Natawa lamang si Lincoln at nagsalita, “Chill. Wala naman akong sinasabi,” aniya at inapakan ang brake at nag hahandang lumiko sa kaliwang bahagi ng highway. Saglit niyang sinulyapan si Dylan na katulad niya ay nag aantay pa rin sa red light. Nang mag simula ng gumalaw ang mga sasakyan sa kanilang harapan ay agad na siyang lumiko sa kaliwa. Sa buong biyahe ay nanatili lamang natahimik si Casey. Hindi siya interesadong makipag usap kay Lincoln at baka mapunta na naman ang usapan kay Dylan. Gusto niya na lamang umuwi at makapag pahinga. Pakiramdam niya ay masyadong mahaba ang gabing ito para sa kaniya katulad na kung gaano kaliit ang mundo para sa kanilang dalawa ni Dylan.Palagi na lamang silang nag tatagpo. Talaga bang sinusubok siya ng tadhana at pinaglalaruan siya ng panahon?Hindi siya natutuwa dito.Ilang beses ding nag tatangka si Lincoln na basagin ang katahimikan at maya maya ay kinakausap si Casey ngunit ang mga sagot niya ay kasing ikli rin ng pasensya niya ngayong gabi. Ay
Bumuntong hininga si Casey at muling nagsalita, “La, alam niyo naman ho na hindi talaga ako mahal ng apo niyo. Kapag pinag patuloy pa namin ito ay mahihirapan lang kami. Mas lalo niya lamang akong itutulak palayo kapag nag tagal pa ito. Kaya mas makakabuti na rin para sa amin dalawa na pakawalan ko na siya… at pakawalan ko na rin ang sarili ko sa pagsasama naming dalawa.” Naramdaman ng kaniyang puso ang bigat ng mga salitang binitawan niya. Unti-unti na naman bumabalik sa kaniya ang katotohanang darating siya sa panahong hindi na siya ang kinikilalang asawa ni Dylan. Ang kaninang dismayadong mukha ni Lola Isabel ay agad napalitan ng lungkot. Tila nasasaktan din siya sa mga nangyayari ngayon. Nadudurog ang kaniyang puso para kay Casey. Iniisip niya kung paano nagagawa ng apo niya na sayangin ang ganitong klase ng babae? Kung tutuiisin ay ma swerte na siya rito. Parang nababasag ang puso ni Lola Isabel sa sitwasyon. Ngunit kahit man na gustuhin niyang pigilan ang dalawa ay al
“Sorry, the number you have dialed is unattended—“ Naiinis na binagsak ni Lola Isabel ang kaniyang cellphone sa bedside table matapos ang ilang beses niyang pag contact sa apo ngunit hindi pa rin sinasagot ang tawag niya. Ilang minuto pa ay naka rinig siya ng boses galing sa labas ng silid. Unti-unti siyang lumapit sa kabilang bahagi ng silid at pinakinggan ang boses na nanggagaling mula sa labas. May kausap si Lolo Joaquin sa kaniyang cellphone.“Ano na ang balita? Naasikaso mo na ba ang divorce certificate?” kalmado at maingat na tanong ni Lolo Joaquin sa kausap.Agad namang nag bago ang timpla ng mukha ni Lola Isabel. Biglang nag salubong ang kaniyang dalawang kilay habang mas diniin pa ang sarili sa pader at nag patuloy sa pakikinig.“Ang sama talaga ng ugali!” madiing bulong ni Lola Isabel sa kaniyang sarili.Iniisip niya kung paano nakakaya ni Lolo Joaquin na mawala nang tuluyan si Casey sa mga buhay nila. At parang pati ito ay nag mamadali na rin na mag divorce ang kaniyang
