil gusto niyang marinig kung paano siya nagsisisi.

At kaya, sa kabila ng babala ni Ethan, pinili niyang pumunta.

Alam niyang hindi siya basta-basta makakaalis ng walang kasamang bodyguard. Simula nang magpakasal sila ni Ethan, isang anino na ang kanyang mga tagapagbantay—walang sandaling hindi siya binabantayan ng mga ito, walang kilos na hindi namo-monitor at nalalaman ni Ethan.

Pero hindi siya magpapatalo.

Ginamit niya ang natutunan niyang mga pasikot-sikot sa mansion. Sinigurado niyang walang makakapansin sa kanyang paglabas. At nang makalayo na siya sa sakop ng seguridad, mabilis siyang sumakay sa isang taxi.

Papunta sa lugar kung saan nag-umpisa ang lahat.

Sa isang maliit na café sa tabi ng ilog—ang dati nilang tagpuan ni Liam.

Nang dumating siya, naroon na si Liam, halatang kinakabahan habang hinihintay siya. Nakasuot ito ng puting long sleeves na medyo nakabukas sa may bandang leeg, at may bahid ng lungkot ang kanyang mga mata.

“Akala ko hindi ka na darating,” bungad nito habang tumayo sa kanyang upuan.

Umupo si Amara sa harap niya, itinukod ang siko sa mesa. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” malamig niyang sagot.

Hinawakan ni Liam ang kanyang kamay, pero agad niya itong hinila palayo. Hindi siya nagpunta roon para sa muling paghawak ni Liam, kundi para sa katotohanan.

“Amara, nagkamali ako.”

Napaitin siya. “Alam ko.”

“Pinagsisisihan ko ang lahat,” patuloy ni Liam, ang mga mata’y puno ng pagsamo. “Iniwan kita para sa isang babaeng hindi ko naman pala mahal. At ngayon, nakikita kitang kasama si Ethan…”

Nagtama ang kanilang mga mata, pero hindi siya natinag. “Bakit? Dahil ba mas makapangyarihan siya? Dahil ba mas mayaman siya kaysa sa'yo?”

“Hindi!” mabilis na tanggi ni Liam. “Dahil mahal kita.”

Mahal?

Dati, nangarap siyang marinig iyon mula kay Liam. Pero ngayon, parang wala na itong halaga.

Humakbang siya paatras, nilalamon ng sariling paninindigan. “Huli na ang lahat, Liam. May asawa na ako.”

“Pero kasal lang ‘yan sa papel, ‘di ba?” bulong ni Liam. “Wala kang nararamdaman kay Ethan, tama ba? Wala kayong totoong relasyon.”

Natigilan si Amara.

Hindi niya alam kung paano siya sasagot.

At sa isang iglap, bago pa siya makagalaw, biglang lumapit si Liam at tinangka siyang yakapin.

“Amara, bumalik ka na sa akin.”

Pero bago pa siya mahawakan ni Liam, isang napakalalim na tinig ang pumuno sa paligid.

“Layuan mo ang asawa ko.”

Sa paglingom ni Amara agad siyang nag-freeze sa kanyang kinatatayuan.

Si Ethan.

Nakatayo ito sa harap ng café, suot ang mamahaling itim na suit, at may bahagyang galit sa kanyang ekspresyon.

Ang kanyang presensya ay parang isang bagyong handang lumamon ng kahit sino sa harapan nito.

Hindi niya alam kung paano siya natunton ni Ethan. Pero hindi iyon ang pinakamahalagang bagay sa sandaling ito.

Dahil sa susunod na ginawa nito.

Mabilis na hinawakan ni Ethan ang kanyang baywang at hinila siya palapit. Sa harap ni Liam. Sa harap ng lahat ng tao sa café.

At bago pa siya makapalag, nararamdaman niya ang kanyang hininga nang lumapit ang labi ni Ethan sa kanya.

Hinalikan siya nito sa noo.

Isang mainit, mapanindigang halik na hindi pang-showbiz, hindi pang-kontrata.

