Natatandaan pa ni Casey kung paano isuot ni Dylan sa kaniya ang singsing. Mabigat at tila ayaw gumalaw ang mga kamay nito. Nararamdaman niya noon kung gaano kalabag sa loob ni Dylan ang ikasal silang dalawa. Halos hindi nga niya makitang suot ng lalake ang sarili nitong wedding ring. Ilang beses niya itong nakikita na nasa loob lamang ng kanilang drawer. Pinapaalala pa nito na nakalimutan ng lalake suotin ang kaniyang singsing ngunit palagi itong walang kibo.
Ngunit ngayon ay hawak ni Dylan ang wedding ring ni Casey. Pilit man isawalang bahala ito ni Casey ay nagtataka pa rin siya kung bakit nangyari ito, ‘e tinapon niya na ito sa labas ‘nong huling punta niya rito sa rest house. Napansin ni Dylan na nakatitig lamang si Casey sa kaniyang kamay na may hawak na singsing kaya agad niyang tinago ang kamay sa kaniyang bulsa. Ang kaninang malambot na ekspresyon ni Dylan ay napalitan muli ng pagkainis. “Kung balak mo lang din namang itapon ang singsing, edi sana ginawa mo nang maayos. Natagpuan ko pa sa labas,” saad ni Dylan habang nakapamulsang nakatingin kay Casey. “Oh?” sandaling inangat ni Casey ang kaniyang tingin kay Dylan at nagkibit-balikat, “Edi itapon mo,” dugtong ni Casey at naglakad nang tuluyan papasok sa kwarto at nilagpasan si Dylan habang hinahalungkat ang kaniyang drawer at hinahanap ang kwintas. Kumunot ang noo Dylan at kinagat ang pang ibabang labi habang sinusuri si Casey sa ginagawa nito. Kung dati, ni-isang beses ay hindi tinanggal ni Casey ang singsing sa kaniyang daliri, ngayon naman ay hindi ito nag dalawang isip na itapon ang singsing. Tuluyan na nga bang naka move on si Casey sa kaniya kaya nagsimula na itong makipagkita sa iba? Biglang dumilim ang kaniyang paningin at kinuyom ang kaniyang kamay nang dahil sa naisip. “Kaya ba pumayag ka sa divorce dahil may ipapalit kana agad sa’kin, Cassandra?” tanong ni Dylan na halos ikabasag ng kaniyang boses. Umangat ang gilid ng labi ni Casey at humarap kay Dylan, “Kung ganyan ang naiisip mo, ba’t ko naman itatanggi?” sagot nito at kinuha ang kwintas sa kabilang drawer. Ramdam ni Casey ang matalim na titig na pinupukol ni Dylan sa kaniya ngunit hindi siya lumingon dito at nag simulang naglakad paalis. Ngunit mabilis ang kamay ni Dylan na agad hinila ang kaniyang kamay pabalik. “Aalis ka nalang ng ganon-ganon lang?” saad ni Dylan at hinigpitan ang kapit sa kamay ni Casey. Pilit na inaalis ni Casey ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ni Dylan ngunit mas malakas sa kaniya ang lalake, “Ano ba?! Bitawan mo nga ‘ko!” Hindi niya mawari kung ano na naman ang eksena ng lalakeng ‘to ngayon. Lalong hinigpitan ni Dylan ang pagkakahawak kay Casey, “Grandma calls for a dinner. Isasama kita sa mansyon mamayang gabi,” sagot nito. Nag iba ang timpla ng mukha ni Casey at napakunot ang noo nito, “Sira na ba talaga ‘yang ulo mo? Ba’t hindi si Suzane ang ipangalandakan mo mamayang gabi? Ayaw mo ‘non, mabubusog ka pa?” sagot nito at tuluyang winaksi ang kamay mula kay Dylan. “Ikaw ang gustong makita ng lola. Sa tingin mo ba gugustuhin ko na makasama ka?” ani Dylan. Mapaglarong ngisi ang ginawad ni Casey, “Gan’on ba? E ‘di ba dati kung ano-ano ang dinadahilan mo sa lola upang ‘di moko makasama? Ba’t ‘di mo magawa ngayon?” Bumalik sa dating seryoso ang mukha ni Dylan at pinasok ulit ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa, “Alam mo kung gaano ka kahalaga para sa kaniya. Ngayon lang ulit nag imbita ng