Inaasahan na ng lalake na mag iimbita si Daisy ng sikat at magaling na racer upang tapatan siya. Ngunit hindi niya inaakala na si Casey ang darating. Iniisip niya kung seryoso ba talaga si Daisy dito. Napaangat ang isang kilay ni Daisy at napairap ito sa kawalan nang marinig ang kayabangan ng lalake. “Huwag mo ngang minamaliit to si Casey! Baka nga mas magaling pa sayo to e! Tignan natin kung saan ka pupulitin pagkatapos nito!” singhal ni Daisy sa lalake na bahagyang natawa. “Ako ang huwag mong maliitin, Daisy. Bakit hindi ka nalang mag commute pauwi tutal hindi mo naman madadala yang sasakyan mo. Nag dala kapa talaga ng babae rito,” sagot ng lalake. Tumaas ang kilay ni Casey sa kaniyang narinig. Napakayabang ng lalakeng ito. Lahat ng kayang gawin ng lalake ay kaya na rin ng mga babae kaya bakit ganito siya mag salita? Totoo nga na maingay talaga ang lata kapag walang laman. Bahagyang namang nanliit ang mga mata ni Casey habang sinusuri ang lalakeng naka tingin din sa kan
Nang matalo sa racing ay hindi pa rin nagbabago ang timpla ng mukha ni Diego. Namumula pa rin siya sa inis at pagkahiya. Hindi rin siya makatingin sa mga tao matapos masaksihan ng mga ito ang pagkatalo niya. Pagkatalo niya sa babae. Tinapunan niya ng masamang tingin si Daisy na nakataas ang kilay habang naka tingin din sa kaniya, “Pera lang ba ang pinuputok ng butchi mo dyan? Marami ako nyan!” Naiinis na natawa naman si Daisy, “E hindi ka nga maka bayad! Babaliktarin mo pa ako at kukunin ang sasakyan e ikaw itong may utang! At saka, sige, ipakita mo sa akin ang mga pera na yan at mag bayad ka na!” “Tsk! Ang pangit mo!” sigaw ni Diego at tumalikod na para umalis. Napaawang ang bibig ni Daisy at dahan-dahang lumingon kay Casey habang tinuturo ang kaniyang sarili, “Nahihibang na ba siya? Ako pa talaga ang pangit? Hindi naman ako salamin!” Natawa na lamang si Casey. Ang kulit talaga ng kaibigan niya kaya kapag kasama niya ito ay parang hindi niya muna kailangang isipin ang probl
Nang gabing yon ay puno ng city lights ang paligid at sumasabay ito sa ganda ng langit tuwing gabi. Ang ganitong simpleng detalye ng tanawin tuwing gabi ay hindi na napapansin ni Casey sa sobrang dami niyang iniisip. Ngayong gabi ay na appreciate niya ang lahat ng ito. Kahit kalagitnaan na ng gabi ay hindi pa rin papahuli ang traffic sa daan na nagiging simbolo sa magulo, masaya, at busy na buhay tuwing gabi sa labas. Pagkatapos ng halos thirty minutes ay naka hanap na rin sina Daisy ng resto bar na perfect para mapag tambayan nila ngayong gabi. Nang makapag park na ay agad lumingon si Daisy kay Casey na may nakakalokong ngiti, “This is it! Let’s enjoy tonight, bff!” Malawak ang ngiti ni Casey at sumabay na kay Daisy papasok sa resto bar. Habang naglalakad ay kumakapit naman si Daisy sa braso ni Casey at nag punta sila sa isang empty table na pina reserve ni Daisy kanina habang nag d-drive pa dahil sa sobrang daming tao ngayong gabi ay baka maubusan sila ng mesa. Nang
