Nang gabing yon ay puno ng city lights ang paligid at sumasabay ito sa ganda ng langit tuwing gabi. Ang ganitong simpleng detalye ng tanawin tuwing gabi ay hindi na napapansin ni Casey sa sobrang dami niyang iniisip. Ngayong gabi ay na appreciate niya ang lahat ng ito. Kahit kalagitnaan na ng gabi ay hindi pa rin papahuli ang traffic sa daan na nagiging simbolo sa magulo, masaya, at busy na buhay tuwing gabi sa labas. Pagkatapos ng halos thirty minutes ay naka hanap na rin sina Daisy ng resto bar na perfect para mapag tambayan nila ngayong gabi. Nang makapag park na ay agad lumingon si Daisy kay Casey na may nakakalokong ngiti, “This is it! Let’s enjoy tonight, bff!” Malawak ang ngiti ni Casey at sumabay na kay Daisy papasok sa resto bar. Habang naglalakad ay kumakapit naman si Daisy sa braso ni Casey at nag punta sila sa isang empty table na pina reserve ni Daisy kanina habang nag d-drive pa dahil sa sobrang daming tao ngayong gabi ay baka maubusan sila ng mesa. Nang
Dylan Almendras, Diego Juarez, at Angelo Herodias— ang magkakaibigang ito ay parang magkakapatid na, hindi man sa dugo ngunit sa matibay naman na pagsasama nila. Noong college days ay hindi na talaga mapaghiwalay ang tatlo at palaging magkasama kahit saan. Ang karamihan ay tinatawag silang “Unbreakable Trio”. Balanse ang pagiging magkaibigan ng tatlo dahil na rin sa kakaiba nilang ugali at personalidad.Kung si Diego ay magulo, mainit ang ulo, mabilis magalit, at maikli ang pasensya, kabaliktaran naman si Angelo— composed, palaging kalmado, minsan mo lang makikita na naka kunot ang kaniyang noo, ang ibang tao ay inaantay rin siya magalit o mainis upang makita kung ano ang itsura nito, akala nga ng iba ang hindi ito marunong magalit o kung marunong man ay siguro nakakatakot daw ito. Minsan wala siyang ekspresyon kapag nakikipag usap, minsan naman ay naka ngiti siya hanggang mata.Sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba ay sobrang namang nagmamalasakit ang tatlo sa isa’t-isa at sa pamily
Agad nabuhayan ang loob ni Casey at biglang nag iba ang kaniyang mood nang nasa dance floor na siya kasama ang mga kaibigan. Nakikisabay ang kaniyang katawan sa ritmo ng musika. Tama lang pala ang kaniyang desisyon na hindi mag pony tail dahil nakikisayaw rin kaniyang buhok habang patuloy na kumekembot ang kaniyang balakang. Ramdam niya ang sobrang saya nang nakikipag sayawan rin sa kaniya ang ibang mga babae na nasa paligid niya kahit hindi nila kilala ang isa’t-isa. Umaagos na mula sa kaniyang noo ang pawis pababa sa kaniyang leeg at dibdib ngunit patuloy pa rin siya sa pag sayaw at mas lalo pa siyang ginaganahan. Kasabay nito ay ang mga usok mula sa iba’t-ibang bahagi ng bar na umiikot sa kabuuan ng lugar.Ngayon na lamang siya nakaramdam ulit ng ganitong saya. Tila sasabog ang kaniyang puso dahil lahat ng mga bumabagabag sa kaniyang isip ay pansamantalang nawala. Si Dylan, ang divorce, at ang kaniyang trabaho kasama si Lincoln.Ngayong gabi ang mahalaga lamang sa kaniya ay mag en
Sandaling napatitig lamang si Casey kay Dylan dahil hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig. Nalilito siya sa kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng lalakeng ito. Dati ay halos ipagtabuyan siya nito, minamadaling maka pirma siya sa divorce paper, at halos ayaw na siyang makita. Pero ito si Dylan ngayon, umaakto na parang nakalimot na sa lahat ng kaniyang ginawa. At kung bakuran siya ay parang pag mamay-ari pa rin siya nito. “You’re unbelievable, Dylan,” saad ni Casey at napakagat sa kaniyang ibabang labi habang nag iisip, “Hindi ko malaman kung ano ba talaga ang gusto mo. Natutuwa ka ba sa mga pinag gagagawa mo, ha?” Alam kaya ni Suzane na andito ang boyfriend niya at nakikipagtalo kay Casey nang dahil sa ibang lalake? Alam niya kaya na binabakuran siya nito dahil sa kadahilanang kasal pa raw sila sa papel? Ang galing talaga magpaikot ni Dylan ng mga babae. Hindi niya akalain na isa rin siya sa mga pinaikot nito ng ilang taon. “Just don’t do anything stupid again.
