Nanlaki ang mga mata ni Casey dahil sa gulat nang makita si Dylan. Bakit ba lagi nilang nakakasalubong ang isa’t-isa? Parang pinaglalaruan sila ng tadhana. Ngunit nakita niya ang pagkakataon na ito upang tanungin ang lalake tungkol sa finalization ng kanilang divorce dahil sa tuwing tinatanong niya ito tungkol sa bagay na yon ay palaging sinasabi ng lalake na siya na raw ang bahala. Ngunit hindi naging maganda ang kanilang paghaharap kanina kaya nag bago ang isip ni Casey at napag desisyonan nalang na nalagpasan si Dylan. Ngunit bigla siyang hinatak ng lalake at naglakad sila papunta sa isang empty room. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi na agad nakawala si Casey mula sa higpit ng mga kamay nito na nakahawak sa kaniyang braso. Pabagsak na sinara ni Dylan ang pinto ng silid. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa braso ni Cassy upang hindi ito makatakas mula sa kaniya. Sinamaan siya ng tingin ni Casey at pilit na kinakawala ang kaniyang sarili mula sa pagkakahawak ni
Matapos ang ilang minuto ay agad nahimasmasan si Dylan mula sa nangyari. Lumabas siya ng silid at nakita si Casey na naglalakad palayo. Suminghap siya at tinawag ito, “Cassandra!”Lumingon naman ang iilang mga babaeng kasabayan nila sa hallway. Nakakakuha na sila ng atensyon mula sa ibang mga tao ngunit wala siyang pakialam. Napahinto si Casey ngunit hindi yon sapat para mapalingon siya kay Dylan. “May mahalagang taong nag aantay sakin, pwede ba tumigil kana?” saad ni Casey. Natawa nang mapait si Dylan at pinasadahan ang loob na kaniyang pisngi gamit ang kaniyang dila. Talagang mahalagang tao para kay Casey si Mr. Ybañez? Naiinis na si Dylan habang iniisip ito. Hindi niya man maipaliwanag kung bakit ngunit nananaig ngayong gabi ang inis na nararamdaman niya sa mga kinikilos ni Casey at kung paano ito mag bitaw ng mga salita sa kaniya.“Sayo na rin nanggaling na mahalaga ang pangalan ng pamilya mo so why not fix that divorce as soon as possible? Kapag natanggap na natin ang divor
Tila mas natuwa pa si Lincoln nang marinig ang mga salitang ‘yon mula kay Casey. Nagustuhan niya ang pagbibigay nito ng assurance sa kaniya. “Well, totoo naman. Kung hindi rin dahil sayo ay hindi ko na bibigyan ng importansya at panahon ang kasong ito. Isa sa mga ipapangako ko sayo ay hinding-hindi ko pagdududahan ang galing mo, Ms. Hera,” sagot nito at kinindatan si Casey. Ngunit hindi lamang hanga siya sa galing nito sa pag hawak ng mga kaso, humahanga rin siya dito bilang isang matapang na babae na hindi madaling masindak ng kung sino man. Nabasa naman agad ni Casey ang nais na ipahiwatig nito. Nilapag niya nang maingat ang kaniyang juice nang hindi tumitingin sa lalake at nagsalita, “Wala na rin naman tayong magiging interaskyon sa susunod na mga buwan pag natapos na natin ang kasong ito at ang birthday party ni Mr. Romualdez, hindi ba? Kaya pagkatapos ng lahat ng ito hindi na tayo mag tatagpo.” Para kay Casey ay dapat maputol na ang kanilang ugnayan sa oras na matapos na