Dylan Almendras, Diego Juarez, at Angelo Herodias— ang magkakaibigang ito ay parang magkakapatid na, hindi man sa dugo ngunit sa matibay naman na pagsasama nila. Noong college days ay hindi na talaga mapaghiwalay ang tatlo at palaging magkasama kahit saan. Ang karamihan ay tinatawag silang “Unbreakable Trio”. Balanse ang pagiging magkaibigan ng tatlo dahil na rin sa kakaiba nilang ugali at personalidad.Kung si Diego ay magulo, mainit ang ulo, mabilis magalit, at maikli ang pasensya, kabaliktaran naman si Angelo— composed, palaging kalmado, minsan mo lang makikita na naka kunot ang kaniyang noo, ang ibang tao ay inaantay rin siya magalit o mainis upang makita kung ano ang itsura nito, akala nga ng iba ang hindi ito marunong magalit o kung marunong man ay siguro nakakatakot daw ito. Minsan wala siyang ekspresyon kapag nakikipag usap, minsan naman ay naka ngiti siya hanggang mata.Sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba ay sobrang namang nagmamalasakit ang tatlo sa isa’t-isa at sa pamily
Agad nabuhayan ang loob ni Casey at biglang nag iba ang kaniyang mood nang nasa dance floor na siya kasama ang mga kaibigan. Nakikisabay ang kaniyang katawan sa ritmo ng musika. Tama lang pala ang kaniyang desisyon na hindi mag pony tail dahil nakikisayaw rin kaniyang buhok habang patuloy na kumekembot ang kaniyang balakang. Ramdam niya ang sobrang saya nang nakikipag sayawan rin sa kaniya ang ibang mga babae na nasa paligid niya kahit hindi nila kilala ang isa’t-isa. Umaagos na mula sa kaniyang noo ang pawis pababa sa kaniyang leeg at dibdib ngunit patuloy pa rin siya sa pag sayaw at mas lalo pa siyang ginaganahan. Kasabay nito ay ang mga usok mula sa iba’t-ibang bahagi ng bar na umiikot sa kabuuan ng lugar.Ngayon na lamang siya nakaramdam ulit ng ganitong saya. Tila sasabog ang kaniyang puso dahil lahat ng mga bumabagabag sa kaniyang isip ay pansamantalang nawala. Si Dylan, ang divorce, at ang kaniyang trabaho kasama si Lincoln.Ngayong gabi ang mahalaga lamang sa kaniya ay mag en
Walang habas na binuksan ni Jade ang pintuan ng opisina dahilan upang mapaigtad si Casey mula sa kinauupuan nito. Nilingon ni Casey si Jade at napansing humahangos ito habang nakatukod ang kaniyang dalawang palad sa parehong mga tuhod. Magsasalita na sana si Casey upang tanungin siya ngunit kaagad siyang pinutol ni Jade. “Nabalitaan mo naba?” tanong ni Jade habang nakahawak sa kaniyang dibdib at pilit na pinapakalma ang sarili. Biglang kumunot ang noo ni Casey nang mapagtantong malaki at biglaan ang balitang tinutukoy ni Jade kaya nagsimulang kumabog nang mabilis ang puso niya. “Nagising naba siya?” halos hindi marinig ang boses ni Casey habang tinatanong ‘yon. Tumango nang dahan-dahan si Jade dahilan upang mapahalukipkip si Casey sa upuan. Kumurap siya nang ilang beses at kinagat ang pang ibabang labi nito na sa sobrang diin ay muntikan na itong masugatan. “Pero malay mo naman ‘diba? Baka nag bago na ang isip ni Dylan bago pa man nagising si Suzane,” ani Jade na malabon
Hindi mapakali si Casey na kanina pa patingin-tingin sa kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa niya. Dalawang araw na ang lumipas at wala paring email na pinapasa sa kaniya si Ingrid. Nagdududa na siya at baka desidido rin talaga ito na huwag ipahawak sa kaniya ang kaso. Naging interesado si Casey sa kaso dahil bukod sa divorce case ito, nabanggit din ni Ingrid na may dalawang malaking tao ang involve rito. Ganitong mga kaso ang gusto ni Casey, ‘yong pagpapawisan siya. Biglang tumunog ang cellphone ni Casey dahilan upang mapabalikwas siya sa pagkakaupo. Inabot niya ‘yon at umaasa na pangalan ni Ingrid ang bubungad sa kaniya. Ngunit hindi email ni Ingrid ang natanggap niya kundi ang text nito. “Sa coffee shop mo nalang kunin ang mga detalye na hinahanap mo. Parang masarap mag kape ngayon, lalo na kapag libre.” Napatampal sa noo si Casey at wala ng nagawa kundi mag ayos para tumungo sa coffee shop. Nang makarating si Casey sa coffee shop ay bumungad agad sa kaniya ang ta
