Share

Chapter 6: Bare Minimum

Author: Amaya
last update Huling Na-update: 2024-09-24 20:02:04

Nag tungo agad sina Casey sa dining room matapos ang maikling kwentuhan kay Lola Isabel.

Bago pa man sila tuluyang makaupo ay agad na kinalabit ni Casey si Via para mag tanong.

“Alam ba ni lola ‘yong tungkol sa…” bulong ni Casey at nag aksyon na parang nag susulat. Agad namang umiling si Via.

“Hindi niya alam ‘yong divorce. Ang alam niya lang ay pinapahirapan ka ng kumag na ‘yan,” sagot ni Via at nginuso ang lalakeng naka tayo lamang sa likod ng upuan.

Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Casey nang malaman na hindi pala ang divorce nila ni Dylan ang nakarating kay Lola Isabel. Ayaw niyang mag konsumisyon ang matanda sa nangyayari sa kanilang dalawa.

Naupo na rin si Casey katabi ni Via, maliban kay Dylan na nakatayo pa rin.

“Hayaan mo siya, Casey. Kung mag mamatigas siya at gusto niyang umalis, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kaniya,” pag babanta ni Lola Isabel.

Nag dilim na naman ang ekspresyon ni Dylan kaya suminghal si Via, “Oh, ano? Kailangan pa ba kitang hilain para maupo ka?”

Wala ng nagawa si Dylan dahil rinding-rindi na rin siya sa boses nito kaya naupo na lamang siya sa tapat nina Casey.

“Hindi bumabata ang edad mo, Dylan, pero eto ka, hindi pa rin ako binibigyan ng apo sa tuhod! Ilang taon na kayong kasal ni Casey!” saad ni Lola Isabel.

Nag dilim na naman ang ekspresyon ni Dylan at sinulyapan si Casey. Nang mapansing nakatingin si Dylan sa kaniya ay tinaasan niya ito ng kilay.

Hinanda na ng mga kasambahay ang lahat ng pagkain sa mesa. Pinag sandok ni Lola Isabel si Casey ng mga pagkain. Alagang-alaga siya nito na parang mas tinuturing niya pang apo si Casey kaysa kay Dylan.

Nag simula na silang kumain nang biglang magsalita si Dylan, “La, bakit ka nga pala biglang nagpatawag ng dinner?” tanong nito kay Lola Isabel.

Tumigil naman sa pagkain si Lola Isabel at nag salita, “Matagal na rin mula ‘nong huli niyong bisita rito. At saka, ayaw niyo bang dumalaw rito at makipag kwentuhan sa’kin? Palaging wala ang lolo niyo kaya mag-isa lang ako. Tinatanong mo pa talaga ‘yan,” sagot naman ng matanda at nagpatuloy sa pag kain.

“La, alam niyo namang busy rin ako. Kakauwi ko lang galing Madrid—“

Hindi natapos ang pagpapaliwanag ni Dylan nang biglang lumapat ang palad ng matanda sa ibabaw ng mesa. Malakas ang impact ‘non dahilan upang maigtad silang lahat.

“Kahit na! Ni hindi mo nga maasikaso ang asawa mo!” sigaw ng matanda.

Natahimik lamang si Dylan at umigting ang kaniyang panga. Nagulat naman si Casey sa nangyari kaya nahirapan siyang lumunok ng pagkain. Pabalik-balik lang ang kaniyang tingin kay Lola Isabel at Dylan.

“Ito na nga ba’ng sinasabi ko. Tigas kasi ng ulo,” bulong ni Via sa tabi niya at uminom ng tubig.

“Dapat nga e naglalaan ka ng oras sa kaniya! At saka, bakit mo ba dinadalaw ang babaeng ‘yon sa hospital? Hindi ka ba nahihiya? Na-eeskandalo mo ang pamilya natin!” dugtong ni Lola Isabel.

Napakagat ng labi si Casey. Tama nga siya, hindi lang ito basta-basta hapunan. Alam niyang hindi biro ang galit ni Lola Isabel, lalo na’t hindi rin ito boto kay Suzane. Masyadong pinapahalagahan ni Lola Isabel ang ibig-sabihin ng kasal, kaya gan’on na lamang galit niya ‘nong nalamang pinapabayaan lang ni Dylan ang kaniyang asawa.

