Ipinagsawalang bahala na lamang ni Casey ang taong naka sunod umano sa kaniya kahit pa halos tumalon na ang puso nito sa kaba nang malaman ‘yon. Ibinilin niya sa mga body guard na mag masid na lamang nang mabuti sa paligid at sinabi na baka wala naman daw masamang gagawin ang kung sino mang naka sunod sa kaniya.
Pumasok si Casey sa kaniyang kwarto sa ikalawang palapag ng mansyon. Saglit siyang naligo at bago lumabas sa banyo ay napatingin siya sa kaniyang sarili sa salamin. Masyadong mabigat ang pag haharap nilang tatlo ngayong araw at hindi siya sigurado sa mga susunod na mangyayari. Ngunit isa lang ang nakakasiguro siya, ‘yon ay payapa na siyang makakatulog sa gabi nang walang iniisip bilang isang Mrs. Almendras. Sa wakas ay nakalaya na siya sa bagay na pilit niyang pinapasan sa loob ng ilang taon. Hindi na siya magigising sa bungad ng masakit na pagsasama nila ni Dylan. Mabigat man para sa kaniya wakasan ang lahat sa isang kumpas lang ng kamay, hindi niya naman pinagsisisihan ang naging desisyon niya. Ang kasal nila ay isang tinik sa lalamunan para sa kaniya, at hindi nga nagkakamali si Dylan, dahil ang divorce nila ay pabor para sa kaniya. ‘Nong gabing din ‘yon ay payapa at mahimbing na nakatulog si Casey. Walang kahit anong bumabagabag sa kaniyang isip. Kinabukasan ay nagising din siya nang magaan ang damdamin at maaliwalas ang mukha dahil sa masarap na tulog, kahit pa umaalingawngaw ang ingay ng alarm clock niya ay hindi manlang siya nainis. Tumagos ang sikat ng araw sa sumasayaw na kurtina ng kwarto ni Casey. Sa sobrang gaan ng pakiramdam niya ay para siyang nakalutang. Lumabas siya ng kaniyang kwarto at nag tungo sa kusina. Bigla siyang napangiti nang makita ang almusal na naka hain sa mesa. Sa wakas ay makakakain na siya ng almusal na gusto niya. Dati kasi ay nagtitiis siya sa kung ano ang gustong ipaluto ni Dylan sa mga kasambahay. Mahilig kasi ito sa pancake, waffles, at ibang pang almusal na hindi sinasamahan ng kanin. Ngayong nakabalik na siya sa mansyon ay tuwang-tuwa siya at natatakam nang makita ang pangkaraniwang almusal katulad ng fried rice, sausage, bacon, at omelette. Kakatapos niya lang kumain nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang buksan niya ito ay bumungad sa kaniya ang isang email na pinadala ni Ingrid. Nakahanda na ang appointment ni Casey kasama ang head of legal department ng Ybañez Group. Lumapad ang kaniyang ngiti at nakaramdam ng pananabik. Ilang sandali pa ay nag ayos na si Casey at lumabas ng mansyon. Papunta na sana siya sa kaniyang sasakyan nang biglang sumunod sa kaniya ang isa sa mga body guard. “Saan ho tayo, Ma’am Cassandra?” tanong nito kay Casey. Nginitian naman ito ni Casey at umiling, “Kaya ko na po, may lalakarin lang ako,” saad nito. Magsasalita pa sana ang body guard nang biglang pumasok si Casey sa sasakyan at nag simula ng mag maneho palabas. Lingid sa kaalaman ni Casey ang taong nag mamasid sa kaniya sa labas, ‘di kalayuan sa mansyon. “Nakaalis na siya, boss,” sambit ng lalake sa kausap mula sa kaniyang cellphone nang makitang lumabas ang sasakyan ni Casey sa itim at malaking gate. “Sundan mo,” boses ni Dylan sa kabilang linya. Nag dilim ang kaniyang ekspresyon habang mahigpit ang hawak sa cellphone. Wala siyang kaalam-alam