Home / Romance / The CEO's Temporary Wife / Chapter 6 Tawagin Mo Akong Julius

Share

Chapter 6 Tawagin Mo Akong Julius

Umalis na sila sa Ayala Mall at nagpunta sa Chong Hua Hospital, isa sa pinakasikat na ospital sa Cebu.

“Nervous?” tanong ni Julius sa kanya nang makita ang ekspresyon ng mukha niya. “Don’t be. His bark is worse than his bite, I promise.”

“Nerbiyos? Hindi ah. Bakit naman ako manenerbiyos?”

Pati sa sarili ay nagsisinungaling si MJ. Nanginig ang mga tuhod niya dahil makikilala na niya ang matanda, ang tinaguriang The Lion of Cebu dahil sa makabagong paraan nito ng pagpapatakbo ng kumpanya. Kilala itong napakahigpit at madaling magalit. Ito ang unang pagkakataon na makilala niya ang sikat na Ginoong Guillermo Samonte, ang may-ari ng Samonte Enterprises.

“Just a warning. I told my grandfather that we’ve been together for two years. So it would be better if you call me Julius and not Mr. Samonte. I hoped you memorized all my likes and dislikes as the old man might question you on those. Also, act like we’ve known each other for a long time. Are we clear on that?”

“Yes,sir!” Tinitigan siya ng malalim ni Julius. “Yes, Julius pala.”

“Good! Don’t ever forget that, or else our charade will blow up in our faces. My lolo didn’t reach his position if he’s gullible. And gullible he’s not.”

Lumabas sila galing elevator at tinungo ang pinakamahal na silid sa ospital. Bago sila pumasok ay hinawakan ni Julius ang kanyang kamay. Nagkatinginan ang dalawa at bumulong si Julius sa kanya, “We can do this!” Bahagya siyang tumango, huminga ng malalim at inihanda ang sarili sa anumang mangyari.

Binuksan nila ang pinto.

Nakita nila ang matanda na nakikipaglaro ng chess sa kanyang anak na si Ronald Samonte, tiyuhin ni Julius.

“My grandson, you’re here!” Tuwang tuwa na lumapit ang matanda sa kanila at niyakap si Julius.

“Look who’s here. You’re MJ, right? Let me look at you!” Inikot ikot si MJ ng matanda, inoobserbahan ang kanyang damit at postura . “Very beautiful! Like me, you have an eye for beauty, Julius.”

“Magandang umaga po, Mr. Samonte.” Yumuko si MJ ng bahagya bilang pagpapakita ng respeto sa matanda.

“What nonsense. You can call me lolo. Natutuwa ako at nagpakasal na kayo ni Julius after two years of being in a relationship. Even if there’s a chance I won’t see your children, matutuwa ako pag nagkaroon na ako ng mga apo sa tuhod.”

“Lolo, eto na po mga dala kong prutas at pagkain mo.”

“Salamat apo pero alam mo naman na marami nang ipinagbabawal na kakainin ko. Upo na kayo, lalo na ikaw MJ. Nakuuuu itong apo ko, kagabi lang sinabi sa akin na nagpakasal na kayo. Hindi man lang naisipan ni Julius na ipakilala ka noon. Mahilig sa surprise ang batang ito.”

Praktisado na ni MJ ang mga linyang sasabihin niya. “Hindi po sa ganoon, lolo. Matagal na sana akong ipakilala sa inyo ni Julius. Kaya lang, ako ang laging tumatanggi dahil isang hamak na designer lang ako sa Samonte Enterprises.”

Pagkarinig nito, kinuha ng matanda ang kanyang kamay at tinitigan siya ng mataimtim. 

“Huwag kang mag-alala. Kaming mga Samonte ay hindi nanghihimasok sa kung sino ang pipiliing mapapangasawa ng mga kamag-anak  namin. Ang importante ay gusto ninyo ang isa’t-isa at maligaya kayo.”

“Iyon nga po ang sinabi ni Julius sa akin na hindi raw ako dapat mag-alala sa mga ganoong bagay, di ba love?” ngumiti si MJ kay Julius kagaya ng napagpractisan nila.

Naaninag ang maliwanag at matamis na ngiti ng babae, at saglit na natigilan ang ekspresyon ni Julius na para ba itong namalikmata. Inabot niya ang ulo ni MJ at buong pagmamahal na tinapik ito, kadramahan sa harap ng matanda. Ipinatong naman ni MJ ang kanyang ulo sa balikat ni Julius. Drama nga lang ang lahat pero bakit kumakabog kabog ang dibdib ni MJ? Narinig din niya ang malakas na tibok ng puso ni Julius.

Nang makita ang kanilang ginawang eksena, lalong lumalim ang ngiti sa mukha ng matanda.

Talagang madaling pakisamahan si Lolo Glen, kung siya ay tawagin ni Julius.  Hindi na kinakabahan si MJ, hindi katulad ng bago niya ito nakilala. Sinamahan niya ang matanda sa paglalaro ng chess, at dahil laking iskwater at sanay sa pakikipag chess sa mga kabataan sa barangay ay natalo ni MJ ang matanda. Pinalakpakan siya nito, hangang-hanga sa kanyang talento. Minsan lang ito nakatagpo ng tao na nakatalo sa kanya ng chess.

Tumunog ang cellphone ni MJ at nagpasintabi sa matanda na sasagutin niya ito. Lumabas siya sa silid para sagutin ang tumawag.

Nang nakalabas si MJ ay kinausap ng matanda si Julius ng masinsinan. “Sagutin mo nga ako Julius at huwag kang magsisinungaling sa akin. May napansin ako e. Kaya ba pinakasalan mo si MJ ay dahil magkamukha sila ni Gia?”

Natigilan si Julius. Napansin pala ng kanyang lolo ang pagkakahawig ng mukha ni MJ at Gia.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status