Walang kahit na sino ang pumagitna sa nag iinit na tensyon mula kina Casey at Dylan. Nanatiling nakatayo si Casey habang kumakabog nang malakas ang puso niya na tila ba ay pwede na itong marinig ng lalakeng nasa harapan niya. Hindi niya inaalis ang kaniyang mga mata kay Dylan na puno ng iritasyon at galit ang mukha at mga mata nito. Ilang sandali pa ay natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili na tila gusto pa ulit magsalita ngunit ‘di na magawa.
Kasabay ng ihip ng hangin mula sa labas ay ang biglaang pag tanaw ni Casey sa mga alalaang meron sila ni Dylan noon. Hindi naman puro sakitan ang buong tatlong taon nilang pagsasama. Nagkakaroon din ng pagkakataon na sabay silang tumatawa sa biro ng isa’t-isa, may panahon din na pareho silang nangarap, ngunit sa kabila ng lahat ng ‘yon, nauwi parin sila sa sitwasyon na kamumuhian nila ang isa’t-isa. Sino nga ba ang mag aakala? Naramdaman niya ang paghawak ni Ingrid sa kaniyang braso bago ito magsalita, “Huwag kang papatalo sa mga ‘yan. Huwag mong hayaan na diktahan nila ang nararamdaman mo,” ani Ingrid. Humingi nang malalim si Casey at umayos ng tayo. Pagod na siya maging sunod-sunuran lang sa sarili niyang buhay. Magsasalita na sana siya ulit nang biglang sumingit si Suzane, “Dy, wag mo na silang patulan. Baka nagkakamali lang ng akala si Casey. Ayoko pa naman masira ang araw na’to,” ani Suzane at lumingon kay Dylan. Tumaas ang dalawang kilay ni Casey at bahagyang natawa. Tila namangha ito sa ugaling ipinakita ng kaniyang pinsan. Akala niya ay wala ng mas ilalala ito sa larangan ng pagpapanggap. “Alam mo, Suzane, hindi na ako nagulat nang malaman na may interest ka pala sa dating posisyon ko sa buhay ni Dylan,” saad ni Casey habang nakangisi ito sa dalawa, “Ba’t hindi niyo nalang madaliing magpakasal nang sa ganon ay hindi niyo na ako magugulo pa?” Biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Suzane nang marinig ang mga salitang ‘yon galing kay Casey, “Cas, ilang beses ko ba sasabihin sa’yo na hindi ko ginustong sirain ang relasyon ninyo!” depensa nito sa sarili, “Gusto lang bumawi ni Dylan sa’kin pero walang namamagitan sa’ming dalawa!” Biglang namayani ang katahimikan sa buong silid. Nanliit ang mga mata ni Casey habang nararamdaman ang tensyon na namamagitan sa kanilang tatlo. “Hindi mo na kailangang magpaliwanag sa kaniya, tara na,” biglang singit ni Dylan at akmang hihilain na si Suzane paalis nang bigla ring magsalita si Casey. “Ba’t ‘di mo nalang i-finalize ang divorce certificate nang sa ganon ay maging malaya na tayong lahat,” ani Casey, muntik mang manginig ang boses dahil sa sinabi ay pinilit niyang maging kalmado. Biglang kumuyom ang kamay ni Suzane dahil sa narinig. Hindi nito alam na hindi pa tuluyang divorced ang dalawa, ngunit ito sila ngayon, magkasamang lumalabas. “Cas, maniwala ka man o hindi, walang namamagitan sa’ming dalawa ni Dylan. Kung gusto mo ay puputulin ko ang lahat ng ugnayan ko sa kaniya,” ani Suzane na nanginginig ang boses, kitang-kita ang luha sa kaniyang mga mata. Lumingon ito kay Dylan at nagsalita, “Pasensya na sa gulo, aalis na ako.” Ilang sandali pa ay madrama itong naglakad palabas ng coffee shop habang nanginginig ang mga balikat. Kumunot ang noo ni Ingrid at hindi makapaniwalang sinundan ng tingin si Suzane na naglalakad palayo sa coffee shop. Kumurap ng ilang beses si Dylan at binigyan ng masamang tingin si Casey na ngayon ay nakatingin din sa babaeng lumabas mula sa coffee shop, “Huwag ka mag-alala, mamadaliin ko ang lahat. Antayin mo nalang ang text ng secretary ko. Huwag mo na kaming guluhin,” ani