na may sariling mansyon ang kaniyang asawa na ngayon ay minamadali ang settlement ng kanilang divorce. Iniisip niya na sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay parang hindi pa rin pala niya ito kilala base sa kaniyang mga natuklasan ngayon. Nang makarating si Casey sa Urban Hive kung saan sila magkikita ng head of legal department ng Ybañez Group, ay agad niya namang nahagip ito sa isang bakanteng mesa sa tabi ng bintana. Malapad ang kaniyang ngiti habang naglalakad papalapit sa lalake, “Steven! Ang aga mo naman!” saad nito. Gulat namang napatingin ang lalake sa kaniya. Parang hindi pa nag s-sink in sa utak nito ang pag dating ni Casey. “Cas?” sabmit nito na hindi pa rin makapaniwala. Natawa nang marahan si Casey at naupo sa tapat ni Steven, “Ano ba, si Hera na ang kausap mo,” aniya at kumindat habang naka-ukit pa rin ang malapad na ngiti sa labi. Napatakip ng bunganga ang lalake, “Shet, ikaw nga!” aniya kaya napahalakhak si Casey. Mataas ang tingin ni Steven kay Casey ‘nong nasa law school pa lang sila. Napapahanga siya sa galing at talino nito. Pero ibang usapan na kung ga’no kalayo ang narating ni Casey ngayon. Hindi makapaniwala si Steven na ang hinahangaan niyang si Cassandra Andrada ay nakatago sa katauhan ni Hera – isang batikang abogado sa bansa. “Grabe, Cas. Hindi ko inaakalang ikaw ang makakausap ko ngayon. Alam mo bang kabado ako nang malaman na si Hera ang abogadong kinuha ni Mr. Ybañez?” ani Steven habang kumikinang ang kulay itim nitong mga mata. “Grabe ka rin, Steven. Sa tingin mo ba ‘di ko talaga kaya maging si Hera ngayon?” saad naman ni Casey na pabirong nasasaktan sa sinabi ni Steven. “Baliw, hindi ‘yon ang ibig kong sabihin,” sagot nito at ginulo ang buhok ni Casey. Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa kaso. Kasama na rito ang bawat detalye sa panig ni Mr. Ybañez at ang ibang mga nalalaman ni Steven tungkol sa kabila. Habang si Dylan naman ay mariin silang pinapanod ilang metro ang layo mula sa Urban Hive. Matatalim na mga tingin ang pinupukol nito sa dalawa na akala mo ay hahandusay ang mga ito kung pwede lamang tumagos ang mga tingin sa bintana. Umigting lalo ang kaniyang panga sa galit at tila nakaramdam siya ng selos nang makita kung paano ngumiti at tumawa si Casey sa tuwing nagsasalita ang lalakeng kausap. Iniisip ni Dylan kung paano agad ito naka hanap ng iba. Wala paring kaalam-alam si Casey sa presensya ni Dylan na ilang metro lang ang kayo sa kanila hanggang sa natapos ang pag uusap nila ni Steven. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam agad siya kay Steven na aalis na. Napag desisyonan niyang bigyan ng reward ang sarili kaya naisipan niyang dumaan muna sa mall. Halos isang oras din siyang nag libot sa mall at binili ang lahat ng mga nagustuhan niya hanggang sa makaramdam siya ng pagod at napag desisyonang umuwi na. Nang makabalik siya sa mansyon ay nakiusap siya sa mga kasambahay na ipasok ang lahat ng mga pinamili niya sa kaniyang kwarto. Biglang umihip ang malakas na hangin pagbaba niya ng sasakyan kaya hinawi niya ang iilang mga hibla ng kaniyang buhok at nilagay ito sa likuran ng kaniyang tenga. Napahawak siya sa kaniyang leeg at biglang napahinto nang mapagtantong may kulang sa kaniya. Wala siyang suot