Wala ng nagawa si Dylan kundi buksan ang pinto ng passenger seat at tinignan si Casey, nag aantay na pumasok ito.
Nang mapansin ni Lola Isabel na nakatayo lamang si Casey ay agad niya itong hinatak palapit sa kotse. “Dali na, pumasok kana!” sambit ng matanda. Hinarap naman siya ni Casey at hinaplos ang kaniyang kamay, “La, masyado nang malamig dito sa labas. Pumasok na ho kayo, aalis na rin kami,” saad ni Casey at nginitian si Lola Isabel. Niyakap ni Lola Isabel si Casey, samantalang si Dylan naman ay kinurot niya sa kaliwang tenga nito. Napa-aray naman si Dylan ngunit natahimik siya nang pinanlisikan siya ng mata ni Lola Isabel. Napaisip si Dylan kung sino nga ba ang apo sa kanilang dalawa ni Casey. Nag bilin si Lola Isabel na mag ingat sila sa biyahe saka ito naunang pumasok sa loob. Nang makapasok na si Lola Isabel sa loob ay naisip naman ni Casey na tumawag nalang ng taxi o mag grab. Naamoy ata ni Via ang binabalak nito kaya hindi pa rin siya sumusunod kay Lola Isabel sa loob. Nanliit ang kaniya mga mata kay Casey at umangat ang gilid ng kaniyang labi,” Papasok na rin ako kapag nakaalis na kayo. Kaya sige na!” Nag aalinlangan si Casey na pumasok sa loob kotse kaya bumusina na si Dylan dala ng pagkainis. “Magsabi ka kung gusto mo magpaiwan, dahil ako, gustong-gusto ko na umuwi,” inis na sambit ni Dylan. Nilingon naman siya ni Casey at sinamaan ng tingin. Tinignan lamang siya ng namumula sa galit na si Dylan. Tuluyan nang nagpaalam si Casey kay Via kaya nagsimula na ring mag maneho si Dylan. Nang medyo nakalayo na sila sa mansyon ay biglang nag salita si Casey. “Ihinto mo,” aniya na hindi lumilingon kay Dylan. Humigpit ang hawak ni Dylan sa manobela at kumunot ang kaniyang noo, “Bakit? Makikipagkita ka na naman sa lalake mo?” Biglang naalala ni Dylan ang lalakeng kausap nito. Kung paano niya ngitian ang lalake na para bang komportable siyang kausap ito. ‘Nong araw lang din na ‘yon ay nasaksihan niya muli kung paano tumawa at ngumiti si Casey. Hindi pa rin kumukupas ang mga matatamis na ngiti nito. Naramdaman ni Casey ang pag akyat ng init sa kaniyang ulo, natawa siya sa inis, “Bakit ayaw mo ihinto? Namimiss mo ba akong katabi sa sasakyan kaya ayaw mo’kong pakawalan? Gusto mo ba’ng makipag-balikan, Dylan?” Biglang hininto ni Dylan ang sasakyan. Nang makita ni Casey ang pamumula ng mukha ni Dylan ay napangisi siya, “Madaliin mo na kasi ang pag f-finalize ng divorce kung ayaw mong nagtitiis sa presensya ko. Dahil hangga’t kasal tayo, hindi ko hahayaang maging masaya kayo.” Inabot ni Casey ang pinto at bigla niyang narinig na nag lock ito. Bigla siyang nakaramdam ng panic kaya agad niyang nilingon si Dylan. “Ano ba? Buksan mo nga ‘to!” pilit na binubuksan ni Casey ang pinto ngunit ayaw alisin ni Dylan ang lock nito. Nilapit ni Dylan ang kaniyang mukha kay Casey. Agad namang napaatras si Casey sa gulat. Hindi niya alam kung galit pa ba ang init na nararamdaman niya sa kaniyang mukha o iba na ito. Napalunok siya nang matitigan niya ang mga mata ni Dylan. Kung ‘nong mga nakaraan ay kaya niya pang makipag matigasan sa tinginan dito, ngayon ay parang nalulusaw ang buo niyang pagkatao kaya hindi niya ito matignan ng direkta. Nang mapansin ni Dylan ang naging reaksyon ni Casey ay