hapunan ang lola, hindi mo manlang mapagbibigyan?” Bigla namang tinamaan ng konsensya si Casey. Kumirot ang puso niya nang maalala kung gaano kabait sa kaniya si Lola Isabel. Sa tuwing nag aaway silang mag asawa ay palaging nandyan si Lola Isabel upang damayan si Casey. Palagi nitong sinasabi na pag pasensyahan na lamang ang ugali ng kaniyang apo na si Dylan. At lagi rin nitong pinapaalala na tunay na apo ang kaniyang turing kay Casey. Matagal na rin ‘nong huli silang nagkita kaya hindi nito kayang tanggihan ang imbitasyon mamayang gabi. “Pwede ko naman sabihin sa lola na hindi na siya parte ng oras mo—“ “Wala akong sinasabi! Tigilan mo nga ‘ko!” putol ni Casey sa pagsasalita ni Dylan. “Oh, ano pang inaantay mo?” Inirapan na lamang ni Casey si Dylan at tuluyan nang lumabas sa kwarto. Habang nasa biyahe ay sumagi sa isip ni Casey kung paano rin nakakaapekto itong relasyon nilang dalawa ni Dylan kay Lola Isabel. Nang makarating sila sa mansyon ay agad sumalubong sa kanila ang boses ng matanda. Kasama nito ang isa niya pang apo. “Casey! Sa wakas ay nakita kitang muli, apo!” ani Lola Isabel at ginawaran ng halik sa pisngi si Casey, “Halika! Maupo muna tayo, matagal na rin kitang ‘di nakakasama.” Pinaghalong saya at kirot naman ang naramdaman ni Casey. Nangungulila siya sa matanda ngunit masyado nang magulo ang relasyon nila ng apo nito. Kaya nababahala siya dahil alam niyang naiipit din si Lola Isabel na kasalang nangyari. “Pasensya na ho kayo at ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo,” saad ni Casey at inabot ang kamay ni Lola Isabel. Marahan namang tinapik ni Via ang balikat ni Casey at nagsalita, “Ano ka ba, ‘wag ka mag-alala. Alam ni lola kung bakit.” Nanlaki ang mga mata ni Casey at napakurap-kurap. Lumipat ang kaniyang tingin kay Lola Isabel na malambot ang ekspresyon habang nakatingin din ito sa kaniya. Nagtataka si Casey. Kung alam na pala ni Lola Isabel ang tungkol sa divorce nila ni Dylan, bakit hindi manlang nagbago ang pakikisama ng matanda sa kaniya? Nilingon naman ni Dylan si Via at ginawaran ng masamang tingin. Iritadong binato naman siya ni Via ng tingin, “Oo, alam na ng lola lahat nga pinag-gagawa mo kaya ‘wag mo’ko tignan nang ganyan!” saad nito habang nakaangat ang kaliwang kilay, “Anong sabon naman ang gamit mo at ang kapal ng mukha mo para tratuhin nang gan’on ‘yong babaeng pinili ko para pakasalan mo! Si Cassandra na ‘yan oh, ‘di kaba nag iisip?!” dugtong ni Via. Nilingon ni Casey si Dylan na kinakamot ang tenga na parang nabibingi na sa pag sigaw ni Via sa kaniya. Kahit papaano ay maswerte parin si Casey dahil ang iilan sa mga miyembro ng pamilya ni Dylan ay mahal siya. Hindi niya nga lang alam kung paano niya itatawid itong hapunan nang malaman na alam na pala ni Lola Isabel ang mga nangyari at nangyayari sa kanilang dalawa ni Dylan. Hindi naman maipinta ang mukha ni Lola Isabel habang palipat-lipat ang tingin nito kay Casey at kay Dylan— lalo naman ang tingin nito kay Dylan. Napakagat ng pang ibabang labi si Casey nang mapagtantong hindi lang basta hapunan ang mangyayari ngayong gabi.Nag tungo agad sina Casey sa dining room matapos ang maikling kwentuhan kay Lola Isabel. Bago pa man sila tuluyang makaupo ay agad na kinalabit ni Casey si Via para mag tanong. “Alam ba ni lola ‘yong tungkol sa…” bulong ni Casey at nag aksyon na parang nag susulat. Agad namang umiling si Via. “Hindi niya alam ‘yong divorce. Ang alam niya lang ay pinapahirapan ka ng kumag na ‘yan,” sagot ni Via at nginuso ang lalakeng naka tayo lamang sa likod ng upuan. Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Casey nang malaman na hindi pala ang divorce nila ni Dylan ang nakarating kay Lola Isabel. Ayaw niyang mag konsumisyon ang matanda sa nangyayari sa kanilang dalawa. Naupo na rin si Casey katabi ni Via, maliban kay Dylan na nakatayo pa rin. “Hayaan mo siya, Casey. Kung mag mamatigas siya at gusto niyang umalis, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kaniya,” pag babanta ni Lola Isabel. Nag dilim na naman ang ekspresyon ni Dylan kaya suminghal si Via, “Oh, ano? Kailangan pa ba kit
Wala ng nagawa si Dylan kundi buksan ang pinto ng passenger seat at tinignan si Casey, nag aantay na pumasok ito. Nang mapansin ni Lola Isabel na nakatayo lamang si Casey ay agad niya itong hinatak palapit sa kotse. “Dali na, pumasok kana!” sambit ng matanda. Hinarap naman siya ni Casey at hinaplos ang kaniyang kamay, “La, masyado nang malamig dito sa labas. Pumasok na ho kayo, aalis na rin kami,” saad ni Casey at nginitian si Lola Isabel. Niyakap ni Lola Isabel si Casey, samantalang si Dylan naman ay kinurot niya sa kaliwang tenga nito. Napa-aray naman si Dylan ngunit natahimik siya nang pinanlisikan siya ng mata ni Lola Isabel. Napaisip si Dylan kung sino nga ba ang apo sa kanilang dalawa ni Casey. Nag bilin si Lola Isabel na mag ingat sila sa biyahe saka ito naunang pumasok sa loob. Nang makapasok na si Lola Isabel sa loob ay naisip naman ni Casey na tumawag nalang ng taxi o mag grab. Naamoy ata ni Via ang binabalak nito kaya hindi pa rin siya sumusunod kay Lola Isabel sa
Nang makauwi si Casey ay agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo bago magpahinga. Sobrang lagkit ng kaniyang katawan dahil sa pawis na natamo siya paglalakad hanggang makarating sa town. Paano ba naman kasi ay nag lakad na lamang siya upang ibuhos dito ang sobrang inis kay Dylan. Sa town niya na napag pasyahang tumawag sa kaniyang driver para sunduin siya. Kahit papaano naman ay nakatulong kaniyang paglalakad sa bigat na nararamdaman niya kanina. Kahit sanay si Casey mabuhay mag isa ay iba pa rin ang pakiramdaman na ngayon ay wala na siyang asawang inaalala; kung kailan ba ito uuwi o magpapakita sa kaniya. Ngayong wala na sa buhay niya si Dylan ay makakapag-focus na siya sa career niya. Masyado ring naubos ang kaniyang sarili sa kasal nila, masyadong nasayang ang lahat ng paghihirap niya sa lalaking ‘yon. Agad na nakatulog nang mahimbing si Casey, samantalang sa kabilang dako naman ay hindi mapakali si Dylan sa kaniyang higaan. Palipat-lipat ito ng puwesto, paikot-ikot, at hin
Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Casey at nagsalita, “Correction, ex-wife,” aniya at sumandal sa upuan. Mahalagang linawin niya ang kaniyang pagkatao kay Mr. Ybañez dahil kailangan niyang makuha ang tiwala nito.Kahit na pilit pakalmahin ang sarili ay hindi pa rin mapigilang dumaan ang gulat sa mukha ni Mr. Ybañez nang marinig ang mga katagang ‘yon mula kay Casey, “Ex-wife?” pag ulit niya sa sinabi nito.Tila naisip naman ni Casey na kailangan niya muling magpakilala kay Mr. Ybañez bilang abogado nito. Nilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa harap nito, “Mr. Ybañez, I’m Hera. Ako ang abogadong hahawak sa kaso mo. I hope we work well together,” magpapakilala niya at gumawad ng ngiti.Napangiti naman si Mr. Ybañez at inabot ang kamay ni Casey. “Nice to meet you, Ms. Hera. Pero ano ba’ng nangyari sa inyo ni Mr. Almendras?” biglang pag usisa nito.Nawala ang ngiti sa labi ni Casey at bahagyang napakamot sa kaniyang batok at hindi alam ang sasabihin. Dapat ba siyang mag kwento? E