Dylan at tinalikuran ang dalawang babae at tuluyan ng lumabas sa coffee shop. Natawa nang mapait si Casey sa narinig, iniisip na bakit parang siya pa ang nakakagulo e siya nga itong naagrabyado. “Ang kapal talaga ng mga mukha ng dalawang ‘yon!” gigil na saad ni Ingrid, “Buti nalang at pumayag kang mag divorce na kayo! Napaka-gago!” aniya at inaya si Casey pabalik sa kinauupuan nila. Napabuga ng hangin si Casey at tuluyang pinakalma ang kaniyang sarili. Hindi nga nagkakamali si Ingrid nang sabihin nito na tama ang desisyon niyang pumayag makipag-divorce. Ngayon ay malaya na siyang nakakagalaw at nakakapag desisyon para sa sarili niya. At hindi niya na rin kayang makasama ang gano’ng klaseng lalake sa buhay niya. Nagkaroon man sila ng mga masasayang pangyayari ngunit hindi nito maitatanggi na lubos siyang nasaktan ni Dylan na halos ikadurog ng buo niyang pagkatao. “Pero teka nga, magkano nga ulit ang mawawala kay Dylan kapag natalo siya sa kasong to?” biglang tanong ni Ingrid. Napakagat ng pang ibabang labi si Casey, “Billions,” maikling sagot nito. Nanlaki ang mga mata ni Ingrid na agad namang sumingkit, “Hindi ka naman siguro gaganti kaya gusto mong kunin ang case na ‘to diba?” pang-uusisa nito. Napairap naman si Casey, “Kinuha ko na ‘to bago ko pa nalaman na involve si Dylan, ‘di ba?” Mahinang natawa si Ingrid at napakamot sa kaniyang batok, “Hehe, oo nga pala.” “At saka, malapit nang ma-finalize ang divorce namin. Kaya kukunin ko ang kasong ‘to,” saad ni Casey. “Pero sigurado ka na ba ‘dyan? I mean, minahal mo rin dati si Dylan,” tanong naman ni Ingrid. “Kakasabi mo lang, dati. Maraming binabago ang galit, Ingrid, at isa na ‘ron ang nararamdaman ko para sa kaniya,” madiing sagot ni Casey. Napabuntong hininga na lamang si Ingrid sa sitwasyon ng kaibigan, “Ewan ko, Cas, ha pero kinakabahan ako sa kasong ‘to para sa’yo. Mag-iingat ka, namamagitan ka sa dalawang ma-impluwensyang tao,” saad ni Ingrid at bakas sa boses ang pag-aalala. “Hindi ka pa ba nasanay sa mga cases na kinukuha ko? Palaging nasa hukay ang isang paa ko,” dugtong ni Casey. Tumango naman si Ingrid bilang pag sang-ayon. Totoo ngang gusto lagi ni Casey ay mga kasong mahirap ipanalo, ‘yong pagpapawisan siya. Ito rin ang dahilan kung bakit matunog ang pangalan niya bilang Hera at kinatatakutan siya ng iba pang malalakas na abogado dahil kaya niyang ipanalo ang mga komplikadong kaso. Gan’on siya kagaling. “Nga pala, gusto kang i-meet ni Mr. Ybañez by name. Pag nalaman niyang Cassandra Almendras ka pa rin ay baka bawiin niya ang kaso sa’yo,” sambit ni Ingrid. “Ako na ang bahala d’yan, gagawan ko ng paraan,” sagot naman ni Casey. Tumango naman si Ingrid, “Pamilyar ka naman kay Steven Salazar, ‘di ba?” “Head of legal department ng Ybañez Group?” pag kokompirma ni Casey. Tumango ulit si Ingrid, “Oo. Ako na ang kakausap sa kaniya tungkol sa appointment niyo, i-sesend ko nalang sa’yo ang mga detalye.” Siningkitan naman siya ng mata ni Casey kaya bigla siyang napalunok, “Promise, i-sesend ko na talaga!” itinaas pa nito ang kanang kamay. Ilang sandali pa ay napag desisyonan nang lumabas ng dalawa sa coffee shop habang nagtatawanan. Habang si Dylan naman ay nakamasid sa kanila sa hindi kalayuan. Nakakunot ang noo at tila nag iisip. Nagtataka ito sa mga ikinikilos ni Casey na para bang may pinaplano ang babae. Nang makabalik na si Casey sa mansyon matapos ang nakakapagod na araw ay akmang papasok na siya sa kaniyang kwarto nang mapansin niyang nagmamadaling tumakbo papunta sa kaniya ang isa sa mga body guard na naiwan sa mansion. “Kuya? May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Casey