na kwintas. Hindi na siya mapakali at dali-daling hinanap ito sa hand bag niya ngunit wala. Mahalaga ang kwintas na ‘yon para sa kaniya, hindi ‘yon pwede mawala. Nanlamig siya nang mapagtantong baka naiwan niya ito sa rest house ng mga Almendras sa La Union. Napatampal siya sa noo dahil posible nga ‘yon. Dali-dali siyang pumasok ulit sa sasakyan at bumiyahe pa-La Union. Ang dalawang oras na biyahe ay naging isang oras lamang kay Casey sa sobrang pagmamadali nito. Inaasahan niyang hindi niya maabutan o hindi siya maabutan ni Dylan sa rest house. Paparoon lang naman siya para hanapin ang kwintas at aalis din kaagad. Nang makarating ay nadatnan niya ang limang body guards na nakabantay sa labas. Bumaba siya sa sasakyan at lumapit sa gate. Parang wala naman si Dylan ngayon dahil walang sasakyan na nakaparada sa labas kaya kampante siya. “Magandang umaga, Mrs. Almendras,” bati ng mga ito sa kaniya. Sandaling nakaramdam ng kirot sa puso si Casey nang marinig na kinikilala pa rin siya ng mga ito bilang asawa ng boss nila. Tuluyan nang pumasok si Casey bahay at umakyat sa pangalawang palapag kung nasa’n ang kwarto nila ni Dylan. Biglang bumigat ang bawat hakbang niya papalapit sa pinto nito. Tila bumalik ang lahat ng ala-ala niya kasama si Dylan sa loob ng apat na sulok ng kwartong ‘yon sa mga unang araw na nagsama sila bilang mag-asawa. Napalunok siya nang makarating sa tapat ng pinto at dahan-dahang binuksan ito gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Madilim sa loob ngunit sapat na ‘yon para makita ang lalakeng nakatayo at nakatalikod sa pinto. Nanigas si Casey sa kaniyang kinatatayuan nang maabutan si Dylan na nakayuko at tila may tinitignan. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang lingunin siya nito. Nagkatitigan sila ng mga mapupungay nitong mga mata, at saka niya namalayang hawak pala nito ang wedding ring nila na tinapon niya na. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay mabibilang lang sa daliri kung ilang beses pumasok si Dylan sa kwartong ‘yon. At ngayon ay natagpuan siya ni Casey sa loob kung kailan nanalapit na ang pagwawalang bisa ng kanilang kasal. Halos sumabog ang puso ni Casey sa lakas ng tibok nito. Hindi siya makapag isip nang maayos kung tatakbo na lang ba siya palabas at hayaan na ang kwintas o itutuloy pa rin ang binabalak niya kahit nandito ang asawa. Nais niya mang umatras nalang ay tila hinihila siya pabalik ng mga tingin nito. Nakakatunaw at sadyang nakakatakot, na kapag nagpadala ka ay tuluyan kang mahuhulog… sa pangalawang pagkakataon.Natatandaan pa ni Casey kung paano isuot ni Dylan sa kaniya ang singsing. Mabigat at tila ayaw gumalaw ang mga kamay nito. Nararamdaman niya noon kung gaano kalabag sa loob ni Dylan ang ikasal silang dalawa. Halos hindi nga niya makitang suot ng lalake ang sarili nitong wedding ring. Ilang beses niya itong nakikita na nasa loob lamang ng kanilang drawer. Pinapaalala pa nito na nakalimutan ng lalake suotin ang kaniyang singsing ngunit palagi itong walang kibo. Ngunit ngayon ay hawak ni Dylan ang wedding ring ni Casey. Pilit man isawalang bahala ito ni Casey ay nagtataka pa rin siya kung bakit nangyari ito, ‘e tinapon niya na ito sa labas ‘nong huling punta niya rito sa rest house. Napansin ni Dylan na nakatitig lamang si Casey sa kaniyang kamay na may hawak na singsing kaya agad niyang tinago ang kamay sa kaniyang bulsa. Ang kaninang malambot na ekspresyon ni Dylan ay napalitan muli ng pagkainis. “Kung balak mo lang din namang itapon ang singsing, edi sana ginawa mo nang maayo
