Home / Romance / The CEO's Temporary Wife / Chapter 3 Walang Awang Kapitalista

Share

Chapter 3 Walang Awang Kapitalista

Walang paligoy-ligoy itong nagsalita. “Nakatira ako sa Monterrazas de Cebu. I’ll text you the address and you better use G****e map or Waze to find it. Also, bring your clothes and things with you.”

Napatingin ito sa suot ni MJ. “Better yet, I’ll buy you a new wardrobe.” 

“Sir? Bibilhan mo ako ng bagong cabinet? Wala ba kayong extrang cabinet sa bahay niyo?”

Napatingin ang lalaki sa kanya. “Don’t you understand what I mean?” Napansin nitong naguguluhan pa rin si MJ. Umiling na lamang ang lalaki. “Never mind what I said.”

“Dadalhin kita sooner or later sa lolo ko. Make him believe that we are a real couple. Pretend that you are in love with me. Just be careful kasi ang lolo ko ay marunong kumilatis ng tao. Just make him happy. After six months, we will have our marriage annulled.”

Iyon lamang at iniwan na siya ng lalaki sa harap ng munisipyo. Humarurot ito palayo sakay ng kanyang Fortuner. “Hindi man lang ako iniwan ng pamasahe pang taxi” maktol ni MJ.

Sumakay siya ng dyip at napadaan na naman sa basketball court. Araw araw ay maraming mga lalaking naglalaro ng basketball dito. Hindi niya ininda ang mga sipol dahil nakasanayan na niya ang mga ito.

Nakarating siya sa kanilang munting barong-barong. Maninipis ang mga dingding nito at dinig na dinig ang lahat ng mga usapan ng mga kapitbahay kapag napalakas ang boses ng mga ito. Papasok na sana siya sa bahay nang marinig ang boses ng kanyang ina at kapatid na lalaking si Gerson. Napatigil siya sa may pintuan dahil siya ang paksa ng kanilang usapan.

“Huwag kang mag-alala, anak. Gustong gusto ng matandang si Wilson ang kapatid mo at balak niyang pakasalan ito. Magbibigay ito ng malaking halaga kapalit ng kapatid mo. Iyon ang ipambayad natin sa iyong kasal at nang makabili ka rin ng munting bahay.”

“Salamat Ma. Da best ka talaga! Ang husay mong magplano!”

Nanlumo si MJ sa narinig. Parang inilako siya ng kanyang ina para sa kapakanan ng tunay na anak nito.

Nanlaki ang mga mata ng dalawang nag-uusap sa sala nang biglang pumasok si MJ. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit. Parang nahulaan ng kanyang ina na narinig ni MJ ang kanilang kwento. Wala na itong magawa pa kundi ipilit ang gusto nito.

“MJ, Gusto kang pakasalan ni Wilson. Alam kong hindi mo siya gusto, pero mabait siyang tao. Matanda na iyon pero kaya ka niyang alagaan at suportahan. HIndi mo na rin kailangan bigyan siya ng anak dahil may mga anak na ito,” ngumiti ang kanyang ina sa kanya para hikayatin siyang pumayag sa gusto nito.

“Ayoko maging madrasta sa edad kong ito! At Ma, ikaw yata ang may gusto kay Wilson, e. Kung gusto mo e ikaw na ang pakasal sa kanya!” sigaw ni MJ. “Hinding hindi ako magpapakasal sa kanya at ayokong maging ina sa kanyang mga anak!” Hinampas ni MJ ang mesa sa galit.

“Hoy babae! Kailan ka ba natutong lumaban sa akin? Ako ang ina mo kaya dapat sundin mo ako! Papakasal ka kay Wilson sa ayaw mo’t sa gusto!”

“Ngayon lang ako natutong lumaban sa inyo dahil sobra na kayo! Bakit mo ako piliting magpakasal sa taong hindi ko naman mahal? At paano ba iyan e kasal na ako? Di ba kasalanan ang pakikiapid?” Iwinagayway niya ang kanyang papeles sa harapan ng mga ito.

Nagkatinginan ang kanyang ina at kapatid. Dadakmain na sana ng kanyang ina ang papel pero inilayo niya ito sa kanya at isinilid sa kanyang bag.

“Sino ang pinakasalan mo? Sino?” sigaw ng kanyang ina.

“Kung gusto mong malaman, isang weyter sa isang restoran ang pinakasalan ko.” Hindi niya gustong malaman ng mga ito na mayaman ang kanyang naging asawa dahil mga ganid ito sa pera. “Aalis na ako rito at good luck na lang sa inyong dalawa.”

“Isa kang suwail na anak! Palagi mo na lang akong sinusuway! Napahipo ang kanyang ina sa dibdib na para bang inaatake ito.

Hindi ininda ni MJ ang kanyang ina habang patuloy siyang nag-eempake ng kanyang mga gamit. Sanay na siya sa kadramahan nito. Nagkukunwari itong inatake sa puso para sundin niya ang gusto nito.

“Humingi ka ng pera sa asawa mo! Dapat mong tulungan ang kapatid mo dahil ikakasal na siya at dapat may pera tayong panggastos!”

“Walang pera ang asawa ko!”

“Hiwalayan mo kung ganoon at pakasal ka kay Wilson dahil may pera iyon! Ba’t ka naman nagpakasal sa isang mahirap na tulad natin? Pinalaki kita kaya dapat suklian mo ang kabaitan ko!”

“Excuse me! Si papa ang nagpalaki sa akin. Nang maaksidente siya ay nagtrabaho ako para may pantustos sa pag-aaral ko. Kailanman ay hindi mo ako masusumbatan dahil hindi mo ako pinalaki!

Siya si MJ Cuenco. Hindi niya kadugo ang pamilyang kinabibilangan niya ngayon. Nagkaroon siya ng aksidente noong labindalawang taon pa lamang siya. Hindi na niya maalala ang kanyang nakaraan dahil nagkaroon siya ng amnesia.Dahil naawa sa kanya, kinupkop siya ng kinikilala niyang ama na noon ay nagtatrabaho sa ospital. Sa kasamaang palad ay nakaratay ito sa ospital ngayon. Dahil sa kabutihan ng kanyang ama, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang madugtungan ang buhay nito.

Ito ang kwento ng buhay ni MJ.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status