Pumasok si MJ sa opisina kinabukasan at nalaman na nag-organisa si Direktor Dale ng pagpupulong ‘first thing in the morning.” Hindi ito isang ordinaryong pangyayari kaya hindi siya nakasipot sa meeting. Dahil doon, pinagmumura siya ni Direktor Dale. Rinig na rinig niya ang kanyang pangalan na binanggit sa meeting room.“Tamad kayong lahat! Pero ang pinakatamad sa inyo ay si MJ Cuenco. Tingnan niyo at magsimula na tayo sa meeting ngunit hindi pa rin siya sumipot!”Nagkibit-balikat nalang si MJ at pasimpleng bumalik sa kanyang mesa. Back to zero na ang kanyang perfect attendance record. Ngayon kung pupunta pa siya sa meeting room, pagtatawanan lang siya ni Direktor Dale sa harap ng lahat.Umupo nalang si MJ, binuksan ang computer, at ipinagpatuloy ang paggawa sa mga di-natapos na interior design drawings."MJ, may problema ka ba? Bakit hindi ka nakasipot sa meeting ngayon?"Tinapik ni Janisa si MJ sa balikat. Napalingon siya sa direksyon ng meeting room at napagtantong tapos na ang meeti
Natulala ang lahat.Hindi nila inaasahan na ang isang tahimik at malumanay na magsalita na babaeng kagaya ni MJ ay marunong palang magalit."Ikaw talaga... Miss Cuenco, pagbabayaran mo ang pagsampal mo sa akin! Watch out!"Pagkasabi noon ay galit na umalis ang babae na may pangalang Jackie. Nagsisialisan na rin ang ibang mga nanonood at bumalik na sa kanyang-kanyang pwesto.Hinila ni Janisa si MJ sa tabi at binulungan ito."Mag-ingat ka riyan kay Jackie. Dinig ko’y gaganti talaga ‘yan sa mga kaaway niya"Hindi iyon naisip ni MJ. Ang mindset kasi niya sa mga bagay-bagay ay “Don’t do unto others what you don’t want others to do unto you.” Tsaka sobra naman talaga yung sinabi ni Jackie kanina. Tinawag pa naman siyang higad nito!"Siya naman talaga ang unang nag provoke sa atin ah. Back to work na nga lang tayo para malimutan natin ang sinabi ni Jackie."Pagkatapos ng insidenteng iyon, tila tumikom ang mga bibig ng mga tao sa opisina, at walang sinuman ang nagpaparinig pa kay MJ mula noon
"MJ."Bahagyang nagulat si MJ. “Si Julius! Bakit siya nandito?” tanong ni MJ sa sarili.Lumapit si Julius sa kanyang tabi, hinawakan ang kanyang kamay, at nagsabing, "Why didn’t you go home immediately after work?"Gusto sanang kumawala ni MJ sa pagkahawak ni Julius sa kanyang kamay ngunit mahigpit ang hawak nito. Tiningnan ni Julius ang lalaking may peklat."What do you guys want with her?"Ngumisi ang lalaking may peklat. Tumingin ito sa paligid at nang mapagtantong nag-iisa lang si Julius, nilapitan siya ito."Ba’t ba nakikialam ka? At sino ka ba, ha? Gusto mo bang magpakabayani at iligtas ang babaeng ito? Tingnan ko lang kung matalo mo ako." Tumawa ng malakas ang lalaki.Pagkatapos sabihin iyon, ang lalaking may peklat ay kumuha ng dos por dos at hinampas si Julius.Bahagyang ipinikit ni Julius ang kanyang mga mata, at nang wala pang isang pulgada ang layo ng dos por dos sa kanya, inagaw nito ang kahoy, at pagkatapos ay sinuntok ang lalaking may peklat sa mukha.Isang mahinang ung
