Home / Romance / The CEO's Temporary Wife / Chapter 1 Blind Date

Share

The CEO's Temporary Wife
The CEO's Temporary Wife
Author: Nevaeh Skye

Chapter 1 Blind Date

Abaca Restaurant, The Terraces, Ayala Center, Cebu

Halos kalahating oras na ang dumaan. Wala pa rin ang blind date ni MJ. Inip na inip na ito dahil hindi siya sanay na pinaghihintay. Isa pa, masyadong manipis ang suot niyang damit para sa okasyon na iyon. Masyadong malamig sa Abaca, at hindi siya sanay magsuot ng maikling palda at manipis na blusa. Mas komportable siyang nakasuot lang ng maluwang na tshirt at jeans. Wika ng ng kanilang mga kapitbahay. “Sayang si MJ. Maganda sana pero parang tomboy kung kumilos.” Lampake sila. My life, my choice.

“Anak ng tinapa at in-nindian ako ng ka blind date ko ah. Eto kasi si Mama, takot na maubusan ako ng lalaki, e wala pa naman akong balak magpasakal, este, magpakasal. Ang kati-kati rin ng pekeng eyelashes na ito. Kinusot niya ang kanyang mga mata nang biglang may tumawag sa kanyang pansin.

“MJ Cuenco?” Lumuwa ang mata ni MJ nang makita ang lalaki. Halos kasintanda na ito ng Mama niya. Halos wala na itong buhok, at mangilan-ngilan na rin lang ang mga ngipin nito. Makikintab ang mga ito, kasingkintab ng ginto, ngunit sa kasamaang palad ay kasingkulay rin.

“Ngee! Eto ba ang ipinagbibida ni Mama sa akin?”

Umupo ang lalaki sa tapat niya. “Ang lagkit naman ng titig ng matandang ito,” aniya ni MJ sa sarili.

Bumaba ang tingin ng lalaki sa kanyang bandang dibdib. Hinampas ni MJ ang mesa.Nabigla ang lalaki at umangat ang tingin nito mula sa pagkatingin sa dibdib niya.

“Ako nga pala si Wilson at handa kang pakasalan. Ako’y isang biyudo at may dalawang anak. Kasama ko rin sa bahay ko ang aking mga magulang. Pag kasal na tayo ay hindi ka na magtatrabaho. Tanging gawain mo na lamang ay alagaan ang aking mga ana’t magulang. Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin. O ano, ayos ba? Buhay prinsesa ka sa piling ko.” Ngumiti si Wilson, ang lalaking may dilaw na mga ngipin.

“Let me be frank po. Para ko na ho kayong lolo. At isa pa, gusto kong ako ang inaaruga, hindi ang kabaliktaran. HIndi rin po ako isinilang sa mundong ito para maging isang caregiver sa mga magulang mo.”

HIndi nakaimik si Wilson. Huminga ito ng malalim, na siyang dahilan upang ang isang butones ay tumiwalag mula sa masikip nitong polo shirt.

Hindi mapigilan ni MJ ang sarili. Humagalpak siya ng tawa. Dahil dito, nagalit si Wilson at sinigawan siya. “You will regret this!” Iyon lang at umalis na ang nag-aalborotong lalaki.

“Hay salamat at nakaalis na rin.” Luminga si MJ sa buong paligid. Nakaw pansin ang nasa kabilang mesa na halata ring isang blind date.

Makisig ang lalaki na nakasuot ng casual slacks at polo shirt. Mukha ring hindi nito nagustuhan ang babaeng ka date na panay hipo sa kamay niya. Tuluyan nitong itinabig ang kamay ng babae nang unti-unting umakyat ang kamay nito tungo sa braso niya.

“Hon, let’s get married soon and have a grand wedding.” She fluttered her fake eyelashes at him.

“I have no plans of getting married anytime soon.”

“No worries. I can wait. Let’s get to know each other a little better then.”

“I don’t like women who put too much hyaluronic acid and niacinamide on their faces.”

Pagkarinig nito ay naibuga ni MJ ang kapeng kanyang ininom. Humagalpak siya ng tawa na parang baliw.  Lahat ng tao sa loob ng restaurant ay napalingon sa kanya, lalo na ang lalaki sa katabing mesa.

Mangiyak-ngiyak na tumayo ang babaeng kausap ng lalaki. Nagmamadali itong lumabas ng restaurant na nanggagalaiti sa galit at kahihiyan.

Tapos na ang drama. “Makauwi na nga para matanggal ko na ang mga pilikmatang ito.” Akmang aalis na sana si MJ nang marinig niyang tinawag ang kanyang pangalan.

“MJ”

Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa kanya.

“Sir Julius, ikaw pala.”

“Tuwang tuwa ka ha sa katatapos lang na drama,” ayon nito habang nakangiti

“Hindi po. Napaubo lang po ako.” Sa tingin niya’y hindi naniniwala ang lalaki kaya tumahimik na lang siya.

“Maupo ka.”

Tumalima siya sa utos ng lalaki. Sino ba namang nilalang ang nais sumuway sa utos ng isang Mr. Julius Samonte?

Si Mr. Samonte ay kabilang sa listahan ng 10 Most Eligible Bachelors in Tatler Philippines. Siya ang pinakabatang CEO ng Samonte Enterprises. Sa murang edad na 29, nakuha niya ang pwesto dahil sa maagang pagretiro ng kanyang ama. His net worth is said to be in billions, pero hindi kumpirmado dahil masyado itong malihim.

At siya, si MJ Cuenco, na sa kasamaang palad ay magkasing pangalan sa isang kalsada. Siya’y isang hamak na designer sa Samonte Enterprises. Sa dinami-daming manggagawa sa Samonte Enterprises, himala lamang kung magkatagpo man ang kanilang landas.

Ngunit tatlong taon na ang nakaraan noong naging CEO na si Julius at umiikot sa mga departamento, lumapit siya kay MJ at nagtanong, "What’s your name?"

“MJ Cuenco, Sir.”

Kahit medyo lalaki kung kumilos, hindi maipagkakaila na napakaganda ni MJ. Akala nga ng lahat sa design department ay nagustuhan siya ni Julius. Tinutukso-tukso nga siya ng mga ito na future CEO-wife

Pinagtawanan lang sila ni MJ dahil napaka imposibleng mangyari iyon. At mangilang beses lang na nagkatagpo ang kanilang mga landas. Ang mga mayayaman na may matinong pag-iisip ay pumapatol lamang sa kapwa nila mayayaman.

“Mr. Samonte, kung wala ka na pong kailangan ay aalis na po ako.”

Tinitigan siya ng lalaki. “MJ, Will you marry me?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status