Home / Romance / The CEO's Temporary Wife / Chapter 5 Mahusay Pumili ang BF Mo

Share

Chapter 5 Mahusay Pumili ang BF Mo

Maagang gumising si MJ. Mayroon siyang napakalaking problema. Kailangan niyang pumili ng tamang damit para sa araw na ito. Pagtingin niya sa loob ng aparador, nakita niya ang kanyang mga mumurahing damit na binili sa bangketa at sa ukay. Sa huli, pinili niya ang pinakamahal sa kanilang lahat, isang ukay na damit na pinalakpakan nang husto sa mga fashion shows sa Milan, Italy. Kulay gray ito na may mahabang manggas, at lampas tuhod ang laylayan. Naglagay siya ng kaunting make-up at tumingin muna sa salamin bago lumabas ng kwarto.

Bumaba siya ng hagdanan at nakita si Julius na nakatingin sa kanya. Humawak siyang mabuti sa dingding habang bumababa dahil biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. HIndi niya mawari kung anong dahilan nito. Dahil ba hindi siya sanay na magsuot ng high heels? O dahil ba medyo masikip sa kanya ang damit? O dahil ba sa titig ni Julius na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa?

Ewan. Isang bagay lang ang tiyak. Para siyang prinsesa na bumababa sa hagdan. Ganito pala ang pakiramdam ng manirahan sa isang mansyon.

Nagsalita si MJ nang nasa loob na sila ng kotse.

“Sinamahan kita ngayon para makita ang lolo mo. Pero dahil dun mawawalan ako ng sweldo sa araw na ito. Para sa iyo ay maaaring maliit na halaga lang ang sweldo ko sa isang araw, ngunit para sa isang tulad ko, ito ay sagot sa aking mga gastos sa loob ng isang linggo.”

“Don’t worry. I’ll compensate you for today’s work. Just make my lolo believe in our charade.”

Natuwa si MJ dahil may sweldo siya sa araw na iyong kung galingan niya ang kanyang pagbabalatkayo.

Huminto sila sa labas ng isang mall. Nagtaka si MJ kung ano ang ginagawa nila doon. “Akala ko ba pupunta tayo ngayon sa lolo mo? Bakit dumaan tayo rito?”

Sinulyapan ni Julius ang buong kasuotan niya. “Sa suot mo ngayon, iisipin ng lolo ko na nalugi na ang kumpanya namin dahil masyadong makaluma ang damit ng asawa ko. Where did you get that piece of crap?”

“Crap? For your info, Balenciaga po ito na ukay na nabili ko sa halagang three hundred pesos.”

“Whatever.”

Pumasok sila sa Zara. “Buti na lamang at may sale para makatipid naman ako,” ayon ni MJ sa sarili. Ngunit tuloy tuloy si Julius sa bandang sulok ng boutique kung saan nakadisplay ang mga mamahaling damit. Pumili si Julius ng mga apat na piraso at inutusan siyang isukat ang mga iyon.

Pumasok siya sa dressing room at tiningnan ang mga presyo nito. Ang pinakamura ay nagkahalagang eight thousand pesos, na mas mahalaga pa kaysa sa kanyang isang linggong sahod! Isa isa niyang isinukat ang mga ito at ipinakita kay Julius na nakaupo sa isang sofa sa labas ng dressing room. Ang huling damit ang natipuhan nito, isang kulay puti na damit, may sweetheart neckline at hanggang tuhod ang haba. May puffed sleeve ito at ang buong haba ng damit ay dahan-dahang sumunod sa kanyang mga kurba. Sa tanang buhay niya, ngayon lamang siya nakasuot ng mamahaling damit.

“Uy ma’am, ang ganda! Bagay na bagay sa iyo! Ang husay pumili ng boyfriend mo!” humagikhik ang saleslady sabay tapon ng tingin kay Julius na nakaupo sa sofa habang ito’y nakatingin sa kanyang cellphone.

“Ang swerte mo ma’am dahil ang gwapo ng boyfriend mo! Mukha pang mayaman!” bulong ng saleslady. Pangiti-ngiti lamang si MJ na lumabas galing sa dressing room upang ipakita kay Julius ang suot niyang damit.

Napatingin si Julius sa kanya nang lumabas siya ng dressing room. Nakaharap siya sa salamin habang tinitigan ang sariling repleksyon. Mula sa angulo ni Julius ay kitang kita niya ang balingkinitang baywang nito mula sa likuran. Humarap si MJ sa kanya at tila nahihiyang nagtanong kung okay lang ba ang suot niya.

Matagal bago nakasagot si Julius. Titig na titig ito sa kanya na parang namalikmata. Matapos ang ilang segundo ay lilingo lingo ito na para bang may binubura sa kanyang isip.

“Pack everything she tried on and include it in my bill,” sabi nito sa saleslady. Nanlaki ang kanyang mga mata at binulungan ito. “Pwede namang isa lang ang bibilhin natin ah.”

“You will be wearing them soon because we will always be visiting lolo. Stop complaining please.”

“Swerte mo ma’am at galante si sir. Sanaol,” bulong na naman ng saleslady sa kanya. Namula ang pisngi niya pagkarinig noon.

Pumunta naman sila sa Aldo para bumili ng sapatos. Dalawa ang binili nito: isang nude color na may takong at isang itim na hindi masyadong mataas.

Sunod ay pumunta sila sa isang jewelry store. Namili si Julius ng pares na singsing para may ipakita sila sa lolo nito.

Nakapili na ito: isang simpleng pair of platinum rings. Ibinigay ni Julius kay MJ ang pambabaeng singsing. Wala silang imikan habang sinusuot nila ang kanya kanyang singsing. Nagbubulungan ang mga sales lady.

“Bagay silang dalawa pero parang hindi mahal ng lalaki ang babae. Hindi man lang nito isinuot ang singsing sa babae. Kaka bad trip.”

Napangiti si MJ sa sarili dahil totoo namang hindi siya mahal ni Julius. Theirs was just a contract marriage.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status