Inaasahan na ng lalake na mag iimbita si Daisy ng sikat at magaling na racer upang tapatan siya. Ngunit hindi niya inaakala na si Casey ang darating. Iniisip niya kung seryoso ba talaga si Daisy dito. Napaangat ang isang kilay ni Daisy at napairap ito sa kawalan nang marinig ang kayabangan ng lalake. “Huwag mo ngang minamaliit to si Casey! Baka nga mas magaling pa sayo to e! Tignan natin kung saan ka pupulitin pagkatapos nito!” singhal ni Daisy sa lalake na bahagyang natawa. “Ako ang huwag mong maliitin, Daisy. Bakit hindi ka nalang mag commute pauwi tutal hindi mo naman madadala yang sasakyan mo. Nag dala kapa talaga ng babae rito,” sagot ng lalake. Tumaas ang kilay ni Casey sa kaniyang narinig. Napakayabang ng lalakeng ito. Lahat ng kayang gawin ng lalake ay kaya na rin ng mga babae kaya bakit ganito siya mag salita? Totoo nga na maingay talaga ang lata kapag walang laman. Bahagyang namang nanliit ang mga mata ni Casey habang sinusuri ang lalakeng naka tingin din sa kani
Nang matalo sa racing ay hindi pa rin nagbabago ang timpla ng mukha ni Diego. Namumula pa rin siya sa inis at pagkahiya. Hindi rin siya makatingin sa mga tao matapos masaksihan ng mga ito ang pagkatalo niya. Pagkatalo niya sa babae. Tinapunan niya ng masamang tingin si Daisy na nakataas ang kilay habang naka tingin din sa kaniya, “Pera lang ba ang pinuputok ng butchi mo dyan? Marami ako nyan!” Naiinis na natawa naman si Daisy, “E hindi ka nga maka bayad! Babaliktarin mo pa ako at kukunin ang sasakyan e ikaw itong may utang! At saka, sige, ipakita mo sa akin ang mga pera na yan at mag bayad ka na!” “Tsk! Ang pangit mo!” sigaw ni Diego at tumalikod na para umalis. Napaawang ang bibig ni Daisy at dahan-dahang lumingon kay Casey habang tinuturo ang kaniyang sarili, “Nahihibang na ba siya? Ako pa talaga ang pangit? Hindi naman ako salamin!” Natawa na lamang si Casey. Ang kulit talaga ng kaibigan niya kaya kapag kasama niya ito ay parang hindi niya muna kailangang isipin ang probl
Nang gabing yon ay puno ng city lights ang paligid at sumasabay ito sa ganda ng langit tuwing gabi. Ang ganitong simpleng detalye ng tanawin tuwing gabi ay hindi na napapansin ni Casey sa sobrang dami niyang iniisip. Ngayong gabi ay na appreciate niya ang lahat ng ito. Kahit kalagitnaan na ng gabi ay hindi pa rin papahuli ang traffic sa daan na nagiging simbolo sa magulo, masaya, at busy na buhay tuwing gabi sa labas. Pagkatapos ng halos thirty minutes ay naka hanap na rin sina Daisy ng resto bar na perfect para mapag tambayan nila ngayong gabi. Nang makapag park na ay agad lumingon si Daisy kay Casey na may nakakalokong ngiti, “This is it! Let’s enjoy tonight, bff!” Malawak ang ngiti ni Casey at sumabay na kay Daisy papasok sa resto bar. Habang naglalakad ay kumakapit naman si Daisy sa braso ni Casey at nag punta sila sa isang empty table na pina reserve ni Daisy kanina habang nag d-drive pa dahil sa sobrang daming tao ngayong gabi ay baka maubusan sila ng mesa. Nang
Dylan Almendras, Diego Juarez, at Angelo Herodias— ang magkakaibigang ito ay parang magkakapatid na, hindi man sa dugo ngunit sa matibay naman na pagsasama nila. Noong college days ay hindi na talaga mapaghiwalay ang tatlo at palaging magkasama kahit saan. Ang karamihan ay tinatawag silang “Unbreakable Trio”. Balanse ang pagiging magkaibigan ng tatlo dahil na rin sa kakaiba nilang ugali at personalidad.Kung si Diego ay magulo, mainit ang ulo, mabilis magalit, at maikli ang pasensya, kabaliktaran naman si Angelo— composed, palaging kalmado, minsan mo lang makikita na naka kunot ang kaniyang noo, ang ibang tao ay inaantay rin siya magalit o mainis upang makita kung ano ang itsura nito, akala nga ng iba ang hindi ito marunong magalit o kung marunong man ay siguro nakakatakot daw ito. Minsan wala siyang ekspresyon kapag nakikipag usap, minsan naman ay naka ngiti siya hanggang mata.Sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba ay sobrang namang nagmamalasakit ang tatlo sa isa’t-isa at sa pamily