sa humahangos na body guard. “Ma’am Cassandra, may kasama ho ba kayo pabalik dito sa mansyon?” tanong ng body guard. Kumunot ang noo ni Casey at walang naiintindihan sa mga nangyayari. Nabasa naman agad ng security guard ang ekspresyon mula sa mukha ni Casey. “Kung mag-isa lang ho kayo ibig sabihin po ‘non ay may naka sunod sainyo pabalik dito sa mansyon,” paliwanag ng security guard. Mas lalong nag iba ang timpla ng mukha ni Casey sa kaniyang narinig. Biglang bumilis ang kabog ng puso niya, at halos hindi siya mapakali nang malaman na may naka sunod sa kaniya sa mansyon. Palinga-linga siya sa paligid, nag babaka-sakaling may mahagip ang kaniyang mga mata. Ngunit wala siyang nahagilap kundi ang iilan pa sa mga body guards na naka-duty sa mansyon. Pilit niyang pinapakalma ang sarili habang nag iisip. Sino naman kaya ang taong nangahas na sundan siya?Ipinagsawalang bahala na lamang ni Casey ang taong naka sunod umano sa kaniya kahit pa halos tumalon na ang puso nito sa kaba nang malaman ‘yon. Ibinilin niya sa mga body guard na mag masid na lamang nang mabuti sa paligid at sinabi na baka wala naman daw masamang gagawin ang kung sino mang naka sunod sa kaniya.Pumasok si Casey sa kaniyang kwarto sa ikalawang palapag ng mansyon. Saglit siyang naligo at bago lumabas sa banyo ay napatingin siya sa kaniyang sarili sa salamin. Masyadong mabigat ang pag haharap nilang tatlo ngayong araw at hindi siya sigurado sa mga susunod na mangyayari. Ngunit isa lang ang nakakasiguro siya, ‘yon ay payapa na siyang makakatulog sa gabi nang walang iniisip bilang isang Mrs. Almendras. Sa wakas ay nakalaya na siya sa bagay na pilit niyang pinapasan sa loob ng ilang taon. Hindi na siya magigising sa bungad ng masakit na pagsasama nila ni Dylan. Mabigat man para sa kaniya wakasan ang lahat sa isang kumpas lang ng kamay, hindi niya naman pinagsisisihan ang
Natatandaan pa ni Casey kung paano isuot ni Dylan sa kaniya ang singsing. Mabigat at tila ayaw gumalaw ang mga kamay nito. Nararamdaman niya noon kung gaano kalabag sa loob ni Dylan ang ikasal silang dalawa. Halos hindi nga niya makitang suot ng lalake ang sarili nitong wedding ring. Ilang beses niya itong nakikita na nasa loob lamang ng kanilang drawer. Pinapaalala pa nito na nakalimutan ng lalake suotin ang kaniyang singsing ngunit palagi itong walang kibo. Ngunit ngayon ay hawak ni Dylan ang wedding ring ni Casey. Pilit man isawalang bahala ito ni Casey ay nagtataka pa rin siya kung bakit nangyari ito, ‘e tinapon niya na ito sa labas ‘nong huling punta niya rito sa rest house. Napansin ni Dylan na nakatitig lamang si Casey sa kaniyang kamay na may hawak na singsing kaya agad niyang tinago ang kamay sa kaniyang bulsa. Ang kaninang malambot na ekspresyon ni Dylan ay napalitan muli ng pagkainis. “Kung balak mo lang din namang itapon ang singsing, edi sana ginawa mo nang maayo
Nag tungo agad sina Casey sa dining room matapos ang maikling kwentuhan kay Lola Isabel. Bago pa man sila tuluyang makaupo ay agad na kinalabit ni Casey si Via para mag tanong. “Alam ba ni lola ‘yong tungkol sa…” bulong ni Casey at nag aksyon na parang nag susulat. Agad namang umiling si Via. “Hindi niya alam ‘yong divorce. Ang alam niya lang ay pinapahirapan ka ng kumag na ‘yan,” sagot ni Via at nginuso ang lalakeng naka tayo lamang sa likod ng upuan. Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Casey nang malaman na hindi pala ang divorce nila ni Dylan ang nakarating kay Lola Isabel. Ayaw niyang mag konsumisyon ang matanda sa nangyayari sa kanilang dalawa. Naupo na rin si Casey katabi ni Via, maliban kay Dylan na nakatayo pa rin. “Hayaan mo siya, Casey. Kung mag mamatigas siya at gusto niyang umalis, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kaniya,” pag babanta ni Lola Isabel. Nag dilim na naman ang ekspresyon ni Dylan kaya suminghal si Via, “Oh, ano? Kailangan pa ba kit