Isang halik na parang sinasabi sa buong mundo—akin siya. Na siya ay pag aari na nito.

Lalong nagdilim ang mukha ni Liam. 

“Ano’ng ginagawa mo?”

Naglakad palapit si Ethan kay Liam, ang kanyang ekspresyon ay puno ng poot. “Kung may balak ka pang makialam sa asawa ko, siguraduhin mong kaya mong harapin ang consequences na makakasalubong mo sa iyong mga dadaanan.”

Hindi na nakapagsalita pa si Liam.

Samantalang si Amara… hindi niya pa rin maintindihan kung ano ang nararamdaman niya. Nalilito na siya sa mga pangyayari sa kanyang paligid.

Dahil para sa isang kasal na dapat ay peke lang, at kasunduan lamang, bakit parang nagiging totoo ang bawat galaw ni Ethan? Parang sa pekeng relasyon nila ay nagkakaroon na mg katotohanang saloobin sa isa’t isa.

At paano kung unti-unti na siyang nahuhulog sa kanya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 8 - Isang Babala, Isang Lihim

    Sa loob ng sasakyan, tahimik ang naging biyahe nila pauwi. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang marahang pagpatak ng ulan sa bintana ang maririnig. Hindi tumitingin si Amara kay Ethan, pero ramdam niya ang presensya nito—malamig, mabigat, at puno ng tensyon.Sa isang banda, gusto niyang pasalamatan ito sa ginawa kanina. Pero sa kabilang banda, may bumabagabag sa kanya.Bakit gano’n na lang ang galit ni Ethan kay Liam?Alam niyang bahagi ito ng kanilang kasunduan—na kailangan nilang magpanggap bilang perpektong mag-asawa sa mata ng publiko. Pero hindi niya mapigilang tanungin ang sarili…Nagagalit ba si Ethan dahil lang sa kasunduan nila?O may mas malalim pang dahilan?Tumingin siya sa lalaki, ngunit nakatuon lang ito sa labas ng bintana, waring may iniisip na malalim.Hindi siya nakatiis. “Paano mo nalaman na naroon ako sa cafè?”Walang reaksyon si Ethan. Saglit itong pumikit bago bumuntong-hininga, saka dahan-dahang nilingon siya. “Akala mo ba hindi kita babantayan?”Nanlaki

    Last Updated : 2025-03-16
  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 1 - Pagbangon

    Sa loob ng isang maliit at amoy gamot na silid sa ospital, tahimik na nakaupo si Amara Santos sa tabi ng kama ng kanyang kambal na si Selene. Hawak niya ang malamig at payat na kamay ng kapatid habang pinagmamasdan ang mahinang pagtaas-baba ng dibdib nito. Sa ngayon, tulog si Selene—isang bihirang pagkakataon kung saan mukhang payapa ito, malaya sa sakit na bumabalot sa kanya buong buhay niya.Ang buhay ni Amara ay isang paulit-ulit na lang na siklo ng sakripisyo at paghihirap. Simula nang mawala ang kanilang ina noong ipinanganak sila at iwanan sila ng kanyang ama, siya na ang naging sandigan ni Selene. Habang lumalaki sila, hindi niya naranasan ang buhay ng isang normal na bata—walang laruan, walang masayang alaala na kasama ang pamilya, walang pangarap na para sa kanya.Ang tanging pangarap ng pinanghahawakan niya ay ang isang araw na mailigtas si Selene sa bingit ng kamatayan.Mula sa pagkabata pa lang, natutunan na ni Amara ang magbanat ng buto. Sa murang edad, naglako na siya ng

    Last Updated : 2025-03-12
  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 2 - Kontrata ng Isang Asawa