Seryosong tinignan ni Casey si Mr. Ybañez at gano’n din si Mr. Ybañez kay Casey. Mariin niyang tinignan ang napakagandang babae sa kaniyang harapan. Sabi ng nakararami ay looks can be deceiving. Sa gandang meron si Casey ay napapaisip siya kung ano pa ang kayang gawin nito. Kung totoo ngang sa kaniya papanig si Casey bilang si Hera na isang magaling na abogado ay nararapat niyang seryosohin ang babaeng ito. Marahang ipinatong ni Mr. Ybañez ang kaniyang magkadikit na mga kamay sa ibabaw ng lamesa at seryosong nakatingin kay Casey, “Name it,” sagot niya rito.Marahang tinatapik ni Casey ang ibabaw ng lamesa gamit ang isa niyang hintuturo habang naka tingin kay Mr. Ybañez at may kalmadong ngiti, “Nabalitaan kong mag h-host ng birthday party si Mr. Romualdez next week,” saad ni Casey.Unti-unti namang napagtanto ni Mr. Ybañez ang gustong iparating ni Casey kaya tahimik siyang napangisi. Habang si Ingrid naman ay napakagat sa kaniyang labi at tila kinakabahan sa binabalak ng kaibigan.Ma
Bago tuluyang umalis ay agad namang tumayo si Mr. Ybañez. “Madilim na pala sa labas, ihahatid ko na kayo,” aniya. Nginitian naman siya ni Casey at umiling, “Don’t even bother, Mr. Ybañez. Kaya na namin ang sarili namin. And besides, may dala rin kaming sasakyan. We can manage,” sagot ni Casey. Magsasalita pa sana muli si Mr. Ybañez ngunit nag simula nang maglakad palabas si Casey. Agad namang inabot ni Ingrid ang kaniyang purse sa mesa at nginitian si Mr. Ybañez bago tuluyang sumunod kay Casey. Napangisi si Mr. Ybañez habang nakatanaw sa babaeng naglalakad palayo sa restaurant. “Fierce,” aniya at napakagat sa kaniyang ibabang labi dahil sa pagkamangha. Nang makapasok sa sasakyan sina Casey at Ingrid ay hindi agad binuhay ni Ingrid ang sasakyan. Nilingon niya si Casey sa passenger seat at nagsimulang magsalita, “Cas, hind imo naman siguro balak na gawing rebound si Mr. Ybañez upang totally maka move on kay Dylan ‘di ba? He’s not the solution. Baka hindi magtagal at mad
Nag aatubili si Suzane sa pinaplano ng ina, “Pero si Casey ang palagi niyang dinadala sa mga events and gatherings para ipakita sa mga tao na maayos ang pagsasama nila. Paano niya ako dadalhin doon at piliing hayaan na maging pulutan kami ng usap-usapan,” ani Suzane.“Things have changed now. Mag didivorce na nga sila ‘di ba? At huwag mo na nga isipin ang sasabihin ng ibang tao. Si Dylan na ang bahalang dumipensa sa’yo dahil siya ang lalake. Ang mahalaga ay makapunta ka ro’n bilang date niya,” sagot ni Regina.Napansin naman ni Regina ang pag aalangan ni Suzane kaya agad niya itong hinila upang maupo sa tabi niya, “Makinig ka sa’kin. Walang-wala na si Casey kung ikukumpara sa’yo ngayon. Your father has taken away everything they had. Wala ng natitira pa kay Casey. You are now the powerful daughter of Andrada’s Clan,” hinigpitan nito ang pagkakahawak sa mga kamay ni Suzane, “Naiintindihan mo ba ‘yon, Suzane?” Napakurap-kurap naman si Suzane na tila nag iisip, “But if that’s the case,
