Home / Romance / The CEO's Temporary Wife / Chapter 4 Huwag Mo Akong Sisihin

Share

Chapter 4 Huwag Mo Akong Sisihin

Kaunti lang ang kanyang mga gamit kaya madali siyang nakapag-empake. Hindi niya inalintana ang sigaw ng kanyang kinilalang ina at umalis na ng bahay bitbit ang kanyang maleta. Nakita niya ang kanilang mga kapitbahay na nagkukumpul-kumpol sa harap ng kanilang bahay at nagbubulungan.

“Hello mga marites! O ano? Masaya na kayo sa nasagap niyong balita? Good for one week na tsismis iyan ha?” Yumuko ang mga ito na animo’y nahihiya at umalis sa harapan ng bahay nila.   Iyon lang at tuluyan na niyang iniwan ang bahay kung saan matagal tagal na rin siyang naninirahan. Patungo siya ngayon sa kanyang bagong buhay at bagong kinabukasan.

Gamit ang G****e map, nakarating siya sa bukana ng subdivision na kung tawagi’y Monterrazas de Cebu. Napakalayo pala nito mula sa Ayala. Makailang sakay at baba siya ng dyip bago niya narating ang lugar lulan ng taxi. Wala kasing dyip na bumabyahe doon.

Istrikto si manong guard. Ayaw siyang papasukin sa subdivision kahit sinabi pa niya na si Julius Samonte ang kanyang asawa. Hindi ito naniniwala sa kanya kaya ipinakita niya ang kanyang papeles ngunit keber pa rin ito. Maano nga naman at hindi niya alam ang numero ng bahay na pupuntahan niya. Hindi rin niya matawagan si Julius kasi hindi siya binigyan ng phone number nito.

Problema nga lang ay wala na siyang pamasahe pabalik sa kanila. At wala rin siyang balak na bumalik pa sa bahay na iyon. Tanging magagawa niya sa ngayon ay hintayin si Julius.

Maalinsangan ang gabi. Nasa harap pa rin siya ng subdivision at nakaupo siya sa kubling bahagi nito. Pagod at gutom na siya.

Higit na isang oras ang lumipas bago dumating ang isang kotseng pamilyar sa kanya. Si Julius! Tuwang-tuwa siyang tumayo at kumaway dito. “Thank you, Lord, at tapos na rin ang paghihintay ko.”

Tumakbo siya papalapit sa kotse at ngumiti kay Julius. Napawi bigla ang kanyang ngiti nang seryoso siyang tinanong nito, “What are you doing here at this time of night?”

“Aba’t makalimutin ka rin pala, sir. Pinapunta mo po ako rito, remember? Kaya lang hindi mo sinabi ang house number mo at hindi kita matawagan. Hindi rin ako pinapasok ni manong guard kasi hindi mo sila tinimbrehan na darating ako. Mga higit sa isang oras lang naman akong naghihintay sa iyo,” Pekeng ngiti ang iginawad niya sa lalaki.

Bumaba si Julius, kinuha ang kanyang maleta at isinakay iyon sa kotse. “Get in.”

Walang siyang kaimik-imik habang nakasakay sa kotse. Galit pa rin siya sa lalaki dahil kinuwestyon nito kung bakit nakaabang siya sa labas ng subdivision.

Mukhang nahulaan ni Julius na galit pa rin ito sa kanya.”I had a series of meetings which took a long time to finish. Huwag mo akong sisihin kung natagalan akong dumating. Despite that, please accept my apology. Forgive me.”

Tumahimik na lamang si MJ. Narating nila ang isang unit na pag-aari ni Julius.

Namangha si MJ sa malaking bahay. May infinity pool pa sa labas at tanaw rito ang kabundukan ng Cebu. Sa buong buhay niya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok siya sa isang bahay na kasing-rangya nito.

“My room and study are on the left. Take the smaller room on the right. Huwag kang pumasok sa kwarto ko. Bawal ding galawin ang mga kasangkapan sa bahay.” Iyon lamang at umalis na ito patungo sa kwarto.

“Opo, kamahalan,” bulong ni MJ sa sarili. Maraming mga patakaran sa bahay na ito, ngunit ito ay mas makatarungan kumpara sa pamumuhay kasama ang kanyang pekeng ina. Mas gugustuhin niyang nandito siya. At saka, hindi na niya kailangan pang mag-alala sa mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ama.

Nasa loob na siya ng kwarto niya nang kumatok si Julius at inabutan siya ng pampalit na damit. May inabot din itong dokumento sa kanya.

“Here is a list of all my hobbies. Memorize them and don’t commit a mistake in front of grandpa tomorrow.” 

Aalis na sana ng kwarto si Julius nang magtanong siya, "Gusto mo rin bang malaman ang tungkol sa mga libangan ko?"

“There’s no need for that.”

Tuluyan nang lumabas ang lalaki galing sa kwarto niya.

Ang hindi alam ni MJ ay naimbestigahan na ni Julius ang lahat ng tungkol sa kanya.

Nabasa niya ang lahat tungkol kay Julius, mula sa paborito nitong kulay, ulam, laki ng sapatos, paboritong tatak ng damit, at pati brand ng underwear. "Calvin Klein kulay puti," hagikgik niya sa sarili.

Bago matulog, nag-text siya sa kanyang manager at humingi siya ng leave. Hindi niya sinabi na ang dahilan ay bibisitahin niya ang lolo ni Julius.

Gaya ng dati, sumabog sa galit ang manager niya. "Nag-absent ka kaninang hapon! Ngayon humihingi ka na naman ng leave para bukas! I won't approve of your leave! Kung hindi ka papasok sa trabaho bukas, hindi ko i-credit ang sweldo mo ngayon para sa buong araw!

Nalungkot si MJ. Kailangan talaga niya ng pera sa mga panahong ito. Bawat sentimo ay mahalaga. Pero wala siyang magawa. Kailangan niyang samahan si Julius sa residential house nito at simulan na ang kanilang pag balatkayo.

Let the show begin!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status