Wala ng nagawa si Dylan kundi buksan ang pinto ng passenger seat at tinignan si Casey, nag aantay na pumasok ito. Nang mapansin ni Lola Isabel na nakatayo lamang si Casey ay agad niya itong hinatak palapit sa kotse. “Dali na, pumasok kana!” sambit ng matanda. Hinarap naman siya ni Casey at hinaplos ang kaniyang kamay, “La, masyado nang malamig dito sa labas. Pumasok na ho kayo, aalis na rin kami,” saad ni Casey at nginitian si Lola Isabel. Niyakap ni Lola Isabel si Casey, samantalang si Dylan naman ay kinurot niya sa kaliwang tenga nito. Napa-aray naman si Dylan ngunit natahimik siya nang pinanlisikan siya ng mata ni Lola Isabel. Napaisip si Dylan kung sino nga ba ang apo sa kanilang dalawa ni Casey. Nag bilin si Lola Isabel na mag ingat sila sa biyahe saka ito naunang pumasok sa loob. Nang makapasok na si Lola Isabel sa loob ay naisip naman ni Casey na tumawag nalang ng taxi o mag grab. Naamoy ata ni Via ang binabalak nito kaya hindi pa rin siya sumusunod kay Lola Isabel sa
Nang makauwi si Casey ay agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo bago magpahinga. Sobrang lagkit ng kaniyang katawan dahil sa pawis na natamo siya paglalakad hanggang makarating sa town. Paano ba naman kasi ay nag lakad na lamang siya upang ibuhos dito ang sobrang inis kay Dylan. Sa town niya na napag pasyahang tumawag sa kaniyang driver para sunduin siya. Kahit papaano naman ay nakatulong kaniyang paglalakad sa bigat na nararamdaman niya kanina. Kahit sanay si Casey mabuhay mag isa ay iba pa rin ang pakiramdaman na ngayon ay wala na siyang asawang inaalala; kung kailan ba ito uuwi o magpapakita sa kaniya. Ngayong wala na sa buhay niya si Dylan ay makakapag-focus na siya sa career niya. Masyado ring naubos ang kaniyang sarili sa kasal nila, masyadong nasayang ang lahat ng paghihirap niya sa lalaking ‘yon. Agad na nakatulog nang mahimbing si Casey, samantalang sa kabilang dako naman ay hindi mapakali si Dylan sa kaniyang higaan. Palipat-lipat ito ng puwesto, paikot-ikot, at hin
Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Casey at nagsalita, “Correction, ex-wife,” aniya at sumandal sa upuan. Mahalagang linawin niya ang kaniyang pagkatao kay Mr. Ybañez dahil kailangan niyang makuha ang tiwala nito.Kahit na pilit pakalmahin ang sarili ay hindi pa rin mapigilang dumaan ang gulat sa mukha ni Mr. Ybañez nang marinig ang mga katagang ‘yon mula kay Casey, “Ex-wife?” pag ulit niya sa sinabi nito.Tila naisip naman ni Casey na kailangan niya muling magpakilala kay Mr. Ybañez bilang abogado nito. Nilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa harap nito, “Mr. Ybañez, I’m Hera. Ako ang abogadong hahawak sa kaso mo. I hope we work well together,” magpapakilala niya at gumawad ng ngiti.Napangiti naman si Mr. Ybañez at inabot ang kamay ni Casey. “Nice to meet you, Ms. Hera. Pero ano ba’ng nangyari sa inyo ni Mr. Almendras?” biglang pag usisa nito.Nawala ang ngiti sa labi ni Casey at bahagyang napakamot sa kaniyang batok at hindi alam ang sasabihin. Dapat ba siyang mag kwento? E