“Nasisiraan na talaga kayo ng ulo, ano?! You made Casey signed the divorce paper!” sigaw muli ni Lola Isabel. Ilang sandali pa ay natahimik siya at napalingon sa kalawan habang malalim ang kaniyang paghinga at pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili. Matanda na siya upang magalit nang ganito. “Call her,” saad ulit ni Lola Isabel at nilingon muli si Dylan. Mariing napapikit si Dylan at sumagot, “La, please, let’s stop this,” marahan ngunit madiin na sambit ni Dylan. “Call her and apologize right now! Bumawi ka sa kaniya at itigil niyo ang divorce na yan!” Napahilot na lamang si Lolo Joaquin sa gitna ng kaniyang mga mata dahil sa inaasal ng kaniyang asawa ngayon. Talagang nagsisisi na siya na isinama niya pa ito rito ngayon. Sandaling natahimik si Dylan at kumukuha ulit ng tyempo upang magsalita, “No. Nakapag-desisyon na po ako,” madiin niyang sagot. Akmang aabutin ni Lola Isabel si Dylan upang hampasin ito sa kaniyang balikat nang bigla itong mapaatras at saglit na napap
Tuloy-tuloy lamang na naglalakad si Dylan papunta sa direksyon nila Casey habang madilim ang ekspresyon nito. Nabigla naman si Suzane sa kilos ng lalake kaya ilang beses niya itong tinawag at pinigalan ngunit parang hindi siya naririnig nito. Naka tuon lamang ang atensyon ni Dylan kay Casey at kung paano makipag titigan ang babae sa ka-date nito.Pinadyak niya ang kanang paa sa sahig nang dahil sa inis at padabog na sumunod kay Dylan. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nasa utak ng lalake at ganito ito kumilos ngayon. Iniwan lamang siya na akala mo ay hindi siya ka-date nito. Naiinis siyang isipin na si Casey na naman ang dahilan nito. Parang lumalala lamang ang sitwasyon dahil sa desisyon ni Casey na makipag ugnayan sa kalaban ni Dylan.Hindi siguardo si Suzane kung magandang ideya ba yon dahil ang ibig sabihin non ay lalong kakamuhian ni Dylan si Casey dahil sa mga naging kilos ng kaniyang pinsan, o maiinis dahil sa halip na mas lumaya ang loob ni Dylan kay Casey ay parang mas n
Nanatili ang matatalim na mga tingin na binabato ni Dylan sa dalawa. Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang kamao na nais ng kumuyom dahil sa inis. Nang mapansin ni Suzane ang madilim na ekspresyon ng lalake ay agad siyang nag taka kaya sinundan niya kung saan ito naka tingin. Ganon na lamang ang gulat niyang makita ang kaniyang pinsan at ang kaaway ni Dyla na mag kasama. Binaba ni Suzane ang kaniyang tingin sa braso ni Lincoln na naka pulupot sa bewang ni Casey. Napasinghap siya at napa-kurap ang kaniyang mga mata. Siguro ay talagang naka move on ang kaniyang pinsan at hinihintay na lamang ang settlement ng divorce kaya andito ito ngayon at kasama si Mr. Ybañez— ang malaking tinik sa Almendras Group. Ngunit iniisip ni Suzane ay hindi naman ito kailangan gawin ni Casey— ang ipakita sa lahat ng tao na hindi na maayos ang pagsasama nila ni Dylan. Dahil para sa kaniya ay hindi lamang si Casey ang may pangalan na masisira, kung hindi si Dylan din. Parang gusto rin mang agaw ng atens
Lahat ng mga mata ay nakatutok kay Dylan habang papasok ito sa mansyon. Nakasuot ito ng black suit at may iilang silver highlights sa braso ng kaniyang suit. Para siyang lumilinawag habang naglalakad. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha, malalim at madilim ang kaniyang bawat tingin. Kabaliktaran ito sa kalmadong awra ni Lincoln habang naka tingin sa kaniya. Naka ngisi pa ang lalake at inaabangan na ang mga susunod na mangyayari ngayong gabi. Habang si Suzane naman ay mahigpit ang kapit sa braso ni Dylan. Hindi siya mapakali at hindi komportable sa mga binabatong tingin ng mga tao sa kanila. Oo, ito ang kaniyang gusto— atensyon. Ngunit kakaiba ang kahulugan ng kanilang mga tingin. Parang nanghuhusga at pilit na pinapasok ang kaniyang pagkatao upang malaman kung ano ang ginagawa niya sa ganitong lugar kasama ang asawa ng kaniyang pinsan. Hindi na lamang ito pinansin ni Suzane at pilit na ngumiti na may lakas ng loob. Nakasuot siya ng sage green dress at sumasabay ito sa kaniyang b