“Malaki ang utang na loob ko kay Suzane,” maikli ngunit mabigat na sagot ni Dylan.

“Utang na loob? E lahat ng mga tao ay napapansing pinapaikot ka lang ng babaeng ‘yon at nagpapabulag ka naman!” saad ni Lola Isabel.

Napasinghap naman si Dylan at binato ng isang masamang tingin si Casey. Hindi nagpatalo si Casey at nilabanan niya ang tingin ni Dylan.

Akala ba nito ay nag susumbong si Casey kay Lola Isabel?

Napangisi si Casey nang maisip ‘yon. Hindi na mahalaga kung ano ang paniniwalaan ni Dylan, madaming ng misunderstanding na napagdaanan si Casey. Hindi na siya matutunaw pa ng mga ganyang tinginan ni Dylan lalo na kung ano man ang iniisip nito tungkol sa kaniya.

“Huwag na huwag mong pagdududahan si Casey dahil kahit hindi ‘yan mag sumbong sa’kin ay nalalaman ko lahat ng mga pinaggagagawa mo! Sa tingin mo talaga makakalusot ka sa’kin?” hirit ulit ni Lola Isabel.

Nanahimik nalang si Dylan at hindi na nag tangka pang magsalita. Alam niya namang wala siyang laban dahil ang tatlong babaeng kasama niya ay masama ang loob sa kaniya.

Napuno ng pagsesermon ang buong hapunan hanggang sa natapos ito. Wala pakealam ang matanda sa kaniyang mga sinasabi kahit pa apo niya ito. Nag babakasali siyang sa ganitong paraan ay matatauhan si Dylan.

Kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam ni Casey sa nangyari. Naramdaman niya ang suporta ng pamilya ni Dylan sa kaniya. Kahit anong gulo ang nangyayari sa kanila ay nasa kaniya parin ang amor ng pamilya nito.

Pagkatapos makipag-usap sandali kila Lola Isabel at Via ay nagpaalam na rin sila para umuwi.

Ngayon ay kailangan na naman nilang magsama sa iisang kotse at magpanggap na magkakaayos sila dahil lingid pa rin sa kaalaman ng matanda ang nangyaring pirmahan ng divorce paper.

Ayaw nga ni Casey na makatabi si Dylan dahil kahit ang paghinga nito ang kinaiinisan niya lalo na at mahaba-haba ang kanilang biyahe pabalik sa rest house.

Bubuksan na sana ni Casey ang pinto ng passenger seat nang biglang itulak ni Lola Isabel si Dylan papunta sa kaniya kaya napaatras naman siya.

“Hindi naman ako nag kulang mag turo ng right manners and good conduct sayo! Sige na!” ani Lola Isabel at tinuro ang pinto ng sasakyan.

Napaisip naman si Casey. Gaano na nga ba katagal mula ‘nong huling pinagbuksan siya ng pintuan ni Dylan. Natawa siya nang mapagtantong sobrang tagal na nga at kailangan niya pang alalahanin. ‘Yon ang ‘yong mga panahon na kahit bare minumum lang ay na-aappreciate ni Casey. Ngunti ngayon kahit mga simpleng bagay ay hindi niya na nararanasan ito mula kay Dylan.

Napagtanto niyang lahat pala ng bagay ay may katapusan kahit gaano mo pa ito ingatan.

Kaugnay na kabanata

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 7: Folded

    Wala ng nagawa si Dylan kundi buksan ang pinto ng passenger seat at tinignan si Casey, nag aantay na pumasok ito. Nang mapansin ni Lola Isabel na nakatayo lamang si Casey ay agad niya itong hinatak palapit sa kotse. “Dali na, pumasok kana!” sambit ng matanda. Hinarap naman siya ni Casey at hinaplos ang kaniyang kamay, “La, masyado nang malamig dito sa labas. Pumasok na ho kayo, aalis na rin kami,” saad ni Casey at nginitian si Lola Isabel. Niyakap ni Lola Isabel si Casey, samantalang si Dylan naman ay kinurot niya sa kaliwang tenga nito. Napa-aray naman si Dylan ngunit natahimik siya nang pinanlisikan siya ng mata ni Lola Isabel. Napaisip si Dylan kung sino nga ba ang apo sa kanilang dalawa ni Casey. Nag bilin si Lola Isabel na mag ingat sila sa biyahe saka ito naunang pumasok sa loob. Nang makapasok na si Lola Isabel sa loob ay naisip naman ni Casey na tumawag nalang ng taxi o mag grab. Naamoy ata ni Via ang binabalak nito kaya hindi pa rin siya sumusunod kay Lola Isabel sa