Nakahinga ng maluwag si MJ, ngunit medyo na-curious din siya. Saan kaya nagpunta si Julius?Napailing siya at pinagalitan ang sarili. Ano naman ang pake niya sa kinaroroonan ni Julius ngayon? Asawa lang niya ito sa pangalan. Theirs was only a marriage of convenience.Kinabukasan…Ayaw ni MJ na makasalubong si Julius sa loob ng bahay, kaya maaga siyang bumangon at pumunta sa trabaho. Ngunit sa kasamaang palad ay nakasalubong niya si Direktor Dale."Magandang umaga po, Direktor Dale."Tumango si Direktor Dale at tumingin sa kanya, "Samahan mo ako ngayong gabi para dumalo sa isang dinner party. Magbihis ka ng maayos, iyong pang-party at hindi pang-office. May ilang business partners sa dinner party, at huwag mo silang pabayaan dahil you will act as a hostess. Is that clear, Miss Cuenco?"Natigilan si MJ, "Ako? Bakit ako?""Why do you ask too many questions?" Biglang nagalit ang direktor. "Inaanyayahan lang kita sa isang business party, ngunit andami mong satsat! Kung ayaw mong pumunta, e
"Tama na!"Sinigawan ni Direktor Dale si MJ, "Kung hindi mo ginawa, hindi mo ginawa! Maski ano-anong mga dahilan pa ang pinagsasabi mo? Sa tingin mo ba ay napakatalino mo na kaya pwede ka nang magsinungaling? Sinasabi ko sa iyo, hindi kukunsintihin ng departamentong ito ang iyong masamang ugali. As a punishment, mamili ka: susulat ka ng 10,000-word report or clean up the office?”Malamig na tinitigan siya ni MJ, "Direktor Dale, those are my designs. Papatunayan ko ito."Ngunit si Direktor Dale ay huminga lang ng malalim at pagkatapos ay tumingin sa nakakandadong pinto ng opisina."Patunayan mo? Kahit patunayan mo, what good does it make? Basta sasabihin ko na ito ay mga disenyo ni Jackie, sa tingin mo ba’y hindi maniniwala ang mga tao sa akin?"Tahimik na nayukom ni MJ ang kanyang mga kamay."Direktor Dale. Bakit ka ganyan?""MJ, matagal ka nang nagtatrabaho sa kumpanyang ito. Huwag mo naman akong piliting gumawa ng mga bagay na masyadong radikal. Hindi ito magiging kaaya-aya para sa
Paulit-ulit na nagpapasalamat si MJ kay Julius. “Salamat po sir sa iyong concern. Ngunit sa ngayon ay lulutasin ko pong mag-isa ang aking maliit na problema.”Nang makitang determinado si MJ na hanapan ng solusyon ang kanyang problema na mag-isa, hindi na nagtanong pa si Julius at umalis na ito kasama ang kanyang assistant.Nakahinga ng maluwag si MJ nang makaalis na si Julius at pumunta sa monitoring room. Doon ay nalaman ni MJ na ang lahat ng mga video ng Department of Design ay nabura raw kaninang umaga lang. Kakutsaba pala ng mga tauhan doon si Direktor Dale at Jackie.Mabilis pa sa alas kuwatro kung gumalaw sina Direktor Dale at Jackie!Dapat pala iyon ang unang inatupag niya first thing in the morning. Talamak sina Jackie at ang direktor, kaya tiyak na sinira nila ang ebidensya sa lalong madaling panahon para wala na siyang mahagilap na katibayan.Tumunog ang message alert sa kanyang mobile phone. Galing iyon sa HR Department at nalaman niyang tungkol iyon sa mga design drawing
Biglang naisip ni MJ ang kanyang alcohol tolerance. Hindi sila ‘friends’ kumbaga. Isang baso lang at mapatumba na siya nito, e ano nalang kaya kung tatlong baso ang uubusin niya. Ibang klase rin siya pag nakainom. Walang makakapigil sa kanya sa pagkanta at pagsalita sa Ingles. Minsan tama ang kanyang English, minsan naman ay hindi. Pero halos lahat ay mali.“I’m sorry, but I’m allergic to alcohol. Okay lang ba if juice na lang ang iinumin ko to toast for tonight’s event?Nanlaki ang mga mata ng mga nandoon sa loob ng private room.