palihim itong napangisi. “Ang lakas na ng loob mo. Dahil ba mabango ang pangalan mo sa lola?” ani Dylan. Napaangat naman ng tingin si Casey sa kaniya. Kitang-kita ang inis sa mga mata nito. “Wala akong sinasabi sa lola. Bago sana kayo nagkalat ng babae mo ay inayos mo na kaagad ang divorce nang hindi na nakarating sa kaniya ang mga kalokohan mo,” sagot ni Casey. “Pero sige nga sabihin mo sa’kin,” dugtong ni Casey at napasandal sa pinto habang naka-krus ang dalawang mga kamay, “Sabihin mo sa’kin kung bakit ayaw mo’ng pumunta ako sa Civil Affairs? Kasi ang bagal e, marami ka namang koneksyon. Pero ang bagal mo kumilos.” Nag dilim ang ekspresyon ni Dylan, “Nagmamadali ka ata? Parang dati lang ay halos ayaw mong pumirma,” aniya at ngumisi. Natawa nang bahagya si Casey at nagkibit-balikat, “Wala, e. Kating-kati na’ko makawala sa’yo.” Hindi nagustuhan ni Dylan ang narinig mula kay Casey kaya nag iba na naman ang timpla ng kaniyang mukha. Napangisi si Casey nang marinig niyang inalis na ni Dylan ang lock ng pinto. “Labas,” parang isang bagsak ng kulog ang boses ni Dylan habang nakatingin ito sa unahan. Natawa sa inis si Casey, “Hindi ko alam na kaya rin palang tumiklop niyang kayabangan mo,” aniya at tuluyan nang lumabas sa sasakyan. Nang maglakad ito palayo ay sinundan lamang siya ng tingin ni Dylan. Hindi niya inaasahan na kaya siyang patahimikin ng babaeng ‘yon. Nang makabalik siya sa rest house ay agad niyang tinawagan ang taong inutusan niya upang manmanan si Casey. “Boss, naglakad siya pabalik sa town. Sinundan ko pero wala ng iba pang nangyari. Wala siyang kasama.” Nanumbalik na naman ang inis sa kalamnan ni Dylan nang maalala ang mga sagutan ni Casey sa kaniya sa sasakyan. “Itigil mo na ang pag sunod sa kaniya,” utos niya sa lalake at binaba ang cellphone. Simula ngayon ay wala na siyang pakealaman pa tungkol sa mga ganap ni Casey. Ni maisip ang babae ang ayaw niya na rin. Aalisin niya na sa kaniyang buong sistema ang lahat ng bakas ni Casey. Kasi ito naman ang gusto niya ‘di ba? Napilit niyang pumirma si Casey sa divorce paper kaya dapat ay wala na siyang pakealaman dito hanggang sa matapos ang settlement ng divorce. Kaya hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pinapasundan niya pa ito noon. Kung bakit sa halip na itapon ang singsing ay nakatago pa rin ito sa kaniyang drawer. Gusto niyang mabura ang alala ng mga mata ni Casey ngunit bakit parang mas hinihila pa siya nito pabalik?Nang makauwi si Casey ay agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo bago magpahinga. Sobrang lagkit ng kaniyang katawan dahil sa pawis na natamo siya paglalakad hanggang makarating sa town. Paano ba naman kasi ay nag lakad na lamang siya upang ibuhos dito ang sobrang inis kay Dylan. Sa town niya na napag pasyahang tumawag sa kaniyang driver para sunduin siya. Kahit papaano naman ay nakatulong kaniyang paglalakad sa bigat na nararamdaman niya kanina. Kahit sanay si Casey mabuhay mag isa ay iba pa rin ang pakiramdaman na ngayon ay wala na siyang asawang inaalala; kung kailan ba ito uuwi o magpapakita sa kaniya. Ngayong wala na sa buhay niya si Dylan ay makakapag-focus na siya sa career niya. Masyado ring naubos ang kaniyang sarili sa kasal nila, masyadong nasayang ang lahat ng paghihirap niya sa lalaking ‘yon. Agad na nakatulog nang mahimbing si Casey, samantalang sa kabilang dako naman ay hindi mapakali si Dylan sa kaniyang higaan. Palipat-lipat ito ng puwesto, paikot-ikot, at hin
Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Casey at nagsalita, “Correction, ex-wife,” aniya at sumandal sa upuan. Mahalagang linawin niya ang kaniyang pagkatao kay Mr. Ybañez dahil kailangan niyang makuha ang tiwala nito.Kahit na pilit pakalmahin ang sarili ay hindi pa rin mapigilang dumaan ang gulat sa mukha ni Mr. Ybañez nang marinig ang mga katagang ‘yon mula kay Casey, “Ex-wife?” pag ulit niya sa sinabi nito.Tila naisip naman ni Casey na kailangan niya muling magpakilala kay Mr. Ybañez bilang abogado nito. Nilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa harap nito, “Mr. Ybañez, I’m Hera. Ako ang abogadong hahawak sa kaso mo. I hope we work well together,” magpapakilala niya at gumawad ng ngiti.Napangiti naman si Mr. Ybañez at inabot ang kamay ni Casey. “Nice to meet you, Ms. Hera. Pero ano ba’ng nangyari sa inyo ni Mr. Almendras?” biglang pag usisa nito.Nawala ang ngiti sa labi ni Casey at bahagyang napakamot sa kaniyang batok at hindi alam ang sasabihin. Dapat ba siyang mag kwento? E
Seryosong tinignan ni Casey si Mr. Ybañez at gano’n din si Mr. Ybañez kay Casey. Mariin niyang tinignan ang napakagandang babae sa kaniyang harapan. Sabi ng nakararami ay looks can be deceiving. Sa gandang meron si Casey ay napapaisip siya kung ano pa ang kayang gawin nito. Kung totoo ngang sa kaniya papanig si Casey bilang si Hera na isang magaling na abogado ay nararapat niyang seryosohin ang babaeng ito. Marahang ipinatong ni Mr. Ybañez ang kaniyang magkadikit na mga kamay sa ibabaw ng lamesa at seryosong nakatingin kay Casey, “Name it,” sagot niya rito.Marahang tinatapik ni Casey ang ibabaw ng lamesa gamit ang isa niyang hintuturo habang naka tingin kay Mr. Ybañez at may kalmadong ngiti, “Nabalitaan kong mag h-host ng birthday party si Mr. Romualdez next week,” saad ni Casey.Unti-unti namang napagtanto ni Mr. Ybañez ang gustong iparating ni Casey kaya tahimik siyang napangisi. Habang si Ingrid naman ay napakagat sa kaniyang labi at tila kinakabahan sa binabalak ng kaibigan.Ma
Bago tuluyang umalis ay agad namang tumayo si Mr. Ybañez. “Madilim na pala sa labas, ihahatid ko na kayo,” aniya. Nginitian naman siya ni Casey at umiling, “Don’t even bother, Mr. Ybañez. Kaya na namin ang sarili namin. And besides, may dala rin kaming sasakyan. We can manage,” sagot ni Casey. Magsasalita pa sana muli si Mr. Ybañez ngunit nag simula nang maglakad palabas si Casey. Agad namang inabot ni Ingrid ang kaniyang purse sa mesa at nginitian si Mr. Ybañez bago tuluyang sumunod kay Casey. Napangisi si Mr. Ybañez habang nakatanaw sa babaeng naglalakad palayo sa restaurant. “Fierce,” aniya at napakagat sa kaniyang ibabang labi dahil sa pagkamangha. Nang makapasok sa sasakyan sina Casey at Ingrid ay hindi agad binuhay ni Ingrid ang sasakyan. Nilingon niya si Casey sa passenger seat at nagsimulang magsalita, “Cas, hind imo naman siguro balak na gawing rebound si Mr. Ybañez upang totally maka move on kay Dylan ‘di ba? He’s not the solution. Baka hindi magtagal at mad