    Huling Na-update : 2024-09-24
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 8: Revealed

    Nang makauwi si Casey ay agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo bago magpahinga. Sobrang lagkit ng kaniyang katawan dahil sa pawis na natamo siya paglalakad hanggang makarating sa town. Paano ba naman kasi ay nag lakad na lamang siya upang ibuhos dito ang sobrang inis kay Dylan. Sa town niya na napag pasyahang tumawag sa kaniyang driver para sunduin siya. Kahit papaano naman ay nakatulong kaniyang paglalakad sa bigat na nararamdaman niya kanina. Kahit sanay si Casey mabuhay mag isa ay iba pa rin ang pakiramdaman na ngayon ay wala na siyang asawang inaalala; kung kailan ba ito uuwi o magpapakita sa kaniya. Ngayong wala na sa buhay niya si Dylan ay makakapag-focus na siya sa career niya. Masyado ring naubos ang kaniyang sarili sa kasal nila, masyadong nasayang ang lahat ng paghihirap niya sa lalaking ‘yon. Agad na nakatulog nang mahimbing si Casey, samantalang sa kabilang dako naman ay hindi mapakali si Dylan sa kaniyang higaan. Palipat-lipat ito ng puwesto, paikot-ikot, at hin

    Huling Na-update : 2024-09-26
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 9: Conditions

    Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Casey at nagsalita, “Correction, ex-wife,” aniya at sumandal sa upuan. Mahalagang linawin niya ang kaniyang pagkatao kay Mr. Ybañez dahil kailangan niyang makuha ang tiwala nito.Kahit na pilit pakalmahin ang sarili ay hindi pa rin mapigilang dumaan ang gulat sa mukha ni Mr. Ybañez nang marinig ang mga katagang ‘yon mula kay Casey, “Ex-wife?” pag ulit niya sa sinabi nito.Tila naisip naman ni Casey na kailangan niya muling magpakilala kay Mr. Ybañez bilang abogado nito. Nilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa harap nito, “Mr. Ybañez, I’m Hera. Ako ang abogadong hahawak sa kaso mo. I hope we work well together,” magpapakilala niya at gumawad ng ngiti.Napangiti naman si Mr. Ybañez at inabot ang kamay ni Casey. “Nice to meet you, Ms. Hera. Pero ano ba’ng nangyari sa inyo ni Mr. Almendras?” biglang pag usisa nito.Nawala ang ngiti sa labi ni Casey at bahagyang napakamot sa kaniyang batok at hindi alam ang sasabihin. Dapat ba siyang mag kwento? E

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 10: Playtime

    Seryosong tinignan ni Casey si Mr. Ybañez at gano’n din si Mr. Ybañez kay Casey. Mariin niyang tinignan ang napakagandang babae sa kaniyang harapan. Sabi ng nakararami ay looks can be deceiving. Sa gandang meron si Casey ay napapaisip siya kung ano pa ang kayang gawin nito. Kung totoo ngang sa kaniya papanig si Casey bilang si Hera na isang magaling na abogado ay nararapat niyang seryosohin ang babaeng ito. Marahang ipinatong ni Mr. Ybañez ang kaniyang magkadikit na mga kamay sa ibabaw ng lamesa at seryosong nakatingin kay Casey, “Name it,” sagot niya rito.Marahang tinatapik ni Casey ang ibabaw ng lamesa gamit ang isa niyang hintuturo habang naka tingin kay Mr. Ybañez at may kalmadong ngiti, “Nabalitaan kong mag h-host ng birthday party si Mr. Romualdez next week,” saad ni Casey.Unti-unti namang napagtanto ni Mr. Ybañez ang gustong iparating ni Casey kaya tahimik siyang napangisi. Habang si Ingrid naman ay napakagat sa kaniyang labi at tila kinakabahan sa binabalak ng kaibigan.Ma