    Nakatikom ang bibig ni Amara habang nakatitig lang ng walang kurap kay Ethan Alcantara. Sa ilalim ng dilim ng gabi at sa gitna ng malamig na ulan, nag-aalangan siyang sagutin ang alok ng kongresista. Tila mayroong pag aalinlangan sa kanyang isipan, kung tatanggapin nya ba ito o hindi."Kailangan mo ng pera. Kailangan ko ng asawa."Paulit-ulit na umuugong ang mga salitang iyon sa kanyang isipan.Hindi niya lubos maisip kung bakit siya inaalok ng isang lalaking tulad ni Ethan ng isang kasal—isang kontrata na alam niyang hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa kapangyarihan. Maraming katanungan ang gumugulo sa kanyang isipan, sa puntong yun, wala syang maisip na sagot at tila siya ay nagguluhan.“Anong… ibig mong sabihin?” mahina ngunit may halong pag-aalinlangan na tanong niya. Tila hindi mai proseso lahat ng utak ni Amara ang mga tagpong kanyang kinahahantungan.Hindi sumagot agad si Ethan. Sa halip, pinagmasdan siya nito nang matagal, tila sinusuri kung dapat pa ba siyang kumbinsihin. Ma

    Last Updated : 2025-03-12
  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 3 - Ang Pekeng Mrs. Alcantara

    Matigas ang ekspresyon ni Ethan habang nakaupo sa harapan ng isang matandang babae sa loob ng marangyang dining hall. Sa tabi niya, si Amara, nakayuko, pinipigilan ang kaba habang pinagmamasdan ang eleganteng pagkaing hindi niya kayang bilhin kailanman sa buong buhay niya.Nasa harap nila si Lola Corazon Alcantara—ang matriarka ng kanilang makapangyarihang pamilya, ang babaeng may kontrol sa political empire ng mga Alcantara, at ang nag-iisang tao na hindi kayang suwayin ni Ethan.“Pakasal? Nagpakasal na kayo?”Matalim ang tono ni Lola Corazon, puno ng pagdududa. “Bakit wala akong alam tungkol dito? Parang nais pa ninyong itago sa akin ang kasalang ito.”Napatingin si Amara kay Ethan, naghihintay ng sagot. Sa ilalim ng mesa, naramdaman niyang mahigpit ang hawak ni Ethan sa kanyang kamay—hindi bilang paglalambing, kundi isang babala, babala na tila magwawakas sa pagkatao niya.Bawal siyang magkamali.Bawal siyang magpahalata.Kaya kahit nanginginig ang loob niya, ginaya niya ang kumpiy

    Last Updated : 2025-03-12
  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 4 - Ang Unang Gabi Bilang Asawa

    Ang biyahe pauwi sa mansion ay tahimik, ngunit hindi mapayapa. Sa loob ng mamahaling sasakyan, magkatabi sina Amara at Ethan, ngunit tila may isang pader na humahati sa kanilang dalawa—isang pader na hindi gawa sa ladrilyo kundi sa panlilinlang, mga lihim, at kasunduang walang halong pag-ibig.Nakapirmi lang ang tingin ni Ethan sa kalsadang binabaybay nila, ang kanyang ekspresyon ay malamig at hindi nababasa. Samantalang si Amara, mahigpit na nakapulupot ang mga daliri sa kanyang kandungan, tila pinipilit na pakalmahin ang nanginginig niyang kamay.Sa bawat segundo na lumilipas, lalo niyang nadarama ang bigat ng realidad. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi tuparin ang kasunduang magsasalba sa kapatid niya na nakaratay.Isang taong kasal. Isang tagapagmana. Isang kasinungalingan.Huminga siya ng malalim, pilit nilalabanan ang bumibigat na damdamin sa kanyang dibdib.Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, binisag ang katahimikan ng mababang boses ni Ethan.“Simula ngayon Amara, i

    Last Updated : 2025-03-12
  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 5 - Ang Unang Araw Bilang Asawa ni Ethan