Nag tungo agad sina Casey sa dining room matapos ang maikling kwentuhan kay Lola Isabel. Bago pa man sila tuluyang makaupo ay agad na kinalabit ni Casey si Via para mag tanong. “Alam ba ni lola ‘yong tungkol sa…” bulong ni Casey at nag aksyon na parang nag susulat. Agad namang umiling si Via. “Hindi niya alam ‘yong divorce. Ang alam niya lang ay pinapahirapan ka ng kumag na ‘yan,” sagot ni Via at nginuso ang lalakeng naka tayo lamang sa likod ng upuan. Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Casey nang malaman na hindi pala ang divorce nila ni Dylan ang nakarating kay Lola Isabel. Ayaw niyang mag konsumisyon ang matanda sa nangyayari sa kanilang dalawa. Naupo na rin si Casey katabi ni Via, maliban kay Dylan na nakatayo pa rin. “Hayaan mo siya, Casey. Kung mag mamatigas siya at gusto niyang umalis, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kaniya,” pag babanta ni Lola Isabel. Nag dilim na naman ang ekspresyon ni Dylan kaya suminghal si Via, “Oh, ano? Kailangan pa ba kit
Wala ng nagawa si Dylan kundi buksan ang pinto ng passenger seat at tinignan si Casey, nag aantay na pumasok ito. Nang mapansin ni Lola Isabel na nakatayo lamang si Casey ay agad niya itong hinatak palapit sa kotse. “Dali na, pumasok kana!” sambit ng matanda. Hinarap naman siya ni Casey at hinaplos ang kaniyang kamay, “La, masyado nang malamig dito sa labas. Pumasok na ho kayo, aalis na rin kami,” saad ni Casey at nginitian si Lola Isabel. Niyakap ni Lola Isabel si Casey, samantalang si Dylan naman ay kinurot niya sa kaliwang tenga nito. Napa-aray naman si Dylan ngunit natahimik siya nang pinanlisikan siya ng mata ni Lola Isabel. Napaisip si Dylan kung sino nga ba ang apo sa kanilang dalawa ni Casey. Nag bilin si Lola Isabel na mag ingat sila sa biyahe saka ito naunang pumasok sa loob. Nang makapasok na si Lola Isabel sa loob ay naisip naman ni Casey na tumawag nalang ng taxi o mag grab. Naamoy ata ni Via ang binabalak nito kaya hindi pa rin siya sumusunod kay Lola Isabel sa
Nang makauwi si Casey ay agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo bago magpahinga. Sobrang lagkit ng kaniyang katawan dahil sa pawis na natamo siya paglalakad hanggang makarating sa town. Paano ba naman kasi ay nag lakad na lamang siya upang ibuhos dito ang sobrang inis kay Dylan. Sa town niya na napag pasyahang tumawag sa kaniyang driver para sunduin siya. Kahit papaano naman ay nakatulong kaniyang paglalakad sa bigat na nararamdaman niya kanina. Kahit sanay si Casey mabuhay mag isa ay iba pa rin ang pakiramdaman na ngayon ay wala na siyang asawang inaalala; kung kailan ba ito uuwi o magpapakita sa kaniya. Ngayong wala na sa buhay niya si Dylan ay makakapag-focus na siya sa career niya. Masyado ring naubos ang kaniyang sarili sa kasal nila, masyadong nasayang ang lahat ng paghihirap niya sa lalaking ‘yon. Agad na nakatulog nang mahimbing si Casey, samantalang sa kabilang dako naman ay hindi mapakali si Dylan sa kaniyang higaan. Palipat-lipat ito ng puwesto, paikot-ikot, at hin
Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Casey at nagsalita, “Correction, ex-wife,” aniya at sumandal sa upuan. Mahalagang linawin niya ang kaniyang pagkatao kay Mr. Ybañez dahil kailangan niyang makuha ang tiwala nito.Kahit na pilit pakalmahin ang sarili ay hindi pa rin mapigilang dumaan ang gulat sa mukha ni Mr. Ybañez nang marinig ang mga katagang ‘yon mula kay Casey, “Ex-wife?” pag ulit niya sa sinabi nito.Tila naisip naman ni Casey na kailangan niya muling magpakilala kay Mr. Ybañez bilang abogado nito. Nilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa harap nito, “Mr. Ybañez, I’m Hera. Ako ang abogadong hahawak sa kaso mo. I hope we work well together,” magpapakilala niya at gumawad ng ngiti.Napangiti naman si Mr. Ybañez at inabot ang kamay ni Casey. “Nice to meet you, Ms. Hera. Pero ano ba’ng nangyari sa inyo ni Mr. Almendras?” biglang pag usisa nito.Nawala ang ngiti sa labi ni Casey at bahagyang napakamot sa kaniyang batok at hindi alam ang sasabihin. Dapat ba siyang mag kwento? E
Seryosong tinignan ni Casey si Mr. Ybañez at gano’n din si Mr. Ybañez kay Casey. Mariin niyang tinignan ang napakagandang babae sa kaniyang harapan. Sabi ng nakararami ay looks can be deceiving. Sa gandang meron si Casey ay napapaisip siya kung ano pa ang kayang gawin nito. Kung totoo ngang sa kaniya papanig si Casey bilang si Hera na isang magaling na abogado ay nararapat niyang seryosohin ang babaeng ito. Marahang ipinatong ni Mr. Ybañez ang kaniyang magkadikit na mga kamay sa ibabaw ng lamesa at seryosong nakatingin kay Casey, “Name it,” sagot niya rito.Marahang tinatapik ni Casey ang ibabaw ng lamesa gamit ang isa niyang hintuturo habang naka tingin kay Mr. Ybañez at may kalmadong ngiti, “Nabalitaan kong mag h-host ng birthday party si Mr. Romualdez next week,” saad ni Casey.Unti-unti namang napagtanto ni Mr. Ybañez ang gustong iparating ni Casey kaya tahimik siyang napangisi. Habang si Ingrid naman ay napakagat sa kaniyang labi at tila kinakabahan sa binabalak ng kaibigan.Ma
Bago tuluyang umalis ay agad namang tumayo si Mr. Ybañez. “Madilim na pala sa labas, ihahatid ko na kayo,” aniya. Nginitian naman siya ni Casey at umiling, “Don’t even bother, Mr. Ybañez. Kaya na namin ang sarili namin. And besides, may dala rin kaming sasakyan. We can manage,” sagot ni Casey. Magsasalita pa sana muli si Mr. Ybañez ngunit nag simula nang maglakad palabas si Casey. Agad namang inabot ni Ingrid ang kaniyang purse sa mesa at nginitian si Mr. Ybañez bago tuluyang sumunod kay Casey. Napangisi si Mr. Ybañez habang nakatanaw sa babaeng naglalakad palayo sa restaurant. “Fierce,” aniya at napakagat sa kaniyang ibabang labi dahil sa pagkamangha. Nang makapasok sa sasakyan sina Casey at Ingrid ay hindi agad binuhay ni Ingrid ang sasakyan. Nilingon niya si Casey sa passenger seat at nagsimulang magsalita, “Cas, hind imo naman siguro balak na gawing rebound si Mr. Ybañez upang totally maka move on kay Dylan ‘di ba? He’s not the solution. Baka hindi magtagal at mad