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 11: Seeking Attention

    Bago tuluyang umalis ay agad namang tumayo si Mr. Ybañez. “Madilim na pala sa labas, ihahatid ko na kayo,” aniya. Nginitian naman siya ni Casey at umiling, “Don’t even bother, Mr. Ybañez. Kaya na namin ang sarili namin. And besides, may dala rin kaming sasakyan. We can manage,” sagot ni Casey. Magsasalita pa sana muli si Mr. Ybañez ngunit nag simula nang maglakad palabas si Casey. Agad namang inabot ni Ingrid ang kaniyang purse sa mesa at nginitian si Mr. Ybañez bago tuluyang sumunod kay Casey. Napangisi si Mr. Ybañez habang nakatanaw sa babaeng naglalakad palayo sa restaurant. “Fierce,” aniya at napakagat sa kaniyang ibabang labi dahil sa pagkamangha. Nang makapasok sa sasakyan sina Casey at Ingrid ay hindi agad binuhay ni Ingrid ang sasakyan. Nilingon niya si Casey sa passenger seat at nagsimulang magsalita, “Cas, hind imo naman siguro balak na gawing rebound si Mr. Ybañez upang totally maka move on kay Dylan ‘di ba? He’s not the solution. Baka hindi magtagal at mad

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 12: Signed

    Nag aatubili si Suzane sa pinaplano ng ina, “Pero si Casey ang palagi niyang dinadala sa mga events and gatherings para ipakita sa mga tao na maayos ang pagsasama nila. Paano niya ako dadalhin doon at piliing hayaan na maging pulutan kami ng usap-usapan,” ani Suzane.“Things have changed now. Mag didivorce na nga sila ‘di ba? At huwag mo na nga isipin ang sasabihin ng ibang tao. Si Dylan na ang bahalang dumipensa sa’yo dahil siya ang lalake. Ang mahalaga ay makapunta ka ro’n bilang date niya,” sagot ni Regina.Napansin naman ni Regina ang pag aalangan ni Suzane kaya agad niya itong hinila upang maupo sa tabi niya, “Makinig ka sa’kin. Walang-wala na si Casey kung ikukumpara sa’yo ngayon. Your father has taken away everything they had. Wala ng natitira pa kay Casey. You are now the powerful daughter of Andrada’s Clan,” hinigpitan nito ang pagkakahawak sa mga kamay ni Suzane, “Naiintindihan mo ba ‘yon, Suzane?” Napakurap-kurap naman si Suzane na tila nag iisip, “But if that’s the case,

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 13: Glances

    “Nasisiraan na talaga kayo ng ulo, ano?! You made Casey signed the divorce paper!” sigaw muli ni Lola Isabel. Ilang sandali pa ay natahimik siya at napalingon sa kalawan habang malalim ang kaniyang paghinga at pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili. Matanda na siya upang magalit nang ganito. “Call her,” saad ulit ni Lola Isabel at nilingon muli si Dylan. Mariing napapikit si Dylan at sumagot, “La, please, let’s stop this,” marahan ngunit madiin na sambit ni Dylan. “Call her and apologize right now! Bumawi ka sa kaniya at itigil niyo ang divorce na yan!” Napahilot na lamang si Lolo Joaquin sa gitna ng kaniyang mga mata dahil sa inaasal ng kaniyang asawa ngayon. Talagang nagsisisi na siya na isinama niya pa ito rito ngayon. Sandaling natahimik si Dylan at kumukuha ulit ng tyempo upang magsalita, “No. Nakapag-desisyon na po ako,” madiin niyang sagot. Akmang aabutin ni Lola Isabel si Dylan upang hampasin ito sa kaniyang balikat nang bigla itong mapaatras at saglit na napap