Biglang naman kumislap ang mga mata ni Suzane na parang yon lamang ang hinihintay niyang assurance mula kay Dylan buong gabi. Hindi na siya nakipag talo pa at agad na kumapit sa leeg ni Dylan nang buhatin siya nito at nagsimula nang mag lakad paalis. “Dy, hindi naman big deal yong pag bagsak ko. Kapag binaba mo ako rito makikita mo na kaya kong mag lakad nang maayos,” aniya habang naglalakad sila patungo sa kotse.Hindi na sumagot si Dylan at mas hinigpitan na lamang ang kaniyang hawak kay Suzane. Ang kaniyang ekspresyon ay may pinaghalong takot at pag-aalala na tila hindi niya manlang napansin sina Casey at Lincoln na nakatayo ilang metro lamang ang layo mula sa kanila. Hindi maiwan ni Casey na mapanood ang eksena dahil dumaan ito mismo sa harapan nila. Ngayon, sigurado na siyang si Suzane nga ang nilalaman ng puso ni Dylan. Ngunit hindi manlang siya nakaramdam ng kirot sa katotohanang yon. Sa pagkakataong yon ay napagtanto niyang nakapag move on na nga siya. Noong mga unang buwa
Natawa lamang si Lincoln at nagsalita, “Chill. Wala naman akong sinasabi,” aniya at inapakan ang brake at nag hahandang lumiko sa kaliwang bahagi ng highway. Saglit niyang sinulyapan si Dylan na katulad niya ay nag aantay pa rin sa red light. Nang mag simula ng gumalaw ang mga sasakyan sa kanilang harapan ay agad na siyang lumiko sa kaliwa. Sa buong biyahe ay nanatili lamang natahimik si Casey. Hindi siya interesadong makipag usap kay Lincoln at baka mapunta na naman ang usapan kay Dylan. Gusto niya na lamang umuwi at makapag pahinga. Pakiramdam niya ay masyadong mahaba ang gabing ito para sa kaniya katulad na kung gaano kaliit ang mundo para sa kanilang dalawa ni Dylan.Palagi na lamang silang nag tatagpo. Talaga bang sinusubok siya ng tadhana at pinaglalaruan siya ng panahon?Hindi siya natutuwa dito.Ilang beses ding nag tatangka si Lincoln na basagin ang katahimikan at maya maya ay kinakausap si Casey ngunit ang mga sagot niya ay kasing ikli rin ng pasensya niya ngayong gabi. Ay
Bumuntong hininga si Casey at muling nagsalita, “La, alam niyo naman ho na hindi talaga ako mahal ng apo niyo. Kapag pinag patuloy pa namin ito ay mahihirapan lang kami. Mas lalo niya lamang akong itutulak palayo kapag nag tagal pa ito. Kaya mas makakabuti na rin para sa amin dalawa na pakawalan ko na siya… at pakawalan ko na rin ang sarili ko sa pagsasama naming dalawa.” Naramdaman ng kaniyang puso ang bigat ng mga salitang binitawan niya. Unti-unti na naman bumabalik sa kaniya ang katotohanang darating siya sa panahong hindi na siya ang kinikilalang asawa ni Dylan. Ang kaninang dismayadong mukha ni Lola Isabel ay agad napalitan ng lungkot. Tila nasasaktan din siya sa mga nangyayari ngayon. Nadudurog ang kaniyang puso para kay Casey. Iniisip niya kung paano nagagawa ng apo niya na sayangin ang ganitong klase ng babae? Kung tutuiisin ay ma swerte na siya rito. Parang nababasag ang puso ni Lola Isabel sa sitwasyon. Ngunit kahit man na gustuhin niyang pigilan ang dalawa ay al
“Sorry, the number you have dialed is unattended—“ Naiinis na binagsak ni Lola Isabel ang kaniyang cellphone sa bedside table matapos ang ilang beses niyang pag contact sa apo ngunit hindi pa rin sinasagot ang tawag niya. Ilang minuto pa ay naka rinig siya ng boses galing sa labas ng silid. Unti-unti siyang lumapit sa kabilang bahagi ng silid at pinakinggan ang boses na nanggagaling mula sa labas. May kausap si Lolo Joaquin sa kaniyang cellphone.“Ano na ang balita? Naasikaso mo na ba ang divorce certificate?” kalmado at maingat na tanong ni Lolo Joaquin sa kausap.Agad namang nag bago ang timpla ng mukha ni Lola Isabel. Biglang nag salubong ang kaniyang dalawang kilay habang mas diniin pa ang sarili sa pader at nag patuloy sa pakikinig.“Ang sama talaga ng ugali!” madiing bulong ni Lola Isabel sa kaniyang sarili.Iniisip niya kung paano nakakaya ni Lolo Joaquin na mawala nang tuluyan si Casey sa mga buhay nila. At parang pati ito ay nag mamadali na rin na mag divorce ang kaniyang