Agad nabuhayan ang loob ni Casey at biglang nag iba ang kaniyang mood nang nasa dance floor na siya kasama ang mga kaibigan. Nakikisabay ang kaniyang katawan sa ritmo ng musika. Tama lang pala ang kaniyang desisyon na hindi mag pony tail dahil nakikisayaw rin kaniyang buhok habang patuloy na kumekembot ang kaniyang balakang. Ramdam niya ang sobrang saya nang nakikipag sayawan rin sa kaniya ang ibang mga babae na nasa paligid niya kahit hindi nila kilala ang isa’t-isa. Umaagos na mula sa kaniyang noo ang pawis pababa sa kaniyang leeg at dibdib ngunit patuloy pa rin siya sa pag sayaw at mas lalo pa siyang ginaganahan. Kasabay nito ay ang mga usok mula sa iba’t-ibang bahagi ng bar na umiikot sa kabuuan ng lugar.Ngayon na lamang siya nakaramdam ulit ng ganitong saya. Tila sasabog ang kaniyang puso dahil lahat ng mga bumabagabag sa kaniyang isip ay pansamantalang nawala. Si Dylan, ang divorce, at ang kaniyang trabaho kasama si Lincoln.Ngayong gabi ang mahalaga lamang sa kaniya ay mag en
Pagkabalik ni Dylan sa kwarto, lumapit si Casey sa sofa at binuksan ang bag.Sa loob, may nakita siyang isang kahon ng cellphone at isang kahon ng gamot sa ilalim nito.Napakunot ang noo niya. Kinuha niya ang kahon ng gamot at binasa ang label—isang ointment na pampabawas ng pamamaga at pampabilis ng paggaling ng pasa.Napanganga siya nang bahagya. Sa party kanina, hinawi niya ang laylayan ng kanyang damit para ipakita ang paa niya kay Dylan…Siya ba ang bumili nito?Hindi niya alam kung dapat siyang matuwa o magduda. Pero hindi na niya masyadong pinag-isipan. Nilagay niya sa tabi ang ointment, kinuha ang bagong cellphone, at nagmamadaling pumunta sa kwarto. Kailangan niyang makausap si Ingrid.Sinagot agad ng kabilang linya ang tawag.Naglaro ang mga mata ni Casey. “Ingrid, nabasa ang cellphone ko, kaya ngayon lang ako nakakuha ng bago.”“Ano?!” Nag-aalalang sagot ni Ingrid. “Anong nangyari?”Napakagat-labi si Casey. “Hindi ko alam ang buong detalye. Pumunta lang ako sa labas saglit,
Nahanap ni Liam ang deleted message mula sa kanyang phone at iniabot ito kay Dylan Almendras.—— Casey: [Ingrid, may tumulak sa akin dito sa pool kanina. Ang pangunahing iniimbestigahan natin ay si Suzanne. Huwag mo palampasin kung may oras ka. Huwag kang sumagot. Tatawagan na lang kita kapag may pagkakataon.]Nabasa ni Liam Vertosa ang nilalaman ng mensahe at bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. “Miss Andrada…”Hindi niya alam kung tinatawag ba niya si Casey o si Suzanne.Si Dylan, sa kabilang banda, ay nanatiling tahimik habang bumibigat ang kanyang ekspresyon.Nakatayo lamang sa gilid si Liam, mabilis na pinoproseso ang sitwasyon. Alam ni Dylan na may kakayahan ang kanyang phone na mag-recover ng mga naburang mensahe, kung hindi, hindi niya ito ipapasilip.Malinis na nabura ni Casey ang mensahe, pero naibalik ito ni Dylan.Ibig sabihin…Ano nga ba talaga ang nangyayari sa pagitan nina Casey at Suzanne?May kinalaman ba talaga si Suzanne sa nangyari?Lalong naguluhan si Liam, p