Noong gabi din na yon ay nasa malalim na pag-iisip si Lola Isabel kung sino ang lalake na ipapakilala niya kay Casey. Maingat na sinusuri niya sa kaniyang cellphone ang mga potential manliligaw nito na nahanap niya sa online. Lahat ng mga lalakeng ito ay galing sa malaki, mayaman, at sikat na mga pamilya. She want what’s best for Casey. Nasa kalagitnaan siya ng pag s-scroll sa kaniyang cellphone nang may biglang lumitaw na notification sa taas ng kaniyang screen. Sa halip na i-swipe ito paalis ay napindot niya naman ito, dahilan upang mapunta siya sa isang link. Ganon nalang ang gulat niya nang makita ang isang balita. Para siyang na-estatwa sa kaniyang kinauupuan at halos mawalan siya ng hangin sa kaniyang dibdib. [LOOK] Mrs. Cassandra Almendras was spotted entering the car of Mr. Lincoln Ybañez on a Friday night, raising eyebrows and sparking speculation. What could this unexpected encounter mean for the relationship between the CEO of the Ybañez Group and the wife of the
Napabuntong hininga naman si Lola Isabel. Nag-aalala siya para kay Casey ngunit malaki ang tiwala nito sa kaniya na hindi niya ipapahamak ang kaniyang sarili. Bukas na ang mga mata ni Casey at alam na nito ang mga bagay na deserve ng lakas at atensyon niya. Matapos ang halos trents minuto na pag uusap nilang dalawa sa cellphone ay nag paalam na rin si Lola Isabel kay Casey upang mag pahinga. Buong gabi ay nag s-scroll lamang si Casey sa kaniyang social media at sunod-sunod na lumalabas sa kaniyang feed ang sariwang balita tungkol sa kanila ni Lincoln. Kung kanina ay nais niya ng matulog dala ng pagod sa pag sasaya sa bar, ngayon ay halos hindi na siya antukin dahil sa issue na kumakalat. Hindi naman talaga siya sikat at walang pakialam ang mga tao sa kaniya. Noon. Pero noong kinasal siya kay Dylan ay pati kilos niya ay limitado na rin dahil sa mga mata na laging naka tingin sa kanila, nag aabang na magkamali sila upang mapag-usapan ito sa buong mundo. Kapag lumalabas sila ay
Inalis ni Casey ang pagkakalock ng pintuan at tahimik na muling sinilip si Dylan mula sa peephole. Nakayuko ang ulo nito at tahimik na tila may iniisip. Agad namang umatras si Casey at muling sumandal sa pinto. Ilang segundo pa ang nakakalipas ay bigla siyang napatalon at napatili sa gulat nang bigla na namang kinalabog ni Dylan at pinto. Agad namang nag panic si Casey nang mapansin mabubuksan na ni Dylan ang pinto kakahampas niya rito dahil inalis ni Casey ang lock kanina. Nanginginig ang kaniyang kamay na ibalik ang lock ngunit huli na dahil buong pwersa na nabuksan ito ni Dylan, dahilan upang mapaatras si Casey nang ilang hakbang habang nag lalakad ng matulin si Dylan papasok sa mansyon. Halos malaglag na ang puso ni Casey sa sobrang lakas ng kabog nito habang mariin at seryosong naka tingin sa kaniya si Dylan. Kung pwede nga lang na lamunin siya nito ngayon din. Parang natutunaw na siya sa kaniyang kinatatayuan. “Masyado ng matigas ang ulo mo, Casey. Masyado mo ng inuubos
