Home / Romance / The CEO's Temporary Wife / Chapter 7 Magsampa Ka ng Reklamo

Share

Chapter 7 Magsampa Ka ng Reklamo

Natigilan si Julius. Bahagyang nanlamig ang kanyang kamay nang kunin niya ang chess piece, at pagkatapos ay dahan-dahang ibinaba niya ito.

"Oo lolo, pinili ko siya sa umpisa dahil magkamukha sila ni Gia. Pero sa ngayon ay mahal ko na siya."

Napangiti ng maluwag ang matanda.

"Mabuti naman at talagang gusto niyo ang isa't isa. Ngayong nakita kitang ikinasal na sa mahal mo, wala na akong maaring hilingin pa sa buhay na ito kundi ang magkaroon ng apo. Bilisan mo at nang mahawakan ko na ang apo ko sa tuhod."

Si Mr. Glen Samonte ay mahigit 80 taong gulang na ngayon. Kapag ang mga matatanda ay umabot na sa isang tiyak na edad, ang buong katawan nila ay unti-unti nag pumapalya. 

Umangat ang mga mata ni Julius mula sa chess board at bahagyang tumango.

Samantala, nasa labas ng silid si MJ at kausap ang kanyang nanay-nanayan sa cellphone.

“Umuwi ka na rito, suwail na anak at pakasalan mo si Wilson! Malilintikan ka sa akin, babae ka!”

“Ma, kagaya ng sinabi ko kahapon. Ayoko! Ayoko! Ayoko!”

Nag airplane mode si MJ at pumasok na sa executive room ng ospital.

Oras na ng hapunan at nagpumilit ang matanda na sa labas sila kakain. May espesyal na pribilehiyo ang matanda sa ospital na iyon dahil isa ito sa mga Board of Directors ng ospital. May waiver din itong pinirmahan na absuwelto ang ospital kung ano man ang mangyari sa matanda sa labas.

Pumunta sila sa isang restaurant na malapit lang sa ospital, ang Phát Phố, isang Vietnamese restaurant sa loob ng Robinsons Cybergate. Gustuhin man nilang pumunta sa mga 5-star restaurants ay bawal dahil malayo ang mga ito. Kailangang within 5-kilometer radius lang mula sa ospital ang pwedeng puntahan ng matanda.

Nag-order si Julius ng ilang pagkaing gusto ng matanda, at iniabot ang menu kay MJ. May bahid ng layaw sa baritono nitong boses. "Tingnan mo kung ano ang gusto mong kainin para i-order natin, love."

Kinuha ni MJ ang menu at nag-order ng ilang putahe na pinakamura. Hindi nagtagal, dinala ng waiter ang lahat ng mga pagkain sa mesa nila.

Si Julius, dahil nasa harap ng kanyang lolo, ay nagdrama na naman. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ni MJ at paminsan-minsan ay sinusubuan  niya ito. Si MJ ay hindi rin pahuhuli sa aktingan. Papikit pikit pa ito sa kanyang mga mata na tila nasasarapan sa pagkain.

“Hmm, thanks love. Lalong sumarap ang pagkain dahil sinubuan mo ako.”

Muntik nang mabilaukan si Julius dahil sa sinabi ni MJ. Lihim niya itong pinandidilatan ng mata dahil sumosobra na ito. Lalo nagpasaway si MJ. Gusto niyang makapaghiganti dahil pinaghintay siya nito ng matagal sa labas ng subdivision noong nakaraang araw.

Dinampot ni MJ ang inorder niyang chilled shrimp at inilagay sa plato ni Julius. "Ayan, love, paborito mong ulam, kain lang ng kain!"

Hindi pa nakontento, sinubuan din niya ang lalaki. Nagtaka siya kung bakit tikom na tikom ang bibig ni Julius kaya pilit niyang ipinasok ang kutsara para matapos na ang kanyang kalbaryo. Walang nagawa si Julius kundi nguyain ang pagkaing nasa loob na ng kanyang bibig.

Tinitigan siya ni Julius habang ngumunguya ito, isang babala ang sumilay sa kanyang ekspresyon, animo’y galit na galit sa kanya.

Natigilan ang matandang nakaupo sa tapat. "Huh? Pinakaayaw ni Julius ang hipon dahil allergic siya rito. Isang beses lamang siya nakatikim ng hipon noong bata pa siya at namamaga ang kanyang buong katawan. Mabuti na lang at naagapan agad."

Nang marinig ito, ngumiti si MJ na parang tusong matsing.

"Lolo, hindi mo ba alam! Pinakagusto kong pagkain ang hipon, at nagustuhan na rin ito ni Julius! Ewan ko ba’t hindi na siya allergic sa hipon, di ba, love?"

"Talaga?" Napangiti ng maluwag ang matanda, "Kapag matagal na palang nagsasama ang dalawang tao, magbabago rin ang kanilang mga gusto. Isipin mo, ganyan din ang lola mo. Mahilig siya sa chocolates, pero hindi ko iyon gusto noong una. Sa mahabang panahon na magkasama kami, nagustuhan ko na rin."

Pinigilan ni Julius ang kanyang galit at kumain ng dalawa pang hipon dahil matiim na nakatingin sa kanya ang matanda. Nakonsensya ng bahagya si MJ, ngunit nang makita niya ang galit sa mga mata ni Julius, muli siyang lihim na nagsaya. “Nakaganti na rin ako sa wakas!”

Pagkatapos ng hapunan, nang umalis sila sa restaurant at bumalik sa ospital, sinabi ng matanda, "Okay, alam kong abala kayo sa trabaho, pwede na kayong umalis. Dalawin ninyo ako paminsan-minsan"

"Sige lolo, aalis na kami."

Nakangiting nagpaalam si MJ sa matanda.

Mahigpit ang pagkahawak ni Julius sa kamay ni MJ habang naglalakad silang magkatabi. Halos kaladkarin siya nito patungo sa sasakyan.

"Ang sakit naman ng pagkahawak mo, Sir Julius. Pero hindi ako bibitaw dahil nakatingin pa rin si Lolo sa likod!"

"May lakas loob ka pang magreklamo?" Malamig na sabi ni Julius. “Nagsimula na nga akong mangati dahil sa ginawa mo. Dadaan muna tayo sa pharmacy para makabili ng antihistamine. Bakit naman sa dinami daming pagkain sa mesa ay hipon pa ang napili mong ipakain sa akin? Hindi ba kasali sa binigay ko na listahan sa iyo ang mga bawal kong kainin?” 

Hindi na lang umimik si MJ. Paano kasi’y hanggang sa brief size lang siya nakatutok sa pagbasa.

Pagkasakay sa kotse, umupo si MJ sa passenger seat. Alam ni Julius na nanonood pa rin ang matanda sa labas, kaya nagkusa siyang ikabit ang seatbelt ni MJ, pero natakot ang huli sa madilim na awra ng lalaki.

"Sir Julius, I was wrong. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nalito ako sa paborito mong pagkain at sa pinakaayaw mong pagkain!"

"Hindi mo talaga sinasadyang gawin yun?" Tinitigan siya ni Julius.

"Hindi ko talaga sinasadyang gawin iyon." Matigas na tugon ni MJ.

Pero sinadya niya talaga. Lihim na napatawa si MJ.

Napansin ni Julius ang lihim niyang ngiti. Pinaandar nito ang sasakyan at umalis. Puno ng kalungkutan ang boses nito nang ito’y magsalita.

"Alam mo ba na dahil sa ginawa mo ay malamang na magduda si Lolo na peke ang ating kasal?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status