Seryosong tinignan ni Casey si Mr. Ybañez at gano’n din si Mr. Ybañez kay Casey. Mariin niyang tinignan ang napakagandang babae sa kaniyang harapan. Sabi ng nakararami ay looks can be deceiving. Sa gandang meron si Casey ay napapaisip siya kung ano pa ang kayang gawin nito. Kung totoo ngang sa kaniya papanig si Casey bilang si Hera na isang magaling na abogado ay nararapat niyang seryosohin ang babaeng ito. Marahang ipinatong ni Mr. Ybañez ang kaniyang magkadikit na mga kamay sa ibabaw ng lamesa at seryosong nakatingin kay Casey, “Name it,” sagot niya rito.Marahang tinatapik ni Casey ang ibabaw ng lamesa gamit ang isa niyang hintuturo habang naka tingin kay Mr. Ybañez at may kalmadong ngiti, “Nabalitaan kong mag h-host ng birthday party si Mr. Romualdez next week,” saad ni Casey.Unti-unti namang napagtanto ni Mr. Ybañez ang gustong iparating ni Casey kaya tahimik siyang napangisi. Habang si Ingrid naman ay napakagat sa kaniyang labi at tila kinakabahan sa binabalak ng kaibigan.Ma
Bago tuluyang umalis ay agad namang tumayo si Mr. Ybañez. “Madilim na pala sa labas, ihahatid ko na kayo,” aniya. Nginitian naman siya ni Casey at umiling, “Don’t even bother, Mr. Ybañez. Kaya na namin ang sarili namin. And besides, may dala rin kaming sasakyan. We can manage,” sagot ni Casey. Magsasalita pa sana muli si Mr. Ybañez ngunit nag simula nang maglakad palabas si Casey. Agad namang inabot ni Ingrid ang kaniyang purse sa mesa at nginitian si Mr. Ybañez bago tuluyang sumunod kay Casey. Napangisi si Mr. Ybañez habang nakatanaw sa babaeng naglalakad palayo sa restaurant. “Fierce,” aniya at napakagat sa kaniyang ibabang labi dahil sa pagkamangha. Nang makapasok sa sasakyan sina Casey at Ingrid ay hindi agad binuhay ni Ingrid ang sasakyan. Nilingon niya si Casey sa passenger seat at nagsimulang magsalita, “Cas, hind imo naman siguro balak na gawing rebound si Mr. Ybañez upang totally maka move on kay Dylan ‘di ba? He’s not the solution. Baka hindi magtagal at mad
——: [Lahat ng pamilya may problema. Sa pagkakataong ‘to, hindi naman talaga nagsalita si President Dylan tungkol dito. Ang lahat ng desisyon ay galing kay Lolo Joaquin ng pamilya Almendras. Hindi ba’t hindi natin alam kung ano talaga ang saloobin ni President Dylan dito?]——: [Ano pa bang hindi malinaw? Obvious naman. Siyempre, ang pamilya Almendras ay palaging inuuna ang sarili nilang interes. Si Casey? Isa lang siyang outsider sa kanila. Sino ba talaga ang magpapahalaga sa kanya? Sa tingin ko, mas bagay naman si Casey kay President Lincoln. Bagay na bagay sila! Sana nga ikasal na sila agad at magkaroon ng baby!]——: [Kalokohan! Grabe naman kayo kay President Dylan. Ang bait-bait niya kay Casey sa lahat ng taon na magkasama sila. Kahit nung nalugi ang Andrada Group, hindi siya iniwan ni Dylan. Pero anong ginawa ni Casey? Niloko lang siya. Tapos ngayon, kasalanan pa ni Dylan? At huwag niyong kalimutan ang sinabi ni Lolo Joaquin! Si Casey raw ang may pakana ng lahat. Isipin niyo, mayam
Nanlaki ang mga mata ni Liam Vertosa sa pagkabigla. “Boss Dylan…”Kanina lang, sigurado si Dylan Almendras sa gusto niyang mangyari—ayaw niyang burahin ang post. Gusto niyang masaktan si Casey Andrada. Gusto niyang makita kung paano siya masasaktan sa mga nababasa niya.Pero nang matapos niyang basahin ang post ni Joaquin Almendras sa blue app, bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi niya inaasahan ang mararamdaman niyang kaba—parang may mali sa lahat ng ginawa niya.Ang mga salitang sinabi niya kanina ay parang kusa lang lumabas sa bibig niya, hindi man lang pinag-isipan. Parang sinasabi ng puso niya ang mga bagay na ayaw aminin ng isip niya.Tahimik niyang pinisil ang mga labi niya, pilit iniisip kung ano ang dapat sabihin. Ramdam ang bigat ng katahimikan sa silid, at parang bumibilis ang tibok ng puso niya.Napansin ni Liam ang magkahalong galit at pagkalito sa mukha ng kanyang boss kaya muling nagsalita, kahit medyo nag-a