Habang nasa biyahe ay tahimik lamang si Casey at nag iisip ng mga posibleng paraan kung paano siya makakatakas kay Dylan mamaya. Sobrang nagsisisi siya sa mga kilos niya kanina kaya ito ngayon ay natuluyan na siyang nakidnap ng lalake. Napatitig nang mariin si Casey sa bintana at agad naman itong napansin ni Dylan dahilan upang mapailing ang lalake. “Huwag kana mag tangkang basagin yan. Mauuna pang dumugo ang kamay mo kesa mabasag mo yan,” seryosong saad nito. Natawa si Casey, “Mas gugustuhin ko pang tumalon sa sasakyan na to at mamatay nalang kesa makasama ka pa sa mga susunod na oras. Pwede ba, ibalik mo na ako sa amin? Tigil-tigilan mo na itong kahibangan mo,” sagot naman ni Casey. “Shut up.” Napairap si Casey at palihim na ginaya ang sinabi ni Dylan. Matapos ang halos dalawang oras ay nakarating na rin sila sa La Union. Tinignan ni Casey ang oras sa sasakyan at nakitang alas mag aalas singko na ng madaling araw. Hindi niya manlang naisipan na umidlip buong biyahe dahi
Patuloy na lumipas ang oras, bawat sandali ay dumudugtong sa susunod habang abala sina Casey at ang kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang gawain. Sa kabila nito, patuloy ang kanilang komunikasyon sa kanilang apat na taong group chat.—Daisy: [Nahanap ko na si Leon Hernandez! Kinausap ko siya sandali at sinabi ko ang lahat. Mukhang natuwa siya at gusto niyang makipagkita kay Steph sa pamamagitan ko!]—Stephanie: [Salamat! May progress na rin ako sa pamilya ko. Tuwang-tuwa ang tatay ko nang marinig niyang bukas na ako sa kasal, kaya naging mas maalaga siya sa akin. Maging ang nanay ko, malaki ang ipinagbago ng ugali. Sana lang totoo ang pakikitungo nila sa akin…]—Daisy: [Huwag kang masyadong malungkot! Minsan, kailangan nating gawin ang mga bagay na labag sa loob natin. Sigurado akong may dahilan din ang mga magulang mo. Pero ang mahalaga, iniisip mo rin ang sarili mo! Lahat tayo, patungo sa mas magandang direksyon, ‘di ba?]—Stephanie: [Oo nga, naiintindihan ko.]—Casey: [Nakilala ko
Nakaupo si Suzanne sa sofa, masayang humuhuni habang nagbabasa sa kanyang cellphone. Halatang maganda ang kanyang mood.Napansin ito ng kanyang ina, si Regina, kaya lumapit siya at naupo sa tabi ng anak. “Mukhang ang saya-saya mo ngayon. May magandang nangyari?” tanong niya na may halong pagtataka.“Siyempre, Mom! Nakahanap ako ng perpektong regalo para sa lola ni Dylan!” sagot ni Suzanne, kumikislap ang mga mata sa tuwa.Tumaas ang kilay ni Regina, bahagyang napailing. “Tingnan mo nga ‘tong anak ko, sobrang saya lang dahil sa isang regalo.”Napangiti si Suzanne, may bahagyang kapilyahan sa kanyang ekspresyon. “Hindi lang naman dahil sa regalo ‘to, Mom!”“Oh?” Naging mas interesado si Regina at lumapit pa nang bahagya.Ipinakita ni Suzanne sa kanyang ina ang litrato ng regalong napili niya sa kanyang cellphone. “Ano sa tingin mo?”Napanganga si Regina sa ganda ng nakita niya. “Wow, ang ganda! Napaka-elegante! Alam ko na mahilig sa jade ang lola ni Dylan.”Napangiti nang malapad si Suz
Ngumiti si Casey nang bahagya at iniabot kay Grace ang isang stack ng mga litrato nang hindi nagsasalita.Kumunot ang noo ni Grace habang kinukuha ang mga larawan, at sa sandaling makita niya ang nilalaman nito, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Mabilis niyang binaliktad ang ilang pahina, ngunit nang makita ang ilan pang larawan, hindi na niya nakayanan. Ibinagsak niya ang mga ito sa mesa, bakas sa mukha ang inis at pagkagulat.“Hindi ibig sabihin nito na totoo na ang lahat!” mariing sabi niya, halatang hindi makapaniwala.Tumango si Casey, tila hindi naapektuhan sa naging reaksyon ni Grace. “Kung nag-aalinlangan ka, bakit hindi mo ako samahan mamaya? Matutulungan kitang alamin ang totoo.”Lalong dumilim ang mukha ni Grace sa suhestiyon at agad niyang iniling ang ulo bilang pagtanggi.Nagpatuloy si Casey sa mahinahong tono, “Napansin mo na ba ang mga nagte-trending sa social media? Ang pamilya Hernandez at ang pamilya Gorneo ay nagpaplanong magkaisa sa pamamagitan ng kasal, pero