Basa na ang buong katawan ni Casey mula sa malamig na tubig, pero hindi pa rin siya makapag-react.Sino ang nagtulak sa kanya?Si Nicole ba?Narinig na niya ang tungkol sa babaeng iyon. Alam niyang mayabang ito at may mataas na pride, kaya hindi ito gagamit ng ganitong klase ng panloloko.Live-streamed ang party ngayon… posible kayang may kinalaman sina Suzanne at ang grupo nito?Hindi alam ng mga iyon na marunong siyang lumangoy.Mabilis na kumurap si Casey. Dapat ba niyang magpanggap na hindi marunong lumangoy at hintayin na lang ang sagipin siya?Sinimulan niyang ikaway ang kanyang mga braso sa tubig, ginagaya ang kilos ng isang taong hindi marunong lumangoy.Maya-maya, isang boses ang biglang sumigaw.“May nahulog sa tubig!!! Tulungan niyo!”Hindi niya alam kung alalay ba sa party ang sumigaw o isa sa mga bisita.Pero nang marinig iyon, nagkagulo ang lahat.Ang iba ay mabilis na sumugod papunta sa labas.At si Dylan… narinig din iyon.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang bumi
Huli na para tumakas siya ngayon. Bukod pa roon, dalawang oras na niyang hinawakan ang braso nito. Lahat ng dapat makita ng mga tao ay nakita na nila. Ano pa ang silbi ng pagtatago?——Daisy: [Sikat ka na naman at trending sa hot search. Sigurado akong galit na galit na sa’yo ang ibang artista. Hindi ko alam kung ilang director na ang gustong kunin ka para sa pelikula o variety show.]Nanatiling tahimik si Casey, bahagyang pinipisil ang kanyang labi.Pero si Daisy, hindi na mapakali.——Daisy: [Cas, pwede mo bang ipaliwanag kung bakit ka na naman nadamay sa kanya?]Napabuntong-hininga si Casey.——Casey: [Dahil sa isang kasunduan, napilitan ako. Isa pa, matagal nang mahina ang katawan ni Lola Isabel. Ang gusto lang niya ay makita kaming magkasundo ulit. Umaarte lang siya, pero hindi ko inasahan na lalakihan niya ng ganito.]——Daisy: [Ano’ng gagawin natin? Hindi mo ba ito kayang linawin?]Ngayon, punong-puno ng masasamang komento laban kay Casey ang blue app. Hindi na naglakas-loob si Dai
Tumingin si Lola Isabel sa anak niya at bahagyang kumunot ang noo. “Pwede bang hinaan mo yang pag bubuntong hininga mo, Francis?”Napabuntong-hininga siya ulit nang may bahagyang pagkaawa. “Mom, nakikita mo naman ang sitwasyon. Minsan, hindi natin pwedeng pilitin ang isang bagay.”Ayaw naman kasi niyang lokohin ang ina niya.“May kanya-kanyang kapalaran ang mga anak at apo natin. Hindi mo rin mapipilit ang mga bagay na hindi talaga nakatakda. Sa ugali ni Dylan, sino ba ang makakapigil sa kanya?”Napailing si Lola Isabel at sumimangot. “Kapag nalaman niya kung gaano kabuti si Casey, siguradong pagsisisihan niya ang lahat! Pero baka hindi niya na mabawi pa!”Napabuntong-hininga si Francis at nanahimik na lang.Muling nagsalita si Lola Isabel sa mas mahinahong tono. “Hindi mo kailangang mag-alala sa kalusugan ko. Hindi mo na rin kailangang bumalik ng ganito kalayo para lang bisitahin ako. Natanggal na ang bumabagabag sa isip ko. Huwag kang mag-alala, iniinom ko ang gamot ko nang tama sa
“Pasensya na, pero nagulat ako nang malaman kong nag hiwalay kayo ni Dylan nang dahil sa pinsan mo.”Bahagyang ngumiti si Casey.Gaano ba kahalaga si Suzanne kay Dylan? Marahil, hindi ito alam ng karamihan.Pero hindi na mahalaga sa kanya kung ano pa ang sabihin ni Nicole. Wala na siyang pakialam kay Dylan, at kahit pa may masakit sa sinabi ng babae, hindi na iyon tumatagos sa kanya.Ngumiti lang siya at hindi sumagot.Napansin ni Nicole ang reaksyon ni Casey, at saglit siyang natigilan. Hindi ito ang reaksyon na inaasahan niya mula sa dating asawa ni Dylan.Maya-maya, ngumiti siya at sinabing, “Sana hindi kita maging kalaban.”Napaka-kaswal ng sagot ni Casey. “Huwag kang mag-alala, nauntog na ako nang maraming beses. Hindi ko na ipapahiya ang sarili ko ulit. Kung matalino ka, sigurado akong nahulaan mo na kung bakit niya ako dinala rito—sa harap ng maraming tao.”Si Nicole ay may pangalan, impluwensya, at koneksyon. Alam niya kung ano ang mahalaga kay Dylan, pati na rin ang sitwasyon