Nag aatubili si Suzane sa pinaplano ng ina, “Pero si Casey ang palagi niyang dinadala sa mga events and gatherings para ipakita sa mga tao na maayos ang pagsasama nila. Paano niya ako dadalhin doon at piliing hayaan na maging pulutan kami ng usap-usapan,” ani Suzane.“Things have changed now. Mag didivorce na nga sila ‘di ba? At huwag mo na nga isipin ang sasabihin ng ibang tao. Si Dylan na ang bahalang dumipensa sa’yo dahil siya ang lalake. Ang mahalaga ay makapunta ka ro’n bilang date niya,” sagot ni Regina.Napansin naman ni Regina ang pag aalangan ni Suzane kaya agad niya itong hinila upang maupo sa tabi niya, “Makinig ka sa’kin. Walang-wala na si Casey kung ikukumpara sa’yo ngayon. Your father has taken away everything they had. Wala ng natitira pa kay Casey. You are now the powerful daughter of Andrada’s Clan,” hinigpitan nito ang pagkakahawak sa mga kamay ni Suzane, “Naiintindihan mo ba ‘yon, Suzane?” Napakurap-kurap naman si Suzane na tila nag iisip, “But if that’s the case,
“Nasisiraan na talaga kayo ng ulo, ano?! You made Casey signed the divorce paper!” sigaw muli ni Lola Isabel. Ilang sandali pa ay natahimik siya at napalingon sa kalawan habang malalim ang kaniyang paghinga at pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili. Matanda na siya upang magalit nang ganito. “Call her,” saad ulit ni Lola Isabel at nilingon muli si Dylan. Mariing napapikit si Dylan at sumagot, “La, please, let’s stop this,” marahan ngunit madiin na sambit ni Dylan. “Call her and apologize right now! Bumawi ka sa kaniya at itigil niyo ang divorce na yan!” Napahilot na lamang si Lolo Joaquin sa gitna ng kaniyang mga mata dahil sa inaasal ng kaniyang asawa ngayon. Talagang nagsisisi na siya na isinama niya pa ito rito ngayon. Sandaling natahimik si Dylan at kumukuha ulit ng tyempo upang magsalita, “No. Nakapag-desisyon na po ako,” madiin niyang sagot. Akmang aabutin ni Lola Isabel si Dylan upang hampasin ito sa kaniyang balikat nang bigla itong mapaatras at saglit na napap
Malamig ngunit malalim ang tingin na binabato ni Dylan kay Casey. Ano kaya ang ginagawa ng babaeng ‘to dito? Inisiip niya na baka makikipagkita na naman ito sa iba. Pero bakit ngayong wala na siyang pakealam ay saka sila nagkatagpo. Kung gano’n nga ay dapat ng ma-finalize ang kanilang divorce sa lalong madaling panahon. Ngunit kalakip nito ang mga sermon at gulong magagawa ni Lola Isabel. Buong araw ay nakakatanggap siya maraming text mula sa matanda at pinipilit siyang kausapin si Casey. Walang nagawa si Dylan kundi patayin ang kaniyang cellphone bago ito sumabog. Nanliit naman ang mga mata ni Suzane habang nakatitig kay Casey. Inisiip niya kung bakit palagi nalang sila nagkikita. Akmang tatalikod na sana si Dylan nang bigla siyang hinawakan ni Suzane sa braso at nagsimulang maglakad patungo kay Casey. Nakita naman ni Casey kung paano pasadahan ni Suzane ng kaniyang kamay ang braso ni Dylan. Pahilim siyang ngumisi. “Pathetic,” bulong niya sa kaniyang sarili. “Cas,” ani