Tumango si Casey nang may kumpiyansa at mabilis na nagbigay ng mga gawain sa kanilang tatlo. Biglang lumiwanag ang mukha ni Stephanie, sabik na sumigaw, “Okay! Uuwi na ako! Kailangan kong humingi ng tawad sa mga magulang ko!”Napangiti si Daisy, halatang excited. “Kung gano’n, pupuntahan ko na agad si Bryan!”Ngumiti rin si Casey, puno ng tiwala. “Sige, pupuntahan ko naman ang babaeng ‘yon.”Ibinaba ni Stephanie ang steamed buns na hawak niya at tumayo, nagmamadaling umalis. Pero mabilis siyang hinawakan ni Daisy sa braso. “Ano ba? Ang bilis mo namang umalis! Kumain muna tayo ng almusal!”Sumang-ayon si Casey na may banayad na ngiti. “Hindi maganda sa kalusugan ang hindi kumain ng maayos. Kailangan mong magpalakas.”Napabuntong-hininga si Stephanie pero naupo rin siya muli at mabilis na tinapos ang pagkain niya. Pagkatapos, pinunasan niya ang kanyang bibig, kinuha ang bag, at buong siglang sinabi, “Aalis na ako! Kung hindi ako magmamadali, baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon sa ba
Napangisi si Stephanie, may halong pait ang kanyang ngiti. “Ano pang silbi ng pagsisimula ng laban kung kahit anong gawin ko, sila pa rin ang may kontrol? Parang magic trick lang ang mga magulang ko—hindi ko alam kung paano nila nagagawang pilitin akong magpakasal. Alam nilang ayaw ko, pero patuloy pa rin sila sa panlilinlang na ‘to.”Biglang bumuhos ang emosyon niya, hinablot niya ang tissue mula sa kamay ni Daisy habang patuloy ang pag-agos ng kanyang luha. “Ang tagal ko nang wala sa bahay, pero ni isang tawag, wala silang ginawa para kamustahin ako! Sa halip, mas pinili nilang i-announce ang lahat sa social media. Sa tingin ba nila, wala akong pakialam kung bigla akong mawala?”“Huwag mong sabihin ‘yan,” mahinahong sabi ni Casey habang mahigpit niyang hinawakan ang nanginginig na kamay ni Stephanie. “Ang kasal mo sa pamilya Hernandez ay hindi magandang desisyon. Handa ang ama mo na isakripisyo ang kaligayahan mo para lang sa koneksyon nila.”Huminga nang malalim si Stephanie, ramda
Patuloy na pinagmamasdan ni Yuan si Casey, na nakaupo sa tabi niya. Napansin niya kung paano bahagyang kumunot ang noo nito bago ito bumuntong-hininga at marahang nagsabi, “Pasensya na.”Si Daisy, na laging mahilig sa drama, ay agad na sumingit na may kunwaring kayabangan, “Hindi sapat ang simpleng sorry lang! Kailangan mong bumawi sa amin ng may kasamang aksyon!”Sumang-ayon naman agad si Stephanie, na tila biglang bumalik sa reyalidad. “Tama! Ang paghingi ng tawad na walang kasamang kilos ay walang halaga.”Nagkunwaring walang magawa si Casey, ibinuka niya ang kanyang mga mata na tila inosente. “Ano ba ang gusto n’yong gawin ko? Wala naman akong maiaalok bilang kapalit.”“Sino may sabing wala?” sagot ni Daisy na may mapanuksong ngiti. “Simple lang! Simula ngayon, ikaw ang magpapakain sa amin tuwing hapunan!”Napatawa si Stephanie at umiling. “Seryoso ka? Gagawin mo siyang personal mong tagaluto? Kapal din ng mukha mo, ah!”Umismid si Casey, kunwaring naiinis. “Ayaw mo bang kumain? H