Walang kahit na sino ang pumagitna sa nag iinit na tensyon mula kina Casey at Dylan. Nanatiling nakatayo si Casey habang kumakabog nang malakas ang puso niya na tila ba ay pwede na itong marinig ng lalakeng nasa harapan niya. Hindi niya inaalis ang kaniyang mga mata kay Dylan na puno ng iritasyon at galit ang mukha at mga mata nito. Ilang sandali pa ay natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili na tila gusto pa ulit magsalita ngunit ‘di na magawa.Kasabay ng ihip ng hangin mula sa labas ay ang biglaang pag tanaw ni Casey sa mga alalaang meron sila ni Dylan noon. Hindi naman puro sakitan ang buong tatlong taon nilang pagsasama. Nagkakaroon din ng pagkakataon na sabay silang tumatawa sa biro ng isa’t-isa, may panahon din na pareho silang nangarap, ngunit sa kabila ng lahat ng ‘yon, nauwi parin sila sa sitwasyon na kamumuhian nila ang isa’t-isa. Sino nga ba ang mag aakala?Naramdaman niya ang paghawak ni Ingrid sa kaniyang braso bago ito magsalita, “Huwag kang papatalo sa mga ‘yan. Hu
Agad nabuhayan ang loob ni Casey at biglang nag iba ang kaniyang mood nang nasa dance floor na siya kasama ang mga kaibigan. Nakikisabay ang kaniyang katawan sa ritmo ng musika. Tama lang pala ang kaniyang desisyon na hindi mag pony tail dahil nakikisayaw rin kaniyang buhok habang patuloy na kumekembot ang kaniyang balakang. Ramdam niya ang sobrang saya nang nakikipag sayawan rin sa kaniya ang ibang mga babae na nasa paligid niya kahit hindi nila kilala ang isa’t-isa. Umaagos na mula sa kaniyang noo ang pawis pababa sa kaniyang leeg at dibdib ngunit patuloy pa rin siya sa pag sayaw at mas lalo pa siyang ginaganahan. Kasabay nito ay ang mga usok mula sa iba’t-ibang bahagi ng bar na umiikot sa kabuuan ng lugar.Ngayon na lamang siya nakaramdam ulit ng ganitong saya. Tila sasabog ang kaniyang puso dahil lahat ng mga bumabagabag sa kaniyang isip ay pansamantalang nawala. Si Dylan, ang divorce, at ang kaniyang trabaho kasama si Lincoln.Ngayong gabi ang mahalaga lamang sa kaniya ay mag en
Dylan Almendras, Diego Juarez, at Angelo Herodias— ang magkakaibigang ito ay parang magkakapatid na, hindi man sa dugo ngunit sa matibay naman na pagsasama nila. Noong college days ay hindi na talaga mapaghiwalay ang tatlo at palaging magkasama kahit saan. Ang karamihan ay tinatawag silang “Unbreakable Trio”. Balanse ang pagiging magkaibigan ng tatlo dahil na rin sa kakaiba nilang ugali at personalidad.Kung si Diego ay magulo, mainit ang ulo, mabilis magalit, at maikli ang pasensya, kabaliktaran naman si Angelo— composed, palaging kalmado, minsan mo lang makikita na naka kunot ang kaniyang noo, ang ibang tao ay inaantay rin siya magalit o mainis upang makita kung ano ang itsura nito, akala nga ng iba ang hindi ito marunong magalit o kung marunong man ay siguro nakakatakot daw ito. Minsan wala siyang ekspresyon kapag nakikipag usap, minsan naman ay naka ngiti siya hanggang mata.Sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba ay sobrang namang nagmamalasakit ang tatlo sa isa’t-isa at sa pamily