Nag aatubili si Suzane sa pinaplano ng ina, “Pero si Casey ang palagi niyang dinadala sa mga events and gatherings para ipakita sa mga tao na maayos ang pagsasama nila. Paano niya ako dadalhin doon at piliing hayaan na maging pulutan kami ng usap-usapan,” ani Suzane.“Things have changed now. Mag didivorce na nga sila ‘di ba? At huwag mo na nga isipin ang sasabihin ng ibang tao. Si Dylan na ang bahalang dumipensa sa’yo dahil siya ang lalake. Ang mahalaga ay makapunta ka ro’n bilang date niya,” sagot ni Regina.Napansin naman ni Regina ang pag aalangan ni Suzane kaya agad niya itong hinila upang maupo sa tabi niya, “Makinig ka sa’kin. Walang-wala na si Casey kung ikukumpara sa’yo ngayon. Your father has taken away everything they had. Wala ng natitira pa kay Casey. You are now the powerful daughter of Andrada’s Clan,” hinigpitan nito ang pagkakahawak sa mga kamay ni Suzane, “Naiintindihan mo ba ‘yon, Suzane?” Napakurap-kurap naman si Suzane na tila nag iisip, “But if that’s the case,
Pagkabalik ni Dylan sa kwarto, lumapit si Casey sa sofa at binuksan ang bag.Sa loob, may nakita siyang isang kahon ng cellphone at isang kahon ng gamot sa ilalim nito.Napakunot ang noo niya. Kinuha niya ang kahon ng gamot at binasa ang label—isang ointment na pampabawas ng pamamaga at pampabilis ng paggaling ng pasa.Napanganga siya nang bahagya. Sa party kanina, hinawi niya ang laylayan ng kanyang damit para ipakita ang paa niya kay Dylan…Siya ba ang bumili nito?Hindi niya alam kung dapat siyang matuwa o magduda. Pero hindi na niya masyadong pinag-isipan. Nilagay niya sa tabi ang ointment, kinuha ang bagong cellphone, at nagmamadaling pumunta sa kwarto. Kailangan niyang makausap si Ingrid.Sinagot agad ng kabilang linya ang tawag.Naglaro ang mga mata ni Casey. “Ingrid, nabasa ang cellphone ko, kaya ngayon lang ako nakakuha ng bago.”“Ano?!” Nag-aalalang sagot ni Ingrid. “Anong nangyari?”Napakagat-labi si Casey. “Hindi ko alam ang buong detalye. Pumunta lang ako sa labas saglit,
Nahanap ni Liam ang deleted message mula sa kanyang phone at iniabot ito kay Dylan Almendras.—— Casey: [Ingrid, may tumulak sa akin dito sa pool kanina. Ang pangunahing iniimbestigahan natin ay si Suzanne. Huwag mo palampasin kung may oras ka. Huwag kang sumagot. Tatawagan na lang kita kapag may pagkakataon.]Nabasa ni Liam Vertosa ang nilalaman ng mensahe at bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. “Miss Andrada…”Hindi niya alam kung tinatawag ba niya si Casey o si Suzanne.Si Dylan, sa kabilang banda, ay nanatiling tahimik habang bumibigat ang kanyang ekspresyon.Nakatayo lamang sa gilid si Liam, mabilis na pinoproseso ang sitwasyon. Alam ni Dylan na may kakayahan ang kanyang phone na mag-recover ng mga naburang mensahe, kung hindi, hindi niya ito ipapasilip.Malinis na nabura ni Casey ang mensahe, pero naibalik ito ni Dylan.Ibig sabihin…Ano nga ba talaga ang nangyayari sa pagitan nina Casey at Suzanne?May kinalaman ba talaga si Suzanne sa nangyari?Lalong naguluhan si Liam, p