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 14: Double Trouble

    Malamig ngunit malalim ang tingin na binabato ni Dylan kay Casey. Ano kaya ang ginagawa ng babaeng ‘to dito? Inisiip niya na baka makikipagkita na naman ito sa iba. Pero bakit ngayong wala na siyang pakealam ay saka sila nagkatagpo. Kung gano’n nga ay dapat ng ma-finalize ang kanilang divorce sa lalong madaling panahon. Ngunit kalakip nito ang mga sermon at gulong magagawa ni Lola Isabel. Buong araw ay nakakatanggap siya maraming text mula sa matanda at pinipilit siyang kausapin si Casey. Walang nagawa si Dylan kundi patayin ang kaniyang cellphone bago ito sumabog. Nanliit naman ang mga mata ni Suzane habang nakatitig kay Casey. Inisiip niya kung bakit palagi nalang sila nagkikita. Akmang tatalikod na sana si Dylan nang bigla siyang hinawakan ni Suzane sa braso at nagsimulang maglakad patungo kay Casey. Nakita naman ni Casey kung paano pasadahan ni Suzane ng kaniyang kamay ang braso ni Dylan. Pahilim siyang ngumisi. “Pathetic,” bulong niya sa kaniyang sarili. “Cas,” ani

    Huling Na-update : 2024-10-09

Pinakabagong kabanata

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 60: Safety First

    Nanatiling nakatingin lamang si Casey at Daisy sa isa't-isa, parehong nag iniisip kung sino ang kumatok at kung sino sa kanilang dalawa ang magbubukas ng pinto.Kanina pa sana nila pinagbuksan yan kung hindi lang na-trauma itong si Casey sa posibleng nasa labas ng condo. Baka kasi natagpuan na rin ni Dylan ang condo niya. Mansyon nga niya nahanap ng lalakeng yon, ito pa kayang condo na nasa town area.Iniisip ni Casey na baka si Lincoln lang yon at bumalik. Luminga-linga naman siya sa paligid upang i-check kung may naiwan ito pero wala naman."Cas, bubuksan ko ha. Sisigaw nalang ako ng malakas pag tama ang hinala natin tapos magtago ka agad sa kwarto," ani Daisy at mariing nakatitig sa pintuan.Kumunot naman ang noo ni Casey sa sinabi ng kaibigan, "Ha? Anong sinasabi mo dyan?""Ah basta! Makinig ka nalang! Baka bitbitin ka na naman nito pa-La Union e!" Ilang sandali pa ay naglakad na si Daisy papunta sa pinto. Sumilip siya sa peephole at nanlaki ang kaniyang mga mata kay agad niyang

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 59: Thunder Feels

    Agad napatingin si Casey kay Lincoln at nakitang pinasok ng lalake ang cellphone sa kaniyang bulsa.Andito sila ngayon sa condo ni Casey dahil sumang-ayon siya sa hiling ng lalake na ipagluto ito. Tama rin na ganito ang desisyon niya dahil ayaw niyang kumain sila sa labas at pag piyestahan pa ng mga tao."Hindi magandang nagbabasa ka ng mga hate comments. Pinapasama mo lang ang loob mo," saad ni Lincoln at naupo sa kaharap na sofa ni Casey.Bahagyang napanguso si Casey, "Wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila. Gusto ko lang malaman kung may magbabato ba ng mga itlog sa akin kapag lalabas ako," sagot naman ni Casey.Natawa si Lincoln, "Mahal ang itlog ngayon, hindi nila gagawin yan."Napairap na lamang si Casey, napaka-epal talaga.Tumayo si Lincoln at mariing tinitigan si Casey, "Thank you for the meal. Parang nasasanay na ako sa luto mo at baka mapapadalas ang request ko," naka ngising saad nito sabay kuha mula sa kaniyang bulsa ang cellphone ni Casey at binigay ito sa babae.