    Madaling araw pa lang ay nagising na agad si Amara. Hindi pa rin siya sanay sa lambot ng kama na kanyang hinigaan, sa malamig na simoy ng aircon, at higit sa lahat, sa presensya ng lalaking natutulog sa kabilang dulo ng higaan.Si Ethan Alcantara.Ang asawa niya—kahit peke lang ang kasal nila. Nakaramdam pa rin siya ng kapanatagan at pahingang di niya kailanman naranasan. Ngunit kasabay ng ginhawang iyon ay ang matinding pangamba. Isa itong panaginip na maaaring maglaho anumang oras.Dahan-dahan siyang bumangon, nag-iingat siya na huwag gumawa ng kahit anong ingay para hindi maistorbo ang tulog ni Ethan. Pero nang matapak siya sa sahig, isang malalim na tinig ang nagpagising sa kanyang diwa.“Anong ginagawa mo?”Boses na parang mayroong pagkamuhi at pagtataka.Napalunok si Amara. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita niyang nakadilat na si Ethan, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya. Sa malamlam na ilaw ng kwarto, mas lalong naging kapansin-pansin ang matitigas nitong panga,

    Last Updated : 2025-03-12
  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 6 - Isang Bagong Anino sa Social Media

    Matapos ang hindi inaasahang banggaan kay Liam at Kristine sa mall, hindi pa man lumilipas ang isang araw, naging laman na ng social media si Amara. Parang isang wildfire ang pagkalat ng kanyang mga larawan, at kasabay nito ay ang samu't saring reaksyon ng publiko."Bagong Mrs. Alcantara, nag-shopping ng luxury brands!""Ang simpleng babae, biglang sosyal matapos pakasalan ang billionaire kongresista!"Ang iba ay humanga sa kanyang transformation—mula sa isang ordinaryong babae patungo sa isang eleganteng may bahay ng isang makapangyarihang lalaki. Ngunit hindi lahat ay natuwa. Maraming nagdududa."Isa na lang ba siyang gold digger na nagpakasal para sa pera?""Mukhang jackpot siya kay Ethan Alcantara. Pero totoo kayang may pagmamahal sa pagitan nila?"Nakakairita. Nakakatawa. Pero higit sa lahat, nakakasakal.Pero wala siyang panahon para alalahanin ang sinasabi ng mga tao. Wala siyang pakialam sa kung ano ang iniisip ng publiko, sa mga mapanirang opinyon ng mga hindi naman niya kila

    Last Updated : 2025-03-13

Latest chapter

  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 8 - Isang Babala, Isang Lihim

    Sa loob ng sasakyan, tahimik ang naging biyahe nila pauwi. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang marahang pagpatak ng ulan sa bintana ang maririnig. Hindi tumitingin si Amara kay Ethan, pero ramdam niya ang presensya nito—malamig, mabigat, at puno ng tensyon.Sa isang banda, gusto niyang pasalamatan ito sa ginawa kanina. Pero sa kabilang banda, may bumabagabag sa kanya.Bakit gano’n na lang ang galit ni Ethan kay Liam?Alam niyang bahagi ito ng kanilang kasunduan—na kailangan nilang magpanggap bilang perpektong mag-asawa sa mata ng publiko. Pero hindi niya mapigilang tanungin ang sarili…Nagagalit ba si Ethan dahil lang sa kasunduan nila?O may mas malalim pang dahilan?Tumingin siya sa lalaki, ngunit nakatuon lang ito sa labas ng bintana, waring may iniisip na malalim.Hindi siya nakatiis. “Paano mo nalaman na naroon ako sa cafè?”Walang reaksyon si Ethan. Saglit itong pumikit bago bumuntong-hininga, saka dahan-dahang nilingon siya. “Akala mo ba hindi kita babantayan?”Nanlaki

  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 7 -Isang Pagtakas, Isang Pagbabalik

    Dalawang araw matapos ang charity gala, hindi pa rin maalis sa isip ni Amara ang sinabi ni Ethan."Dahil asawa na kita, Amara. At ako lang ang dapat mong tinitingnan."May ibig sabihin ba iyon? O sadyang nilalaro lang niya ang kasunduan nilang dalawa?Gusto niyang isipin na parte lang iyon ng palabas—na ginagawa lang ni Ethan ang dapat nilang gawin bilang mag-asawa sa mata ng publiko. Pero bakit may bumabagabag sa kanya?Nakahalukipkip siya sa kanilang pribadong hardin sa mansion, ang mga mata’y nakapako sa lawak ng berdeng damuhan. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa kanyang balat, pero hindi nito kayang palamigin ang nag-aalab niyang isipan.Tumunog ang kanyang cellphone.📩 Amara, please. Kailangan kitang makausap.📩 Bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon. Magkita tayo bukas sa dati nating lugar.Napabuntong-hininga siya. Ilang beses nang nag-text si Liam mula nang magkrus ang landas nila. Hindi siya sigurado kung dapat niya ba itong pansinin, pero sa loob-loob niya, gusto niya