Tumingin si Casey kay Ingrid na halatang nag-aalala. “Kung hindi naman totoo, hayaan mo na. Sanay na ang mga artista sa mga ganyang paninira.”Umiling si Casey, pero halatang may bumabagabag sa kanya. Natawa siya nang mahina. “Hindi naman ako naaapektuhan.”Ngunit hindi kumbinsido si Ingrid. Pinagmasdan niya si Casey ng mabuti at napansin ang kakaibang ekspresyon nito. “Eh bakit parang ang bigat ng aura mo? May problema ka ba?”Nag-atubili si Casey saglit bago siya napabuntong-hininga. “Si Lincoln… Naghihintay na naman siya sa labas ng bahay ko kanina. Ang hirap kasi. Ayokong maging bastos sa kanya, baka ma-offend ko siya. Pero iniisip naman niya na ginagamit ko siya laban sa Almendras family kaya ayan, panay ang lapit sa akin.”Napatawa si Ingrid. “Ayun pala! Kaya pala parang may bumabagabag sa’yo.”Tiningnan siya ni Casey ng masama pero ngumiti lang si Ingrid, halatang may naiisip na kalokohan. “Girl, naisip mo na ba?”“Naisip ko ano?” sagot ni Casey, napakunot-noo.Nag-inat si Ingr
Bahagyang napakunot ang noo ni Casey, ang marurupok niyang kilay ay nagtagpo sa mahinang pagkadismaya.Pero si Lincoln, sa kabilang banda, ay naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Noong huli silang magkasama sa party, mahigpit siyang nakakapit sa braso nito, pero naka-suot siya noon ng suit. May tela sa pagitan nila—isang hadlang na nagpalabnaw sa sensasyon. Ngayon, wala na. Direkta niyang naramdaman ang lambot ng balat ni Casey sa ilalim ng kanyang palad.Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ni Lincoln sa sandaling iyon, nagdulot ng matinding pagkabigla sa kanya. Hindi pa siya kailanman naging ganito ka-intimate sa kahit sinong babae. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso, parang tambol na nagwawala sa kanyang dibdib.Napansin ni Casey ang tensyon sa ere. Hindi siya kumportable, kaya marahan niyang hinila ang kanyang kamay. “Mr. Ybañez,” mahina ngunit matalim ang tono niya.Hindi na niya kailangang sabihin pa ang lahat. Klaro ang mensahe.Pero hindi binitawan
Si Casey ay nakatayo sa gilid ng kalsada, ang noo’y bahagyang nakakunot habang nakatitig sa itim na sasakyan sa harap niya. Ayaw niyang sumakay. Halata sa kanyang pagkilos na nag-aalangan siya. Hawak niya ang strap ng kanyang bag nang mahigpit, parang iniisip niyang tumakbo palayo.Sa loob ng sasakyan, nakaupo si Lincoln Ybañez, kalmado ang ekspresyon. Bumaba ang bintana ng kotse at dumungaw siya, ang boses ay malumanay ngunit matatag. “Alam kong hindi ko pa nasasabi sa’yo lahat ng dapat mong malaman, Casey. Pero pwede bang sumakay ka muna?”Napakagat si Casey sa labi. Sa utak niya, ito na dapat ang huling pagkakataon—ang tuluyang pagputol ng ugnayan nila. Pero sa tono ng boses ni Lincoln, naramdaman niyang may bigat ang sinasabi nito.Matapos ang ilang segundong pag-aalinlangan, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumakay sa passenger seat.Napangiti si Lincoln, halos hindi halata. Tahimik niyang isinara ang pinto para kay Casey, saka umikot patungo sa driver’s seat. Hindi pa ri