“Miss Cuenco! You must be joking!”“We are here to toast a joint venture between two companies! Bakit juice? We are not kids anymore, right gentlemen?”“Don’t spoil the mood, Miss Cuenco. Ikaw pa naman ang party hostess ngayon.”Lumapit si Direktor Dale kay MJ. “Don’t waste everyone’s time, Miss Cuenco. “Come on, don’t just stand there. Drink! Huwag mo akong ipahiya kay Mr. Adolfo at Mr. Rama.”“Ah pasensya, Mr. Adolfo and Mr. Rama. Medyo mahiyain lang itong
"Sir Julius…!"Napatunganga si Direktor Dale nang makita si Julius. Bigla siyang nanlamig at nawalan ng lakas. Nabitawan niya si MJ kaya direktang bumagsak ang huli sa sahig.Julius is not a fool. Alam niya na kaagad kung ano ang nangyari.“Direktor Dale, what the hell did you just do?”“Nalasing po si Miss Cuenco kaya I was about to…”“Shut up, Direktor Dale. You just made a very big mistake.”Nais pa sanang depensahan ni Dale ang sarili pero hindi na siya pinakinggan ni Julius. Dinampot ni Julius si MJ na nakahandusay sa sahig. Inilagay ang natutulog na babae sa kanyang balikat.“Sir Julius, saan mo dadalhin si…”Tumingin ng malalim si Julius kay Dale and gave him the middle finger. Napalunok si Dale habang papalayo naman si Julius na karga-karga si MJ.Dahil sa kalasingan, masyadong malikot si MJ at ikiniskis ang katawan kay Julius. Nagimbal si Julius dahil sa kanyang mga pinaggagawa. Napahinto si Julius sa paglakad. “Don’t move!”Binuksan ni MJ ang kanyang mga mata. Dahil sa kalas
Biglang lumingon si Julius sa kanyang kaibigan at nagtagpo ang kanilang mga mata. Kinindatan siya nito at ginawaran siya ng ngiting-aso. Pinanlakihan niya ito ng mata bilang ganti. Samantala, parang nasa cloud nine pa rin si MJ dahil sa saya. Mayroon na siyang ebidensya laban kay Jackie. “Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang mo, Miss Jackie,” sabi ni MJ sa sarili.Naaalala niya bigla si Julius. Yumuko siya rito bilang pasasalamat. “Maraming salamat po, Sir Julius.”"Sa halip na pasalamatan mo ako, maaari bang pumunta ka na sa iyong mesa at magtrabaho na." Walang pag-aalinlangan na sinabi ni Julius. Walang pag-aalipusta sa kanyang mga mata. Sa halip, isang makabuluhang ngiti ang masilayan sa kanyang mga labi.“Silly girl. No wonder her talent doesn’t get recognized after years of working in this company. She’s used by people as a stepping stone and oftentimes as a scapegoat. How can she be so naive?” naisip ni Julius, dismayado sa babae.Nasanay na si MJ sa tono ng boses ni Jul
"In that case, your wish is my command."Muling sumulyap si Julius sa screen ng computer. Bigla itong tumawa ng malakas na para bang nang-iinsulto at tumingin muli sa direktor. May pagkamuhi sa mga mata nito. Pagkatapos noon ay tumalikod na ito at umalis.Nanginginig si Jackie habang nakatingin sa likod ng papaalis na lalaki. Recalling his cold eyes just now, hindi niya maiwasang mataranta.Ano kaya ang ibig sabihin ng kanyang boss? Sa tono ni Julius, parang may alam ito sa kanyang ginawa. Nagkausap kaya sila ni MJ tungkol sa mga disenyo? Labis na bumabagabag sa isip niya ang sitwasyong kanyang kinasasangkutan sa ngayon.“Hindi, hindi dapat. Sira ang computer ni MJ
