Home / Romance / The CEO's Temporary Wife / Chapter 2 Pakasalan Mo Ako

Share

Chapter 2 Pakasalan Mo Ako

Napatunganga si MJ.

“Uy, sir, magbiro ka sa lasing, huwag lang sa babaeng praning.” 

‘I’m not joking. In fact, I’m dead serious.” Mataimtim na nakatingin ang lalaki sa kanya.

“Ano po ulit iyong sinabi niyo? Baka nagkamali lang ako sa pagkakarinig.” Kinalikot ni MJ ang kanyang tenga, tiniyak na wala siyang tutuli sa loob nito.

“I asked you if you will marry me.”

“Ha? Ano? Bakit ako?” Sa estado ng buhay ni Julius Samonte, imposible na walang babae ang magkakagusto rito. Nasa kanya na ang lahat ng “K”: kayamanan, katawan, kakisigan, at kagwapuhan. Maraming babae ang nagkandarapa upang mapansin lang nito.

“Papalicious” ayon sa isip ni MJ. “Hala! Baka may lihim na pagtingin siya sa akin. OMG! I kennat! Pero imposible naman dahil mga tatlong beses lang yata kaming nagkatagpo sa mga pasilyo ng kumpanya. At bakit alam nito na nandito ako sa lugar na ito mismo? Sinusundan ba niya ako? Ini-stalk niya ba ako? Hindi naman siguro. Marami itong pinagkakaabalahan at walang siyang panahon para sundan ako kung saan saan.”

“My grandfather is very ill and only has a half year to live. His only desire is that I get married before he dies. Nagsinungaling ako sa kanya at sinabi ko na mayroon na akong girlfriend at malapit na kaming ikasal. This is where you come in.”

“Ano raw? Saan ako papasok?” tanong ni MJ sa sarili. “Ay, tange, ibig sabihin pala, iyon ang sandali kung saan ako ay magiging kapaki-pakinabang o mahalaga!”

“Sir, bakit ako ang napili mo sa dinami-daming babae riyan?”

Humigop muna ito ng mainit na brewed coffee bago sumagot. Tumingin ito ng direkta sa kanya. “You are my employee, so I am confident that you will keep the truth hidden from other people, especially from my grandfather. Do you think you can do that?”

“Aba! Wala akong balak na mapasali sa masalimuot na buhay ng taong ito. Lahat na lang ay peke: pekeng pag-ibig at pekeng kasal para lang mapasaya ang isang matandang malapit nang mamatay. Parang teleserye ang magiging buhay ko pag pinasok ko ito,” naisip ni MJ. “Ang gulo na nga ng buhay ko ngayon, sumali pa ito. Paano ko kaya siya matanggihan nang hindi ako mawalan ng trabaho?” Bago siya makapagsalita ng kanyang saloobin ay nagsalita ulit ang lalaki

“If you will marry me, sagot ko lahat ng gastusin sa pagka ospital ng ama mo.”

Napamangha si MJ. Paano nito nalaman na nasa ospital ang kanyang kinagisnang ama? Kung sabagay, CEO ito ng kompanya kung saan siya nagtrabaho kaya may access ito sa HR files.

Tatlong taon na ang nakaraan nang naaksidente ang kanyang ama. Nakaratay ito sa ospital ng ganoong katagal na panahon. Si MJ ang nagbabayad sa lahat ng mga gastusin sa ospital sa pamamagitan ng pagtitipid ng masyado at paghingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno kagaya ng DSWD at PCSO. Minsan ay humihingi rin siya ng tulong sa mga madre. Kung ano ano na lang ang ginawa niya para magkapera upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang ama. Gumawa rin siya ng F******k page para kahit paano ay humingi ng donasyon sa mga tao. Piso piso Para sa Ama Ko. Iyon ang pangalan ng F* page na ginawa niya. Sa kabutihang palad ay may mga mabubuting puso ang nagbibigay ng donasyon paminsan minsan.

“Moreover, I will hire the best medical team for your father so that he can fully recover.”

Kung isang palabas ang buhay ni MJ, ang naaakmang programang maihahalintulad dito ay ang Deal or No Deal. At alam niya kung kailan tanggapin ang tamang alok na dumating sa buhay niya ngayon. At ito na iyon.

“Sir, it’s a deal.”

Bahagyang tumango lamang si Julius Samonte. Iyon lang at tumayo na ito at dinampot ang jacket na nakasampay sa upuan.

Biglang lumingon ito sa kanya. “By the way, umuwi ka muna sa inyo at kunin mo ang lahat ng mga papeles na mayroon ka. We’re getting married today.”

“Now? As in ngayong araw na ito?”

“Yes. Now.”

Umuwi siya sa kanilang bahay na nasa Kamagong Village na nasa likod lamang sa Ayala Center. Dumaan muna siya sa basketball court bago pumasok sa mga eskinita upang makarating sa kanila. Nakahinga siya ng maluwag kasi wala sa bahay ang kanyang ina at kapatid na lalaki sa mga oras na iyon. May pagka marites kasi ang nanay niya at pihadong nakipag tsismisan na naman sa mga kapitbahay. Ang kanyang kuya naman ay nadaanan niya kanina na naglalaro ng basketball.

Hinalungkat niya ang kanyang silid. Mga I.D. lang ang meron siya. Wala siyang birth certificate. Paano kaya siya makasal nito? “Bahala na si batman. Ay, si boss pala ang bahala,” sabi niya sa sarili.

Napakabilis ng lahat na pangyayari. Dahil sa koneksyon ng lalaki, nakasal sila kahit kulang kulang ang kanyang mga papeles. Lumabas sila sa munisipyo bilang bagong mag-asawa.

Tulala siyang napatingin sa matangkad na lalaki sa tabi niya. Kasado siya sa kanyang CEO boss!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status