Hindi lubos na alam ni Daisy ang buong sitwasyon; ang tanging alam lang niya ay may malalim na damdamin si Yuan para kay Casey. Dahil sa kawalan niya ng kaalaman sa tunay na koneksyon nilang lahat, inisip niyang magiging magandang ideya kung bibigyan niya ng pagkakataon sina Casey at Yuan na magkasama.Kung nalaman lang niya ang buong katotohanan, malamang ay iba ang naging diskarte niya.May kapilyuhang tawa si Daisy nang sabihin niya, “Hindi naman siguro ganun kaseryoso. Kung pakakawalan mo si Casey, baka hindi mo na kailangang problemahin ang kumpetisyong ito!”Napangiti si Yuan, pero halata ang pait sa kanyang ngiti. “Sa totoo lang, alam kong maliit ang tsansa kong manalo ngayon. Narinig kong sina Lincoln at Dylan ay pursigidong ligawan si Wisteria. Kahit saan pa man mapunta ang bulaklak, pakiramdam ko wala akong laban sa kanila.”Ang gwapong mukha niyang laging puno ng kumpiyansa, ngayon ay may bahagyang lungkot at panghihinayang.Sumingit si Stephanie, may kislap ng panghihikaya
Habang natatapos sina Daisy at Casey sa paghahanda ng hapunan, dumating sina Stephanie at Yuan.Pagkapasok pa lang nila, bumungad ang nakakagutom na amoy ng anim na putaheng inihanda kasama ang isang mainit at mabangong sabaw. Halos maglaway sila sa sarap ng amoy pa lang.“Grabe! Ang bango! Paborito kong lasa ito!” bulalas ni Stephanie, kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata.Pagkatapos magpalit ng sapatos at maghugas ng kamay, agad siyang naupo sa mesa, pumikit, at huminga nang malalim. “Nag-away kami sa bahay at hindi ako nakakain. Pero mukhang suwerte pa rin ako ngayong gabi!” aniya, sabay ngiti nang may kasiyahan.Umupo si Daisy sa tabi niya, may bahagyang pag-aalala sa boses. “Ano na namang pinagtalunan niyo?”Tinanggal ni Casey ang kanyang apron at lumapit sa mesa, napansin niyang magkatabi sina Daisy at Stephanie. Naupo siya sa tapat ni Stephanie, habang si Yuan naman ay umupo sa tabi niya.Habang kinukuha ang chopsticks, ramdam pa rin ang inis sa boses ni Stephanie. “Gusto n
Napatawa si Daisy at sinabing, “Kasama ko si Casey ngayon. Nag-shopping kami kanina at napagdesisyunang mag-dinner nang magkasama. Ikaw, nasa labas ka rin ba?”“Oo, kararating ko lang. Nag-away kami ni Papa, nakakainis talaga,” sagot ni Stephanie, halatang naiinis.“Kung ganon, bakit hindi ka na lang pumunta sa bahay ni Casey? Nagluluto siya, at maniwala ka, sobrang sarap ng luto niya!” masiglang mungkahi ni Daisy.“Si Casey ang nagluluto?” tanong ni Stephanie, halatang nagulat.“Siyempre! Sige na, punta ka na! Ipapadala ko sa’yo ang address.” Agad na nag-log in si Daisy sa WeChat para ibigay ang lokasyon.Matapos ang ilang saglit na katahimikan, sumagot si Stephanie at ibinaba ang tawag.Nang maipadala na ang mensahe, saglit na nag-alinlangan si Daisy bago nagtanong, “Casey, since magkakasama na tayong tatlo, sa tingin mo ba dapat nating imbitahan si Yuan din?”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Casey, tila hindi sigurado.Napansin ni Daisy ang pag-aalinlangan ng kaibigan kaya mabil