Bumungad kay Casey ang liwanag ng napakalaking chandelier na nakasabit sa gitna. Lahat naman ng tao ay nag tinginan din sa kanila. Kitang-kita ang iba't-ibang reaksyon ng mga bisita. Karamihan sa kanila ay nanlaki ang mga mata sa gulat, ang iba naman ay naka kunot ang noo at tila hindi naiintindihan kung bakit magkasama ang dalawa, at ang iilang mga tao naman ay nag bubulong-bulungan sa isa't-isa. Nilipat ni Lincoln ang kamay ni Casey sa kaniyang braso at halos mapasinghap ang babae sa gulat ngunit kumapit nalang siya rito.Isang alala ang biglang dumaan sa isip ni Casey. Dati ay braso ni Dylan ang kaniyang hawak. Mahigpit ang kapit niya rito lalo na kapag kinakabahan siya. Aminado man si Casey na higit sa sampung beses na silang nakadalo sa mga ganitong okasyon ay kinakabahan pa rin siya, lalong-lalo na kapag sinusundan siya ng tingin ng mga tao. At ang simpleng pag kapit niya sa braso ni Dylan ay nakakapag pagaan ng loob niya kahit papaano.Mariing iniling ni Casey ang kaniyang ulo
Natagpuan ni Casey ang kaniyang sarili na nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lincoln. Hinawakan niya nang mahigpit ang sariling kamay dahil nilalamig ito at nanginginig. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya dahil samot-saring mga emosyon ang nag aaway away sa loob niya. Huminga siya nang malalim at pinapakalma ang kaniyang sarili. Walang duda ang natatanging ganda niya ngayong gabi, alam niya yon mismo sa kaniyang sarili. Kaya kung kaba man ang nararamdaman niya ay dapat hindi siya mag patalo rito at buong tapang na harapin ang mga pangyayaring nag hihintay sa kanila.Habang nasa biyahe ay pabalik-balik naman ang tingin ni Lincoln sa kaniya. Napapansin man yon ni Casey ay hindi hinayaan niya nalang dahil nakatuon ang kaniyang atensyon na pakalmahin ang sarili.Alam ni Lincoln na maganda si Casey ngunit nawindang pa rin siya dahil mas may ikakaganda pa pala ito. Hindi sapat ang salitang "maganda" upang i-describe si Casey ngayong gabi. Higit pa siya sa isang anghel na
Nakatingin lamang si Casey sa hindi pa rin makapaniwala niyang kaibigan. "Ano ba, Daisy, para kang tanga dyan," saad nito. Nilingon naman siya ni Daisy at tinignan nang masama, "Ikaw ang parang tanga, Cas! Bakit mo naman ako binibigla nang ganito?!" singhal nito. Kibit-balikat naman na sumagot si Casey, "Bigla ka rin nag tanong e." Naiintindihan naman ni Casey ang naging reaksyon ng kaibigan kaso ayaw niya lang talaga sana na gawin itong big deal kahit malaking bagay naman talaga ito. Alam niya rin na nag-aalala lamang si Daisy sa kaniya dahil sa mga posibleng mangyari sa gabi na yon. Agad naman na lumapit si Daisy kay Casey at hinila ito pabalik sa dining table at sapilitan na pinaupo sa upuan. Hinanda na ni Casey ang kaniyang sarili sa isang malaking deep talks. "Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Cas? Final na ba itong plano mo na pumunta sa party kasama si Lincoln?" sunod-sunod na tanong ni Daisy, bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kaibigan. "Oo. Desidido na ako rito, Daisy.