Inaasahan na ng lalake na mag iimbita si Daisy ng sikat at magaling na racer upang tapatan siya. Ngunit hindi niya inaakala na si Casey ang darating. Iniisip niya kung seryoso ba talaga si Daisy dito. Napaangat ang isang kilay ni Daisy at napairap ito sa kawalan nang marinig ang kayabangan ng lalake. “Huwag mo ngang minamaliit to si Casey! Baka nga mas magaling pa sayo to e! Tignan natin kung saan ka pupulitin pagkatapos nito!” singhal ni Daisy sa lalake na bahagyang natawa. “Ako ang huwag mong maliitin, Daisy. Bakit hindi ka nalang mag commute pauwi tutal hindi mo naman madadala yang sasakyan mo. Nag dala kapa talaga ng babae rito,” sagot ng lalake. Tumaas ang kilay ni Casey sa kaniyang narinig. Napakayabang ng lalakeng ito. Lahat ng kayang gawin ng lalake ay kaya na rin ng mga babae kaya bakit ganito siya mag salita? Totoo nga na maingay talaga ang lata kapag walang laman. Bahagyang namang nanliit ang mga mata ni Casey habang sinusuri ang lalakeng naka tingin din sa kani
——: [Lahat ng pamilya may problema. Sa pagkakataong ‘to, hindi naman talaga nagsalita si President Dylan tungkol dito. Ang lahat ng desisyon ay galing kay Lolo Joaquin ng pamilya Almendras. Hindi ba’t hindi natin alam kung ano talaga ang saloobin ni President Dylan dito?]——: [Ano pa bang hindi malinaw? Obvious naman. Siyempre, ang pamilya Almendras ay palaging inuuna ang sarili nilang interes. Si Casey? Isa lang siyang outsider sa kanila. Sino ba talaga ang magpapahalaga sa kanya? Sa tingin ko, mas bagay naman si Casey kay President Lincoln. Bagay na bagay sila! Sana nga ikasal na sila agad at magkaroon ng baby!]——: [Kalokohan! Grabe naman kayo kay President Dylan. Ang bait-bait niya kay Casey sa lahat ng taon na magkasama sila. Kahit nung nalugi ang Andrada Group, hindi siya iniwan ni Dylan. Pero anong ginawa ni Casey? Niloko lang siya. Tapos ngayon, kasalanan pa ni Dylan? At huwag niyong kalimutan ang sinabi ni Lolo Joaquin! Si Casey raw ang may pakana ng lahat. Isipin niyo, mayam
Nanlaki ang mga mata ni Liam Vertosa sa pagkabigla. “Boss Dylan…”Kanina lang, sigurado si Dylan Almendras sa gusto niyang mangyari—ayaw niyang burahin ang post. Gusto niyang masaktan si Casey Andrada. Gusto niyang makita kung paano siya masasaktan sa mga nababasa niya.Pero nang matapos niyang basahin ang post ni Joaquin Almendras sa blue app, bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi niya inaasahan ang mararamdaman niyang kaba—parang may mali sa lahat ng ginawa niya.Ang mga salitang sinabi niya kanina ay parang kusa lang lumabas sa bibig niya, hindi man lang pinag-isipan. Parang sinasabi ng puso niya ang mga bagay na ayaw aminin ng isip niya.Tahimik niyang pinisil ang mga labi niya, pilit iniisip kung ano ang dapat sabihin. Ramdam ang bigat ng katahimikan sa silid, at parang bumibilis ang tibok ng puso niya.Napansin ni Liam ang magkahalong galit at pagkalito sa mukha ng kanyang boss kaya muling nagsalita, kahit medyo nag-a