Nang gabing yon ay puno ng city lights ang paligid at sumasabay ito sa ganda ng langit tuwing gabi. Ang ganitong simpleng detalye ng tanawin tuwing gabi ay hindi na napapansin ni Casey sa sobrang dami niyang iniisip. Ngayong gabi ay na appreciate niya ang lahat ng ito. Kahit kalagitnaan na ng gabi ay hindi pa rin papahuli ang traffic sa daan na nagiging simbolo sa magulo, masaya, at busy na buhay tuwing gabi sa labas. Pagkatapos ng halos thirty minutes ay naka hanap na rin sina Daisy ng resto bar na perfect para mapag tambayan nila ngayong gabi. Nang makapag park na ay agad lumingon si Daisy kay Casey na may nakakalokong ngiti, “This is it! Let’s enjoy tonight, bff!” Malawak ang ngiti ni Casey at sumabay na kay Daisy papasok sa resto bar. Habang naglalakad ay kumakapit naman si Daisy sa braso ni Casey at nag punta sila sa isang empty table na pina reserve ni Daisy kanina habang nag d-drive pa dahil sa sobrang daming tao ngayong gabi ay baka maubusan sila ng mesa. Nang
Nang matalo sa racing ay hindi pa rin nagbabago ang timpla ng mukha ni Diego. Namumula pa rin siya sa inis at pagkahiya. Hindi rin siya makatingin sa mga tao matapos masaksihan ng mga ito ang pagkatalo niya. Pagkatalo niya sa babae. Tinapunan niya ng masamang tingin si Daisy na nakataas ang kilay habang naka tingin din sa kaniya, “Pera lang ba ang pinuputok ng butchi mo dyan? Marami ako nyan!” Naiinis na natawa naman si Daisy, “E hindi ka nga maka bayad! Babaliktarin mo pa ako at kukunin ang sasakyan e ikaw itong may utang! At saka, sige, ipakita mo sa akin ang mga pera na yan at mag bayad ka na!” “Tsk! Ang pangit mo!” sigaw ni Diego at tumalikod na para umalis. Napaawang ang bibig ni Daisy at dahan-dahang lumingon kay Casey habang tinuturo ang kaniyang sarili, “Nahihibang na ba siya? Ako pa talaga ang pangit? Hindi naman ako salamin!” Natawa na lamang si Casey. Ang kulit talaga ng kaibigan niya kaya kapag kasama niya ito ay parang hindi niya muna kailangang isipin ang probl
Inaasahan na ng lalake na mag iimbita si Daisy ng sikat at magaling na racer upang tapatan siya. Ngunit hindi niya inaakala na si Casey ang darating. Iniisip niya kung seryoso ba talaga si Daisy dito. Napaangat ang isang kilay ni Daisy at napairap ito sa kawalan nang marinig ang kayabangan ng lalake. “Huwag mo ngang minamaliit to si Casey! Baka nga mas magaling pa sayo to e! Tignan natin kung saan ka pupulitin pagkatapos nito!” singhal ni Daisy sa lalake na bahagyang natawa. “Ako ang huwag mong maliitin, Daisy. Bakit hindi ka nalang mag commute pauwi tutal hindi mo naman madadala yang sasakyan mo. Nag dala kapa talaga ng babae rito,” sagot ng lalake. Tumaas ang kilay ni Casey sa kaniyang narinig. Napakayabang ng lalakeng ito. Lahat ng kayang gawin ng lalake ay kaya na rin ng mga babae kaya bakit ganito siya mag salita? Totoo nga na maingay talaga ang lata kapag walang laman. Bahagyang namang nanliit ang mga mata ni Casey habang sinusuri ang lalakeng naka tingin din sa kan
“Sorry, the number you have dialed is unattended—“ Naiinis na binagsak ni Lola Isabel ang kaniyang cellphone sa bedside table matapos ang ilang beses niyang pag contact sa apo ngunit hindi pa rin sinasagot ang tawag niya. Ilang minuto pa ay naka rinig siya ng boses galing sa labas ng silid. Unti-unti siyang lumapit sa kabilang bahagi ng silid at pinakinggan ang boses na nanggagaling mula sa labas. May kausap si Lolo Joaquin sa kaniyang cellphone.“Ano na ang balita? Naasikaso mo na ba ang divorce certificate?” kalmado at maingat na tanong ni Lolo Joaquin sa kausap.Agad namang nag bago ang timpla ng mukha ni Lola Isabel. Biglang nag salubong ang kaniyang dalawang kilay habang mas diniin pa ang sarili sa pader at nag patuloy sa pakikinig.“Ang sama talaga ng ugali!” madiing bulong ni Lola Isabel sa kaniyang sarili.Iniisip niya kung paano nakakaya ni Lolo Joaquin na mawala nang tuluyan si Casey sa mga buhay nila. At parang pati ito ay nag mamadali na rin na mag divorce ang kaniyang