  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 6 - Isang Bagong Anino sa Social Media

    Matapos ang hindi inaasahang banggaan kay Liam at Kristine sa mall, hindi pa man lumilipas ang isang araw, naging laman na ng social media si Amara. Parang isang wildfire ang pagkalat ng kanyang mga larawan, at kasabay nito ay ang samu't saring reaksyon ng publiko."Bagong Mrs. Alcantara, nag-shopping ng luxury brands!""Ang simpleng babae, biglang sosyal matapos pakasalan ang billionaire kongresista!"Ang iba ay humanga sa kanyang transformation—mula sa isang ordinaryong babae patungo sa isang eleganteng may bahay ng isang makapangyarihang lalaki. Ngunit hindi lahat ay natuwa. Maraming nagdududa."Isa na lang ba siyang gold digger na nagpakasal para sa pera?""Mukhang jackpot siya kay Ethan Alcantara. Pero totoo kayang may pagmamahal sa pagitan nila?"Nakakairita. Nakakatawa. Pero higit sa lahat, nakakasakal.Pero wala siyang panahon para alalahanin ang sinasabi ng mga tao. Wala siyang pakialam sa kung ano ang iniisip ng publiko, sa mga mapanirang opinyon ng mga hindi naman niya kila

  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 5 - Ang Unang Araw Bilang Asawa ni Ethan

    Madaling araw pa lang ay nagising na agad si Amara. Hindi pa rin siya sanay sa lambot ng kama na kanyang hinigaan, sa malamig na simoy ng aircon, at higit sa lahat, sa presensya ng lalaking natutulog sa kabilang dulo ng higaan.Si Ethan Alcantara.Ang asawa niya—kahit peke lang ang kasal nila. Nakaramdam pa rin siya ng kapanatagan at pahingang di niya kailanman naranasan. Ngunit kasabay ng ginhawang iyon ay ang matinding pangamba. Isa itong panaginip na maaaring maglaho anumang oras.Dahan-dahan siyang bumangon, nag-iingat siya na huwag gumawa ng kahit anong ingay para hindi maistorbo ang tulog ni Ethan. Pero nang matapak siya sa sahig, isang malalim na tinig ang nagpagising sa kanyang diwa.“Anong ginagawa mo?”Boses na parang mayroong pagkamuhi at pagtataka.Napalunok si Amara. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita niyang nakadilat na si Ethan, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya. Sa malamlam na ilaw ng kwarto, mas lalong naging kapansin-pansin ang matitigas nitong panga,

  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 4 - Ang Unang Gabi Bilang Asawa

    Ang biyahe pauwi sa mansion ay tahimik, ngunit hindi mapayapa. Sa loob ng mamahaling sasakyan, magkatabi sina Amara at Ethan, ngunit tila may isang pader na humahati sa kanilang dalawa—isang pader na hindi gawa sa ladrilyo kundi sa panlilinlang, mga lihim, at kasunduang walang halong pag-ibig.Nakapirmi lang ang tingin ni Ethan sa kalsadang binabaybay nila, ang kanyang ekspresyon ay malamig at hindi nababasa. Samantalang si Amara, mahigpit na nakapulupot ang mga daliri sa kanyang kandungan, tila pinipilit na pakalmahin ang nanginginig niyang kamay.Sa bawat segundo na lumilipas, lalo niyang nadarama ang bigat ng realidad. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi tuparin ang kasunduang magsasalba sa kapatid niya na nakaratay.Isang taong kasal. Isang tagapagmana. Isang kasinungalingan.Huminga siya ng malalim, pilit nilalabanan ang bumibigat na damdamin sa kanyang dibdib.Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, binisag ang katahimikan ng mababang boses ni Ethan.“Simula ngayon Amara, i