Tumingin si Casey kay Ingrid na halatang nag-aalala. “Kung hindi naman totoo, hayaan mo na. Sanay na ang mga artista sa mga ganyang paninira.”Umiling si Casey, pero halatang may bumabagabag sa kanya. Natawa siya nang mahina. “Hindi naman ako naaapektuhan.”Ngunit hindi kumbinsido si Ingrid. Pinagmasdan niya si Casey ng mabuti at napansin ang kakaibang ekspresyon nito. “Eh bakit parang ang bigat ng aura mo? May problema ka ba?”Nag-atubili si Casey saglit bago siya napabuntong-hininga. “Si Lincoln… Naghihintay na naman siya sa labas ng bahay ko kanina. Ang hirap kasi. Ayokong maging bastos sa kanya, baka ma-offend ko siya. Pero iniisip naman niya na ginagamit ko siya laban sa Almendras family kaya ayan, panay ang lapit sa akin.”Napatawa si Ingrid. “Ayun pala! Kaya pala parang may bumabagabag sa’yo.”Tiningnan siya ni Casey ng masama pero ngumiti lang si Ingrid, halatang may naiisip na kalokohan. “Girl, naisip mo na ba?”“Naisip ko ano?” sagot ni Casey, napakunot-noo.Nag-inat si Ingr
Bahagyang napakunot ang noo ni Casey, ang marurupok niyang kilay ay nagtagpo sa mahinang pagkadismaya.Pero si Lincoln, sa kabilang banda, ay naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Noong huli silang magkasama sa party, mahigpit siyang nakakapit sa braso nito, pero naka-suot siya noon ng suit. May tela sa pagitan nila—isang hadlang na nagpalabnaw sa sensasyon. Ngayon, wala na. Direkta niyang naramdaman ang lambot ng balat ni Casey sa ilalim ng kanyang palad.Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ni Lincoln sa sandaling iyon, nagdulot ng matinding pagkabigla sa kanya. Hindi pa siya kailanman naging ganito ka-intimate sa kahit sinong babae. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso, parang tambol na nagwawala sa kanyang dibdib.Napansin ni Casey ang tensyon sa ere. Hindi siya kumportable, kaya marahan niyang hinila ang kanyang kamay. “Mr. Ybañez,” mahina ngunit matalim ang tono niya.Hindi na niya kailangang sabihin pa ang lahat. Klaro ang mensahe.Pero hindi binitawan
Si Casey ay nakatayo sa gilid ng kalsada, ang noo’y bahagyang nakakunot habang nakatitig sa itim na sasakyan sa harap niya. Ayaw niyang sumakay. Halata sa kanyang pagkilos na nag-aalangan siya. Hawak niya ang strap ng kanyang bag nang mahigpit, parang iniisip niyang tumakbo palayo.Sa loob ng sasakyan, nakaupo si Lincoln Ybañez, kalmado ang ekspresyon. Bumaba ang bintana ng kotse at dumungaw siya, ang boses ay malumanay ngunit matatag. “Alam kong hindi ko pa nasasabi sa’yo lahat ng dapat mong malaman, Casey. Pero pwede bang sumakay ka muna?”Napakagat si Casey sa labi. Sa utak niya, ito na dapat ang huling pagkakataon—ang tuluyang pagputol ng ugnayan nila. Pero sa tono ng boses ni Lincoln, naramdaman niyang may bigat ang sinasabi nito.Matapos ang ilang segundong pag-aalinlangan, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumakay sa passenger seat.Napangiti si Lincoln, halos hindi halata. Tahimik niyang isinara ang pinto para kay Casey, saka umikot patungo sa driver’s seat. Hindi pa ri
#Shock! Mr. Almendras spent the whole night with Miss Suzanne#Nag-trending ang balita sa blue app, at ang headline ay sobrang exaggerated na parang sinadya talagang mang-akit ng mga mata ng netizens. Pero kahit ganoon, may bahid pa rin ng katotohanan.Suzanne ay na-ospital na naman.Nakatitig si Casey sa screen ng phone niya habang nakakunot ang noo. Muli na naman? Ilang beses na ba itong nangyari? Hindi niya maiwasang magduda. Parang may mali.Hindi ito simple.Hindi ito ang unang beses na na-confine si Suzanne. Naalala pa niya noong huli, halos lahat ay naniwala na naging comatose ito. Pero alam ni Casey—lahat yun ay palabas lang.Ngumiti siya ng mapait. Magaling si Suzanne sa ganitong mga eksena. Ang tanong lang ay—hanggang kailan siya makakalusot?Kung hindi niya lang alam ang mga lihim ng ama niya, baka hindi siya ganito kaapektado. Pero dahil alam niya ang tunay na nangyayari sa Andrada Group, hindi na lang basta laro ang mga ginagawa ni Suzanne.Isa pa, paano niya palalagpasin