Kumunot ang noo ni Suzane habang mariin ang titig nito kay Casey. Umiigting naman ang panga ni Dylan at nang maramdaman niya ang kusang pag kuyom ng kaniyang kamao ay patago niyang pinasok ang kaniyang kamay sa bulsa na kaniyang pants. Hindi ito nakaligtas sa mga mata ni Lincoln kaya palihim siyang napangisi. Natutuwa siyang makita na tuluyan nilang naiinis ang lalake. “Hindi mo dapat tinago kay Dylan ang pakikipagkita mo sa iba, Casey,” sambit ni Suzane.Nakaramdam ng inis si Casey nang marinig ‘yon. Sinasabi ba ni Suzane na may affair na si Casey noon sa ibang lalake? Parang binabaliktad pa siya nito. Ngunit imbes na ipakita ang kaniyang pagkainis ay bahagya lamang siyang natawa na mas lalong ikinakunot ng noo ni Suzane.“If that’s what you really think then go for it. Bakit ko naman idedeny kung nauna na kayo na mag conclude?” sagot niya habang naka ukit pa rin sa kaniyang labi ang mapaglarong ngiti. Nilipat niya ang kaniyang tingin kay Dylan na mariing nakatitig sa kaniya ngay
Napatigil si Cristopher.Hindi niya talaga balak saktan ang babaeng ito, kaya dahan-dahan niyang inalis ang kamay at malamig na sinabi, “Wala akong interes.”Hindi man malinaw ang narinig ng mga tao sa paligid, halata naman sa kanilang mga mukha ang pagkabigla.“Ano ‘yon? Interesado ba siya sa babaeng ‘yon?”“Anong kalokohan ‘yan? Ang daming taghiyawat ng babae! Sino namang magkakagusto sa kanya?”“Pero hindi pa niya ‘yon nakikita, di ba? Hindi niya alam na may taghiyawat siya.”Sa isang iglap, tila naging sentro ng atensyon si Cristopher. Ang lalaking kilala sa pagiging mailap, at sa pagkabigo ng maraming babae, ngayon ay pinapanood ng lahat kung ano ang gagawin niya.Hindi naman iniinda ni Casey ang mga bulong-bulungan. Tahimik lang siyang tumingin kay Cristopher at marahang nagsalita, “Naalala mo pa ba ang isang mahalagang tao sa buhay mo? Sinabi mo noon na siya ang nagligtas sa’yo, at handa kang suklian ang kabutihan niya kahit buhay pa ang kapalit.”Napako ang tingin ni Cristophe
Casey agad na binaba ang tawag at nagpadala ng mensahe sa blue app.— Casey: [Nasa labas ako, sobrang ingay, hindi ko masagot ang tawag. May kailangan ka ba?]— Daisy: [Wala naman masyado. Nasaan ka? Narinig ko, suspendido raw ang pinsan mo?]— Casey: [Oo, salamat sa’yo~ Gagawa ako ng paborito mong braised pork kapag may oras ako.]— Daisy: [Hahahaha! Ganyan dapat! Pero nasaan ka ngayon? Bakit hindi mo masagot ang tawag ko?]— Casey: [Nasa bar.]— Daisy: [Ano?! Grabe ka! Ni hindi mo man lang ako sinama! Sino kasama mo?!]— Casey: [Mag-isa lang ako. May kailangan akong gawin. Next time, sasama ka na.]— Daisy: [Mag-isa ka? Nasaan ka? Pupuntahan kita! Kung may kailangan kang gawin, dapat may kasama ka! Paano kung may mangyari sa’yo?]— Casey: [Ayos lang ako, walang problema.]Paulit-ulit siyang pinayuhan ni Daisy, pero hindi na siya sumagot. Wala nang nagawa si Daisy kundi paalalahanan siyang mag-ingat.Ibinalik ni Casey ang cellphone sa mesa at inayos ang maskarang suot. Wala siyang ba
Muling napakunot ang noo ni Dylan, at parang lalo pang lumamig ang hangin sa loob ng opisina.Ramdam iyon kahit sa kabilang linya ng telepono, dahilan para manginig si Suzanne.Bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago marahang nagsalita, “Na-suspend ako sa kumpanya.”Saglit na natigilan si Dylan.Pero sa sumunod na sandali, tila wala siyang alam sa nangyari at pinanatiling kalmado ang boses. “Ano’ng nangyari?”Napangiwi si Suzanne. Simula pa lang, ayaw na niyang tawagan si Dylan, pero pinilit siya ng kanyang ina. Matagal siyang kinausap nito, pinayuhang idetalye ang lahat upang mas lalo pang lumayo ang loob ni Dylan kay Casey. Kapag nagtagumpay sila, mas madali nilang maisasagawa ang susunod nilang plano.Pero posible ba talaga ito?!Mariing kinagat ni Suzanne ang kanyang labi. Wala na siyang ibang magagawa kundi magpatuloy.“Konektado ito sa ilang sensitibong bagay sa kumpanya, kaya hindi ko maaaring sabihin ang lahat. Pero… hindi ko inaasahan na hindi