Muntik nang atakihin sa puso si MJ dahil sa pagkabigla. Tumingala siya na may gulat sa kanyang mga mata. "Julius... I mean Sir Julius. What can I do for you?"Nagulat si Julius nang makita siyang nag-aayos ng isang kumpol ng mga hindi mahalagang dokumento. Hindi ba’t isang designer si MJ? At nakita niya ang kanyang mga disenyo. Pawang magaganda at orihinal ang mga iyon. Bakit siya gumagawa ng assistant work ngayon?"Please let me see the latest designs ng packaging ng kumpanya."Saglit na natigilan si MJ, at mabilis na nagsabi, "Okay sir, ibibigay ko ito sa iyo kaagad."Ngunit pagkatapos sabihin iyon, naalala niya na ang orihinal na disenyo ng kasong ito ay siya ang gumawa ngunit inangkin na ni Jackie ang mga iyon. Ngayon, paano niya mapatunayan na siya ang orihinal na may-ari ng mga iyon? “It’s her word against mine,” naisip ni MJ.Kaya nag-isip ng isasagot si MJ, "Paumanhin, Sir Julius. Ang bagay na ito ay hindi ko responsibilidad. Kung gusto mong makita ang disenyo, maaari kang mag
Nagkatinginan ang mga kumakain sa canteen at nagbubulungan. Anyare at ano ang nakain ng isang CEO na piniling kumain sa kanilang canteen sa halip na sa isang mamahaling restaurant?“Baka minamatyagan tayo,” bulong ng isa.“O baka naman nag hygiene check sa canteen natin,” sabat naman ng isa.“Ano? Hindi niya trabaho iyon ah,” sabi naman ng ikatlo. “Baka lamang nagsawa na sa pagkain sa mga restaurant at nais mamuhay bilang ordinaryong tao na kagaya natin.”Kampante lamang na kumakain ang lalaking may malamig na aura na para bang hindi nito nahalata
"Maari ba, huwag niyo nang banggitin ang pangalan ni MJ sa harap ko. Gigil ako sa babaeng iyon. Grrr."Nagkatinginan ang mga kasamahan at tumahimik na lamang. Gayunpaman, lalong nanlumo si Jackie. Noong una ay gusto niyang hanapin ang kanyang kapatid para ibunton dito ang kanyang galit. Ngunit ngayon kahit ang kanyang kapatid ay hindi na siya pinapansin. Hindi na niya ito mahagilap. Nasaan na kaya iyon?“Kakainis talaga itong si MJ. Siya ang may kasalanan sa lahat ng ito,” maktol niya sa sarili.“Just wait and see, MJ. I will definitely trample you under my feet,”pagtitiyak ni Jackie sa kanyang isip.Sa pag-alis ni Direktor Dale, nagbago ang buong kapaligiran ng Department of Design. Maaliwalas na ang mukha ng mga tao na para bang nabunutan ng tinik ang mga ito. Marami na ang nakangiti, lalong lalo na si MJ. Sa oras na iyon, biglang dumating ang HR manager at nagpatawag ng pulong."Everyone, be quiet, please. I am going to announce the company's latest personnel appointment."Lahat ay
Pagbalik niya sa kwarto, nahimasmasan na siya, at nawala na rin ang kanyang pagkalasing. Pero masakit pa rin ang ulo niya. Nais niyang ibagok iyon sa dingding para mawala ang sakit.Sinapo ni MJ ang kanyang ulo. Naalala niya na dinala siya ni Director Dale sa party at uminom ng maraming alak. Bigla siyang napatigil, at nakalimutan ang sakit ng ulo.Bakit siya nandito ngayon? Hindi ba dapat ay nasa party pa siya? Paano siya nakauwi sa bahay ni Julius?Kinabahan, bumaba ang tingin niya sa kanyang suot. Buti na lang at nakasuot pa rin siya nito.Pero paano siya nakabalik sa bahay?Pilit na iniisip ni MJ ang mga kaganapan, ngunit wala pa ring maalala. Sa huli, hindi na lang niya iyon inaalala at nahiga sa kama. Ilang sandali pa ay nakatulog na siya ng mahimbing.Kinabukasan."Miss MJ.” Knock knock. May kumatok sa pinto."Miss MJ, naghanda ako ng cup noodles para sa iyo, para mawala ang kalasingan mo. Bumangon ka na at kainin mo ito habang ito’y mainit-init pa."Nasa tamang huwisyo na si M