Si Casey ay nakaupo pa rin siya sa sofa habang tinitingnan ang phone niya. Biglang nag-pop up ang isang bagong notification.Lincoln Ybañez has mentioned you in a post.Nagdalawang-isip siya kung bubuksan niya ito, pero sa huli, pinindot niya rin.“Some lights are too bright to ignore. Thank you for being that light, Casey. #Grateful #NoRegrets”Napatigil si Casey. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kilig? Takot? Excitement? Halo-halo na lahat.Biglang nag-vibrate ang phone niya—may bagong message mula kay Lincoln.Lincoln: “Hi, Casey. Alam kong magulo ang lahat ngayon. Pero gusto ko lang sabihin na hindi ko pinaglalaruan ‘to. Kung gusto mong mag-usap, kahit simpleng kape lang, sabihin mo lang. No pressure.”Napangiti si Casey kahit paano. Hindi pa rin niya alam ang sagot, pero sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, naramdaman niyang parang may konting pag-asa pa.“Ahm… Nakadagdag ba ako sa problema mo?”Mahinang tanong ni Casey habang naglalaro ang mga daliri niya sa kan
Hawak ni Daisy ang cellphone niya habang nagtataka kung ano ang nangyayari. Pero bago pa makasagot si Casey, biglang napatingin si Daisy sa screen at halos mapasigaw.“Casey! Nasa hot search ka na naman! At kasama mo si Lincoln! Grabe, number one pa kayo ngayon!”Napasinghap si Casey, ramdam niya agad ang kaba sa dibdib niya. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at binuksan ang blue app.Pag-click niya, bumungad agad ang trending topic:—: [Guys, anong masasabi niyo sa tambalan ni Casey at Lincoln? Bagay sila, ‘di ba? Pareho silang magaling, successful, at grabe, ang pogi ni Lincoln tapos si Casey, sobrang ganda! Perfect match!]Sobrang daming comments ang bumaha sa post.—: [Sang-ayon ako! Sobrang agree! Since si Dylan Almendras ay hindi karapat-dapat kay Casey, dapat makahanap siya ng mas okay. At hello? Kailan ba nag-post si Lincoln ng kahit ano tungkol sa babae? Never! Pero ngayon, sinabi pa niya na si Casey ang “ilaw” sa buhay niya. Grabe ‘yun! Dapat sila na! Sila na! Sila na!]—:
Namumuo ang lamig sa mga mata ni Casey Andrada habang nakatitig sa screen ng kanyang telepono. “Kalilimutan na lang?” tanong niya, may halong pangungutya sa boses. Paano niya basta malilimutan? Akala ba nila magpapakababa siya at magpapatalo na lang? Akala ba nila palulunukin siya ng kahihiyan at mananahimik? Hindi siya ganoon. Hindi kailanman naging ganoon si Casey. “Casey… balak mo bang lumaban?” tanong ni Daisy, ang matalik niyang kaibigan, habang tinititigan siya na may halong pag-aalala at excitement. Ramdam niya ang tension sa paligid. Alam niyang hindi basta-basta titiisin ni Casey ang ganitong pambabastos. Hindi sumagot si Casey. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagbabasa ng post na nag-viral sa Blue App, pinagmamasdan ang mga salitang unti-unting sumisira sa kanyang pangalan. 【Siguro naman alam na ng lahat ang nangyari sa birthday party ni Mr. Romualdez. Dumating si Casey Andrada kasama si Lincoln Ybañez, at doon mismo sa harap ng maraming tao, sinabi niyang gusto niyang