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 58: Opinions

    Dali-daling dinampot ni Suzanne ang kaniyang cellphone at agad na sinagot ang tawag.Tahimik siyang nakikinig sa sinasabi ng taong inutusan niyang mag report sa kaniya ng mga ganap sa Civil Affairs.Ilang sandali pa ay unti-unting nabuo ang malaking ngisi sa kaniyang labi nang marinig na ang balitang matagal nilang inaantay ng kaniyang pamilya. Mariin lamang na naghihintay sina Regina at Paulo habang nakatingin kay Suzanne na nakatalikod sa kanila at nakikipag usap sa cellphone nito."Okay, okay. Thank you, I appreciate it," ani Suzanne at binaba na ang tawag.Nag tinginan naman ang mag asawa.Agad na lumingon si Suzanne sa kaniyang mga magulang suot ang malaking ngiti sa kaniyang labi.Luminawag naman ang mukha ni Regina at tila nababasa ang reaksyon ng anak."Tapos na ba?" tanong ni Regina.Tumango-tango si Suzanne, "Talagang wala na sila. Tapos na ang divorce!" Malakas na napasigaw ng "Yes" si Regina habang si Paulo naman ay napabuga ng hangin at malawak din na napangiti. Sa wak

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 57: Slow Life

    Patuloy lamang ang pag lalabas ni Lola Isabel ng kaniyang sama ng loob sa kabilang linya habang si Casey naman ay tahimik na nakikinig lang sa kaniya."Pera rito, pero roon! Puro pera! Nagpabulag na silang lahat sa pera na yan!" naiinis na saad ng matanda, kahit nasa cellphone lamang ay nakikita niya pa rin ang naiinis na itsura nito sa kaniyang isip,"Talaga bang yaman at reputasyon nalang ang natatanging mahalaga sa kanila ngayon? Pera ang dapat na pinapaikot nila at hindi pera ang dapat na magpaikot sa kanila! Hindi na tuloy ako makapag hintay na dumating ang panahon na aayon ang mundo sa tama at sasampalin ng katotohanan si Joaquin sa kaniyang mga maling desisyon at mga walang kwenta niyang turo kay Dylan!" patuloy na saad ni Lola Isabel.Mariin namang napapikit si Casey at sinusubukan na pakalmahin ang matanda dahil sa lagay na ito ay masyado nang nagpapadala sa kaniyang galit si Lola Isabel at nag-aalala si Casey sa kaniyang kalusugan."La, baka hindi lang po alam ni Lola Joaqui

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 56: Settled

    Huminga nang malalim si Casey at mahigpit na hinawakan ang divorce certificate sabay lingon kay Dylan. Sinalubong naman siya ng malalamig ngunit nangungusap na tingin ng lalake. Napakurap ng mga mata si Casey ngunit hindi pa rin bumibitaw ng tingin si Dylan.Parang kailan lang ay noong tatlong tao na ang nakakalipas ay may eksena rin silang ganito. Kapwa naka harap sa isa't-isa at parehong nangako na magsasama sa hirap at ginhawa. Ngunit iba ngayon, dahil sa araw na ito ay tuluyan nang matutuldukan ang kanilang pagsasama. Mapait na ngumiti si Casey kay Dylan, "Goodbye, Dylan," saad nito.Hindi sumagot si Dylan at bigla na lamang itong tumalikod upang lumabas sa hall. Malalim na bumuntong hininga si Casey at agad sumunod sa lalake upang umalis na rin sa lugar. Nakayuko lamang siya dahil ayaw niyang makuhanan ng litrato ang kaniyang mukha at dahil na rin sa napakaraming flash ng mga camera na nakakasilaw sa kaniya. Gulat naman na napahinto si Casey sa kaniyang paglalakad nang mabunggo

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 55: Lost And Found

    Hindi naman umimik si Dylan at nanatili lamang na tahimik hanggang sa makabawi na siya mula sa nangyari. Agad siyang naglakad paalis at nilagpasan ang kaniyang ina. Nagulat naman si Claudine sa kilos ng kaniyang anak kaya tinawag niya ito."Dylan! Sandali!" sigaw niya dahilan upang mapahinto si Dylan.Lumingon naman si Dylan sa kaniya at walang emosyon na tinignan siya, "Mom, ano na naman ba?" tamad na tanong nito.Napabuntong hininga si Claudine, "Sabihin mo nga sa akin. Totoo ba na ikaw ang humiling ng divorce?"Nanatiling kalmado si Dylan at tumango, "Wala na tayong magagawa. Hindi ko na rin mababawi ang desisyong yon dahil nag usap na kami ni lolo," sagot ni Dylan.Kumunot naman ang noo ni Claudine at tila hindi niya na rin alam ang kaniyang gagawin sa nangyayaring gulo, "Hindi maganda ang mga nangyayaring ito para sa pamilya natin, Dylan. Kung alam ko lang na babawian tayo ng babaeng yon ay sana noon pa lang hindi na ako pumayag na pakasalan mo yon! She's a walking shame! Siya an