  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 3 - Ang Pekeng Mrs. Alcantara

    Matigas ang ekspresyon ni Ethan habang nakaupo sa harapan ng isang matandang babae sa loob ng marangyang dining hall. Sa tabi niya, si Amara, nakayuko, pinipigilan ang kaba habang pinagmamasdan ang eleganteng pagkaing hindi niya kayang bilhin kailanman sa buong buhay niya.Nasa harap nila si Lola Corazon Alcantara—ang matriarka ng kanilang makapangyarihang pamilya, ang babaeng may kontrol sa political empire ng mga Alcantara, at ang nag-iisang tao na hindi kayang suwayin ni Ethan.“Pakasal? Nagpakasal na kayo?”Matalim ang tono ni Lola Corazon, puno ng pagdududa. “Bakit wala akong alam tungkol dito? Parang nais pa ninyong itago sa akin ang kasalang ito.”Napatingin si Amara kay Ethan, naghihintay ng sagot. Sa ilalim ng mesa, naramdaman niyang mahigpit ang hawak ni Ethan sa kanyang kamay—hindi bilang paglalambing, kundi isang babala, babala na tila magwawakas sa pagkatao niya.Bawal siyang magkamali.Bawal siyang magpahalata.Kaya kahit nanginginig ang loob niya, ginaya niya ang kumpiy

  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 2 - Kontrata ng Isang Asawa

    Nakatikom ang bibig ni Amara habang nakatitig lang ng walang kurap kay Ethan Alcantara. Sa ilalim ng dilim ng gabi at sa gitna ng malamig na ulan, nag-aalangan siyang sagutin ang alok ng kongresista. Tila mayroong pag aalinlangan sa kanyang isipan, kung tatanggapin nya ba ito o hindi."Kailangan mo ng pera. Kailangan ko ng asawa."Paulit-ulit na umuugong ang mga salitang iyon sa kanyang isipan.Hindi niya lubos maisip kung bakit siya inaalok ng isang lalaking tulad ni Ethan ng isang kasal—isang kontrata na alam niyang hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa kapangyarihan. Maraming katanungan ang gumugulo sa kanyang isipan, sa puntong yun, wala syang maisip na sagot at tila siya ay nagguluhan.“Anong… ibig mong sabihin?” mahina ngunit may halong pag-aalinlangan na tanong niya. Tila hindi mai proseso lahat ng utak ni Amara ang mga tagpong kanyang kinahahantungan.Hindi sumagot agad si Ethan. Sa halip, pinagmasdan siya nito nang matagal, tila sinusuri kung dapat pa ba siyang kumbinsihin. Ma

  • The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle   Chapter 1 - Pagbangon

    Sa loob ng isang maliit at amoy gamot na silid sa ospital, tahimik na nakaupo si Amara Santos sa tabi ng kama ng kanyang kambal na si Selene. Hawak niya ang malamig at payat na kamay ng kapatid habang pinagmamasdan ang mahinang pagtaas-baba ng dibdib nito. Sa ngayon, tulog si Selene—isang bihirang pagkakataon kung saan mukhang payapa ito, malaya sa sakit na bumabalot sa kanya buong buhay niya.Ang buhay ni Amara ay isang paulit-ulit na lang na siklo ng sakripisyo at paghihirap. Simula nang mawala ang kanilang ina noong ipinanganak sila at iwanan sila ng kanyang ama, siya na ang naging sandigan ni Selene. Habang lumalaki sila, hindi niya naranasan ang buhay ng isang normal na bata—walang laruan, walang masayang alaala na kasama ang pamilya, walang pangarap na para sa kanya.Ang tanging pangarap ng pinanghahawakan niya ay ang isang araw na mailigtas si Selene sa bingit ng kamatayan.Mula sa pagkabata pa lang, natutunan na ni Amara ang magbanat ng buto. Sa murang edad, naglako na siya ng

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status