Basa na ang buong katawan ni Casey mula sa malamig na tubig, pero hindi pa rin siya makapag-react.Sino ang nagtulak sa kanya?Si Nicole ba?Narinig na niya ang tungkol sa babaeng iyon. Alam niyang mayabang ito at may mataas na pride, kaya hindi ito gagamit ng ganitong klase ng panloloko.Live-streamed ang party ngayon… posible kayang may kinalaman sina Suzanne at ang grupo nito?Hindi alam ng mga iyon na marunong siyang lumangoy.Mabilis na kumurap si Casey. Dapat ba niyang magpanggap na hindi marunong lumangoy at hintayin na lang ang sagipin siya?Sinimulan niyang ikaway ang kanyang mga braso sa tubig, ginagaya ang kilos ng isang taong hindi marunong lumangoy.Maya-maya, isang boses ang biglang sumigaw.“May nahulog sa tubig!!! Tulungan niyo!”Hindi niya alam kung alalay ba sa party ang sumigaw o isa sa mga bisita.Pero nang marinig iyon, nagkagulo ang lahat.Ang iba ay mabilis na sumugod papunta sa labas.At si Dylan… narinig din iyon.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang bumi
Huli na para tumakas siya ngayon. Bukod pa roon, dalawang oras na niyang hinawakan ang braso nito. Lahat ng dapat makita ng mga tao ay nakita na nila. Ano pa ang silbi ng pagtatago?——Daisy: [Sikat ka na naman at trending sa hot search. Sigurado akong galit na galit na sa’yo ang ibang artista. Hindi ko alam kung ilang director na ang gustong kunin ka para sa pelikula o variety show.]Nanatiling tahimik si Casey, bahagyang pinipisil ang kanyang labi.Pero si Daisy, hindi na mapakali.——Daisy: [Cas, pwede mo bang ipaliwanag kung bakit ka na naman nadamay sa kanya?]Napabuntong-hininga si Casey.——Casey: [Dahil sa isang kasunduan, napilitan ako. Isa pa, matagal nang mahina ang katawan ni Lola Isabel. Ang gusto lang niya ay makita kaming magkasundo ulit. Umaarte lang siya, pero hindi ko inasahan na lalakihan niya ng ganito.]——Daisy: [Ano’ng gagawin natin? Hindi mo ba ito kayang linawin?]Ngayon, punong-puno ng masasamang komento laban kay Casey ang blue app. Hindi na naglakas-loob si Dai
Tumingin si Lola Isabel sa anak niya at bahagyang kumunot ang noo. “Pwede bang hinaan mo yang pag bubuntong hininga mo, Francis?”Napabuntong-hininga siya ulit nang may bahagyang pagkaawa. “Mom, nakikita mo naman ang sitwasyon. Minsan, hindi natin pwedeng pilitin ang isang bagay.”Ayaw naman kasi niyang lokohin ang ina niya.“May kanya-kanyang kapalaran ang mga anak at apo natin. Hindi mo rin mapipilit ang mga bagay na hindi talaga nakatakda. Sa ugali ni Dylan, sino ba ang makakapigil sa kanya?”Napailing si Lola Isabel at sumimangot. “Kapag nalaman niya kung gaano kabuti si Casey, siguradong pagsisisihan niya ang lahat! Pero baka hindi niya na mabawi pa!”Napabuntong-hininga si Francis at nanahimik na lang.Muling nagsalita si Lola Isabel sa mas mahinahong tono. “Hindi mo kailangang mag-alala sa kalusugan ko. Hindi mo na rin kailangang bumalik ng ganito kalayo para lang bisitahin ako. Natanggal na ang bumabagabag sa isip ko. Huwag kang mag-alala, iniinom ko ang gamot ko nang tama sa
“Pasensya na, pero nagulat ako nang malaman kong nag hiwalay kayo ni Dylan nang dahil sa pinsan mo.”Bahagyang ngumiti si Casey.Gaano ba kahalaga si Suzanne kay Dylan? Marahil, hindi ito alam ng karamihan.Pero hindi na mahalaga sa kanya kung ano pa ang sabihin ni Nicole. Wala na siyang pakialam kay Dylan, at kahit pa may masakit sa sinabi ng babae, hindi na iyon tumatagos sa kanya.Ngumiti lang siya at hindi sumagot.Napansin ni Nicole ang reaksyon ni Casey, at saglit siyang natigilan. Hindi ito ang reaksyon na inaasahan niya mula sa dating asawa ni Dylan.Maya-maya, ngumiti siya at sinabing, “Sana hindi kita maging kalaban.”Napaka-kaswal ng sagot ni Casey. “Huwag kang mag-alala, nauntog na ako nang maraming beses. Hindi ko na ipapahiya ang sarili ko ulit. Kung matalino ka, sigurado akong nahulaan mo na kung bakit niya ako dinala rito—sa harap ng maraming tao.”Si Nicole ay may pangalan, impluwensya, at koneksyon. Alam niya kung ano ang mahalaga kay Dylan, pati na rin ang sitwasyon