Bumalik si Julius sa nakaparadang kotse. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang masangsang na amoy ng alak kaya hindi niya napigil ang sariling mapangiwi.“Huwag po, uncle. Huwag po. Ayoko na pong uminom.” Si MJ na lasing ay patuloy na winawagayway ang kanyang mga kamay sa hangin, na wari ba’y tumatanggi sa isang baso ng alak.Nakita ni Julius ang eksenang ito at hindi napigilan ang sarili na pagalitan si MJ kahit na ito’y lasing at wala sa tamang huwisyo.“If you can’t hold your drink, then don’t drink. Bakit pinapahirapan mo pa ang sarili mo?”Pagkatapos sabihin iyon, ipinuwesto ng maayos ni Julius si MJ sa passenger seat. Binuksan niya ang bintana ng kotse para mawala ang masangsang na amoy. Sa wakas ay umupo na ito sa driver’s seat at pinaandar ang kotse.Habang pauwi, masyadong malikot si MJ. Kung walang seatbelt ay pihadong mauntog ito ng ilang beses. Kumanta ulit ito ng APT ng pasigaw. “APT! APT! Uh…uh huh uh huh!”Dahil sa sintunadong boses nito, napalingon
"Sir Julius…!"Napatunganga si Direktor Dale nang makita si Julius. Bigla siyang nanlamig at nawalan ng lakas. Nabitawan niya si MJ kaya direktang bumagsak ang huli sa sahig.Julius is not a fool. Alam niya na kaagad kung ano ang nangyari.“Direktor Dale, what the hell did you just do?”“Nalasing po si Miss Cuenco kaya I was about to…”“Shut up, Direktor Dale. You just made a very big mistake.”Nais pa sanang depensahan ni Dale ang sarili pero hindi na siya pinakinggan ni Julius. Dinampot ni Julius si MJ na nakahandusay sa sahig. Inilagay ang natutulog na babae sa kanyang balikat.“Sir Julius, saan mo dadalhin si…”Tumingin ng malalim si Julius kay Dale and gave him the middle finger. Napalunok si Dale habang papalayo naman si Julius na karga-karga si MJ.Dahil sa kalasingan, masyadong malikot si MJ at ikiniskis ang katawan kay Julius. Nagimbal si Julius dahil sa kanyang mga pinaggagawa. Napahinto si Julius sa paglakad. “Don’t move!”Binuksan ni MJ ang kanyang mga mata. Dahil sa kalas
Biglang naisip ni MJ ang kanyang alcohol tolerance. Hindi sila ‘friends’ kumbaga. Isang baso lang at mapatumba na siya nito, e ano nalang kaya kung tatlong baso ang uubusin niya. Ibang klase rin siya pag nakainom. Walang makakapigil sa kanya sa pagkanta at pagsalita sa Ingles. Minsan tama ang kanyang English, minsan naman ay hindi. Pero halos lahat ay mali.“I’m sorry, but I’m allergic to alcohol. Okay lang ba if juice na lang ang iinumin ko to toast for tonight’s event?Nanlaki ang mga mata ng mga nandoon sa loob ng private room.“Miss Cuenco! You must be joking!”“We are here to toast a joint venture between two companies! Bakit juice? We are not kids anymore, right gentlemen?”“Don’t spoil the mood, Miss Cuenco. Ikaw pa naman ang party hostess ngayon.”Lumapit si Direktor Dale kay MJ. “Don’t waste everyone’s time, Miss Cuenco. “Come on, don’t just stand there. Drink! Huwag mo akong ipahiya kay Mr. Adolfo at Mr. Rama.”“Ah pasensya, Mr. Adolfo and Mr. Rama. Medyo mahiyain lang itong