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 54: Dangerous Game

    Mariing pinuwesto ni Dylan ang kaniyang kanang kamay sa gilid ng ulo ni Casey habang nakasandal ito sa pader, at ang kaniyang kaliwang kamay naman ay mahigpit na nakahawak sa kamay ng babae. Mabigat ang tensyon sa kanilang pagitan at kapwa rin nilang nararamdaman ang init ng hininga ng bawat isa.Mariin ang bawat tinginan na binabato nila sa isa't-isa at ni isa sa kanila ay matapang na tinatanggap ang mga tingin na ito at hindi tumitiklop. Taas baba ang kanilang mga dibdib dahil sa bigat ng kanilang bawat pag hinga. Bumaba ang tingin ni Dylan sa labi ni Casey at napansin na bahagya itong nanginginig. Umangat muli ang kaniyang tingin sa mga mata nito ay mas lalong inilapit ang kaniyang mukha sa babae. Napapikit si Casey at tila may naramdaman siyang kuryente nang mag lapit na ang kanilang mga mukha kaya agad siyang dumilat at tinignan nang masama ang lalake.Bumalik sa dati ang ekpresyon ni Casey, puno ng inis ang kaniyang itsura at nakakunot ang noo nito habang si Dylan naman ay hindi

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 53: Pinned

    Nag iba na naman ang timpla ng itsura ni Lola Isabel at mas lalong hindi nagustuhan ang kaniyang mga narinig mula sa bibig ni Claudine, "Sumosobra ka na! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Claudine?! Napakabastos ng bunganga mo! Umalis ka nga rito sa harapan ko!" sigaw ni Lola Isabel, rinig sa buong mansyon ang boses nito.Hindi nag patinag si Claudine at pinandigan ang kaniyang sinabi, binalewala ang galit ni Lola Isabel. Huminga siya nang malalim at nilingon si Casey, "Sige, pairalin mo ang katigasa ng ulo mo at panindigan mo yang katapangan mo. Pero sana kayanin mo rin ang kayang ibigay ng pamilya ko sa gagawin mo," ani Claudine.Nanliit ang mga ni Casey, iniisip kung ano ang ibig sabihin ni Claudine, "I would love to hear that," saad ni Casey.Mulinh bumalik ang galit na nararamdaman ni Claudine. Mariin niyang tinignan si Casey nang may lakas ng loob upang ipakita na mali ang piniling desisyon ng babae na ipahiya ang kanilang pamilya at sabihin sa lahat ang divorce na naganap, "Hind

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 52: Insult

    Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Casey at sumagot, "Thank you, Mrs. Almendras. Kung wala na po kayong sasabihin ay hindi ko iistorbohin ang inyong pahinga ngayong gabi."Huminga nang malalim si Claudine at pilit na kinakalma ang kaniyang sarili. Tila may pangungutya sa kaniyang itsura nang muling maisip ang divorce ng dalawa, "Casey, masyado ka atang nagmamadali na ma-divorce sa anak ko. Alam mo naman siguro na kapag humarap sa divorce settlement ang pamilya namin ngayon ay pwede kaming mawalan ng sampung bilyong piso mula sa isang project na tapos na namin i-negotiate. Umaasa ka ba sa shares na makukuha mula rito? Gagamitin mo ba ang divorce na ito upang kumubra ng pera mula sa pamilya ko?"Hindi na napigilan ni Casey ang sarili at bahagya itong natawa nang dahil sa sinabi ni Claudine. Seryoso ba ito? Alam ba niya na kahit kailan ay hindi problema kay Casey ang pera?"Mawalang galang na ho ngunit masyado ata niyo na ata inooverthink ang mga bagay-bagay," sagot ni Casey, "Wala po ak

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status