Bago pa makaalis si Casey, narinig na naman niya ang malamig at mapanuyang boses ni Dylan.“Hindi pa natin napag-uusapan ang mga kondisyon ng kasunduan. Ano’ng karapatan mong magpahinga?”Napakuyom siya ng kamao, pigil ang inis na unti-unting sumisirit sa loob niya. “Nakikipag-usap ka kung kani-kanino, pero ano ba talaga ang pinag-uusapan ninyo?!”Bahagyang nagdilim ang mukha ni Dylan. “Casey, sino’ng nagbigay sa’yo ng karapatang magsalita nang ganyan sa harap ko?”Ano raw?!Napabuntong-hininga siya. Ngayon niya lang naranasan ang ganitong klaseng pagkadismaya sa usapan—walang direksyon, walang punto.Ang gusto lang naman niya, tapusin na ang usapan, maisara ang kasunduan, at umalis agad. Pero anong nangyari?Pinagalitan siya dahil sa paraan ng pagsasalita niya?!Anong klaseng pagiisip meron ang lalaking ito?!Pilit niyang kinalma ang sarili, pumikit saglit, at bumulong sa isip niya: Huwag kang magpapadala, Casey. Huwag mo siyang hayaang buwisitin ka.Pero parang lalo pang ginagatunga
Bago pa man makagalaw si Casey, biglang hinawakan ni Dylan ang kanyang braso.Mabilis ang kilos nito—hindi siya nagkaroon ng pagkakataong umiwas. Sa isang iglap, ang kanyang braso ay nasa bisig na ng lalaki, parang siya mismo ang nagkusang kumapit.Sa mata ng mga tao, walang nagbago.Para bang ang dati nilang pagsasama ay hindi nawasak. Sa isang tingin, para pa rin silang perpektong magkapareha.Dumukot si Casey, pilit hinuhugot ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Dylan, pero mahigpit ang kapit ng lalaki. Hindi niya ito matanggal.Nilingon niya ito nang may bahagyang ngiti sa labi, pero sa kanyang malamyos na tinig ay may matalim na babala.“Dylan, anong binabalak mo?”Bahagyang tumaas ang labi ng lalaki, waring nang-aasar.Ngunit may kakaiba sa tingin nito—parang may nais iparating.Sa halip na sumagot ng matino, may panunuya sa boses nito nang sabihin, “Dumalo sa party.”Napakagat-labi si Casey.Gago talaga ang lalaking ‘to!Huminga siya nang malalim. Hindi niya kayang gumawa ng
Pagtingin pa lang ni Dylan kay Casey, malamig na agad ang kanyang ekspresyon. “Hindi mo na kailangang pumunta.”Ramdam ni Casey ang matinding banta sa tono nito, ngunit sa halip na matakot, napangisi siya nang may pang-uuyam. “Kung tutuusin, trabaho ko lang ang makipagnegosasyon para sa proyekto. Ang pagpapatupad ng mismong plano ay wala nang kinalaman sa akin. Kung gusto mong tapusin ang kontrata, gawin mo. Kung hindi matuloy ang proyekto, kasalanan iyon ng Andrada at Almendras group, hindi ako ang may pagkukulang.”Lalong dumilim ang ekspresyon ni Dylan.Pero wala nang balak pang pansinin ni Casey ang galit nito. Pinaharurot na niya ang sasakyan at malamig na nagtanong, “Saan kita dapat ihatid?”Plano niyang bumalik sa hotel at maghintay. Kapag nakontak na ni Dylan ang designer, saka na lang siya magdedesisyon kung ano ang susunod niyang gagawin.Ngunit…Hindi niya inaasahan na hindi pa rin siya pakakawalan ni Dylan. Sa halip, parang gusto pa nitong alamin ang mas marami pang bagay