#Shock! Mr. Almendras spent the whole night with Miss Suzanne#Nag-trending ang balita sa blue app, at ang headline ay sobrang exaggerated na parang sinadya talagang mang-akit ng mga mata ng netizens. Pero kahit ganoon, may bahid pa rin ng katotohanan.Suzanne ay na-ospital na naman.Nakatitig si Casey sa screen ng phone niya habang nakakunot ang noo. Muli na naman? Ilang beses na ba itong nangyari? Hindi niya maiwasang magduda. Parang may mali.Hindi ito simple.Hindi ito ang unang beses na na-confine si Suzanne. Naalala pa niya noong huli, halos lahat ay naniwala na naging comatose ito. Pero alam ni Casey—lahat yun ay palabas lang.Ngumiti siya ng mapait. Magaling si Suzanne sa ganitong mga eksena. Ang tanong lang ay—hanggang kailan siya makakalusot?Kung hindi niya lang alam ang mga lihim ng ama niya, baka hindi siya ganito kaapektado. Pero dahil alam niya ang tunay na nangyayari sa Andrada Group, hindi na lang basta laro ang mga ginagawa ni Suzanne.Isa pa, paano niya palalagpasin
Si Casey ay nakaupo pa rin siya sa sofa habang tinitingnan ang phone niya. Biglang nag-pop up ang isang bagong notification.Lincoln Ybañez has mentioned you in a post.Nagdalawang-isip siya kung bubuksan niya ito, pero sa huli, pinindot niya rin.“Some lights are too bright to ignore. Thank you for being that light, Casey. #Grateful #NoRegrets”Napatigil si Casey. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kilig? Takot? Excitement? Halo-halo na lahat.Biglang nag-vibrate ang phone niya—may bagong message mula kay Lincoln.Lincoln: “Hi, Casey. Alam kong magulo ang lahat ngayon. Pero gusto ko lang sabihin na hindi ko pinaglalaruan ‘to. Kung gusto mong mag-usap, kahit simpleng kape lang, sabihin mo lang. No pressure.”Napangiti si Casey kahit paano. Hindi pa rin niya alam ang sagot, pero sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, naramdaman niyang parang may konting pag-asa pa.“Ahm… Nakadagdag ba ako sa problema mo?”Mahinang tanong ni Casey habang naglalaro ang mga daliri niya sa kan
Hawak ni Daisy ang cellphone niya habang nagtataka kung ano ang nangyayari. Pero bago pa makasagot si Casey, biglang napatingin si Daisy sa screen at halos mapasigaw.“Casey! Nasa hot search ka na naman! At kasama mo si Lincoln! Grabe, number one pa kayo ngayon!”Napasinghap si Casey, ramdam niya agad ang kaba sa dibdib niya. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at binuksan ang blue app.Pag-click niya, bumungad agad ang trending topic:—: [Guys, anong masasabi niyo sa tambalan ni Casey at Lincoln? Bagay sila, ‘di ba? Pareho silang magaling, successful, at grabe, ang pogi ni Lincoln tapos si Casey, sobrang ganda! Perfect match!]Sobrang daming comments ang bumaha sa post.—: [Sang-ayon ako! Sobrang agree! Since si Dylan Almendras ay hindi karapat-dapat kay Casey, dapat makahanap siya ng mas okay. At hello? Kailan ba nag-post si Lincoln ng kahit ano tungkol sa babae? Never! Pero ngayon, sinabi pa niya na si Casey ang “ilaw” sa buhay niya. Grabe ‘yun! Dapat sila na! Sila na! Sila na!]—:
Namumuo ang lamig sa mga mata ni Casey Andrada habang nakatitig sa screen ng kanyang telepono. “Kalilimutan na lang?” tanong niya, may halong pangungutya sa boses. Paano niya basta malilimutan? Akala ba nila magpapakababa siya at magpapatalo na lang? Akala ba nila palulunukin siya ng kahihiyan at mananahimik? Hindi siya ganoon. Hindi kailanman naging ganoon si Casey. “Casey… balak mo bang lumaban?” tanong ni Daisy, ang matalik niyang kaibigan, habang tinititigan siya na may halong pag-aalala at excitement. Ramdam niya ang tension sa paligid. Alam niyang hindi basta-basta titiisin ni Casey ang ganitong pambabastos. Hindi sumagot si Casey. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagbabasa ng post na nag-viral sa Blue App, pinagmamasdan ang mga salitang unti-unting sumisira sa kanyang pangalan. 【Siguro naman alam na ng lahat ang nangyari sa birthday party ni Mr. Romualdez. Dumating si Casey Andrada kasama si Lincoln Ybañez, at doon mismo sa harap ng maraming tao, sinabi niyang gusto niyang