Nag-usap muna si MJ at Dr. Francis ng ilang sandali, at pagkatapos ay nanatili sa tabi ng kanyang ama hanggang alas-singko ng hapon. Bumili siya ng ilang gulay sa grocery store sa labas ng ospital, at pagkatapos ay sumakay ng dyip pabalik sa bahay ni Julius.Hindi pa rin umuwi si Julius sa bahay kahit tapos na siyang maghapunan. Bumalik si MJ sa kanyang kwarto, naligo, at humiga sa kama para matulog.Sa kalagitnaan ng gabi, siya ay nagising sa pagkauhaw. Bumaba siya kahit antok na antok pa rin, uminom ng isang basong tubig, at pagkatapos ay bumalik sa silid na tulala upang matulog muli.Alas dos na ng madaling araw, at pauwi na si Julius galing sa isang party. Binuksan niya ang ilaw pagdating sa kanyang kwarto at tutungo na sana sa banyo nang may napansin siyang kakaiba. Bigla siyang napahinto at lumingon sa kama.Si MJ, nakabulagta sa kanyang kama, tulog na tulog.Nakasuot lamang ito ng manipis na pantulog na halatang pinaglumaan na. Ngunit hindi sa kalumaan ng damit nakatuon ang pan
Dahil sa dami ng ginagawa, hindi napansin ni MJ na oras na pala ng pananghalian. Isa-isang pumunta sa canteen ang kanyang mga kasamahan.“MJ, halika na at kain na tayo,” ani ni Janisa. Ni-lock ni MJ ang kanyang computer at dali-daling sumunod.Gayunpaman, sa pagliko ng dalawa sa kanto, may nakitang babae si MJ. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.“MJ.”Ang kanyang madrasta pala.Walang expresyon ang mukha ng kanyang madrasta, pero alam ni MJ na dahil pumunta ito sa opisina para hanapin siya, tiyak na may masamang balak na naman ito.“Anong sadya mo rito? Tanong niya sa ina-inahan.“Ano pa, e di pera.Sa ayaw mo’t sa gusto, kailangang bigyan mo ako ng pera ngayon para sa pagpapakasal ng iyong kapatid. Malapit na ang kanyang kasal at ang iyong pera ang inaasahan ko para maging bongga ang kasal ng kapatid mo.”“Ma, hindi ba’t sabi ko sa iyo na wala akong pera? Lahat ng pera ko ay para sa mga gamot ni Dad.”“MJ, huwag mo akong pilitin gumawa ng mga bagay na makakasama sa iyo,” ba
Abaca Restaurant, The Terraces, Ayala Center, CebuHalos kalahating oras na ang dumaan. Wala pa rin ang blind date ni MJ. Inip na inip na ito dahil hindi siya sanay na pinaghihintay. Isa pa, masyadong manipis ang suot niyang damit para sa okasyon na iyon. Masyadong malamig sa Abaca, at hindi siya sanay magsuot ng maikling palda at manipis na blusa. Mas komportable siyang nakasuot lang ng maluwang na tshirt at jeans. Wika ng ng kanilang mga kapitbahay. “Sayang si MJ. Maganda sana pero parang tomboy kung kumilos.” Lampake sila. My life, my choice.“Anak ng tinapa at in-nindian ako ng ka blind date ko ah. Eto kasi si Mama, takot na maubusan ako ng lalaki, e wala pa naman akong balak magpasakal, este, magpakasal. Ang kati-kati rin ng pekeng eyelashes na ito. Kinusot niya ang kanyang mga mata nang biglang may tumawag sa kanyang pansin.“MJ Cuenco?” Lumuwa ang mata ni MJ nang makita ang lalaki. Halos kasintanda na ito ng Mama niya. Halos wala na itong buhok, at mangilan-ngilan na rin lang a
Napatunganga si MJ.“Uy, sir, magbiro ka sa lasing, huwag lang sa babaeng praning.” ‘I’m not joking. In fact, I’m dead serious.” Mataimtim na nakatingin ang lalaki sa kanya.“Ano po ulit iyong sinabi niyo? Baka nagkamali lang ako sa pagkakarinig.” Kinalikot ni MJ ang kanyang tenga, tiniyak na wala siyang tutuli sa loob nito.“I asked you if you will marry me.”“Ha? Ano? Bakit ako?” Sa estado ng buhay ni Julius Samonte, imposible na walang babae ang magkakagusto rito. Nasa kanya na ang lahat ng “K”: kayamanan, katawan, kakisigan, at kagwapuhan. Maraming babae ang nagkandarapa upang mapansin lang nito.“Papalicious” ayon sa isip ni MJ. “Hala! Baka may lihim na pagtingin siya sa akin. OMG! I kennat! Pero imposible naman dahil mga tatlong beses lang yata kaming nagkatagpo sa mga pasilyo ng kumpanya. At bakit alam nito na nandito ako sa lugar na ito mismo? Sinusundan ba niya ako? Ini-stalk niya ba ako? Hindi naman siguro. Marami itong pinagkakaabalahan at walang siyang panahon para sundan