Alam ni Casey na hindi niya dapat isiwalat ang lahat ng detalye bago pa maayos ang opisyal na kasunduan. Sa ngayon, ang mahalaga lang ay siguraduhin na mananatiling kumpidensyal ang proyekto at hindi ito mananakaw ng iba.Marami pa siyang kailangang ayusin, at may oras pa para paghandaan ang lahat.Kapag dumating na ang tamang pagkakataon, siya mismo ang haharap sa taong iyon.Bago siya umalis, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ingrid.Dalawang ring pa lang, sinagot na ito ng kaibigan niya.“Uy, Casey! Sa wakas naalala mo rin ako! Akala ko nakalimutan mo na ako.”Napangiti si Casey, pero may bahid ng guilt sa mukha niya. “Sorry. Sobrang dami lang talagang nangyari nitong mga nakaraang araw.”Tumawa si Ingrid. “Relax ka lang, joke lang ‘yon! Pero sige, anong kailangan mo?”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Casey. “May nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa nangyari?”May narinig siyang buntong-hininga mula sa kabilang linya. “Hay naku, ang hirap hulihin ng mga galamay ng
Huminto si Jessica Rue nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningnan ang babaeng nakaupo sa tabi niya, ang mga mata ay nagtatago ng pagsusuri.Ang babae—Casey—ay marahang tinanggal ang suot na maskara, inilantad ang isang mukhang hindi estranghero sa kanya.Saglit na natigilan si Jessica Rue, ngunit mabilis niyang tinakpan iyon ng isang banayad na ngiti. “Casey? Hindi ko akalain na dito tayo magkikita.”Muling isinuot ni Casey ang maskara, ang mga mata niya ay kumikislap sa aliw. “Hindi ito aksidente. Talagang ikaw ang pinunta ko rito, Miss Jessica.”Hindi sumagot si Jessica Rue. Sa halip, pinagmasdan niya ang babae nang walang emosyon.Nagpatuloy si Casey, ang boses ay puno ng kumpiyansa. “Pwede ba tayong mag-usap sa mas pribadong lugar?”Dahan-dahang tinanggal ni Jessica Rue ang suot niyang sunglasses, isiniwalat ang malamig ngunit matatalas niyang mga mata. “At tungkol saan naman?”May pilyong ngiti si Casey nang sabihin, “Malalaman mo lang kung pakik
Si Casey bahagyang ngumiti, ngunit ang pagkutya sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng lahat—tila ba walang saysay ang pagpupumilit ni Paulo Andrada.Sa pagkakataong ito, walang tumutol sa sinabi ni Paulo, at tuluyan nang natapos ang pulong.Nanatiling nakaupo si Casey, hindi nagmamadali. Nang tuluyang lumabas ang lahat, saka lamang siya tumayo.Kasunod niya agad si Suzanne at walang pasabing hinawakan ang kanyang kamay. “May gusto akong itanong sa’yo,” aniya, may diin sa boses.Tumingin si Casey sa paligid. Napakaraming CCTV sa conference room, at alam niyang hindi ito ang tamang lugar para sa isang pribadong usapan. Ngumiti siya nang bahagya. “Dito?”Napakagat-labi si Suzanne, mas humigpit ang hawak sa braso ni Casey, ayaw siyang pakawalan. “Sumunod ka sa akin,” madiin niyang utos.Dahan-dahang binawi ni Casey ang kanyang kamay at tahimik lang siyang tumingin kay Suzanne. Sa napakahinang tinig na tanging silang dalawa lang ang nakarinig, sinabi niya nang sarkastiko, “Suzanne, marami pa