Bumuntong hininga si Casey at muling nagsalita, “La, alam niyo naman ho na hindi talaga ako mahal ng apo niyo. Kapag pinag patuloy pa namin ito ay mahihirapan lang kami. Mas lalo niya lamang akong itutulak palayo kapag nag tagal pa ito. Kaya mas makakabuti na rin para sa amin dalawa na pakawalan ko na siya… at pakawalan ko na rin ang sarili ko sa pagsasama naming dalawa.” Naramdaman ng kaniyang puso ang bigat ng mga salitang binitawan niya. Unti-unti na naman bumabalik sa kaniya ang katotohanang darating siya sa panahong hindi na siya ang kinikilalang asawa ni Dylan. Ang kaninang dismayadong mukha ni Lola Isabel ay agad napalitan ng lungkot. Tila nasasaktan din siya sa mga nangyayari ngayon. Nadudurog ang kaniyang puso para kay Casey. Iniisip niya kung paano nagagawa ng apo niya na sayangin ang ganitong klase ng babae? Kung tutuiisin ay ma swerte na siya rito. Parang nababasag ang puso ni Lola Isabel sa sitwasyon. Ngunit kahit man na gustuhin niyang pigilan ang dalawa ay al
Natawa lamang si Lincoln at nagsalita, “Chill. Wala naman akong sinasabi,” aniya at inapakan ang brake at nag hahandang lumiko sa kaliwang bahagi ng highway. Saglit niyang sinulyapan si Dylan na katulad niya ay nag aantay pa rin sa red light. Nang mag simula ng gumalaw ang mga sasakyan sa kanilang harapan ay agad na siyang lumiko sa kaliwa. Sa buong biyahe ay nanatili lamang natahimik si Casey. Hindi siya interesadong makipag usap kay Lincoln at baka mapunta na naman ang usapan kay Dylan. Gusto niya na lamang umuwi at makapag pahinga. Pakiramdam niya ay masyadong mahaba ang gabing ito para sa kaniya katulad na kung gaano kaliit ang mundo para sa kanilang dalawa ni Dylan.Palagi na lamang silang nag tatagpo. Talaga bang sinusubok siya ng tadhana at pinaglalaruan siya ng panahon?Hindi siya natutuwa dito.Ilang beses ding nag tatangka si Lincoln na basagin ang katahimikan at maya maya ay kinakausap si Casey ngunit ang mga sagot niya ay kasing ikli rin ng pasensya niya ngayong gabi. Ay
Biglang naman kumislap ang mga mata ni Suzane na parang yon lamang ang hinihintay niyang assurance mula kay Dylan buong gabi. Hindi na siya nakipag talo pa at agad na kumapit sa leeg ni Dylan nang buhatin siya nito at nagsimula nang mag lakad paalis. “Dy, hindi naman big deal yong pag bagsak ko. Kapag binaba mo ako rito makikita mo na kaya kong mag lakad nang maayos,” aniya habang naglalakad sila patungo sa kotse.Hindi na sumagot si Dylan at mas hinigpitan na lamang ang kaniyang hawak kay Suzane. Ang kaniyang ekspresyon ay may pinaghalong takot at pag-aalala na tila hindi niya manlang napansin sina Casey at Lincoln na nakatayo ilang metro lamang ang layo mula sa kanila. Hindi maiwan ni Casey na mapanood ang eksena dahil dumaan ito mismo sa harapan nila. Ngayon, sigurado na siyang si Suzane nga ang nilalaman ng puso ni Dylan. Ngunit hindi manlang siya nakaramdam ng kirot sa katotohanang yon. Sa pagkakataong yon ay napagtanto niyang nakapag move on na nga siya. Noong mga unang buwa