Walang paligoy-ligoy itong nagsalita. “Nakatira ako sa Monterrazas de Cebu. I’ll text you the address and you better use Google map or Waze to find it. Also, bring your clothes and things with you.”Napatingin ito sa suot ni MJ. “Better yet, I’ll buy you a new wardrobe.” “Sir? Bibilhan mo ako ng bagong cabinet? Wala ba kayong extrang cabinet sa bahay niyo?”Napatingin ang lalaki sa kanya. “Don’t you understand what I mean?” Napansin nitong naguguluhan pa rin si MJ. Umiling na lamang ang lalaki. “Never mind what I said.”“Dadalhin kita sooner or later sa lolo ko. Make him believe that we are a real couple. Pretend that you are in love with me. Just be careful kasi ang lolo ko ay marunong kumilatis ng tao. Just make him happy. After six months, we will have our marriage annulled.”Iyon lamang at iniwan na siya ng lalaki sa harap ng munisipyo. Humarurot ito palayo sakay ng kanyang Fortuner. “Hindi man lang ako iniwan ng pamasahe pang taxi” maktol ni MJ.Sumakay siya ng dyip at napadaan
Kaunti lang ang kanyang mga gamit kaya madali siyang nakapag-empake. Hindi niya inalintana ang sigaw ng kanyang kinilalang ina at umalis na ng bahay bitbit ang kanyang maleta. Nakita niya ang kanilang mga kapitbahay na nagkukumpul-kumpol sa harap ng kanilang bahay at nagbubulungan.“Hello mga marites! O ano? Masaya na kayo sa nasagap niyong balita? Good for one week na tsismis iyan ha?” Yumuko ang mga ito na animo’y nahihiya at umalis sa harapan ng bahay nila. Iyon lang at tuluyan na niyang iniwan ang bahay kung saan matagal tagal na rin siyang naninirahan. Patungo siya ngayon sa kanyang bagong buhay at bagong kinabukasan.Gamit ang Google map, nakarating siya sa bukana ng subdivision na kung tawagi’y Monterrazas de Cebu. Napakalayo pala nito mula sa Ayala. Makailang sakay at baba siya ng dyip bago niya narating ang lugar lulan ng taxi. Wala kasing dyip na bumabyahe doon.Istrikto si manong guard. Ayaw siyang papasukin sa subdivision kahit sinabi pa niya na si Julius Samonte ang kan
Maagang gumising si MJ. Mayroon siyang napakalaking problema. Kailangan niyang pumili ng tamang damit para sa araw na ito. Pagtingin niya sa loob ng aparador, nakita niya ang kanyang mga mumurahing damit na binili sa bangketa at sa ukay. Sa huli, pinili niya ang pinakamahal sa kanilang lahat, isang ukay na damit na pinalakpakan nang husto sa mga fashion shows sa Milan, Italy. Kulay gray ito na may mahabang manggas, at lampas tuhod ang laylayan. Naglagay siya ng kaunting make-up at tumingin muna sa salamin bago lumabas ng kwarto.Bumaba siya ng hagdanan at nakita si Julius na nakatingin sa kanya. Humawak siyang mabuti sa dingding habang bumababa dahil biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. HIndi niya mawari kung anong dahilan nito. Dahil ba hindi siya sanay na magsuot ng high heels? O dahil ba medyo masikip sa kanya ang damit? O dahil ba sa titig ni Julius na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa?Ewan. Isang bagay lang ang tiyak. Para siyang prinsesa na bumababa sa hagdan.
Umalis na sila sa Ayala Mall at nagpunta sa Chong Hua Hospital, isa sa pinakasikat na ospital sa Cebu.“Nervous?” tanong ni Julius sa kanya nang makita ang ekspresyon ng mukha niya. “Don’t be. His bark is worse than his bite, I promise.”“Nerbiyos? Hindi ah. Bakit naman ako manenerbiyos?”Pati sa sarili ay nagsisinungaling si MJ. Nanginig ang mga tuhod niya dahil makikilala na niya ang matanda, ang tinaguriang The Lion of Cebu dahil sa makabagong paraan nito ng pagpapatakbo ng kumpanya. Kilala itong napakahigpit at madaling magalit. Ito ang unang pagkakataon na makilala niya ang sikat na Ginoong Guillermo Samonte, ang may-ari ng Samonte Enterprises.“Just a warning. I told my grandfather that we’ve been together for two years. So it would be better if you call me Julius and not Mr. Samonte. I hoped you memorized all my likes and dislikes as the old man might question you on those. Also, act like we’ve known each other for a long time. Are we clear on that?”“Yes,sir!” Tinitigan siya n