Nakatitig lamang si Daisy kay Casey habang inaantay nito ang isasagot ng kaibigan. Si Lincoln naman ay tahimik lang din na inoobserbahan si Casey habang nakikinig lang sa usapan ng magkaibigan. Iniisip niya kung ano nga ba ang magiging apekto sa kanilang lahat ng magaganap na party, lalo na at mainit ang mata ng mga tao sa kanila ngayon dahil sa mainit-init nilang issue. Palihim naman na napangisi ang lalake habang iniisip na siya ang magiging kasama ni Casey sa gabing yon. Siguradong magiging sampal ito kay Dylan, at natutuwa habang iniisip yon, Nag-aalala naman si Daisy para kay Casey. Sa tuwing may nagaganap kasi na okasyon ay palaging si Dylan ang kasama nito upang ipakita sa lahat ng mga tao na matibay pa rin ang kanilang pagsasama, kahit na sa likod ng mga kurtina ay ang isang madilim na katotohanan na hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Ngunit iba na ang kanilang sitwasyon ngayon, kaya hindi sigurado si Daisy sa magiging kahihinatnatan ng mangyayaring party gayong may posibi
Sa mga nag daang minuto ang tahimik lamang silang tatlo habang nagluluto ng hapunan. Inabot ng kasambahay ang sandok na may lamang sabaw ng sinignang na baboy kay Casey upang tikman ito habang nagluluto siya ng chicken curry. Si Lincoln naman ay seryoso talaga sa kaniyang sinabi na tutulong siya sa pagluluto ngunit natatakot si Casey para rito kaya inutusan niya na lamang ang lalake na hugasan ang mga lettuce na gagamitin nila mamaya para sa pag gawa ng salad dressing. Habang si Daisy naman ay nilipat na ang kaniyang atensyon sa dalawa mula sa mga pagkain. Inoobserbahan niya ang mga kilos nila. Sigurado siyang may namamagitan sa dalawang yon. Agad naman napaisip si Daisy. Posible kaya na mangyari agad yon? Na magkaroon agad ng interes si Casey sa ibang lalake? Imbes na mabaliw kakaisip ay hindi na napigilan ni Daisy na mag tanong, “Cas, mag kwento ka na kasi. Kailan ba kayo nagkakilala? I mean, syempre kilala niyo ang isa’t-isa sa pangalan, pero alam niyo yon? Kailan kayo nagsim
Napahinga nang malalim si Casey habang pinipilit pa rin siya ni Daisy na mag kwento tungkol sa kanila ni Lincoln. Hindi naman talaga big deal ang meron sa kanila ni Mr. Ybañez dahil pure business lang ang namamagitan sa kanila. Pero alam niyang hindi siya titigilan ni Daisy kakatanong.“Malalaman mo rin yan next time,” saad ni Casey ay sinadyang mag bigay ng mapanlarong ngiti sa kaibigan. Napakunot ang noo ni Daisy at napanguso pa ito, hindi nagustuhan ang sinagot ni Casey. “Next time?! Pwede namang ngayon na e! Ang daya kaya! Baka mas mauna pa malaman ng mga chismosa sa blue app ang tungkol sa inyo ng lalakeng yon kesa sa akin na kaibigan mo!” padabog na giit ni Daisy.Natawa naman si Casey sa inaakto ng kaibigan, “Napaka-oa talaga nito. Ililibre nalang kita ng dinner,” ani Casey.Lumiwanag naman ang mukha ni Daisy at nagsimulang tumalon sa saya na agad naman sinaway ni Casey dahil maraming customers ang nakakakita sa kanila.“Ipagluluto mo na ba ako?” malawak na ngiting taong ni D