Huminga nang malalim si Casey habang nakaupo sa harap ni Paulo Andrada, at ng iba pang matataas na opisyal ng Andrada Group. Alam niyang kahit pa ipakita nilang pinaparusahan nila si Suzanne, hindi ibig sabihin ay ipagkakatiwala nila sa kanya ang proyekto.Ineexpect niya na ito.Sa seryosong tono, nagsalita si Paulo Andrada, “Tama ang sinabi ni Suzanne. Baguhan pa si Casey at kulang sa karanasan. Kung magkakamali siya, hindi lang ang Ybañez Group ang maaapektuhan, kundi ang Andrada Group. Malaki ang magiging epekto nito sa ating reputasyon. Kaya ang dapat nating gawin ay humanap ng isang may sapat na kakayahan at karanasan para makipag-ugnayan sa kanila.”Nakasalamin si Vern Quinto at mapanuring tumingin kay Paulo. “Ngunit sinabi rin mismo ni President Ybañez na ang kondisyon para sa pakikipagkasundo ay si Casey ang mangunguna sa proyekto. Kung papalitan natin siya, paano tayo makakasigurong tatanggapin iyon ng kabilang panig?”Kaagad namang sumabat si Owen Saldivar. “Kaya nga kailang
“Dahil…”Pagkasambit ng salitang iyon, biglang hindi na alam ni Suzanne kung paano niya ipagpapatuloy.Napakagat siya sa labi, pilit iniisip kung paano lalabas sa sitwasyong ito.Ang babaeng kaharap niya, si Sheena Alonzo, ay kilalang matalim magsalita at mahilig magtanong ng mga nakakailang na bagay. Lahat ng kasamahan nito sa kompanya ay takot makipagsagutan sa kanya dahil palaging may laman ang kanyang mga salita.Kung ikukumpara, si Ralph Diaz ay mas banayad ang kilos. Magaling itong magtago sa likod ng pormal na ngiti, ngunit si Sheena—diretso, walang paligoy-ligoy, at walang pakialam kung sinuman ang masagasaan.Tahimik ang buong silid.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Paulo Andrada, ngunit sa sandaling ito, wala siyang magagawa para ipagtanggol ang anak. Kung puprotektahan niya ito, lalabas na tila may pinapanigan siya. Kung papayagan naman niyang magpatuloy ang usapan, parang sinasang-ayunan niyang may pagkakamali nga si Suzanne.Alam niyang may malaking epekto ito sa imahe
Nang makita ni Ralph Diaz na nabasa na ng lahat ang parehong plano at may kanya-kanyang reaksyon sa mukha, isang makahulugang ngiti ang lumitaw sa kanyang labi bago niya muling iniangat ang kopya ng proposal ni Casey.Sa malumanay na tinig, ngumiti siya kay Casey. “Casey, bumalik ka muna sa upuan mo at magpahinga.”Tumango si Casey at agad na bumalik sa kanyang pwesto. Hindi siya nagpakita ng anumang emosyon, ngunit ramdam niya ang titig ni Suzanne na tila ba matutunaw siya sa galit. Kung wala lang sigurong ibang tao sa paligid, malamang ay nasabunutan na siya nito at tinanong kung sinadya ba niyang gawin ito!“Ito ang pinaka-perpektong proposal na nakita ko,” sabi ng isang shareholder na may kasamang paghanga. “Talagang posible itong pagkatiwalaan para sa isang matagumpay na partnership. Naisip na ba ito ni Lincoln?”Tumango si Ralph Diaz at ngumiti. “Oo. At pumayag siya.”Halatang nagulat ang karamihan, ngunit kasabay nito ay naunawaan nila kung gaano kalaki ang oportunidad na ito.