Bago pa makaalis si Casey, narinig na naman niya ang malamig at mapanuyang boses ni Dylan.“Hindi pa natin napag-uusapan ang mga kondisyon ng kasunduan. Ano’ng karapatan mong magpahinga?”Napakuyom siya ng kamao, pigil ang inis na unti-unting sumisirit sa loob niya. “Nakikipag-usap ka kung kani-kanino, pero ano ba talaga ang pinag-uusapan ninyo?!”Bahagyang nagdilim ang mukha ni Dylan. “Casey, sino’ng nagbigay sa’yo ng karapatang magsalita nang ganyan sa harap ko?”Ano raw?!Napabuntong-hininga siya. Ngayon niya lang naranasan ang ganitong klaseng pagkadismaya sa usapan—walang direksyon, walang punto.Ang gusto lang naman niya, tapusin na ang usapan, maisara ang kasunduan, at umalis agad. Pero anong nangyari?Pinagalitan siya dahil sa paraan ng pagsasalita niya?!Anong klaseng pagiisip meron ang lalaking ito?!Pilit niyang kinalma ang sarili, pumikit saglit, at bumulong sa isip niya: Huwag kang magpapadala, Casey. Huwag mo siyang hayaang buwisitin ka.Pero parang lalo pang ginagatunga
Bago pa man makagalaw si Casey, biglang hinawakan ni Dylan ang kanyang braso.Mabilis ang kilos nito—hindi siya nagkaroon ng pagkakataong umiwas. Sa isang iglap, ang kanyang braso ay nasa bisig na ng lalaki, parang siya mismo ang nagkusang kumapit.Sa mata ng mga tao, walang nagbago.Para bang ang dati nilang pagsasama ay hindi nawasak. Sa isang tingin, para pa rin silang perpektong magkapareha.Dumukot si Casey, pilit hinuhugot ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Dylan, pero mahigpit ang kapit ng lalaki. Hindi niya ito matanggal.Nilingon niya ito nang may bahagyang ngiti sa labi, pero sa kanyang malamyos na tinig ay may matalim na babala.“Dylan, anong binabalak mo?”Bahagyang tumaas ang labi ng lalaki, waring nang-aasar.Ngunit may kakaiba sa tingin nito—parang may nais iparating.Sa halip na sumagot ng matino, may panunuya sa boses nito nang sabihin, “Dumalo sa party.”Napakagat-labi si Casey.Gago talaga ang lalaking ‘to!Huminga siya nang malalim. Hindi niya kayang gumawa ng
Pagtingin pa lang ni Dylan kay Casey, malamig na agad ang kanyang ekspresyon. “Hindi mo na kailangang pumunta.”Ramdam ni Casey ang matinding banta sa tono nito, ngunit sa halip na matakot, napangisi siya nang may pang-uuyam. “Kung tutuusin, trabaho ko lang ang makipagnegosasyon para sa proyekto. Ang pagpapatupad ng mismong plano ay wala nang kinalaman sa akin. Kung gusto mong tapusin ang kontrata, gawin mo. Kung hindi matuloy ang proyekto, kasalanan iyon ng Andrada at Almendras group, hindi ako ang may pagkukulang.”Lalong dumilim ang ekspresyon ni Dylan.Pero wala nang balak pang pansinin ni Casey ang galit nito. Pinaharurot na niya ang sasakyan at malamig na nagtanong, “Saan kita dapat ihatid?”Plano niyang bumalik sa hotel at maghintay. Kapag nakontak na ni Dylan ang designer, saka na lang siya magdedesisyon kung ano ang susunod niyang gagawin.Ngunit…Hindi niya inaasahan na hindi pa rin siya pakakawalan ni Dylan. Sa halip, parang gusto pa nitong alamin ang mas marami pang bagay